You are on page 1of 3

ARALIN 12

ANG TALUMPATI

A. Kahulugan

Ito ang sining ng pagpapahayag ng kaisipan hinggil sa isang makabuluhang paksa sa


harap ng publiko. May layunin itong humikayat at magpakilos ayon sa ninanais ng
nagtatalumpati.

B. Bahagi ng Talumpati:

1. Pambungad – sa bahaging ito tinatawagan ng pansin ang mga tagapakinig; inihahanda


ang konsentrasyon ng madla upang makinig.

2. Paglalahad – ang bahaging pinakakatawan ng talumpati. Naglalahad din ito ng isyu at


pagpapahayag ng diwa ng magkabilang panig sa paksa. May layunin itong magpaliwanag.

3. Paninindigan – nagpapakita ng pangangatwiran hinggil sa isyu at may layuning humikayat


o magpaniwala sa mga nakikinig.

4. Pamimitawan – wakas ng talumpati na nag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga nakikinig.

C. Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan:

1. Daglian o Biglaan (Impromptu) – hindi ito pinaghahandaan; biglaan ang pasabi sa


nahirang.

2. Maluwag (Extemporaneous) – may maikling panahon upang makapag-isip ng sasabihin


ngunit hindi isinusulat o di-kinakabisado.

3. Pinaghandaan (Prepared Set) – isinusulat at binabasa sa harap ng publiko.

D. Katangian ng Mahusay na Talumpati

1. Responsable – kailangang maintindihan ng mananalumpati na may obligasyon at


pananagutan siya sa kanyang sasabihin kahit na siya’y may karapatang magsalita.

2. Nagpapakita ng personal na kwalipikasyon ng tagapagsalita – ang isang kwalipikadong


tagapagsalita ay kinikilala ng mga tagapakinig at umaani ng papuri.

3. May layunin – sa bawat pagharap ng mananalumpati sa publiko dapat niyang isipin kung
ano ang layunin niya sa kanyang talumpati.

4. Tumutukoy sa mahalaga at makabuluhang paksa – kailangang may tunguhin ang


anumang papaksain na mahalaga para sa tagapakinig.

5. Kailangan ang mga magagaling na materyal sa pagbuo ng talumpati – ang


pananaliksik, interbyu, obserbasyon, document at datos ay mahalagang kasangkapan sa
paghahanda ng talumpati.

6. Paraang analitikal – nagkakaroon ng bigat o diin sa mga nakikinig ang isang mahusay na
analisis sa paksa.
7. Mahusay na plano sa pagbigkas ng talumpati – may maayos, at malinaw na
pamamaraan sa pagsasalita.

8. Humihikayat at tumatawag ng pansin – sa pamamagitan nito magiging interesado sa ang


tagapakinig.

9. Gumagamit ng tamang boses at kilos ng katawan - kailangang makakuha ng reaksyon


mula sa tagapakinig.

10. Mahusay na diksyon, lenggwahe at istilo – mahusay na pagpili ng mga wastong salita at
tamang diksyon ay mahalaga sa pagbabahagi ng kaalaman.

E. Pamamaraang Maaaring Gamitin sa Pagsisimula ng Talumpati

1. Pagpapakilala sa kahalagahan ng paksa.


2. Pagbibigay ng isang istorya.
3. Pagpapatawa
4. Pagtatanong
5. Paglalahad ng parehong damdamin, paniniwala at interes.
6. Pagtukoy sa isang tuwirang sinabi o sipi.
7. Pagpapahalaga sa okasyon.
8. Pagbibigay ng isang makatawag-pansing pangungusap.
9. Pagpuri sa mga tagapakinig.
10. Pag-uugnay sa napapanahong isyu.

F. Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

1. Pumili ng paksa.
2. Mangalap ng mga datos upang lalong maging mabisa ang talumpati.
3. Tipunin ang mahahalagang sangkap.
4. Gumawa ng unang balangkas ng talumpati.
5. Isulat ang talumpati.
6. Basahin ang talumpati. Bawasan o dagdagan ang mga patunay kung kinakailangan.
7. Sulating muli ang talumpati.

G. Akronim na S.P.E.A.K. sa isang Mabisang Talumpati

S - simplify your material. Simplehan ang iyong babasahin o bibigkasin.

P – prepare and practice. Maghanda at magsanay.

E – enthusiasm. Magkaroon ng interes sa gagawing pagtatalumpati.

A – anxiety-channel. Alisin ang pag-aalala kung magsasalita sa publiko.

K – knowledge of your topic. Alamin at saliksikin ang iyong paksa.

You might also like