Professional Documents
Culture Documents
(UNANG LINGGO)
PAKSA:
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA
MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
Nilalaman
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pag-aalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa
Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil
sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang
bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad
ng kasanayan sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang
mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay
umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang
bahala sa Filipino.
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng
mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang
wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan
at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng
silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang
karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa
posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa
kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito
ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang
sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat
Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
IKALAWANG LINGGO
PAKSA:
FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON SA
KOLEHIYO AT MAS MATAAS NA ANTAS
Nilalaman
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman
ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula
dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino.
Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang
artikulong 12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng
atikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang
pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo.
Sa artikulong ito ay inisa isa niya ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay
kailangan gamiting wikang panturo at dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo.
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng
kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng
Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila
sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng
epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o
disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan
at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring paraan ng
paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang
ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa
College Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National
Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng
Kagawaran ng Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang
mapunang ang kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita
ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan
tulad kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa
Filipino. Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga
bansang nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang
kanilang wikang pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa
niya na maraming panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa
multi/interdidiplinari na pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang
namamayagpag ang Ingles sa kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino
ay nito lamang 1996, at panahon na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng
makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang
Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong
institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa
kung saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino
bilang pandaigdigang wika.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating na
panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa nga aklat sa
mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay
sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa
Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng
produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga
tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga
wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi
sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong
Benigno C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang
mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon
ay nasa mataas na antas na o higit pa.