Ika nga, ang pagbabago lamang ang tanging permanente sa mundong
ito. Ang pag unlad ng WIKA ng isang bansa ay patunay na pag unlad din ng isang bansa. Sa patuloy na pagpasok ng ibat ibang gamit , produkto at pagkain na mula sa ibang bansa dulot ng modernisayon, ay pagsabay din ng mga pagbabago sa ating WIKA. Dulot ng mga pagbabago at pag unlad na ito ay marami ang naapektuhan. May natutuwa at may nalulungkot at may nagagalit din. Bakit kaya? Nariyan ang grupo ng mga natutuwa dahil sa pagkakaroon ng bukas na isip na handang unawain at tanggapin ang mga pagbabagong sa alam nila ay malaki ang maitutulong sa bansa, ika nga nila, Kapag may pagbabago, May pag unlad, Nariyan din ang mga nalulungkot dahil sa hirap silang maunawaan ang mga pagbabagong ito lalong lao na t may kinalaman sa edukasyon , ngunit hindi rin mawawala ang mga nagagalit dahil sa sarado sila sa mga pagbabagong maaring maganap at dahil na rin sa kawalan ng tiyaga sa pagtanggap maging sa pag aaral ng mga ito. Paano ba ito masosolusyunan? Mas marami ang nagagalit at nalulungkot!. Tandaan, nariyan pa ang mga natutuwa na handing gawin ang lahat. Maging bukas sa pagtanggap at sa pag unlad. Hindi lingid sa ating kaalaman ang pagpapalawak ng saklaw sa paggamit ng Wika at Lingguwistikang Filipino sa Pilipinas. Layunin nito ang makaagapay sa pag unlad ng bansa sa ekonomiya at iba pang larangan. Alinsunod sa makabagong kurikulum ng edukasyon, ang K to 12 na may layuning makasabay ang mga Pilipino sa ibat ibang larangan. Hindi lang ito karagdagang dalawang taon sa pag aaral, ito rin ay paraan upang maihanda ang mga mamamayang Pilipino sa pag unlad at sa tinatawag na ika 21 siglo na mga kabataan. Bunga nito, ang implementasyon ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013. Narito ang walong bagong core courses na may layuning mapataas ang kakayahang umunawa, mag isip at magsagawa ng mga gawain. 1. Pag-unawa sa sarili Mga katangian at elemento ng identidad: mga salik at mga puwersa na umaapekto sa paghubog at pagpatnubay sa personal na identidad.
2. Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas Mga piling primaryang
sanggunian ukol sa ibat ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, pagsusuri at interpretasyon 3. Ang Kasalukuyang Daigdig Globalisasyon at ang epekto nito sa mga indibidwal , mga komunidad at mga nasyon; mga hamon at mga tugon 4. Matematika sa Makabagong Daigdig Mga element ng Matematika, pagpapahalaga sa mga praktikal, intelektuwal estetikong dimensyon nito; at gamit ng Matematika sa araw- araw na buhay 5. Malayuning Komunikasyon Pagsulat , pagsasalita at paglalahad para sa ibat ibang media at ibat ibang layunin 6. Pagpapahalaga sa Sining Kalikasan , tungkulin at pagpapahalaga sa mga sining sa kasalukuyang lipunan 7. Agham, Teknolohiya at Lipunan Interaksyon ng agham at teknolohiya at mga kontekstong panlipunan, pangkultura, pampulitika at pangkabuhayang humuhubog at hinuhubog ng mga ito; mga yaman halimbawa ng mga pagbabago na siyentipiko at teknolohiko sa kasaysayan ng sangkatauhan 8. Etika Mga simulain ng ugaling pang etika sa makabagong lipunan sa antas na pantao at panlipunan at sa ugnayan ng mga ito sa kalikasan at sa ibang kolektibong yaman Oo, nauunawaan natin ang sinasabing pagbabago at pag unlad subalit hindi ko maiwasan ang hindi malungkot hindi dahil sa sarado ako sa mga pagbabagong iyon. Naririto ang ilan sa aking pagkadismaya: 1. Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit ang wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga gurot mag-aaral, gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas ng akademya. Ang kunway paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng wika ng edukado at wikang susi ng kaunlaran. 2. Pangalawa, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan. 3. Ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa.
4. Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan
na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na laranganmaunlad dahil sa pagkakaroon nito ng ibat ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang Filipino sa ibat ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high schoolang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa ibat ibang disiplina. 5. Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino.Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at di-pisikal na daigdig, hindi lamang usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka- Filipino. Sasaklawin ng sabjek na Filipino ang ibat ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino na magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng kaayusang global ngayon. 6. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Ang Wikang Filipino ay Susi ng Kaalamang Bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog
ng
mga
mag-aaral
na
tutuklas
ng
dunong-bayan
na
pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas
tersiyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-arawaraw na buhay ng mga mamamayan Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa nating pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang Filipino ang karunungang makapagtutulos ng pagka-Filipino sa mabilis na nagbabagong daigdig. Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education na pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan at tungkulin bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing kasangkapan para matamo itoang wikang Filipinoay buburahin ng institusyon na dapat sanay nagtataguyod at pumapanday nito.
Bilang Pilipino, bilang guro at mananaliksik sa Filipino, akoy bukas sa
pagbabago at pag unlad subalit tingnan, ingatan at pahalagahan ang sa atin ay nag iwan ng pagkakakilanlan. Ipakilala at pahalagahan ang WIKANG FILIPINO. Ang asignaturang FILIPINO.