You are on page 1of 18

TALUMPATI

Ito ay isang anyo na paglalahad na


binibigkas sa harap ng publiko.
Layunin nito na manghikayat at
pumanig sa kanya ang manonood at
tagapakinig.
 ay maituturing na isang uri ng sining
 dito makikita ang katatasan at
kahusayan ng tagapagsalita sa
paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatwiran sa paksang
tinatalakay.
 kakaiba ito sa ginagawa nating
pagsasalita sa araw – araw at sa iba
pang anyo ng panitikan.
 pinaghahandaan bago bigkasin sa
madla
 May iba’t ibang uri ng talumpati
kaya nagkakaiba rin ang paraan ng
paghahanda.
MGA URI NG
TALUMPATI
IBA’T IBANG URI NG TALUMPATI

1. Impromptu

ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na


maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang
talumpati.
Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.

2. Isinaulong talumpati

sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng


kanyang talumpati
may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati
kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin
ang talumpati.
3. Extempore

ayon kay James M. Copeland (1964)


Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay
limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong
paligsahan.
Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa
pagtatalumpati.
ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula,
katawan at ang konklusyon ay sapat sa itinakdang oras.
Ang ikatlong konsiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa. Ibig ng
lupon ng inampalan na makarinig sa mga tungkol sa
magkakaparehong paksa.
Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at
maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa.
4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya

makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng


papel na babasahin sa kumperensya.
Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.
MGA URI NG
TALUMPATI
AYON SA
LAYUNIN
Talumpating Pampalibang
 Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan
ng anekdota o maikling kwento.
 Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-
salo.

Talumpating Nagpapakilala
 Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at
karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
 Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin
ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran

 Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga


pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
 Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong
para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang
tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang

 Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong


sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagpaparangal

 Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay


ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito.
 Sa mga okasyon ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

HAL.
o Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at
paligsahan
o Pamamaalam sa isang yumao
o Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

Talumpating Pampasigla
 Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung
saan kalimitang binibigkas ito ng:
o Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
o Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Talumpating Nanghihikayat

 Layunin ay hikayatin ang tagapakinig na magsagawa


ng isang partikular na kilos
 Hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng
tagapagsalita
URI NG TAUHAN
AYON SA PAPEL
NA GINAMPANAN
PANGUNAHING TAUHAN
Siya ang
pinakamahalagang
tauhan sa akda .
Sa pangunahing
tauhan umiikot ang
kuwento , mula sa
simula hanggang sa
wakas
KATUNGGALING TAUHAN

Siya ang sumasalungat o


kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang
papel na kanyang
ginagampanan sapagkat
sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang mga
pangyayari sa akda
PANTULONG NA TAUHAN

Ang pantulong na
tauhan gaya ng
ipinahihiwatig na
katawagan ay
karaniwang kasama ng
pangunahing tauhan.
Ang pangunahing
tungkulin nito sa akda ay
ang maging
kapalagayang loob o
sumuporta sa tauhan
ANG MAY- AKDA

Sinasabing ang
pangunahing tauhan at
ang awtor ay lagi nang
magkasama sa loob ng
katha. Bagama’t ang
naririnig lamang ay
kilos at tinig ng tauhan ,
sa likod ay laging
nakasubaybay ang
kamalayan ng
makapangyarihang
awtor.
URI NG TAUHAN
AYON SA
KATAUHAN SA
KUWENTO
TAUHANG LAPAD
TAUHANG BILOG Katangian ko’y
Katangian ko ay nananatili ,
nagbabago, bihira lamang ang
Sa simula hanggang ganito uri
dulo

You might also like