You are on page 1of 6

John Lester F. Galleno PANANALIKSIK Mr.

Abuel
Gr.12-ABM(A) Week 3

1. Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng


aklat na kakikitaan ng talaan ng mga aklat, jornal, pahayagan,magasin, o website na
pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.

2.  Ang pormat na APA (American Psychological Association) ito ay estilong ginagamit
ng mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham
panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan. Ngunit ang pormat na MLA
(Modern Language Association) naman ay karaniwang ginagamitan ng mga akademiko
at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades. 

3. Ang pinagkaiba tuwirang Sipi at Pabuod, ang tuwirang sipi ay eksakto  o kompletong


pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaring ito ay isa o higit pa sa isang
salita,parirala, pangungusap, talata. Ngunit ang Pabuod naman ay isang orihinal na
teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. Kailangang
maisagawa ito sa mga pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng
mananaliksik. 

4. Maglahad ng halimbawa ng pagtatalang APA na:

A. Isa ang awtor


 Garcia, Lakandupil C. (2012). Paradym: Pananaliksik sa Wikang Filipino
(Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City: Jimcsy Publishing
House.

B. Dalawa ang awtor


 Irabagon, Cristina T. at Gonzales, Corazon C. (2003). Sining ng Komunikasyon.
_Valenzuela City: Mutya Publishing.

C. Tatlo o higit ang awtor


 Garcia, Lakandupil C. et.al. (2012). Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino
(Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City: Jimcsy Publishing
House.

D. Walang awtor o editor


 The Personal Promise Pocketbook, (1987). Makati: Alliance Publishers, Inc.

E. Magasin, Journal, Diyaryo at Newsletter


 Morales, N. (2014, August 13)" MPC goes into renewable energy. " The
Philippine Star, Vol.29, no.17, page B-7.

F. Tesis/ Disertasyon
 Edulzhura, Princess. (2017). Epekto ng Social Networking Sites sa mga Piling
Mag-aaral ng SHS in Progressive Di-nalathalang Tisis.Senior High School in
Progressive, Bacoor City. Bacoor City.

G.  Pelikula, Kaset, CD, VCD

Pelikula 
 Bernardo, Sigrid A. (2017). “Kita Kita” (Pelikula). Viva Films 
CD
 Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy Rock). Juan Carlos Band, MCA
Music Inc. (Universal Music Philippines) 

H. Dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno


 Sulat ang pangalan ng ahensiyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan.
Kasunod ang taon ng publikasyon at tuldok. Isunod ang pamagat ng dokumento,
ang bílang ng publikasyon (kung mayroon) sa loob ng parentesis at tuldukan.
Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok, at pablisher.

I.  Internet
 Aquino, Christine Joy (2018). Mga batayang Kasanayan sa Paghahanda para sa
Papel Mananaliksik. Mula sa https://www.academia.edu/ 33481735/
PANANALIKSIK

5. Maglahad ng halimbawa ng pagtatalang MLA na:

A. Isa ang awtor


 Medillo, Benjamin. Namamayaning-Diwa.Manila: PNU Press, 2010

B. Dalawa ang awtor


 Medillo, Usher Ben R., at Ben Steward Medillo. The Successful Entrepreneur.
2nd Ed. Quezon City,2012.

Suriin

1. Ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain. Ito ay nagagamit sa paaralan,


komunidad at sa ibat-ibang sektor ng bansa kung saan naaayon ang sinaliksik na
paksa. Kaya naman, mahalaga na may masinop sa dokumenasyon sa pananliksik dahil
sa larangan ng iskolastikang pagsusulat, ang dokumentasyon ay kadalasang naging
paksa ng etikal na isyu.
Ang kahalagahan ng masinop na dokumentasyon na kadalasang napupunterya ng mga
etikal na issue sa pagsusulat ay maiintindihan sa sumusunod na paliwanag:
 Binigbigyan ng halaga ng dokumentasyon ang kontribusyon ng nagsulat ng
paksa.
 Binibigyan ng pagkakataon ang isang magbabasa na basahin at madaling
hanapin ang iyong mga naisulat na paksa na may kaugnayan sa iba pang paksa
 Nakikita ang importansya ng iyong saliksik base sa kontribusyon at dagdag
kaalaman na naibibigay nito.
 Nagpapahiwatig ng pagiging tapat at hindi pagkopya ng gawain ng iba na walang
sapat na ibinigay na kredit sa tagapagsulat nito.
2. Oo sapagkat ayon sa etika ng pananaliksik, mahalaga ang pagbibigay pagkilala sa
pinagmulang ng ideya at batis ng impormasyon sapagkat nakakatulong ito upang
bigyan ng galang ang orihinal na awtor ng nasabing ideyang kukuhain para sa
pananaliksik.
3. Makakatulong ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon at datos sa pagbbuo ng
pananaliksik dahil bibigyan nito ng patunay na ang ideyang nagmula sa batis ng
impormasyon ay napag aralan na, kung kaya’t makakatulong ang pagkilala sa lahat ng
impormasyon na makukuha upang mapatotohanan ang mga ideya sa pagbuo ng
pananaliksik.
PAGYAMANIN
GAWAIN 1

Sikolohikal na Epekto ng Community Quarantine sa mga Piling


Mamamayan ng Lucban, Quezon

Layunin ng Pag-aaral:
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga karanasan at
pananaw ng mga piling mamamayan ng Lucban, Quezon patungkol sa pangkalahatang
community quarantine at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang aspetong
sikolohikal.

Nilalayon ng pananaliksik na ito na:


1. malaman ang epekto ng community quarantine sa aspetong sikolohikal ng mga
mamamayan ng Lucban, Quezon.
2. malaman ang pananaw ng mga residente ng Lucban, Quezon sa pagpapatupad ng
community quarantine
3. malaman ang mga gampanin ng mga residente ng Lucban, Quezon sa alinsunod sa
ipinatupad na community quarantine

PAGNINILAY:
Nabatid ko na mahalaga ang bawat datos sa isang pananaliksik upang maging
maganda ang kakalabasan nito. Sa Talaan ng Sanggunian o Bibliyographiya ito’y isang
mahalagang datos upang maging mabuti isang pananaliksik at ang nilalaman nito ay
kung sino sino ang may ari ng pananaliksik na iyon upang maiwasan natin ang
copyright sa isang pananaliksik.
John Lester F. Galleno PANANALIKSIK Mr. Abuel
Gr.12-ABM(A) Week 4

TUKLASIN
Sagutin ang mga tanong:
1. Sa naganap na pag uusap sa pagitan ng mga mag aaral at guro ay napansin ko ang
mga dahilan ng bawat mag aaral kung bakit ito lumiliban at humihinto sa pag aaral.
2. Masasabi kong katanggap tanggap ang mga paliwanag ng bawat mag aaral
sapagkat tayo ay may pagkakaiba sa bawat isa. Maari din itong maging basehan upang
malutas ang problema sa paaralan sapagkat dito sinasalamin ang pagkakaiba ng mga
dahilan sa suliraning pampaaralan.
3. Ang mga kasagutan ng mga mag aaral ay dapat gawan ng isang pag aaral o
pananaliksik sapagkat dito matutukoy ang iba pang mga dahilan sa suliraning nabanggit
at mabigyan ng solusyon at aksyon.
4. Kung ang lahat ng suliranin sa paaralan at maging sa pamayanan ay gagawan ng
konseptong papel at magtutuloy sa pananaliksik ay isang magandang hakbang upang
mabigyan ng solusyon ang mga suliranin at sa pamamagitan nito ay makakadiskubre
tayo ng bagong kaalaman

PAGYAMANIN

PAGSASANAY 1
1. Ang mga bahagi ng konseptong papel ay binubuo ng Rasyunal, Layunin,
Metodolohiya, Inaasahang Awtput o Resulta at Mga Sanggunian. Mahalaga ang bawat
bahagi nito sapagkat ito ay nakatutulong na gabay sa bawat mananaliksik upang
magkaroon ng epektibong konseptong papel.
2. Mahalaga ang feedback o mungkahing guro sapagkat sa pamamagitan nito ay
malalaman agad ng guro ang tunguhin o direksyong ninanais niya para sa sulatin.
Makakapagbigay agad ng feedback, mungkahi, o suhestisyon ang guro kung sakaling
may mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa.
3. Ang pagbuo ng konseptong papel ay unang hakbang sa pagsasagawa ng
pagsisiyasat.

PAGSASANAY 2
1. MALI
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
PAGSASANAY 3
1.
a. PAKSA - Epekto ng Community Quarantine sa Pamumuhay ng Piling Mamamayan
ng Lucban, Quezon
b. LAYUNIN – Ang layunin ng paksang ito ay malaman at maipakita ang epekto ng
Community quarantine sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Lucban, Quezon na
mabigyang pansin at mabigyan ng solusyon.
2.
a. PAKSA - Sikolohikal na Epekto ng Community Quarantine sa mga Piling
Mamamayan ng Lucban, Quezon
b. LAYUNIN – Ang layunin ng paksang ito ay malaman ang mga karanasan at pananaw
ng mga piling mamamayan ng Lucban, Quezon patungkol sa pangkalahatang
community quarantine at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang aspetong
sikolohikal.
3.
a. PAKSA - Persepsyon ng mga Mamamayan sa Implementasyon ng Community
Quarantine sa Lucban, Quezon
b. LAYUNIN – Ang layunin ng paksang ito ay malaman ang iba’t ibang persepsyon ng
mga mamamayan ng Lucban, Quezon ukol sa implementasyon ng Community
quarantine at implikasyon nito sa mga mamamayan.

ISAISIP
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik ay maituturing na mahalaga
sapagkat ang konseptong papel ay magsisilbing proposal ng pananaliksik, dito nililinaw
ang naturang gawaing sulatin at tutukuyin ang kahalagahan at kabuluhan ng naturang
paksa.
2. Ang bahagi ng konseptong papel ay binubuo ng:
Pahinang Nagpapakita ng Paksa – Dito ay dapat makikita ang pamagat ng
konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale) – Sa bahaging ito, ilalahad ang
kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Dito rin mababasa
ang kahalagahan ng paksa.
Layunin – Dito ilalahad ang nais na layunin sa pananaliksik. Siguraduhing natupad o
magawa ang mga ito.
Metodolohiya – Sa bahaging ito ilalahad ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik
sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa
mga nakalap na impormasyon.
Inaasahang awtput o resulta - Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging
resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng
impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago pagkalap ng datos. ang
inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.
Mga Sanggunian – Dito ililista ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng paunang
mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga
kaugnay na pag-aaral.
3. Ang dapat isagawa kapag ang konsepto ay malawak, dapat ito ay gawan ng buod o
paikliin upang labis itong maunawaan.
4. Kailangan itong paglaanan ng panahon, sipag at talino upang maging maganda ang
kalabasan ng gagawing konseptong papel.

You might also like