You are on page 1of 8

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Course Description: Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan katangian, pag-unlad, gamit
at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultura sa lipunang Pilipino.

YUNIT 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Filipino

MODYUL 9: Tungo sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

LAYUNIN: Sa modyul na ito inaasahang magagawa mong;


 Maunawaan ang kahulugan at kabuluhan ng maka-Pilipinong pananaliksik;
 Matukoy ang kalagayan at mga hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik;
 Maisa-isa ang gabay sa pamimili ng paksa at suliranin sa pananaliksik.

PAKSA: Maka-Pilipinong Pananaliksik

PANANALIKSIK
 Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na
katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang
pananaliksik sa iba’t ibang paksa at penomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao
ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik


Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga
katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at
isip ng mga mamamayan.

o Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na nasa


wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may
pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan pa
ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakinabangan.
o Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga
ng gagawing pananaliksik.

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng


paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

o Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang


mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o
pinatutungkulan ng pananaliksik.
o Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente ng
Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang
pagpili ng paksang sasaliksikin.

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.


o Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang
Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng
pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito.
o Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na
lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong
pananaliksik.
o Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad,
nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral mula sa
masa.

Patakarang Pangwika sa Edukasyon

o Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon kaugnay ng


pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa sistema ng
edukasyon at pamamahala.
o Gayunpaman, tila tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang
pambansa lalong-lalo na sa edukasyon.

Ingles Bilang Lehitimong Wika

o Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema ng edukasyon at lakas-paggawa.


Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng globalisadong kaayusan sa lalong
pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon, komersiyo, at pagkatuto
lalong-lalo na sa pananaliksik.
o Wikang Ingles ang namamayaning midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa mga
unibersidad. Dagdag pa riyan, ang katatasan sa Ingles ay nagiging batayan
sa pagkakaroon ng disenteng trabaho.

Internasyonalisasyon ng Pananaliksik

o Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging ang pamantayan sa pananaliksik


ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon na rin sa istandard ng
internasyonal na pananaliksik.
o Gayundin, maliwanag ang mababang pagtingin sa mga journal ng
pananaliksik na nailalathala sa pambansang antas na kadalasang tumatalakay
sa wika, kultura, at kabihasnang Pilipino.

Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba’t ibang Larang at Disiplina

o Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamit ng wika kaya


halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya,
matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa.
o Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan at
maganit pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades,
panitikan, at agham panlipunan.
Gawain I: Gumawa ng isang panukalang pananaliksik.

Pamagat: ____________________________________________________________________

Mga Layunin:

1. ___________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________________

Kahalagahan: (Tukuyin ang bawat sector at ang pakinabang na matatamo ng bawat isa)

1. ____________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________

Metodo

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Teorya

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Iskedyul
Petsa Gawain Kailangang Badyet Taong Nakatalaga

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


Course Description: Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan katangian, pag-unlad, gamit
at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultura sa lipunang Pilipino.

YUNIT 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Filipino

MODYUL 10: Panimula ng Pananaliksik

LAYUNIN: Sa modyul na ito inaasahang magagawa mong;


 maipaliwanag ang mga bahagi ng panimula ng isang saliksik;
 makasulat ng panimula sa sariling saliksik.

PAKSA: Panimula ng Pananaliksik

 Ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik ay isang tiyak na paraan upang


makapagbunga ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan na angkop sa
kontekstong Pilipino at naaayon sa kalikasan ng mga Pilipino. Sa huli, inaasahang
magbubunga ito ng pangkalahatang pag-unlad sa bansa.

 Ang unang hakbang sa pananaliksik ay ang pagpili ng paksa. Ang paksa ay


maaaring manggaling mismo sa iyo, bilang mananaliksik, sa iyong interes o sa
isang hiwalay na ahensiya, kung ikaw ay kinomisyon lamang upang gawin ito.

 Ayon naman kina Santiago at Enriquez (1975), ang pagpili ng paksang sasaliksikin
ay dapat ibatay sa interes ng mga kalahok upang matiyak na ito’y tutugon sa
kanilang kalikasan at mga pangangailangan.

Ang isang pag-aaral ay maaaring simulan na laman ang mga sumusunod:

A. Kaligiran ng Pag-aaral
Ito ang bahaging naglalatag ng mga panimulang impormasyon tungkol sa paksa na
magsasakonteksto sa mga mambabasa, ano ang pinanggagalingan ng saliksik. Ito
rin ang bahaging tumatalakay ng mga batayang kaalaman tungkol sa paksa upang
maintindihan ng mambabasa, paano ito gagana sa kabuuan ng pananaliksik. Ilan
sa maaari nitong lamanin ang kasaysayan ng paksa, ang mga katangian nito o mga
bahaging bumubuo dito, ang paggana nito o ang sistemang sinusunod nito, ang
kasalukuyang kalagayan nito o ang mga pagsubok na kinakaharap nito, at iba pa.
Maaari ding talakayin dito kung ano ang nag-udyok sa iyo na pag-aralan ang paksa
o bakit ito ang naisip gawin.

Halimbawa, Kung nais pag-aralan paano nagiging paraan ng kapangyarihang


pampolitiko ang mga meme , maaaring talakayin sa kaligiran ng pag-aaral ang
kasaysayan, mga katangian at gamit ng meme . Ano ba ang meme ? Anu-ano ba ang
elemntong bumubuo dito? Paano ito nagsimula at sa anong plataporma ito
palasak? Para saan ba ang mga meme ? Bakit mabinta ang mga meme at patuloy
na may gumagawa nito? Ano-ano ang ilan sa mga halimbawa ng kilalang mga
meme? Ano ang potensiyal ng meme na magamit sa politika?
B. Mahahalagang Tanong
Ito ang bahaging tumutukoy sa mga pangunahing suliraning sasagutin sa pag-
aaral. Ito ang magsisilbing tuon ng pananaliksik at dito tutuon ang pagtalakay. Sa
halimbawa tungkol sa meme bilang paraan ng kapangyarihang pampolitika
maaaring itanong ang sumusunod: “Paano nagiging paraan ng kapangyarihang
pampolitika ang isang meme ? Paano nagamit ang meme upang isulong ang isang
interes o ideolohiyang pampolitika?”

C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahaging ito tinatalakay ang kapakinabangang idudulot ng saliksik. Dito
ipinagtatanggol ang pangangailangang isagawa ang pananaliksik o kung paano ito
naging napapanahon. Halimbawa, sa paksa tungkol sa epekto ng pagbabad sa
social networking sites sa akademikong pagpapamalas ( academic performance) ng
mga estudyante, maaring sabihin na makatutulong ang pag-aaral na matukoy kung
may epekto ba talaga ang madalas na paggamit ng social networking sites sa pag-
aaral ng isang estudyante: “Nagsisilbi ba itong distraksiyon na sumisira sa tuon
niya sa mga gawain sa paaralan o nagiging pang-aliw ba ito sa mas
nagpapaepisyente sa kaniya?” Napapanahon ang pag-aaral sapagkat maraming
estudyante ang aktibo sa social networking at ang mga resulta ng pag-aaral ay
maaaring makaapekto sa mga polisiyang ipinatutupad sa paaralan o maging sa
tahanan. Maaari ding itanghal ang kahalagahan ng pag-aaral ayon sa mga sektor
na makikinabang dito. Sa kaso ng halimbawang paksa, maaaring ang mga
estudyante, paaralan, mga magulang, mga ahensiya ng pamahalaang
nangangasiwa sa edukasyon gaya ng DepEd at CHED, at iba pa.

D. Batayang Teoretikal o Konseptuwal


Ang batayang teoretikal ay ang teoryang gagamitin sa pagsusuri ng datos.
Halimbawa, sa pagbibigay-interpretasyon sa dahilan kung bakit gumagamit ng
social networking sites ang mga estudyante, maaaring gamitin ang teorya ni
Abraham Maslow na “Hierarchy of Needs” upang ipaliwanag ang iba’t ibang
pangangailangan ng tao na dapat matugunan, gaya ng “ love and belonging,” na
siyang pangatlong pinakamataas at maaaring paliwanag, bakit naglalagi ang isang
tao sa mga social networking site.

E. Saklaw at Limitasyon
Sa saklaw ng pag-aaral, naglalatag ng mga pamantayan na gagamiting batayan,
alin ang maaaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi, kasama ang paliwanag
dito.Halimbawa, tungkol sa mga meme bilang paraan ng kapangyarihang
pampolitika, maaaring tukuyin na ang magiging saklaw lamang ng pananaliksik ay
ang mga meme na may temang pampolitika lamang.

Ang limitasyon naman ay ang mga sitwasyon o pangyayaring kinakaharap ng mga


mananaliksik na maaaring nakaapekto sa resulta ng pag-aaral. Halimbawa, ang
pagiging anonymous o ang kawalan ng tiyak na personalidad sa likod ng mga
meme na dahilan upang mawalan ng taong mapagtatanungan tungkol dito.
F. Depinisyon ng mga Termino
Sa bahaging ito, iniisa-isa ang mahahalagang terminong ginamit sa pag-aaral.
Hindi lamang ito simpleng tumutukoy sa malalalim na salitang ginamit sa saliksik,
kundi lalo sa mga teknikal na terminong ginamit.

 Tandaan sa pagbuo ng pamagat ng isang pananaliksik siguruhing ito ay:


 espesipiko
 hindi malawak
 abot ito sa kakayahan ng mananaliksik
 huwag gumamit ng mga pantukoy na: Ang o Mga

 Sa paggawa ng panimula o introduksyon ng pananaliksik, nakapaloob dito ang:


 importansya ng pananaliksik
 layunin ng pananaliksik
 mga posibleng respondente ng pananaliksik
 background ng pananaliksik.

 Maaaring magsaliksik ng mga halimbawa sa mga bahaging ito ng panimula sa


google.
Gawain : Gumawa ng iyong sariling pamagat ng pananaliksik. Sundin ang mga alituntunin sa
pagbuo ng pamagat. Gawan ito ng panimula at batayang teoritikal o konseptuwal. Isulat ito sa
ibang papel o bondpaper.

You might also like