You are on page 1of 2

Polytechnic University of the Philippines, tinaguriang "largest state university in

the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa
iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na
naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng
Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo. Masasabing PUP ang pinakmalakas at
pinakamaasahang balwarte ng Tanggol wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga
malakihang asembliya at kilos protesta, dahil na sa rin sa sigasigng departamento ng
Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai.

Isa ang Polytechnic University of the Philippines sa naglathala ng kanilang


saloobin hinggil sa tuluyang pag-alis ng asignaturang Filipino sa K to 12 kurikulum. Sa
paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing
Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan, ang pag-alis ng asignaturang
Filipino sa katuruan ng mga paaralan ay para na ring pag-alis ng identidad ng
kabataang Filipino. Simula pagkabata ay nakaukit na sa ating isipan ang wikang
pambansang Filipino, wikang naging pang araw-araw na tulay ng komunikasyon at
daluyan ng impormasyon. Napakahalagang salik ang patuloy na pagpapalawig ng
kaalaman ng bawat mag-aaral sa wikang Filipino dahil isa rin itong paraan ng
pagpapatatag ng ating nasyonalismo at higit sa lahat ay pundasyon ng matatag na
pagkakakilanlan. Ang wikang Filipino rin ay mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi
lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din natin ito sa
paraan ng makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba't ibang opinyon at
kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na
tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.
Ang wikang Filipino ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang
isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal
na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian kundi ito ay isang sisidlan na
siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa.
Ang wikang Filipino ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba
ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wikang Filipino ay tumutulong
na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Kaya’t ang pagtanggol ng ating mga kababayan lalo na ang pakiki-isa ng Polyteknikong
Unibesidad ng Pilipinas sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay isa lamang patunay
na tayo ay mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang wika
na siyang naging parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino.

You might also like