You are on page 1of 13

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga

akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng isang tesis makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina
ng pamagat.

 Nilalayon nitong maipakitang maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang


mambabasa na ituloy ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o
pagbili ng buong kopya nito.
Kahulugan ng Abstrak
Ang abstrak ay mula sa Latin na abstracum/abstrahere ,(draw away) ito
ay maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introdukyon.
Ipinaaalam nito sa mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila
sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
Kalikasan at Bahagi ng abstrak

Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay parin ito


ng sapat na deskripsyon o Impormasyon tungkol sa laman ng papel.
Tatlong uri ng abstrak
Impormatibong Abstrak

 Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.

 Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya,resulta,at


konklusyon ng papel.

 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata


lamang.

 Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at sa ulat ng


mga pag-aaral sa sikolohiya.
Deskriptibong abstrak


Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing edeya ng
mga papel.

 Nakapaloob ang kaligiran, layunin,at tuon ng papel o artikulo.

 Kung ito ay papel pananaliksik , hindi na isinasama ang pamamaraang


ginamit , kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon

 Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at


agham panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya.
Kritikal na abstrak

 Pinakamabahabang uri ng abstrak sapagakat halos kagaya na rin ito


ng rebyu.
Impormatibong Abstrak

Perspektibo ng Pakikiuso sa Materyal na Bagay at Pag-uugali ng Ilang kabataan sa Baguio City

Ang pag-aaral na ito ay pinag-aaralan ang perspektibo at pag-uugali ng mga kabataan sa


materyal na bagay. Ilang kabataang edad na 16-19 ang naging kalahok sa pagsasagawa ng impormal
pakikinayam at pagtatanong-tanong, Maraming kabataan ang gustong maki-uso sa mga pagbabago at
teknolohiya. Ayon sa nakalap na kasagutan mula sa mga kabataan, ang pakikiuso sa mga materyal na
bagay ay ang pagsabay lamang natin sa pagbago ng panahon. Mayroon namang negatibo at positibong
resulta, una ay sa pakikiuso. Ang positibong epekto nito ay nabibilang ka sa isang groupo. Ang
negatibong epekto naman nito ay magastos at nakaliligtaan na minsan ang kulturang kinalakihan.
Naging positibo naman din ito sapagkat malaking tulong ang nadudulot ng ibat-ibang materyales lalo
na sa aspeto ng pakiki-uso patungkol sa teknolohiya. Mabilis mapadali ang mga gawain dahil sa mga
makabagong teknolohiya. Ang negatibo naman ay hindi na nagagawa ng mga kabataan ang nakagawian
na ginagawa ng mga katutubo o mga gawain ng kanilang magulang. Nawawala rin ang mga kabataan ng
respeto dahil sa kagustuhan nila na makiuso o "pakiki-in" sa mga materyales na bagay na mayroon din
ang ibang tao. Hindi naman daw magiging negatibo ang pagkagusto mo sa isang bagay basta ay alam
mo ang iyong limitasyon pagdating sa pamimili. Nasabi rin na walang masamang bagay basta ay hindi
sobra.

- Macaraeg, Grace Anne & Bullecer, Ma. Fatima


- published by ; Precious Ann Santillan
OP bilang 2: Deskriptibong Abstrak

Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang Pagsusuri

Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon tungkol sa polusyon ng ingay bilang
isang uri ng polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao o hayop. Ito ay maaaring magmula
sa mga bahagi ng lipunan na may kapasidad na gumawa ng malakas na ingay tulad ng tao,
hayop, industriya at transportasyon. Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang polusyon ng
ingay ay kadalasang binabalewala bagamat may mga masamang epekto itong idinudulot kung
saan lingid ito sa kaalaman ng nakararami. Layunin nito na mailahad ang masasamang epekto ng
polusyon ng ingay sa mga tao at hayop. Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang
sakit sa puso, pagkabingi, problema sa pagtulog, kawalan ng konsentrasyon at ang kalusugan ng
bata sa sinapupunan. Kabilang naman sa masasamang epekto nito sa hayop ang pagkasria ng
pandinig ng mga ito, masking, non-auditory physiological effect, at ang behavioral effect.Inilahad
din sa pananaliksik na ito ang mga hakbang na dapat gawin upang mabigyang-solusyon ang
polusyon ng ingay. Sa kasalukuyan, kakaunti palamang ang maaaring solusyon upang
mabawasan ang polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng insulator, pag-iwas sa
maiingay na lugar at pakikinig sa maiingay na tugtog.

Pasague, Wilnadette R.
12- ABM 1
Mga hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing muli ang buong papel. Mahalagang bahagi sa pagsulat ng


abstrak ay ang layunin, pamamaraan,sakop, resulta,
konklusyon,rekomendasyon at iba pang mga importanteng bahagi na
kinakailangan sa pagsulat ng abstrak.

2. Isulat ang unang draft ng papel . Huwag kopyahin ang mga


pangungusap. Bagkus gumamit ng sariling salita.

3. Ireserba ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa


organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap,tanggalin ang
hindi na kailangang mga impormasyon,at magdagdag ng
mahahalagang impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng salita at
iwasto ang mga grammar at mekaniks.

4. I-proofread ang pinal na kopya.


Mga katangian ng mahusay na Abstrak

 Binubuo ng 200 – 250 salita

 Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatayo sa sarili nito


bilang isang yunit ng impormasyon
 Kompleto ang mga bahagi

 Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel

 Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.


Tukuyin kung saan ang rasyunal,metodolohiya, saklaw at delimitasyon, at resulta, na nakapaloob
sa sumusunod na halimbawa ng abtrak.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na
batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na
salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo
sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September
2015
Halos lahat ng mabuting pagsulat ay nagsisimula sa pagsisikap, kailangan
mong magsimula sa isang lugar."
-Anne Lamott.

You might also like