You are on page 1of 41

PANGKAT 1

Jeppssy Marie Maala


Leigh Anne Punzalan
KAHULUGAN NG PANITKAN
 Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin
atdiwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula.
 Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “ pang-
titik-an " na kung saan ang unlaping "pang " ay ginamitat
hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugangliteratura (literature), na ang literatura
ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugangtitik .
SINING AT
PANUNURING
PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay
isang malalim na paghimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan
ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa mga malikhaing manunulat
at katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na
kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo
nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan
o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay
may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.
MGA DULOG SA
PANUNURING
PAMPANITIKAN
MGA BAHAGI NG
PANUNURING
PAMPANITIKAN
• Pamagat  – binubuo ito ng pangalan ng
akda at may-akda ng iyong sinusuri at
paksa na iyong ilalahad sa paghihimay
• Panimula – impormasyon na may
kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-
siyang pambungad na talata na
kinabibilangan ng angkop na pahayag ng
tesis
Paglalahad ng Tesis – kadalasang
nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa
iyong mambabasa kung ano ang aasahan
sa kaniyang mababasa: ito ay
nagpapahayag ng layunin ng iyong
sanaysay – ang puntong iyong gusto
iparating
• Katawan – naglalaman ng paliwanag ng
iyong mga ideya at katibayan mula sa
teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad
na tesis
• Konklusyon – ang buod ang mga
pangunahing punto na iyong ginawa, na
may-katuturang komento tungkol sa
teksto na iyong pinag-aaralan
Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga
buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga
karanasan, kultura, at tradisyon ng mga
sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari
nating pag-aralan ang mga pangyayari sa
ating kasaysayan at magamit ang mga aral
sa kasalukuyang buhay natin.
Bukod rito, kung pag-aaralan natin
ang mga panitikan, mas magiging
pamilyar tayo sa hindi lamang sa
mga pagkakamali ng ating mga
ninuno, kundi pati na rin sa mga
tagumpay nila.
Dahil sa panitikan, ang mga tao ay
nabibigyan ng tulay sa nakaraan na
maaari ring isalamin sa
kasalukuyang panahon. Kaya, mas
maiintindihan natin ang ating
kultura at tradisyon at mas
mabibigyan ito nang halaga.
Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa
mga instrumento ng rebulosyon ang
panitikan. Makikita ito sa panahon ng ating
mga bayani noong sinakop tayo ng mga
Kastila. Dahil sa mga sulat ni Rizal at iba
pang mga bayani, nabigyang inspirasyon
ang mga Pinoy na lumaban para sa
kanilang mga karapatan at kalayaan.
Higit sa lahat, ang panitikan ay
mahalaga sa ating buhay dahil ito ay
sumasalamin sa ating mga emosyon na
kadalasan hindi nating maaaring
ipalabas. Kaya naman, bilang
miyembro ng lipunan, tayo ay napag-
iisa ng panitikan.

You might also like