You are on page 1of 3

Posisyong Papel sa Pagkataguyod ng Filipino.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014
sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40
paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang
lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa
forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang
forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula
pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa
ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series
of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order
(TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan
sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang
binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng
Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad
ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang
House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo.

Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang


saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel.
- Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La
Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang
posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino,
tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na
“ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa
pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa
bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat
bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang
departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din ng
malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa
pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat
na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang
pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png akademiko
man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”

- Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng


Kagawaran ng Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning
Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20Series of
2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila
University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang
Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan
na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas
ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong
propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto
ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng
pagaaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng
mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang
wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang
mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at
institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi
ang sarili at kanilang mga interes.”

- Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung


pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas,
Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi
ng kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika
ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na
hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang
pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng
mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan
ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin
ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki
pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng
mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP
Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.
Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa
wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang
kaalaman.”

- Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran


ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan
ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng
Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino
ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na
pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang
tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag
aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino,
tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano
ang wika mo yun ang identidad mo.”

- Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na


pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang
kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat
mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto
ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan
ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng
silid
aralan.”

Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito


ay naging malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga
asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at
pamantasan ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-
edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging
mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito
ay mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad.
Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan.
Inaasahang dadami ang mga propesyonal na magmamahal at
magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo.

You might also like