You are on page 1of 16

ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK:

GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN NG PAG-AARAL


Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit nina Evasco
et al. (2001) sa aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa
Agham Panlipunan, Panitikan, at sining ,” ang pananaliksik ay
paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na
katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at


kabuluhan, ngunit lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik
kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang
kinalulugaran.
Ang maka-pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay
sa paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man
maiiwasan na nasa wikang ingles o iba pang wika ang isang
pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa
internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa
Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas
mapakinabangan.
Pangunahing isanasaalang-alang sa maka-Pilipinong
pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. Bago magdesisyon
sa paksa, mahalagang tanungin muna ang isang mananaliksik
ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o
pinatutungkulan ng pananaliksik.

“KANINO KAYA ITO MAGSISILBI?”


Ayon kay Vergilio Enriquez (1976), proponent ng Sikolohiyang
Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili
ng paksang sasaliksikin. Kilalanin munang mabuti ang mga
kalahok at hanguin sa kanila ang paksa, nang ganoon ay may
kaugnayan ito sa kanilang pamumuhay. Kalimutan ang sariling
hangarin at ituon ang pag-aaral sa pangangailangan at hangarin
ng kalahok.”
-PAGPAPALIWANAG-

Ibig sabihin, upang maisagawa ito, mahalaga ang pakikipamuhay at pag-alam sa kanilang
kondisyon. Pinaunlad ni Enriquez ang iba’t ibang metodong angkop sa kultura at
pagpapahalagang Pilipino gaya ng pagmamasid, paggamit sa pakiramdam, pagtatanong-tanong,
pagsubok, pagdalaw-dalaw, pagmamatiyag, at pagsubaybay. Tinukoy rin niya na mahalaga sa
pananaliksik ang pakikilahok at pakikisangkot. Kung talagang pag-aaralan ang interes ng masa,
mauunawaan ng isang mananaliksik ang tinatanggap ng karaniwang Pilipino at matutunghayan
ang lalim ng kaalamang galling sa kanilang karanasan.
KALAGAYAN AT MGA HAMON SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK

Maraming hamon na kinakaharap ang maka-Pilipinong pananaliksik lalo na’t nasa estado pa
rin ng paggigiit ang wikang Filipino sa loob at labas ng akademya habang itinuturing ang Ingles
bilang lehitimong wika ng edukasyon. Ilan lamang ang sumusunod na hamon na dapat kilalanin
at pangibabawan ng isang mananaliksik sa wikang Filipino.

1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon


2. Ingles Bilang Lehitimong Wika
3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba’t ibang Larang at Disiplina
PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON. Nakasaad sa kontitusyong 1987 ang mga probisyon
kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang Pambansa sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon at
pamamahala.

Gayunpaman, tila tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Pambansa lalong-lalo na sa


edukasyon. Kasabay sa pagpapawalang-bias ang Executive Order 210 (Establishing the Policy to
Strengthen the Use of English in the Educational System) na ipinatupad ng dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo noong Mayo 2003 at ang tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o mas
kilala sa tawag na English Bill, ay ang panananatiling etsa-puwera ng wikang Filipino sa
patakarang pangwika ng edukasyon.
-PAGPAPALAWAK-

Sa bagong estruktura ng General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo na ipapatupad ng


Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng CMO 20 Series 2013 inalis na bilang
batayang asignatura ang anim hanggang siyam na yunit ng Filipino.

Mahalagang panatilihin ang pag-aaral ng Filipino sa pinakamataas na antas ng edukasyon


sapagkat dito magbubukas ang posibilidad na gamitin ang wika sa pinakamataas na uri ng
pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Napaunlad na ang akademikong aktitud at intelektuwal na
kakayahan ng mga mag-aaral sa antas na ito, kung kaya tiyak na kaya na nilang sapulin ang
pangangailangang mananaliksik sa wika at paksang Filipino. Ngunit dahil sa mabuway na
pagtangan at pagpapatupad ng isang kritikal na patakarang pangwika sa edukasyon ay lumiliit
ang pag-asang umunlad ang araling makabansa sa iba’t ibang disiplina.
INGLES BILANG LEHITIMONG WIKA. Nagiging tuntungan kasi ng pagpapaigting ng globalisadong
kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng komunikasyon, komersiyo, at pagkatuto
lalong-lalo na sa pananaliksik.

Ayon kay Gonzalo Campoamor II sa artikulong “The Pedagogical Role of English in the
Reproduction of Labor” na matatagpuan sa aklat na “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal
Education in the Philippines,” neoliberal ang katangian ng polisyang pangwika sapagkat umaayon
ito sa pangangailangan ng ibang bansa habang tinatalikdan ang batayang tungkulin sa
pambansang industriyalisasyon.
-PAGPAPALAWAK-

Ang katatasan daw sa salitang Ingles ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng disenteng trabaho.

Kaya’t hindi natin masisisi ang mga mag-aaral na nais magpakadalubhasa sa wika at araling Ingles
dahil ito ang magbibigay sa kanila ng magandang posisyon sa larangan ng edukasyon, at kalaunan
ay mag-aakyat sa kanila sa mas mataas na posisyon sa lipunan. Daang taon pa ang ang lalakbayin
upang makamit ang kritikal na pananaw sa pagpaplanong pangwika sa bansa, ngunit kailangang
maging ahente ng pagkuwestiyon ang mga guro at mag-aaral sa pananaliksik sa kalakarang ito
para hindi mapag-iwan o mabaon sa limot ang ating sariling wika na siyang mukha ng pagiging
Pilipino na nakapapaloob sa isang bayan na puno ng marami at mayayamang kultura.
INTERNASYONALISASYON NG PANANALIKSIK. Dahil sa daluyong ng globalisasyon, maging ang
pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon narin sa istandard ng
internasyonal na pananaliksik.

-PAGPAPALAWAK-
Positibong bagay ang pagkatuto at pagpapahusay mula sa mga bansang mula sa bansang
mauunlad ang pananaliksik, ngunit nalalagay sa alanganin ang mga guro at mag-aaral na nais
magpakadalubhasa sa pananaliksik sa araling Filipino. Gayundin, maliwanag ang mababang
pagtingin sa mga journal ng pananaliksik na nailalathala sa pambansang antas na kadalasang
tumatalakay sa wika, kultura, at kabihasnang Pilipino kasi ang nabibigyan ng tuon ang ang pag-aaral
na ang naging batayan ay ang ibang bansa o mga pag-aaral naayon sa pang-globalisasyon. Positibo
ang magiging dulot nito kung matututo ang mga iskolar ng Pilipinas sa mas maunlad na
pamamaraan na pananaliksik sa mga karatig bansa ngunit magiging mabuwa(unstable) ito kung
hindi magiging malinaw ang oryentasyon at tunguhin ng mga pananaliksik sa mataas na edukasyon.
Kailangan kasi dapat bungkalin at payabungin muna ang uri ng pananaliksik na nakakonteksto sa
kalagayan at pangangailangan ng lipunang Pilipino habang umuugnay sa maunlad na karanasan ng
iba pang lipunan.
Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba’t Ibang Larang at Disiplina. Sa kasalukuyan, wala pang
malinaw na batayan sa paggamit ng wika kaya halos hindi pa ginagamit na wikang panturo ang
wikang Filipino sa iba;t ibang larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya,
matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa.

Bagkus, Makatutulong sa lalong intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan


kung gagamitin ito sa pananaliksik ng mga mag-aaral na nasa iba’t ibang kurso o programa.
MGA GABAY SA PAMIMILI NG PAKSA AT PAGBUO NG SULIRANIN SA PANANALIKSIK

Mula sa gabay ng maka-Pilipinong pananaliksik sa pamimili ng paksa, narito naman ang ilang
batayang kaalaman na dapat isaalang-alang sa wastong pamimili at paglimita ng mga paksa. Bago
tuluyang buuin ang tanong ng pananaliksik na gagabay sa buong pag-aaral, makabubuting
sagutin muna ang sumusunod na tanong:

1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?


2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?
3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?
GAWAIN!!!! (LONG BOND PAPER) ENCODED SIR? OO ENCODED!

1. Sasagutin ninyo ang mga gabay na tanong sa pagpili ng paksa at pagbuo ng suliranin ng pananaliksik batay narin
sa nabuo na ninyong pananaliksik. (SA INYONG PRACTICAL RESEARCH KAY SIR LUAYON)

1. May sapat bang sanggunian na pinagbatayan ang napiling paksa? Ipaliwanag.


2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw? Ipaliwanag.
3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa? Ipaliwanag
4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong? Ipaliwanag.
 
2. Magbibigay kayo ng reflection patungkol sa inyong kabuuang natutunan sa inyong binasa na paksa natin ngayong
linggo. Minimum of 200 words. Dapat lagyan ng numero ang ibaba ng mga salita. Para masiguro na umabot talaga
kayo sa tamang bilang.
Hal. Maligaya ako sa iyo
1 2 3 4

PALALA: KUNG SINO MAN ANG MAHULI NA HALOS MAGKAPAREHAS ANG MGA SAGOT AY HINDI BIBILANGIN ANG
BAWAT PUNTOS NG MGA MAG-AARAL.

You might also like