You are on page 1of 3

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

NILALAMAN Introduksyon sa wika at kulturang Pilipino


Nauunawaan ang mga konsepto, elementong
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN kulturang, kasaysayan at gamit ng wika sa
lipunang Pilipino
Nakasusukat ng isang panimulang
PAMANTAYANG PAGGANAP pananaliksik sa mga ponemang kultura at
panlipunan sa bansa
Nagagamit ang angkop na mga salita at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang
mga ideya sa isang sulatin

Nauunawaan ang mga bagay na dapat pag-


ingatan at pananagutan ng isang mananaliksik
DETALYADONG KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
PAMAMAHAGI NG ORAS 60 minuto

BALANGKAS:
1. PANIMULA: Pang araw araw na gawain
2. PAGGANYAK: Pagpapakita ng mga larawan ukol sa pagsasalin ng mga original na
katha mula sa mga mananaliksik sa pagsusulat.
.
3. INSTRUKSYON: Pagtalakay ng bagong aralin tungkol sa Etika ng mananaliksik
4. PAGSASANAY: Pangkatang gawain
5. PAGPAPAYAMAN: Isabuhay
6. PAGTATAYA: Media Literacy/ Takdang aralin
MGA KAGAMITAN: laptop, Projector, Books, power Point at iba.

MGA SANGGUNIAN:Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

PAMAMARAAN:
A. Panimula
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pag-tsek sa klase
4. Pag-tsek ng liban sa klase
5. Paglalahad ng pamantayan, inaasahang pagganap at kasanayang pampapakatuto at
iba pa
B. Pagganyak
1. Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay naatasang magbigay ng
sariling opinion o obserbasyon patungkol sa larawang ipinakita
2. Ipapakita ang larawan
3. Pagpoproseso sa nakitang larawan sa pamamagitan ng brainstorming.kanilang
naiuugnay ang mga nakitang larawan sa sitwasyong pangkomunikasyon.
4. Pagbabahagi ng bawat grupo batay sa kanilang opinion o pananaw
5. Pagproseso sa ginawang Gawain:
Ano-ano sa iyong palagay ang mga dapat pag-ingatan ng isang mananaliksik?
Mabigay ng tatlong pinakamahalagang bagay na dapat tandaan.

C. Pagtalakay
1. Pagpapaliwanag sa mga Etika ng isang mananaliksik.
2. Pagpapalitan ng kuru-kuro
3. Pagsagot sa mga tanong
4. Talasalitaan

D. Pagsasanay
Mula sa pananaliksik, bumuo ng isang konseptong makatutulong upang lubusang
maunawaan ang kahalagahan nito sa pag aaral at sa hinaharap na mga hamon ng
kasalukuyang panahon.

E. Pagpapayaman
Ibigay ang mga katangian ng isang mananaliksik. Pagkatapos, suriin mo ang
iyong sarili. Magbigay ng mga sitwasyong kinasangkutan mo na taglay mo ang
mga ito.
F. Ebalwasyon
Manaliksik ng dalawang kaso ng paglabag sa Etika sa Pananaliksik. Suriin ang
ginawang paglabag at ibigay ang iyong sariling repleksiyon kung paano sana
naiwasan ang naturang paglabag. Ilagay ang ulat sa isang Powerpoint presentation.
Ibahagi ito sa klase.

G. Pangwakas na Gawain
Panalangin

You might also like