You are on page 1of 12

Pagsulat ng

lakbay-
sanaysay
Ang paglalakbay ay laging
kinapapalooban ng mga mayayamang
karanasan, ito ay kadalasang
pumupuno ng masasayang pangyayari,
pagkamangha o paghanga sa
kagandahan ng luygar na napuntahan
maging ang mga alaalang magiging
bahagi na ng buhay ng isang tao.
Ang Lakbay-Sanaysay ay
tinatawag ding travel essay o
travelogue. Layunin nito na
maitala ang ang mga naging
karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag
niyang sanaylakbay kung saan ang
termidolohiyang ito, ayon sa kanya ay nabuo ito
ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay.
Sa kanyang panayam sa naganap na UP
Writers Workshop noong ika- 10 ng Abril 2014
ay kanyang winika sa kanyang mga tagapakinig
na sisikapin niyang isulat ang mga nangyayari
sa kany6ang nararanasan at kanyang mga
paglalakbay sa pamamagitan ng paglalahad
gamit ang sanaysay.
Mga dahilan sa
pagsulat ng
lakbay-sanaysay
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa
kanilang aklat na masikling sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan
ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.

Una, upang itaguyod ang isang lugar at


kumita sa pagsulat.
Pangalawa, layunin din nitong makalikha
ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
Pangatlo, sa lakbay-sanaysay, maaari
ding itala ang pansariling kasaysayan
sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom o kaya’y pagtuklas sa
sarili.
Pang Apat, upang maidokumento ang
kasaysayan, kultura at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
Mga dapat tandaan
sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip
na isang turista.
Upang makagawa ng isang masining at
makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng
taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang
lugar, hindi bilang turista kuni ay isang
manlalakbay.

2. Sumulat sa unang panauhan punto de-bista.


Ginagamit sa pagdulat ng lakbay-sanaysay angt
unang panauhang punto de-bista. Ang karamihan
sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita,
narinig, nauunawaan, at nararanasan ng manunulat.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-
sanaysay.
Mahalaga ring matukoy kung ano ang nagiging
pokus ng sulating lakbay-sanaysany batay sa hukman
interest.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha


ng mga larawan para sa dkumentasyon habang
naglalakbay.
Ang wastong detalyeng may kinalaman sa
mahahalagang lugar na nakita, nabisita o napuntahan
ang magbibigay kredibilidad sa sanaysay.
5. Ilahad ang realisasyon o mga natutunan sa
ginawang paglalakbay.
Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga
nakita sa paglalakbay, mahalaga ring masama sa
nilalaman ng sanysay ang mga bagay na natutunnan
habang isinasagawa ang paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.


Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na
kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang
susulating sanaysay ay malinaw, oragnisado, lohikal at
malaman..
Mga halimbawa ng isang mahusay na lakbay-
sanaysay na ginawa ni Gng. Teresita
Buensuceso at G. Ariel Marasigan.

•Uri ng kaisipan ng sumulat


•Panauhang ginamkit sa pagsulat
•Pokus ng lakbay-sanaysay
•Mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang
paglalakbay .
•Teknikal na pagkakasulat ng sanysay
(kaisahan, kalinawan, kwastuhan, kaangkupan)

You might also like