You are on page 1of 17

I.

Introduksyon
Ang papel na iyo ay naglalayong ipakita ang mga isyung kinasasangkutan ng Wika,
Kultura,at Lipunan na kung saan ay ating nalang batid na sa paglipas ng panahon ay
unti-unting nang nababaon sa limot at nawawalan na nang saysay. Nang dahil sa
makabagong henerasyon ay nakalimutan na nating pahalagahan at ingatan ang kung
anong mayroon tayo,sa halip na payamayanin ito ay kinalimutan natin at isinantabi
at mas tinangkilik ang mga banyagang wika,kaugalian,at kultura. Mas natuon ang
ating atensyon sa pagpapalago at pakikipagkompetensya sa ibang bansa na siyang
naging upang mas lalong lumago kung ano ang sa kanila.
II. Mga Isyu

Ang Pagkitil sa Wikang Filipino


Umusbong ang wika sa pangangailangan ng mga komunidad na
magkaintindihan. Mula sa mga arbitraryong simbolo, naging saksi ang
kasaysayan sa paglago nito at pagkakaroon ng malaking kapangyarihang
magbabago sa lipunan.

Lumapit ang mga prayle sa mga katutubo gamit ang wika ng huli at itinuro
ang pananampalatayang Katoliko bago tuluyang sakupin ang mga ito—
ipinagkait sa Pilipino ang tunay na edukasyong nararapat nilang
matamasa. Sa kabilang banda, sa pananakop ng mga Amerikano ay
ipinalaganap ang Ingles upang itanim ang kanilang kultura at pahinain
ang makabayang diwa ng mga Pilipino.

Wika ang nagbuklod sa mga Katipunero mula sa iba’t ibang rehiyon upang
magrebolusyon laban sa Kastila. Gayundin, iginiit ang pagkakaroon ng
pambansang wika sa gitna ng okupasyon ng Amerikano—patunay na ang
wika ay instrumento sa paglaban.

Pag-alala

Bukod sa barya-baryang pag-alala sa pambansang wika isang buwan kada


taon, sa ilalim ng CHED Memorandum Order (CMO) 20, tatanggalin na
ang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Ginawa na rin nitong opsyonal ang
paggamit sa wika bilang midyum ng pagtuturo.

Maraming paaralan na ang gumagawa ng hakbangin upang pahinain ang


wikang Filipino—mula sa pagmumulta sa mga estudyanteng gumagamit
nito hanggang sa pagsulong sa Ingles bilang wika ng pag-unlad.

Pinatibay pa ito ng midya: Ang seryosong balita mula sa mga dyaryo ay


nakalathala sa Ingles, habang ang Filipino ay iniuugnay sa tabloid. Ang
midyang siyang nagkukumpas sa pampublikong opinyon at inaasahang
tagapagtaguyod ng sariling wika ay nag-iisip at sumusulat sa Ingles.

Mas binibigyang halaga sa mga espasyo ang dayuhang lenggwahe kaya


naman puspusan ang pamimilipit ng dila ng mga estudyanteng magsalita
sa wikang hindi nila lubos na maintindihan, at hindi magpapaunlad ng
sariling interes ng bansa.

Malaki ang gampanin ng edukasyon sa pagpapanatili ng lagay ng lipunan o


sa pagbabago nito, kaya ang mga pamantasan ang unang pinatatamaan ng
mga palisiyang mapanupil. Sa loob ng mga unibersidad gaya ng UP,
binubuksan ang malaya at malalimang talakayan ng mga radikal na ideya,
at kasabay nito ang pagiging sensitibo sa mga pangyayari sa labas ng silid-
aralan. Sa kamalayang ito nag-uugat ang matapang na pagkilos ng mga
kabataan para sa malawakang pagbabago.

Sa pagpasa ng CMO 20, pinipigilan ng CHED ang pagbuo sa kamalayan na


ang paglinang sa wikang Filipino ay hakbang tungo sa ganap na liberasyon
ng bansa. Pinanatiling atrasado ang sariling wika upang mangimi sa
nananatiling dominanteng kultura ng Ingles, ng kanluran.

Paglimot

Madalas na katwiran sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ang


duplikasyon ng pag-aaral nito mula elementarya at hayskul. Mas bigyan
daw ng pansin ang Ingles dahil ito ang magbibigay ng mas maraming
oportunidad sa pag-unlad.

Sumagot ang Tanggol Wika, alyansa ng mga propesor at mga


organisasyong pangwika at pangkultura: Hindi pag-uulit, kundi
pagpapalalim sa Filipino ang ginagawa sa kolehiyo. Higit ito sa pagiging
asignatura o sa pagkakaroon nito ng lantay na gramatika, kundi
tumutungo ito sa praktikal na paggamit ng wika sa iba’t ibang pag-aaral na
tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

“Ang kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran


sapagkat ito’y daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng
Filipino, at susi ng kaalamang bayan,” ayon kay David Michael San Juan,
tagapanguna ng Tanggol Wika, sa kanyang papel tungkol sa mahabang
laban ng paglinang ng Filipino sa edukasyon. Ang pagkawala ng pag-aaral
sa pambansang wika ay pagpapalabo sa hubog ng identidad bilang Pilipino
—iyong pamumuhay na inuuna ang interes ng sariling bansa.

Sa patuloy na paglinang lubos na nagagamit ang wika bilang instrumento


sa pagkakaroon ng malayang bansa. At sa pamantasan nangyayari ang
proseso ng pagpapayaman nito; mula sa kalsada o pamilihan, tungo sa
pagpapalalim at pag-angkop nito sa panahon. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng produksyon ng mga orihinal na akdang Filipino—mula sa
malikhaing pagsulat hanggang sa mga akademikong papel. Hindi lang nito
tinatampok ang wika, nagiging daluyan din ito upang maisakonteksto ang
mga pag-aaral base sa lipunang Pilipino.

Habang ang Filipino ay nagpapayaman ng diskurso ng ordinaryong


mamamayan at ng “pagbabagong panlipunan,” ginagamit ang
dominanteng Ingles sa diskurso ng “pagpapanatili sa sistemang
pinakikinabangan at pinangingibabawan lamang ng iilang dinastiya at
korporasyon,” ani San Juan.

Hindi maitatanggi na ang paggamit ng Ingles ay nagbubunga ng panga-


outcast, na madalas humahantong sa eksploytasyon sa mamamayang
walang sapat na kaalaman sa lenggwahe. Halimbawa nito ang patuloy na
panlilinlang sa mga manggagawa o magsasaka dahil sa mga kontratang
hindi nila lubos na maintindihan.

Napipilitan silang iwan sa iilan ang diskurso at pagdedesisyon ukol sa mga


bagay na makakaapekto sa araw-araw nilang pamumuhay. Ngunit
magagawa nilang lumaban sa pagkakataong naintindihan na nila ang isyu
gamit ang sariling wika.

Paglaban

Kung ang edukasyon ay gagamitin upang makapagsilbi sa mamamayan,


inilalapit ng mga pag-aaral sa sariling wika ang kaalaman sa masa.
Nagkakaroon ng kabuluhan ang mga suri dahil nakalapat ito sa
kasalukuyang lagay ng lipunang Pilipino.

Hindi nananatili sa mga edukadong iilan ang kaalaman at nakakulong sa


silid ng pamantasan. Kung paanong binibigay ng masa ang materyal na
realidad sa bawat pag-aaral, gayundin nalilinang ng bawat pag-aaral ang
buhay ng masa.

Isang halimbawa ng ugnayang ito ang mga welga o demonstrasyong


nilalahukan hindi lamang ng mga manggagawa o magsasaka, kundi pati na
rin ng mga estudyante at propesyunal. Mula noon, wikang Filipino na ang
midyum na gamit dito—mula sa mga slogan, talumpati, hanggang sa mga
educational discussion. Sa mga pangyayaring ito, nagsisimulang magamit
ang wika bilang behikulo sa pagbabago. Kaya hindi na nakakagulat ang
tahasang pagkitil sa Filipino—dahil may mga hindi makakapayag na
mabuwag ang status quo o ang patuloy na pagkakaalipin ng maraming
Pilipino sa kamay ng makapangyarihang iilan. Ang pangangailangan pang
igiit ang sariling wika upang magamit o mapag-aralan sa mga pamantasan
ay naglalantad ng kalunos-lunos na kalagayan ng bansa. Hindi nito
sinasalamin ang kalidad na edukasyong ipinapangako ng K-12 o ng iba
pang palisiya, higit lalo pa ang pagsasarili ng bansa. Ngunit ito ang
mismong dahilan ng pagpapatuloy ng matagalang laban. Kaakibat ng
pagsulong ng sariling wika ay ang pagsulong ng malayang ekonomiya at
politika mula sa dayuhan. Kaya patuloy ang paggiit sa Filipino, ang
paghasa ng sandata, kasabay ng pagpanday ng pagbabago mula sa masa.
NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang Filipino at
Panitikan bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memorandum ng Commission
on Higher Education (CHEd) at sinang-ayunan naman ng Supreme Court. Ayon sa
SC, pinal na ang desisyon at wala nang paghahabol pang maaaring gawin ukol dito
sapagkat hindi na nila pakikinggan. Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO)
ang SC noon pang 2015 makaraang isulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at
Panitikan sa kolehiyo. Ayon sa argumento ng CHEd, nararapat na sa senior high
school na lamang ituro ang mga nabanggit na subjects.

Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa itong
sariling wika na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang pinatay. Noon
pang 2013 isinulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Pantikan na lubhang
nakapagtataka kung bakit ganito sila kasigasig. Tama na raw sa senior high school o
K12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na raw ang pag-aaral ng Filipino. E ano
naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May masasayang ba kung muling pag-aralan
ang Filipino at Panitikan?

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili.
Marami pa ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangungusap. Maraming salat
sa tamang baybay. Kaya paano sasabihing sobra-sobra na ang pag-aaral ng Filipino
kaya hindi na ito dapat pang ituro sa kolehiyo?

Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan ay ang mga guro at


propesor sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumukuha ng kursong
nagme-major sa Filipino. Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa pagiging “anti-Fili-
pino” ng CHEd, maraming apektado.

Sana, may mga unibersidad at kolehiyo na huwag agad-agad buwagin ang kanilang
Filipino Department. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin ang bawat
unibersidad at kolehiyo na magpatupad sa pagtuturo ng wikang sarili. Sila pa rin ang
masusunod ukol dito. Sana, maraming unibersidad ang manindigan at itaguyod ang
mga subject na Filipino at Panitikan.

Ang suliranin ng isang lipunan o ang mga problemang kinakaharap ng isang lipunan
sa kasalukuyan ay mga isyung panlipunan. Karaniwan, ang mga nauugnay dito ay
mga krisis at mabibigat na problema ng publiko. Ang problemang ito ay hindi
lamang may masamang epekto sa lipunan kundi ay may masamang dulot din ang
mga ito sa tao. Ang mga problemang ito ay sumasaklaw sa ibat-ibang sektor tulad ng
edukasyon, pangkalusugan, pagtaas ng bilihin at iba pa. Ito ay ilan lamang sa mga
problemang napapanahon na kinakaharap ng bansa sa ngayon. Paano malalaman
ang mga isyu? Sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, pahayagan, internet, at mula sa
ibang tao. Pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya ay ang limang
sektor bansa kung gaya’t nararapat lamang na malaman natin ang mga isyu dahil ang
mga tao ang isa sa mga mabibigat na apektado ng mga suliraning ito. Hindi
kailanman man makukubli ang mga problemang ito sa isang sulok subalit, ilan sa
mga problemang ito ay hindi natutuunan ng tamang pansin.Anu-ano nga ba ang
isyung panlipunan?Ito ang mga halimbawa:

• Korapsyon – isa ito sa mga pinakamahirap na bigyan ng solusyon dahil


mismong mga lider ng bansa ang kasangkot.
• Diskriminasyon – dahil sa pagkakaiba-iba natin sa bawat isa nag-ugat ang
diskriminasyon. May mga ibang tao na hindi tanggap ang isa at imbes na
intindihin at tanggapin ang sitwasyon, sila ay nagmamataas pa at walang
habas sa panghuhusga.
• Edukasyon – ito ang isa sa mga pinakamahirap na gawin ng isang tao sa bansa
– ang makapagtapos – dahil kapos at hirap sa buhay. Ang ibang bata ay
kailangan magtrabaho para mabuhay at hindi magustom imbes na mag-aral at
magtapos.
• Polusyon – dahil sa patuloy na pagdami ng tao, ang iba’t ibang uri ng
polusyon ng bansa ay mas lalong lumalala.

• Kahirapan – ang kahirapan ang isa sa mga pinakamabibigat na mga isyu ng


lipunana. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang hindi nakakakuha ng tamang
oportunidad para mag-aral at matuto. At malaking porsyento sa mundo ang
dumaranas ng lumalallang kahirapan.

Kultura

Isyung Pangkultural ng Pilipinas

Tayong mga Filipino ay kilala sa buong mundo dahil sa pagtataglay ng mabubuting


kaugalian at katangian. Mayroon tayong kulturang bukod-tangi na bumibighani
maging sa mga dayuhan. Marami sa mga kaugaliang ito ay unti-unti nang
nalilimutan sanhi ng mabilis na pagbabago ng panahon at iba pang salik tulad ng
enkulturasyon at migrasyon. Nararapat lamang na mapanatili sa kulturang Filipino
ang mabubuting kaugalian. Gayunpaman, nararapat ding isaalang-alang na ang ilang
kaugalian ay hindi na umaangkop sa lipunang ating ginagalawan sa kasalukuyan.
“Ang bawat bansa ay may sariling kultura, may sariling pambansang identidad na
madaling pagkakakilanlan ng bawat isa” (Arrogante, 2005).
Sa mga nakalipas na daang taon ay nabuo ang kulturang Filipino. Isang kulturang
naimpluwensyahan ng iba’t ibang kultural na pangkat ng mga dayuhan. Ang
bayanihan, harana, pagmamano, pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda,
masayahing pagtanggap (Filipino hospitality) at pamamanhikan ay ilan lamang sa
mga kilalang kaugaliang kultural nating mga Filipino. Ang mga ito ay manipestasyon
ng mahabang panahong pangkasaysayan ng bansa na dapat lamang mapanatili
bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino. Sa ngayon,
nakalulungkot na ang mga kaugaliang kultural na ito ay dumadaan sa krisis at unti-
unti nang nalilimutan. Lumipas na ang panahon ng mga matatandang nagsabuhay
ng mga ito noon. Ang pagpasa ng mga kaugaliang ito sa bagong henerasyon ay literal
na dumadaan sa butas ng karayom dahil sa impluwensya ng agham at teknolohiya.
“Sharks, milenyal kase!” Noon, ang karanasan ng mga kabataan ay nakakamit sa
pamamagitan ng aktuwal na pakikisalamuha at pagsasagawa samantalang sa
kasalukuyan, ang mga kabataan ay nakararanas ng pagtuklas sa pamamagitan ng
megabytes at gigabytes sa harap ng mga kompyuter. Hindi maikakaila na karamihan
sa mga kabataan sa kasalukuyan ay wala na ring sapat na kaalaman hinggil sa
sinaunang kultura. Higit na pipiliin ng mga milenyal ang tumutok sa kanilang mga
gadget kaysa ang makipaglaro at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Ang mga
kabataan sa kasalukuyan ay abala sa pakikipag-usap sa facebook, twitter, messenger
at iba pang aplikasyon ng social media. Mas pinagkakaabalahan nila ang pagsi-selfie
nang sa gayon ay may mai-upload sila sa instagram. Ito ang buhay at ang mundo na
nakagisnan ng mga milenyal. Nakapanghihinayang na ang kanilang mga karanasan
ay hindi nagmumula sa mga espasyo ng totoong mundo at sa halip ay sa mga
aplikasyong virtual.“I am so glad, I had a childhood before technology took over.”
Naranasan ko ang magpatintero. Naging masaya ako sa pagtataguang pung sa ilalim
ng maliwanag na buwan, maglaro ng trumpo, teks at holen. Nakapaligo ako sa ulan
habang naglalaro ng bangkang-papel, nagluksong-tinik, luksong-baka at naglambitin
sa mga dahon ng saging at sanga bayabas. Naranasan ko ring umiyak dahil sa mga
palo ni inang sanhi ng kakulitang magtampisaw sa malinaw na tubig ng ilog.
Naranasan kong matakot dahil sa asaran kasama ang aking mga kaibigan na minsa’y
nauuwi sa mga away-bata, magsumbong, magtago sa likod ng pinto, manood ng mga
aninong karton sa karilyo ni kuya kapag madilim na at makinig sa mga kuwentong
kababalaghan at katatakutan ng aking lola. Ang lahat ng iyon ay nakapagparanas sa
akin ng masayang kabataan. Ang mga iyon ang nagturo sa akin na maging malakas;
na magkaroon ng kababaang loob; na tanggapin, pagsisihan at huwag nang ulitin ang
kamalian; ng matapat na pakikisama; ng mabuting pagdedesisyon; at higit sa lahat,
natutuhan ko ang kahulugan ng disiplina, ang magalang na pagsunod sa mga
magulang at ang dalisay na pakikipagkapwa.The youth is the hope of the motherland.
” Paano kung ang mga kaasalang nabanggit ay hindi nga naipasa sa mga kabataan sa
kasalukuyan? Huhugot ba tayo ng mga ito sa virtual na mundo? Iyon nga lang, hindi
kasimbilis ng megabytes at gigabytes maaaring makuha ang mga ito. Daang taon ang
ginugol upang ang mga kaasalang ito ay maranasan at o matutuhan mula sa mga
aktuwal na karanasan. Kung maaari lamang pabalikin sa kasalukuyan ang ating mga
ninuno upang tayo ay pangaralan, paluin ng tsinelas at paluhurin sa bilao na puno ng
mga buto ng monggo nang magtanda tayo sa ating mga kamalian, malamang titiklop
tayo at susunod sa kanilang mga sasabihin o ipapayo. Paano pamumunuan ng
kabataan ang kapwa kabataan na salat sa karanasan? Paano magpapakita ng
mabuting halimbawa kung ang mga kabataan ay naghahanap din ng mga kaasalang
dapat matutuhan? Isasagot ba natin dito ang pamunuan ng Sangguniang Kabataan
sa kasalukuyan? Nawa, ito’y pag-isipan dahil sabi nga ni Rizal, ang kabataan ang
pag-asa ng bayan. “Mana-mana lang. “Kung ano ang pinagkabataan, siya ring
pinagkatandaan.“Mana-mana lang. “Kung ano ang pinagkabataan, siya ring
pinagkatandaan. Mayroon pa bang hihigit na isyung kultural kung pati ang mga
nakatatanda ay maging asal milenyal? Nakatutuwang isipin sapagkat ang literal na
kahulugan nito ay nag-iisip at kumikilos milenyal ang mga dapat namumuno sa mga
kabataan. Iyong nakalilimot sa mga kutural na nakagawian at sumusunod sa agos ng
pagbabago ng teknolohiya. Nakalilimot sa pagkakaiba ng wasto at dapat, tanggap
ngunit hindi naayon; at naaayon ngunit hindi tanggap. Ano ba ang higit na dapat
paniwalaan, ang ipinakitang halimbawa ng mga nakatatanda ay dahilan ng kaugalian
ng mga kabataan? O sadyang may sariling paniniwala at desisyon ang mga kabataan
kaya anuman ang isipin ay walang kinalaman ang mga nakatatanda sa anumang
kaasalang mayroon sila? “The real score.”Ang totoong isyu ay harapin natin. Pag-
usapan natin. Ang ating bansa sa kabila ng mga mabubuting kaugaliang kinikilala ng
marami ay nababahiran ng iba’t ibang isyu. Sa aking kabataan, natutuhan ko sa
aking paglalaro kung paano maging matapat sa aking mga kalaro.

Lipunan
Ang suliranin ng isang lipunan o ang mga problemang kinakaharap ng isang lipunan
sa kasalukuyan ay mga isyung panlipunan. Karaniwan, ang mga nauugnay dito ay
mga krisis at mabibigat na problema ng publiko. Ang problemang ito ay hindi
lamang may masamang epekto sa lipunan kundi ay may masamang dulot din ang
mga ito sa tao.Ang mga problemang ito ay sumasaklaw sa ibat-ibang sektor tulad ng
edukasyon, pangkalusugan, pagtaas ng bilihin at iba pa. Ito ay ilan lamang sa mga
problemang napapanahon na kinakaharap ng bansa sa ngayon. Paano malalaman
ang mga isyu? Sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, pahayagan, internet, at mula sa
ibang tao.

Pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya ay ang limang sektor bansa


kung gaya’t nararapat lamang na malaman natin ang mga isyu dahil ang mga tao ang
isa sa mga mabibigat na apektado ng mga suliraning ito. Hindi kailanman man
makukubli ang mga problemang ito sa isang sulok subalit, ilan sa mga problemang
ito ay hindi natutuunan ng tamang pansin.

Anu-ano nga ba ang isyung panlipunan?

Ito ang mga halimbawa:

• Korapsyon – isa ito sa mga pinakamahirap na bigyan ng solusyon dahil


mismong mga lider ng bansa ang kasangkot.
• Diskriminasyon – dahil sa pagkakaiba-iba natin sa bawat isa nag-ugat ang
diskriminasyon. May mga ibang tao na hindi tanggap ang isa at imbes na
intindihin at tanggapin ang sitwasyon, sila ay nagmamataas pa at walang
habas sa panghuhusga.
• Edukasyon – ito ang isa sa mga pinakamahirap na gawin ng isang tao sa bansa
– ang makapagtapos – dahil kapos at hirap sa buhay. Ang ibang bata ay
kailangan magtrabaho para mabuhay at hindi magustom imbes na mag-aral at
magtapos.

• Polusyon – dahil sa patuloy na pagdami ng tao, ang iba’t ibang uri ng


polusyon ng bansa ay mas lalong lumalala.
• Kahirapan – ang kahirapan ang isa sa mga pinakamabibigat na mga isyu ng
lipunana. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang hindi nakakakuha ng tamang
oportunidad para mag-aral at matuto. At malaking porsyento sa mundo ang
dumaranas ng lumalallang kahirapan.
III. Paglalagom
Ang mga isyung nakatala sa itaas ay ang mga isyung ating kinakaharap sa
Kasalukuyang panahon,marami sa atin ang bulag sa katotohanang tayo
mismo ang gumagawa ng paraan upang malibing sa limot ang ating mga
kaugalian.Kung mababasa ay walang ibang masisisi kundi tayo mismo,tayo
naman Kasi ang gumagawa ng paraan upang lumago ang ating buhay
ngunit kaakibat nito ay ang pagbagsak ng ating ekonomiya at pagbubulag
bulagan sa mga negatibong naidulot nito sa atin.
IV. Rekomendasyon
Ang mga isyung ating kinakaharap sa Kasalukuyang panahon ay hindi
dapat isawalang bahala, tayo mismo ang maghihirap sa pagdating ng
panahon kapag nagpatuloy pa ito.Bilang isang kabataan tayo dapat ang
nagtataguyod at nagpapayaman sa ating kaugalian hindi iyong tayo mismo
ang unang nakakaklimot dito.Batid natin na sa kabila ng kaunlaran ng
ating bansa ay maraming taong naghihirap at maraming kaugalian ang
ating naiwawaksi,nakakalimutan natin ito.
Reference
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/
2019/05/31/1922363/editoryal-huwag-patayin-ang-wikang-
filipino/amp/

https://www.studocu.com/ph/document/saint-louis-college/bs-
architecture/aralin-8-isyung-pangkultural/12041744
Ugnayan ng Wika,
Kultura at
Lipunan
Ipinasa ni: Ma. Trisha Ann Azares

You might also like