You are on page 1of 3

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Sta. Mesa Manila


PANITIKANG FILIPINO

Pangalan: RAYMUNDO, Camille Anne A. Kurso at Sek.: BS ENTREP 2-1


Iskedyul (Oras at Araw): 1:30-3:00 pm (Martes/Biyernes) Petsa ng Pagpasa: Oktubre 22, 2021

Takdang Aralin # 1:
Magbasa tayo at Magsuri

Basahin ang mga Tula na ibinigay ng inyong guro. Unawain ito at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ilahad ang paksang-diwa (Main Topic) ng mga binasang Tula.


● CHAT – inilalarawan ng tula kung gaano naging masalimuot ang epekto ng pandemiya sa
pagkokomunika ng bawat indibidwal. Gayundin ang pagkabawas ng emosyon na nararamdaman
at reaksyon na ipinapakita sa bawat salitang binibitawan.

● ZOOM – masasalamin sa akda kung paano nalilimitahan ang kilos at pagkatuto ng mga mag
aaral pati narin ng mga guro sa klase. Inilalarawan din nito kung gaano kalungkot ang
kinahantungan ng mga estudyante at ang pagbabago ng kanilang kinagawian.

● WEBINAR – mahihinuha sa naturang akda ang kahalagan ng internet at gadget sa mga naturang
estudyante. Para bagang may susi ang edukasyon at hindi lahat ay may oportunidad matuto. Ang
mga may access ay busog ang kaisipan habang ang mga wala naman ay naiwan sa laylayan.

2. Ano ang kaligirang pangkasaysayan na mababasa sa akda? Hinuhain (bigyan ng


palagay) ang dahilan ng may akda sa pagkakasulat ng mga naturang tula? Ano ang kinalaman
ng kaligirang pangkasaysayan kung paano o bakit naisulat ng otor ang mga tula? Ipaliwanag.

Hindi kataka-taka na ang pandemiya ang pinag-ugatan ng mga naging paksa ng may akda
dahil hindi maiwawaksi kung paano nito nabago ang kinagawian natin noon sa ngayon.
Maipagtatanto rin sa mga akda kung ano ang mga naging adbantahe at disadbantahe sa atin ng
new normal. Sa aking opinyon, isa sa mga dahilan kung bakit naisulat ng otor ang mga akda ay
upang magbigay ng kamalayan sa iba pang mga estudyante at mga guro na hindi lamang sila ang
nag iisang nakararanas ng kahirapan sa pagbabagong dulot new normal. Isa sa mga pinaka
naapektuhan ng pandemiya ay ang sistema ng edukasyon, ang otor ay isang ring guro, kung kaya’t
siya mismo ay nakararanas nito at nakakasaksi sa kalagayan ng mga estudyante at mga kapwa
guro sa pagsubok na dulot ng new normal. Bukod dito, ang otor ay may layuning makapang himok
at maiangat sa kalungkutan at kalugmukan ang mga mambabasa ng akda sa pamamagitan ng
mga salitang makakapagpagaan ng kanilang damdamin.
3. Bilang bumabasa ng tula, husgahan ang “estetikal na dating” (pamantayan ng
kagandahan) sa inyo ng tula ayon sa mga sumusunod na pamantayan: porma ng pagkakasulat,
nilalaman o content, relevance o kahalagahan nito sa politikal, ekonomikal at kultural na
aspeto. Pangatwiranan
Pamagat Porma ng pagkakasulat Nilalaman Relevance Katwiran
CHAT Mapapansin ang Inilalarawan ng tula Kung iintindihing Dahil lockdown at
paggamit ng ang kabawasan mabuti, mahihinuha sa bawal lumabas o
mabababaw na salita, interaksyon ng mga binasang akda ang
magpulong-pulong, ito
kung kaya’t madaling tao dulot ng epekto ng sitwasyon
na lamang ang naiwan
maunawaan ng mga kinakaharap na ngayon sa kalusugang sa atin upang
mambabasa lalo na ng pandemiya. pangkaisipan ng mga
makausap parin ang
mga millennials at Gen Maipapagtanto rin tao dahil hindi lahat ng
mga tao sa paligid
Z. Ang tula rin ay isang kung gaano kalaki ang tumatawa sa socialnatin. Wala tayong
pormal at may malayang naging epekto ng media ay totoong
magagawa kung hindi
taludturan. ganitong sitwasyon sa masaya. magpatuloy at lumaban
emosyon ng mga tao. sa buhay kahit na
malungkot at mahirap.
ZOOM Ang akda ay may Sinasalamin ng tula Ang tula ay nagsisilbing Maraming estudyante
magkakalapit na sukat at ang isa pang boses ng mga at guro ang nahihirapan
tugma dahilan upang nakadagdag sa hirap estudyante kung gaano sa sitwasyon ng
mas maging malinis at ng mga estudyante sila nahihirapan sa edukasyon ngayon
payak ang tula. ngayong online class. sitwasyon ng ngunit mas pinipili parin
Mapapansin rin ang Bukod sa hirap sa edukasyon ngayon. nilang huwag tumigil
paggamit ng mga pagka tuto, nawala na Maaari itong magbukas kahit na mahirap, kung
maririkit na salita na ang dating kasiyahan sa kaisipan ng mga kaya’t, sila ngayon ay
mas nagpukaw ng ng mga estudyante sa naka upo sa gobyerno nagdudusa sa paggamit
atensyon ng mga tuwing papasok sa upang paigtingin pa ang ng mga ganitong
mambabasa. klase. paglaban sa pandemiya plataporma para
upang tayo ay muli ng lamang maipag patuloy
makabalik sa normal. ang edukasyon.
WEBINAR Ang paggamit ng mga Mahihinuha sa akda Naghahatid ang tula ng Isa pa sa malakas maka
salitang napapanahon kung gaano katatag isang magandang konsumo ng oras at
ay isa sa mga nag ang mga estudyante mensahe para sa mga data itong webinar na
paganda ng akda. pati ang mga guro. nakakataas na kung ito subalit sinisikap
Pormal at matalinhaga Hindi na alintana kung puwede lamang ay parin ng mga
ang mga salita. Mayroon gaano kahirap ang huwag ng gawing estudyante ang
ding malayang sitwasyon basta’t mandatorya ang pagsali makapakinig dito dahil
taludturan at malalim na makapag bigay aral sa sa mga webinar dahil minsan dito nakasalalay
kahulugan. mga estudyante hindi naman lahat ng ang kanilang marka.
gayundin ang mga tao ay may kakayahang Kilala tayo sa pagiging
mag aaral na kahit makatagal sa ganitong matatag kung kaya’t
maraming kailangan uri ng panayam dahil sa kahit ano pang
unahin, hindi parin iba’t ibang rason. kailangan unahin sa
magawang iwan ang buhay ay pinipilit parin
responsibilidad bilang maging parte ng mga
estudyante. ganitong panayam.

4. Sa Tatlong Tula; humalaw ng pahayag na tumatak sa inyong isip. Ipaliwanag ito.

(WEBINAR)
nasa webinar ka
habang naglalaba,
nasa webinar ka
habang kumakanta,
nasa webinar ka
habang nagpaplantito
habang nagpaplantita
sapagkat tao ka...
sapagkat tao ka...
sapagkat tao tayo
na pinipili pa ring
maging masaya!

Isa sa mga di ko malilimutang kaganapan sa buhay ko ay yung nasa kalagitnaan ako


ng pagtatrabaho at pagtitinda sa labas ng kalye ngunit mas pinili ko paring makinig sa
webinar dahil dito nakasalalay ang aking marka. Kahit na malaking sagabal ito sa aking
ginagawa, hindi ko na inalintana ang hirap, ang mahalaga ay makapakinig at magawa ko
ang responsibilidad ko bilang anak. Kinokonsidera ko parin ang aking sarili na suwerte dahil
malinaw ko itong napapakinggan, paano naman kaya yung mga walang internet o mahina
ang signal kaya’t hindi makapakinig ng maayos. Sa huli, kahit pa ganon ang pinagdaanan ko
ay masaya parin ako dahil habang nagtitinda ako ay natuto parin ako sa aking pakikinig.

amc

You might also like