You are on page 1of 53

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A

photograph shouldn’t be just a picture, it should be a


philosophy:
Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial
essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang
konsepto.
Ang Larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng
sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may
maiikling teksto o caption. Malaki ang naitutulong ng
larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa
mga ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.

Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang


may kronolohikal na ayos.

Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay


maaari nang gamitin ang isang larawang may natatanging
dating.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG
LARAWANG-SANAYSAY
 Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
 Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang-
sanaysay.
 Hanapin ang ‘tunay na kuwento’. Matapos ang
pananaliksik, maaari mo ng matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin ng iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng
kuwento ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at
natatanging kuwento.
 Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng
mambabasa. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang
iyong piktoryal na sanaysay
 Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga
larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan
kaysa sa mga salita.
 Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at
ibatay rito ang mga larawan.
 Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay
nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at
isang panig ng isyu.
 Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, atp ag-iilaw, kung minsan, mas
matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad
nito.
Mga Bahagi ng Sanaysay

1. Panimula/Introduksiyon

2. Katawan

3. Kongklusyon
Sitwasyon: Ikaw ay isang professional na photographer at
inimbitahan ka ng inyong Local Tourism Officer para sa isang
exibit na nagpapakita ng iba’t ibang mukha at kwento ng
pandemya. Mula rito, bumuo ka ng isang larawang sanaysay
Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.
Rubrik para sa Mahusay na Larawang Sanaysay

You might also like