You are on page 1of 7

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

1
Pagbasa at Pagsusuri

PANGALAN: Joeccn Lei Pious C. Cucharo GRADO at SEKSYON: ___11- Mt. Pulag__________
MELC: a.Nasusuri ang paksang tinalakay sa tekstong binasa. (F11PB-IIIa-98)
b.Natutukoy ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo.
(F11PT-IIIa-88)
c. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigidig. (F11PB- IIId- 99)
d. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong impormatibo. (F11PU-IIIb-89)

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri Modyul 1

Panimula

Gawain 1: Simulan Natin

Gusto mong bumili ng aklat kaya’t nagpasama ka sa


iyong kaibigan sa pagpunta sa bookstore. Sapat lang ang
pera mo para sa aklat o isang babasahin. Alin sasumusunod ang bibilhin mo?
Lagyan ng tsek ang kahong katapat nito.

aklat na di piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay

aklat tungkol sa mga hayop, halaman at iba pang nabubuhay sa mundo

aklat tungkol sa mga natatangi at kagilas-gilas na mga tunay na pangyayari

aklat tungkol sa paborito mong isports

aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

bagong nobela

isang magasin

talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao

Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?


 Ito ang pipiliin ko dahil gusto ko matuto sa mga iba’t ibang diskarteng pwede kong magamit kapag ako ay
naglalaro.

Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o babasahin?
 Kapag ako ay nagbabasa ng ganyang uri ng aklat ay mas nabibigyan ako ng pagganyak na kailangan ko pang
pagbutihan ang aking paglalaro.

Pagsasanay

Gawain 2: Lusong- Kaalaman


Alalahanin ang isang pinakabagong balitang napakinggan, napanood, o nabasa. Isulat ang buod ng
balita at ilagay ang mahahalagang impormasyong naaalala sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa
talahanayan.

Paksa ng Balita: _Ang mga barko ng Tsina na nasa Julian Felipe Reef______________________________

Tanong Sagot
1. Anong nangyari? Pagpasok ng mahigit 200 barko ng China sa Julian Felipe
Reef.
2. Sino ang mga kasangkot? Mga barko ng China at tao nito.
3. Saan nangyari? Sa Julian Felipe Reef na matatagpuan sa West Philippine
Sea.
4. Kailan nangyari? Nangyari ito noong March 7, 2021
5. Paano nangyari? Nangyari ito sa kadahilanan ng hindi magandang
panahon kaya sila ay naka angkorahe sabi ng foreign
minestry ng China

Dagdag Kaalaman:

TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG KAALAMAN


Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito aynaglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.Ang mga impormasyon
o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t
hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang maymalawak na kaalaman tungkol
sa paksa ng manunulat o kaya’y nagsasagawa siyang pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan obalita, sa mga magasin,
textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ngencyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.
Naglalahad ng mgabagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagongimpormasyon ang
tekstong impormatibo. Layunin ng tekstong ito na magbigay ngmahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang
mga agam-agam nabumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng isang paksa o isyung tinatalakay.ng mga
kaalaman ay nakaayos nang sekwensyal at inilahad nang buong linaw at kaisahan.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

Kung ang tekstong naratibo ay may mga elementong kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, suliranin, at
mahahalagang pangyayaring tulad ng simula,kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang tekstong impormatibo ay
mayroon din mga elemento.
 Layunin ng may-akda – Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-ari sa pagsulat niya ng isang tesktong
impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa paksa; maunawaan ang
mgapangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa atingmundo; magsaliksik; at
mailhad ang mga yugto sa buhay. Gayunpaman,anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng
pagbibigay opaglalahad ng impormasyon.
 Pangunahing Ideya – Inilalahad ang dagliang pangunahing ideya samambabasa. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organizational markers na
nkatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya angbababsahin.
 Pantulong na Kaisipan – Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop, mga pantulong na kaisipan o mga
detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin –
Makatutulong sa mga mag-aaral na amgkaroon ng masmalawak nap ag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamitng mga istilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi
tulad ng sumusunod:
1. Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon – makakatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga
mambabasa sa mga tekstong impormatibo.malawak na kaalaman tungkol sa paksa ng manunulat o kaya’y
nagsasagawa siya ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
2. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang
mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
3. Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng teskstong impormatibo ang
mga aklat, kagamitan, at iba pang sanggunian ginamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang
naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

Uri ng Tekstong Impormatibo


Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan – Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Mababasa dito an gang pinakamahalagang
impormasyon tulad ng sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilahad.
Pag-uulat pang-impormasyon – Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid. Ito’y nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at delalyeng taglay
nito ay naglalahad ng katotohanan at hidi dapat samahan ng personal na pananaw o opinion ng manunulat.
Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit nagana
pang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram,o flowchart na
maykasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto.

Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

Cyberbullying

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri
ng pambu-bully ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa
kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang
pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o
pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba
pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito.Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng
depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut, pagliban o
pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan,
pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo
kung saan may pinakamaraming naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying
noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay
isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na
istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay

8
1. Ano ang tekstong impormatibo?
 Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay nagbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.

2. Ano-anu ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?


 Makatotohanan ang mga datos. May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat. Ang kaalaman ay
nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may kaisahan. Karaniwang makikita sa mga
pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa mga pangkalahatang sanggunian

3. Ano-anu ang mga elemento ng tekstong impormatibo?


 Ang mga element ng tekstong ipormatibo ay layunin ng may akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan
at mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin.
4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
 Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan , Pag-uulat pang-impormasyon at Pagpapaliwanag
5. Bakit kailangang ilahd ng talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?
 Dahil sa maraming rason, malaga na ilahad ang talasanggunian na ginamit sa isang tekstong impormatibo.
Kung ikaw ay nanghiram lamang ng impormasyon mula sa ibang tekstong iyong nabasa, dapat ay ilahad mo
ito bilang hiniram lamang sa orihinal na sumulat. Kung hindi mo ito gagawin, maaari kang kasuhan ng
panggagaya o plagiarism.
6 . Sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat ang mahahalagang impormasyon sa
kanyang mambabasa?
 Sa pamamgitan ng paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon, pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa
teksto, at pagsulat ng mga talasanggunian.

Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

Cyberbullying

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang
nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang
halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita
maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa
social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng
account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account
ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y
karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.Naririto ang
ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na
gamut, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng
tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying. Ayon sa ulat sa
Googe Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming naghahanap ng
impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay
isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol
sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang
nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag- aaral sa Grade 9
hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

(Halaw mula sa Pinagyamang PLUMA, p.16-17)


Gawain 4: Layag - Diwa
Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. (F11PS-IIIf-92) Ipaliwanag ang sagot sa
sumusunod na mga tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang cyberbullying?


 Isang uri ng pambu-bully ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit
ang makabagong teknolohiya

2. Paano ito naiiba sa pambu-bully nang harapan?


 Ang pagkakaiba nang pambu-bully nang harapan ay mismo sa harap mo talaga sila nangbu-bully samantala
ang cyberbullying ay ang paggamit ng social media. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng
mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media;
pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na
may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng
tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya

3.Paano nakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?


 Ito ang mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamut, pagliban o
pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa
sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

4. Anu- anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang tekstong impormatibo ?
 Ang katangian ng tekstong binasa ko ay nagbibigay nangimpormasyon tungkol sa cyberbullying
nagpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo dahil nagpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa paksa

5. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?


 Ang layunin ng tekstong impormatibo niyangmapalawak pa ang kaalaman ukol sa paksa; maunawaan ang
mgapangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa atingmundo; magsaliksik; at
mailhad ang mga yugto sa buhay. Gayunpaman,anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng
pagbibigay opaglalahad ng impormasyon.

6. Bakit mahalaga ang malawak na pang-unawa ng tekstong impormatibo?


 Mahalaga ang malawak na pang-unawa ng tekstong impormatibo para mas ma intindihan ang paksa nang
kanyang sinulat at tama ang mga impormasyon sinulat niya.

7. Mahalaga ba ang malawak na karanasan upang makabuo o makaunawa ng


isang mahusay na tekstong impormatibo? Ipaliwanag.
 Para sa akin hindi mahalaga na malawak ang iyong karanasan para makabuo nang tesktong impormatibo.
Bago o matagal Kaman kailangan talaga sundin mo ang mga katangian , uri at epekto sa paggawa nang
Tekstong impormatibo.

Gawain 5: Lambat – Likha


Naunawaan sa nakaraang aralin ang mga layunin at katangian ng isang tesktong impormatibo. May mga tiyak
na halimbawang ibinigay rin sa aralin. Pumili ng isa sa mga sumusunod na gawain na nagpapakita ng kaalaman at
kasanayan na naunawaan mula sa talakayan sa katangian at kalikasan ng tekstong impomatibo.

1. Paglikha ng Patalastas Tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan .Ang patalastas na ito ay maaaring sa pamamagitan
ng video o polyeto. Anumang porma ng patalastas ang piliin, kailangang naglalaman ito ng mga impormasyon at
kampanya tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Ang video ay kailangang tumagal lamang ng isa hanggang dalawang
minuto habang ang polyeto naman ay nakaayos depende sa haba ng impormasyon na nais ipahayag tungkol sa
partikular na paksa.

Tatayain ang patalastas sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:


Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit - 10

Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling


paksa tungkol sa kalikasan - 10
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad
ng mga bahagi - 10
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon
ng mga datos - 10
Kabuuan: - (40)
2. Pagsasagawa ng Pag-uulat / Broadcasting
Makinig/Manood ng mga programang pambalitaan sa paborito mong estasyon. Pumili ng isang paksang
tinalakay. Iuulat mo ito na paraang nagbabalita sa radyo o telebisyon. Tiyaking mailalahad ang lahat ng mga
impormasyong may
kaugnayan dito.

Tatayain ang pag-uulat sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:


Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa 10
Maayos ang sistema at malinaw ang pag-uulat 10
Malinaw at maayos ang daloy at pagkakaugnay ng kabuuang pag-uulat 10
Kabuuan: (40)

Gawain 6: Buoin Natin


Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong binasa. (F11PS-IIIb-91)

Anu-ano ang mga katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo? Gawing basehan ang mga binasa at tinalakay
sa pagpuno ng mga kahon.
Ang tekstong inpormatibo ay Isang tiyak na paksa lamang ang
naglalayong maglahad ng mga tinatalakay nito. Kung
tiyak na impormasyon, at magkakaroon ng kaugnay na
mahahalagang detalye na may paksa, dapat na makita ito sa
lohikal na paghahanay. kasunod na talata.

Sa pagbasa ng tekstong Sa pagsulat ng tekstong


inpormatibo, magkaroon inpormatibo, tandaang ihanay
Ang Tekstong
ng pokus sa mga impormasyong nang maayos ang mga salita,
Impormatibo
ipinahahayag. Isulat ito kung ay….. piliing
kinakailangan. mabuti ang mga tiyak at
mahahalagang salita lamang.
Layunin ng tekstong ito na
magbigay ngmahalagang
Ang mga kaalaman ay
impormasyon upang alisin o nakaayos nang sekwensyal
linawin ang mga agam-agam at inilahad nang buong linaw
nabumabalot sa isipan ng at kaisahan.
mambabasa kaugnay ng
isang paksa o isyung
tinatalakay.

You might also like