ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag- pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. • Green Highlight: Rasyunal • Sky blue Highlight: Metodolohiyang ginamit • Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon • Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik • Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. • Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. • Nilalaman nito: Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag- aaral Metodolohiyang ginamit Saklaw at Delimitasyon Resulta at Konklusyon MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak Dapat ito ay naka dobleng espasyo Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatan. • Pangkat I- Dumaraming bilang ng estudyanteng gumagawa ng cutting classes dahil sa paglalaro ng dota • Pangkat II- Pagiging mababa ng marka sa Matematika • Pangkat III- Hirap sa pagbasa o pagsulat sa wikang Filipino o Ingles • Pangkat IV- Labis na pagkahumaling ng kabataan sa social networking sites • Pangkat V – Epekto ng pagdami ng turista sa bayan ng Taal • Pangkat VI-Epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan