You are on page 1of 21

PANUKALANG

PROYEKTO
Ibigay ang mga suhestiyon mo sa
mga sumusunod na sitwasyon upang
ito mabigyang solusyon at kanino mo
ito sasabihin o ipapanukala upang
maisakatuparan?
Kahulugan at Kalikasan
Ang panukalang proyekto ay tinatawag sa Ingles
na project proposal. Isinusulat ito ng mga taong
naninilbihan sa pampubliko o pribadong
kompanya.
Ang layunin nito ay maghain ng panukalang
gawain na may layong makapagbigay ng dagdag
kita, mga aktibidades upang mapaunlad ang
pamayanan, trabaho at iba pa.
Nakasalalay sa konteksto ng institusyong
paghahainan ng panukala ang magiging
espisipikong anyo ng isang panukalang proyekto
(Garcia, 2016).
Nangangahulugan lamang na nakabatay ang
magiging istruktura ng isang panukalang proyekto sa
kung anong kompanya o taong nais pagbigyan nito.
Ang pagsusulat nito ay dapat na malinaw, payak
ngunit detalyado, hindi maligoy at higit sa lahat ay
totoo. Marapat lamang na totoo dahil lagi itong
nauugnay sa gastusin, lakas-paggawa, at iba pang
mahahalagang bagay na dapat ikonsidera.
Kailangang ilahad nang simple, diretsahan at
malinaw upang hindi mailto ang pagbibigyan ng
panukala. Maging tapat din sa layunin ng panukala
upang mailaan ang tiwalang ninanais.
Kapakinabangang Dulot ng
Panukalang Proyekto
Makapagbibigay ng benepisyo sa parehong
panig.
Magkakaroon ng pagpapahalaga sa ikauunlad ng
bawat isa.
Napapaunlad ang kakayahang mag-isip at
maghanda ng mga gawaing kapaki-pakinabang.
Nasusubukan ang mabuting pagdedesisyon para
sa mahahalagang layunin at gawain.
Nasusubukan ang nagtatangkang gumawa nito
ang kaniyang pagiging malikhain at kakayahang
humikayat.
Balangkas ng Panukalang
Proyekto
Ang pormat ng panukalang proyekto ay hindi nalalayo sa mga
karaniwang binubuong teksto. Mayroon itong panimula,
katawan, at kongklusyon. Ang panimula ay naglalahad ng mga
ilang impormasyon, layunin at suliranin ng nais ipanukalang
proyekto. Ang sumunod ay ang katawan, ipinaliliwanag ang
deskripsyon, mga kailangang gawin, budget sa proyekto.
Marapat lamang na maging kongkreto, malinaw at nakakakuha
ng loob ng mambabasa ang nilalaman. At ang huling bahagi ay
ang kongklusyon, na naglalaman ng mas mapanghikayat na
mga pahayag sapagkat nagbibigay ito ng impresyon sa nais
paghainan ng proyekto. Dapat maglahad ng mga benepisyong
matatamo ang parehong panig, ang naghain ng panukalang
proyekto at pinaghainan ng proyekto.
HALIMBAWA:
Panukalang Proyekto (Pamagat):
KULTURANG PASAYAWIT NG MGA PILIPINO
Proponent ng Proyekto : Samahan ng mga
Kabataan sa Batasan Hills
Kategorya ng Proyekto : Patimplak ng mga
sayaw at awit mula sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas
Petsa : Abril 28, 2016 hanggang Mayo 5,
2016
Rasyunal ng Proyekto
Upang maging kapakipakinabang ang bakasyon ay
nilalayon ng Samahan ng Kabataang Quezon City na
magsagawa ng isang paligsahang magbubuklod sa
kultura ng lahing Pilipino. Wala man sa paaralan ay
matutuhan nila ang mga mga makasaysayang
tradisyon at mga pang-aliw na minsang pinahalagan at
patuloy na pahahalagahan. Ang layunin ng proyektong
ito ay ang mga sumusunod: 1. Nahihikayat ang mga
kabataan na sumali sa nasabing patimpalak at bigyang
halaga ang kulturang taglay ng bansang Pilipinas; 2.
Nakapagsasagawa ng mga malilikhaing pagtatanghal
na magpapakilala sa kulay ng kultura ng bawat rehiyon
ng bansa.
Deskripsyon ng Proyekto
Ang Kulturang Pasayawit ay pagtatanghal ng
mga kulturang kinagisnan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagsasayaw at pag-awit.
Ipinakikita ng mga kabataang Pilipino ang
taglay na tradisyong mayroon ang bansang
Pilipinas na sa kasalukuyan ay hindi na
napapansin. Ang panukalang proyekto ay
isasagawa sa panahon ng bakasyon. Mula
Abril 28, 2016 hanggang Mayo 6, 2016 sa SB
Park ng Batasan Hills Quezon City.
Narito ang mga paraan at alituntunin sa pagsali at
pagtatanghal ng nasabing paligsahan.
1. Binubuo lamang ng 10-15 kabataang nasa edad
12-18 ang bawat pangkat.
2. Ang tanging itatanghal ay ang mga sayaw at
awit na may kaugnayan sa kultura o tradisyon
na mula sa bawat rehiyon o anumang panig ng
bansang Pilipinas at ipinauubaya na sa mga
kalahok ang pagpili.
3. 8-10 minuto lamang ang pagtatanghal.
Bawat minutong kalabisan na minuto ay
ibabawas sa puntos ng bawat pangkat.
4. Maaaring magdala ng props ngunit HINDI
ang mga labis na laking props gaya ng laki
ng isang taong may tangkad na 5”-10”. 5.
Ang anumang naging husga at desisyon ng
bawat hurado ay hindi na maaaring mabago
at dapat na sundin.
Narito naman ang balangkas ng isang
panukalang negosyo na ginagamit ng maliliit at
malalaking kompanya.
I. Buod ng Nilalaman (Executive Summary)
a. Pangalan ng Negosyo (Business Name)
b. Lokasyon ng Negosyo (Business address)
c. Uri ng Negosyo (Nature of Business)
d. Paraan ng pagmamay-ari (Form of Ownership)

II. Mga Proponent ng Proyekto (Profile of the Proponent)


(Ilagay kung sino-sino at ano-ano ang mga katungkulan ng
mga proponent o mga kasangkot sa proyektong
pangnegosyo)
III. Deskripsyon ng produkto (kasama ang mga pagpapahalaga
rito at benepisyong para sa mga mamimili at pagbebenta)
IV. Pangkalahatang deskripsyon ng kompanya (General Company
Description)
V. Mga Produksyong Maaaring Gawin at Gamitin (Production
Feasibility)
i. Produkto ( Production)
ii. Proseso ng produksyon (Production Process)
iii. Lokasyon (Location)
iv. Mga kagamitan (Machines and materials)
v. Mga hilaw na materyales na kinakailangan (Raw Materilas
requirement)
VI. Mga Plano sa Negosyo (Marketing Plan)
i. Target na pamilihan (Target Market)
ii. Estratehiya sa pagpapamili (Marketing Strategies)
1. Gamit ang internet (Using Internet)
2. Brochure
3. Mamimili (Customer)
4. Pagpresyo (Pricing)
5. Panukalang Lokasyon (Proposed Location)
6. Mga Kailangang Isaalang-alang sa Pagpasok sa
Pamilihan (Factors Need to consider in entering market)
VII. Pagsasagawa ng Planong Negosyo
(Operational Plan)
i. Production (Production)
ii. Lokasyon (Location)
iii. Mga Kaugnayang Legal (Legal
Environment)
iv. Inventori (Inventory)
v. Pinanggagalingan ng mga produkto
(Suppliers)
VIII. Tsart ng Organisasyon (Organizational Chart)
IX. Planong Pinansiyal (Financial Plan)
i. Paunang Gastos at Kapitalisasyon (Startup Expenses
and Capitalization)
ii. Kabuuang Gastos sa mga hilaw na materyales (Raw
Materials total expenses)
iii. Kabuuang gastos sa kagamitang panlinis ng produkto
(Cleaning Supplies Total Expenses)
iv. Gastos sa Pagpapakilala ng Produkto (Promotional
total Expenses)
v. Kabuuang Gastos (Overall Expenses)
X. Apendises
a.Logo ng Negosyo
b.Mga produkto
1. Maliban sa natutuhan mong kahulugan ng
panukalang proyekto, ano pa ang kahulugan ng
panukalang proyekto para sa iyo?
2. Anong mga kasanayan ang nililinang sa mag-
aaral na tulad mo kapag nagsusulat ng
panukalang proyekto? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang ilahad ang mga layunin ng
pinanukalang proyekto?
4. Mahirap ba o madali lamang gumawa ng
panukalang proyekto? Ipaliwanag.
Pangkat 1: Panukalang proyekto para matulungan
ang mga batang hindi nakakapag-aral sa inyong
barangay
Pangkat 2: Maaaring pagkakitaan ng isang mag-
aaral na gaya mo sa panahon ng bakasyon.
Pangkat 3:Aktibidad para sa mga kabataan
Pangkat 4: Proyektong pampamayanan para sa
kalinisan
Pangkat 5: Patimpalak na may kaugnayan sa E-
sports..

You might also like