You are on page 1of 6

ARALIN SA FILIPINO

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

ARALIN 6 PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa


akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan
hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang
mga larangan.

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng


kamulatan sa argumentong inihain sa kanila. Ang posisyong papel ay karaniwang
isinusulatt mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa
pinakakomplikadong academic position paper.

Ang mga posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong nangangailangan ng


detalyadong impormasyon upang lubos na maintindihan ang pananaw ng isa pang tao.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Malayang Salin sa Filipino ng “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming

1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes- pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang
mapadali ang pagpapatibay ng inyong paninindigan o posisyon.

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik- kinakailangan upang matukoy kung ang


katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.

3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa- kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang
pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong
kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel.

4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan- matapos matukoy na


ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon)
ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik.

5. Lumikha ng Balangkas ( Outline)

Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:

a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang


impormasyon ( background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang
iyong posisyon.

b.Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.

c. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.

d. Pangatwirang pinakamahusay at nakatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga


inilahad na mga kontra-argumento (sa b at c).

e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.

1 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017
ARALIN SA FILIPINO
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

ARALIN 7 PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa ibang anyo


nito tulad ng maikling kuwento at nobela.

Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman


nito ng pananaw, pagsusuri, at opinion ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na
nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997).

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu,


pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May
kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa
karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte
1997).

Ang replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin


ang particular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende
sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-Ballena
2010).

Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang


nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay
na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula

Ito ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o Gawain.


Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.

2. Katawan

Binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari. Ito ay naglalaman


ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag
din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan,
kapaligiran, o Sistema.

3. Kongklusyon

Dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.

2 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017
ARALIN SA FILIPINO
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

ARALIN 8 PAGSULAT NG TALUMPATI

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran o


tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan,
husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan.

Karaniwang nagkakaiba-iba ang alumpati, batay sa paghahanda sa mga ito (Mangahis,


Nuncio, Javillo, 2008).

Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati ay dapat


nakapagbibigay impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at nakahihikayat ng mga
konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

 Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.

 Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.

 Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng


mga ideya sa talumpati.

Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati

 Paghahanda

a. Talumpating Maisusulat Pa

Ihanda ang sarili na makapag-isip nang mabuti sa paksa ng talumpating iyong


isusulat. Mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati
at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.

b. Talumpating Hindi Maisusulat

Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati,


linawin ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliit na detalye bagkus ay
lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng
mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang
tuwid dahil maaaring ang pagsagot a may oras lamang.

 Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig

Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong


talumpati kung kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa
pagbigkas nito.

 Pagpapanatili ng Kasukdulan

3 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017
ARALIN SA FILIPINO
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamattinding


emosyon, batay sa kanyang paksa, na siang pinakamahalagang mensahe ng
talumpati.

 Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig

Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan


ng pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong
mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong
pagtatapos.

Iba’t Ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda

1. Impromptu- Uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis,


Nuncio, Javillo 2008).

2. Extempore- Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng


mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas.

3. Isinaulong Talumpati- Uri ng talumpati na isinusulat muna at pagkatapos ay


isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Javillo 2008).

4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya- higit na mas kaunti ang alalahanin ng


mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa
balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at
inaasahang na-ensayo na ang pagbigkas.

4 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017
ARALIN SA FILIPINO
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

ARALIN 9 PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.


Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang
pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.

Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa


paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol
sa mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-


pansin ditto ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad.

Ito ay maaari ring pumaksa sa kasaysayan ng lugar at kakaibang mga makikita rito.
Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at iba pa.

Ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-kulay sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging


gabay.

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong punatahan ay dapat magsaliksik o magbasa


tungkol sa kasaysayan nito.

2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin,


talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong
lasahan ang pagkain.

3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.

4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.


Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing element.

5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng


sanaysay sa pagsulat.

6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa sulating lakbay-sanaysay.

5 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017
ARALIN SA FILIPINO
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO) 3

6 Inihanda nina Markgil H. Menguita, LPT, Regina Grace Y. Garce, LPT, Lyra Mae C. Mercado, LPT,
Christine Joy B. Natarte
Referensiya: Filipino sa Piling Larang (Akademik), Florante C. Garcia, PhD, SIBS Publishing House, 2017

You might also like