You are on page 1of 2

MGA POSISYONG PAPEL HINGGIL SA

FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa pamamagitan ng


posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang
paninindigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika,
batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto
ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa
publiko ang kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.

A. DEPARTAMENTO NG FILIPINO NG DE LA SALLE UNIVERSITY


Agosto 2014 nang nagpahayag ang ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na
may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong
papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa
mga komunidad na ating pinaglilingkuran.

Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa


bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan
sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo
sa pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging
kapakipakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may
sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa
iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pang kultura, tulad ng
nililinang sa ibang pamantasan.” Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating
kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga
estudyanteng magiging mga kapakipakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”

B. “Ang Paninindigan ng KAGAWARAN NG FILIPINO NG PAMANTASANG ATENEO DE MANILA sa


Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20Series of 2013”
- ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University. Nakapaloob dito na “hindi lamang
midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na
nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro
sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang
banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang disiplina ang
pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa
diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapangmatyag laban sa
mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang
mga interes.”

Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito
ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal
sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang
bahala ng lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan
ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at iniisang tabi ang sariling wika
ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig
nito.

3. UNIBERSIDSAD NG PILIPINAS, DILIMAN DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN SA


ILALIM NG KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA
Isa sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan. Anila
ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang
pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika
rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya.
Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong bayan at
napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag-aaral
na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapakipakinabang ang napili nilang disiplina sa pang araw-araw
na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng
serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa
wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto rin sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa
kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang propesyonal. Kaya
gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong
sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pag-unlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na
dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang paggamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang
paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na
serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.

4. “PANININDIGAN NG KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG UNIVERSIDAD


NG PILIPINAS (PUP), SAMAHAN NG MGA DALUBGURO AT FILIPINO (SADAFIL), SAMAHAN NG
MGA BATANG EDUKADOR NG WIKANG FILIPINO AT MGA SINING NG PLIPINAS, PUP UGNAYAN
NG TALINO AT KAGALINGAN”. (2014)

Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa
Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag
talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito
sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral
ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo
yun ang identidad mo.” Kalakip ng pagka-Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din
ng sariling identidad. Ito ay nagbibigay-diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit ng mga mag-
aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinaw ang pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng
pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika
at panitikan sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad
at mapataas ang antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng
mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.

5 PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


- “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan
na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong
panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat mamamayan ng
bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat
sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.” Ang paaralan ang
nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang
nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na
perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na
magdudugtong sa kung ano man ang mga napag-aralan sa silid ay siyang magamit at madala sa paglabas dito. Ito
ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay
masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay
daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya. Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na
nailathala sa paksang ito ay naging malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang
umiinog sa Filipino at Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan
ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na
magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa’y kaalinsabay nito ay mas humigpit ang
pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming aspekto ay manatili
sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga propesyonal na magmamahal at
magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

You might also like