0% found this document useful (0 votes)
192 views8 pages

Grade 11 Guide

Ang dokumento ay tungkol sa etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik. Binigyang-diin nito ang mahahalagang prinsipyo tulad ng boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok, pagiging kumpidensyal, at pagbabalik sa resulta ng pananaliksik. Tinalakay din nito ang plagiarism at ang mga anyo nito.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
192 views8 pages

Grade 11 Guide

Ang dokumento ay tungkol sa etikal na pananaliksik at mga responsibilidad ng mananaliksik. Binigyang-diin nito ang mahahalagang prinsipyo tulad ng boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok, pagiging kumpidensyal, at pagbabalik sa resulta ng pananaliksik. Tinalakay din nito ang plagiarism at ang mga anyo nito.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

11

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Year & Section: 11 - HUMSS
Guro: Ma. Veronica R. Bernardo

FILIPINO
Modyul para sa Mag-aaral
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pangasinan Division II
CABANBANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabanbanan Manaoag, Pangasinan
School Year 2022-2023

ETIKAL NA PANANALIKSIK AT
MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK


 Depinisyon
MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK
 Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
 Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
 Pagiging Kompidensyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahaok
 Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
 Depinisyon at mga anyo
SANGGUNIAN:
LIBRO NG PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
MAY AKDA (CRIZEL SICAT-DE LAZA) KOORDINEYTOR (AURORA E. BATNAG)
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pangasinan Division II
CABANBANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabanbanan Manaoag, Pangasinan
School Year 2022-2023

APRIL, 04, 2024

ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon sa
diksiyonaryong Merriam-Webster (2014). Ang salita ay nagmula sa Middle English na
ethik. mula sa katagang Griyegong éthikë, na galing naman sa katagang ethiko. Ang lahat
ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapuwa. Ayon
sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-
uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali. Sa
larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangay ng pag-aaral na
nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.

Samakatuwid, ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,


matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng
pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod sa mga
pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng
kapuwa. Mahalaga ang indibidwal na pagpapasya ng mananaliksik sa kung ano ang mabuti o
hindi, ngunit lagi't lagi ay nakasalalay ito sa mga panlipunang pagpapahalaga. Maka-
lipunan ang anomang pananaliksik. Ang pagsasagawa nito, kahit pa nga sa indibidwal na
pagsusumikap lamang, ay may katangian at layuning sosyal. Hindi nananaliksik ang
sinoman para sa sariling interes at kapakinabangan, at lalong hindi para paunlarin
lamang ang sariling pag-unawa sa isang tiyak na paksa. Maaaring maging bahagi ito ng
layunin ngunit higit natatapos rito ang tungkulin ng isang mananaliksik. Tungkulin ng
mananaliksik na mag-ambag ng bagong kaalaman at lumikha ng makabuluhang pagbabago,
gaano man kaliit ito. Ang pagbabago ay hindi para sa sarili kundi para sa kapuwa at
lipunan. Etikal ang anomang pananaliksik na nagpapanguna sa ganitong adhikain.

Mahihinuha ang ganitong kalikasan ng pananaliksik sa pag-unlad ng mga etikal na


pamantayan nito. Sa pagsasakasaysayan ni William Trochim (2006) sa Web Center for
Social Research Methods, tinukoy niya na may dalawang mahahalagang pangyayari
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagtulak sa mga mananaliksik na
pagnilayan ang pangangailangang bumuo ng konsensus hinggil sa mga etikal na prinsipyo
sa pananaliksik. Ang una ay ang Nuremberg War Crimes Trial, kung saan nailagay sa
pampublikong kamalayan ang pamamaraan ng mga doktor at siyentistang Aleman na gumagamit
ng mga taong bihag sa mga concentration camp bilang kasangkapan sa kanilang mga
nakaririmarim na eksperimento. Kasabay sa pagpaparusa sa mga siyentistang napatunayang
nagsagawa nito, nabuo ang Nuremberg Code na naglalaman ng sampung batayang prinsipyo sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang boluntaryong paglahok
ng mga respondente sa pananaliksik, hindi pagpapahintulot sa mga hakbang sa
pananaliksik na gagamit ng pisikal at mental na pagpapahirap sa tao, pagkakaroon ng
tamang kapaligiran at proteksyon para sa mga respondente, at kagyat na pagpapatigil sa
anomang eksperimento na magiging dahilan ng pagkamatay o pagkapahamak ng sinomang tao.
Gayundin, malinaw na tinukoy rito na ang anomang pananaliksik ay kailangang mag-ambag
sa kabutihan ng lipunan.

Noong 1950s hanggang 1960s naman ay nakuwestiyon ng publiko ang Tuskegee Syphilis
Study, kung saan hindi hinayaang makagamit ng gamot para sa syphilis ang mga kalahok sa
pananaliksik na African-American. Ang mga pangyayaring ito ay nag-udyok sa mga grupo ng
mananaliksik at siyentista upang muling pag-isipan ang panlipunang halaga ng mga
siyentipikong pananaliksik, tukuyin ang pangunahing layunin nito, at kung kanino ito
dapat magsilbi.
MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK

Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa


iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa
etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for
Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang
mananaliksik sa anomang larangan. Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1. PAGKILALA SA PINAGMULAN NG MGA IDEYA SA PANANALIKSIK. Gaya ng nabanggit sa


unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang
pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang
naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin.
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito,
nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit

2. BOLUNTARYONG PARTISIPASYON NG MGA KALAHOK. ang sinomang kalahok o respondente


sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang
pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa
mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.
Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro
ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.

3. PAGIGING KUMPIDENSIYAL AT PAGKUKUBLI SA PAGKAKAKILANLAN NG KALAHOK. Kailangang


ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin
lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung
paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na
may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam
at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
pananaliksik.

4. PAGBABALIK AT PAGGAMIT SA RESULTA NG PANANALIKSIK. Mahalagang ipaalam sa mga


tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit
lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang
nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan- ngilan lamang na mananaliksik ang
bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput
tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang
pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa
kapikinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.
AKTIBITY
Bumuo ng grupo na may pito (7) o walong (8) miyembro at isa-isahing basahin at
ipaliwanag isa-isa ang Mga Gabay sa Etikal na pananaliksik.

PAMANTAYAN
NILALAMAN 10
KALINAWAN NG SULAT 5
KAAYUSAN 5
KABUUAN 20

PAGTATAYA #2
A. Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa pamantayan ng
etikal na pananaliksik at H naman kung hindi.
_____1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa tagasagot
ang layunin ng pag-aaral.
_____2. Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng
pananaliksik.
_____3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung
nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa Internet.
_____4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin naman
ito sa ibang wika
_____5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng
pag-aaral.
_____6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na hindi
na balikan ang mga taong naging kalahok sa pananaliksik.
_____7. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.
_____8. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang
magmukhang malalim ang pananaliksik.
_____9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa dalawang
refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
_____10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang
resulta ng pananaliksik.

TAKDANG ARALIN
Muling basahin at unawain ang nilalaman ng Etikal na Pananaliksik at mga
Responsibilidad ng Mananaliksik at isulat ang inyong naunawaan, nalaman, o naintindihan
batay sa tesktong inyong binasa.

PAMANTAYAN
NILALAMAN 10
KALINAWAN NG SULAT 5
KAAYUSAN 5
KABUUAN 20
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pangasinan Division II
CABANBANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabanbanan Manaoag, Pangasinan
School Year 2022-2023

APRIL, 05, 2024

PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso ng plagiarism sa
Pilipinas. Kontrobersiyal ang naging paggamit ng isang malaking negosyante ng mga sikat
na linya sa kaniyang talumpati nang walang pagbanggit sa malalaking
pangalan na pinagmulan ng ideya. Gayundin, binatikos ang isang
senador sa walang habas na paggamit ng ideya at direktang pagkopya
sa artikulo ng ilang blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health
Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa mga pangyayaring ito,
naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang mga
kaugnay na usaping etikal nito.

Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang
paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng
plagiarism gaya ng:
 pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
 hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
 pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
 pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at
 ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos
bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.

Bukod sa mga nabanggit, kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anomang
produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite ng iisang papel sa magkaibang
kurso (Council of Writing Programs Administrator 2003). Itinuturing na rin na paglabag
ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-
aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon at ang self-
plagiarism, kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang
pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sarili'ring ideya ang pinagmulan
nito (University of Minnesota, Center for Bioethics 2003). Maging ang gawain ng ilang
mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito
nagamit sa pananaliksik o kaya ay paglalagay ng mga aklat o materyales na hindi naman
personal na nabasa at ginamit, bagkus ay nakita lamang na binanggit sa aklat ng iba, ay
mga porma rin ng plagiarism (Evasco et al. 2011).

Bakit nga ba marami ang madalas na gumagawa ng mga karaniwang pagkakamaling ito
kaugnay ng plagiarism? Isa sa pangunahing dahilan ay ang kamangmangan o kawalan ng
ideya, lalo na ng mga mag-aaral, sa kalikasan nito. Kung minsan naman ay may kamalayan
sa mga panuntunan ngunit sadya o hindi sadyang binabalewala ang mga ito. Madalas ding
itinuturong dahilan sa ganitong mga kapabayaan ang labis na pagmamadaling makatapos sa
pananaliksik o kaya ay hindi pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan
ng sinop at pag-iingat ng mananaliksik. Sa bahagi naman ng guro, karaniwan ding hindi
nabibigyan ng sapat na pagtalakay ang usapin ng plagiarism. Hindi rin nasasawata ang
kapabayaang ito dahil sa kawalan ng malinaw na mga institusyonal na polisiya, o kung
mayroon man, ay kakulangan sa mahigpit na implementasyon nito.

Upang solusyonan ang mga nabanggit na kahinaan, kailangang alamin ng mananaliksik


ang mga batayang etikal na prinsipyo sa pananaliksik. Makatutulong din na maging maalam
ang sinomang mananaliksik sa mga institusyonal na polisiyang kaugnay ng pananaliksik.
Susi rin sa pagpapatibay ng resulta ng pananaliksik at pag-iwas sa pag-uulit ng mga
ideya ang malalim na pagbabasa kaugnay ng paksang napili. Lahat ng responsibilidad na
ito ay nakasalalay sa mismong mananaliksik. Kailangang maunawaan na ang gawaing
pananaliksik ay isang seryosong gawain at hindi dapat minamadali para sa personal na
kagaanan at kapakinabangan. Tandaan na nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng
pananaliksik ang integridad nito. Kung isasapuso ng sinomang mananaliksik ang
makalipunan at makataong kalikasan ng gawaing ito, tiyak na susunod ang pagiging
matuwid at makatuwiran.

AKTIBITY
Tinalakay sa nakaraang bahagi ng aralin ang mga gabay sa etikal na pananaliksik at
iba't ibang anyo ng plagiarism. Upang pagyamanin pa ang inyong naunawaan sa aralin,
bumuo ng grupo na may tatlo hanggang apat miyembro at gawin ang sumusunod na aktibidad.

PANUTO. Manaliksik at basahin ang mga sumusunod na kaso ng plagiarism sa bansa.


May suhestiyon na link sa bawat aytem na maaari ninyong basahin kaugnay ng mga kasong
ito ngunit maaari pa kayong magdagdag ng iba pang artikulo. Pagkatapos ninyong magbasa,
magpalitang-kuro kung may nagawa bang paglabag sa mga gabay sa etikal na pananaliksik,
kung ano ang kalikasan ng plagiarism na ginawa sa bawat kaso, at kung makatuwiran baang
naging resolusyon nito. Mula rin sa palitang-kuro, halawin ninyo ang mahahalagang aral
mula sa kaso at tukuyin kung ano-anong katangian ang dapat na taglayin ng isang
mananaliksik. Maging handa na ibahagi sa klase ang naging resulta ng inyong pag-uusap.

1. Paggamit ni Senador Tito Sotto ng ilang mahahalagang sinabi ni Robert F.


Kennedy sa kaniyang talumpati sa Senado ng walang kaukulang pagbanggit sa pinagmulan
nito (http://www.rappler.com/nation/15858-kennedy-to-sotto-this-is-a-clear-case-of-
plagiarism).

2. Paggamit ni Manny V. Pangilinan, isang makapangyarihang negosyante, ng mga Home


kataga mula sa mga kilalang personalidad sa kaniyang talumpati nang walang pagkilala
(http://www.gmanetwork.com/news/story/187652/news/nation/mvp- borrowed-from-other-grad-
speeches-says-sorry).
3.
Pagkopya ni Karen Davila sa ilang bahagi ng akda ni Angela Stuart Santiago para sa
kaniyang dokyumentaryo tungkol sa pagkamatay ni Cory Aquino (http://www.
pep.ph/news/22804/Writer-accuses-Karen-Davila-of-plagiarism).

PAGTATAYA #3
B. Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung may naganap na
paglabag sa etikal na pamantayan sa pananaliksik. Pangatuwiranan ang inyong sagot sa
bawat kaso.

1. Nanaliksik si Brian tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip


niyang basahin ang aklat ni Paulo Freire na Pedagogy of the Opressed upang makatulong
sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang maghanap ng kopya. Nabasa niya sa
isang paniniliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala ang isa sa mahalagang bahagi ng
libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni Dr. Laura Sy at binanggit ang dalawang awtor
sa tala. Sa sanggunian, kapuwa rin niya binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni
Dr. Sy.

2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads.


Natanggap ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang
popular. Hindi na niya ipinagpaalam sa bandang Eraserheads ang paggamit niya ng mga
kanta nito sa kaniyang pananaliksik. Ang katuwiran niya ay matagal na itong
isinapubliko at nagkawatak-watak na ang banda.
TAKDANG ARALIN
Natunghayan sa buong aralin ang halaga ng pagiging tapat at masinop ng isang
mananaliksik. Sa susunod na mga aralin hinggil sa proseso ng paggawa ng pananaliksik.
inaasahang mailalapat mo rin ang mga katangiang ito. Bukod sa paggawa ng pananaliking
sa ano pang mahalagang aspekto ng iyong buhay mag-aaral nagdangan ang pagiging tapat at
masinop? Ikuwento mo ang iyong mga karanasan at repleksiyon.

PAMANTAYAN
NILALAMAN 10
KALINAWAN NG SULAT 5
KAAYUSAN 5
KABUUAN 20

PETSA NG PASAHAN: APRIL, 07, 2024


PAALALA: ANG HINDI MAGPASA SA TAKDANG ARAW
AY AWTOMATIKONG ZERO ANG MARKA.

You might also like