You are on page 1of 24

Pictorial Essay

Ano ba ang pictorial essay?


 
•  Ang pictorial essay ay isang sulatin kung
saan higit na nakararami ang larawan kaysa
sa salita o panulat. May mga pagkakataong
nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay
lalo na’t karamihan ng lakbay sanaysay ay
may kasamang larawan.
Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang
Indian, “A photograph shouldn’t be just a
picture, it should be a philosophy”
• May katotohanan nga naman, ang litrato ay
isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit,
ito ay may katumbas na sanlibong salita na
maaaring magpahayag ng mga natatagong
kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang
mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil
higit nila itong nabibigyang-buhay.
1. Ang larawan ay mahalagang kagamitan
para sa isang guro dahil ito ay madalas
niyang gamiting pantulong na kagamitan sa
pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto ng
mag-aaral. Kaya naman, hindi
nakapagtatakang ang mga larawan ay
gamitin din bilang mga instrumento sa mga
gawaing pagsulat tulad ng photo essay o
larawang-sanaysay.
2. Larawang-sanaysay na tinatawag sa
Ingles na pictorial essay o kaya ay photo
essay na para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maglahad ng isang
konsepto
3. Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng
iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng
mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa
pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o caption.
Malaki ang naitutulong ng larawang may
teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito
sa mga ideya kaisipang ipinakikita ng
larawan.
4. Ang mahalagang katangian ng larawang-
sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong
magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain.
5. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan
ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga
pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng larawan. Kung pangkalahatang
kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari
nang gamitin ang isang larawang may
natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang
kuhang larawan ay naroon na ang lahat- lahat
ng mga ideya.
6. Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa
husay at pagiging maiikhain ng isang tao
ang paggamit ng mga larawan sa paggawa
ng sanaysay dahil nakabatay rito kung
paano pag-uugnay-ugnayin ang mga
larawan ayon sa kanyang mga naiisip na
ideya. Ang mahalaga,kailangang malinaw
ang mensahe ng gagawing larawang-
sanaysay.
Sa pagsulat ng pictorial essay dapat
lamang tandaan ang sumusunod:

1. Ang paglalagay ng larawan ay dapat na


isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito
ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o
kaisipang nais ipahayag.
2. Ang mga nakatalang sulat o katitkan sa
bawat larawan at suporta lamang sa mga
larawam kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli. Kailangang
makatutulong sa pag-unawa at makapukaw
sa interes ng magbabasa o titingin ang mga
katitikang isusulat dito.
3. May isang paksang nais bigyang-diin
sa mga larawan kaya’t hindi maaring
maglagay ng mga larawang may ibang
kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kailangang maipakita sa kabuoan
ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
pictorial essay.
4. Isipin ang mga manonood o titingin ng
iyong photo essay kun ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa upang
maibatay sa kanilang kaisipan at interes
ang mga larawang ilalagay gayundin ang
mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga
caption.
 
Narito ang mga dapat mong isaalang-
alang sa pagsulat ng larawang-
sanaysay:

1.Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

2.Magsagawa ng pananaliksik sa iyong


paksang gagawin.

3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong


mambabasa.
4.Tandaan na ang isang istoryang nakatuon
sa mga pagpapahalaga o
emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5.Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-
sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at
ibatay rito ang mga larawan.
6. Tandaan na higit na dapat mangibabaw
ang larawan kaysa sa mga salita.

7. Palaging tandaan na ang larawang-


sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at
isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan
ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-
iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay
at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng
damdamin na isinasaad nito.
Narito ang isang halimbawa ng pictorial
essay:
1. Napakasarap sa pakiramdam ang
makatulong ka sa nangangailangan o maging
isang tulay para makatulong sa mga ito.
 
2.Sila ay mga badjao na naninirahan sa De Mesa
isang lugar sa Dalahican. Ang mga badjao na ito ay
nabigyan ng pagkakataon na mag-aral at maturuan
kung paano maging malinis sa pangangatawan pati
na rin sa kapaligiran.
3. Sa tulong ng organisasyon na Payatas Orione
Foundation Inc. o PAOFI at Team Energy
Foundation ay tuwing pasukan tulad ng ibang
kabataan na tagalog ang mga badjao ay meron ding
bagong mga gamit pang-eskuwela at uniform
kasama na ang sapatos.
4. Araw-araw tuwing umaga o tanghalian ay
hinahatidan ng pagkain ang mga badjao na ito ng
isa sa mga volunteer ng tinatawag na
organisasyon. Ang mga batang badjao na ito ay
nasa ilalim ng feeding para tumaas ang timbang at
hindi maging malnourished.
5. Pag minsan naman sa loob ng isa o dalwang
buwan ay nagkakaroon ng medical at dental mission
sa pangunguna ng PAOFI para mabigyan ng gamot o
macheck-up ang mga badjao na may karamdaman.

You might also like