Professional Documents
Culture Documents
Aralin 3
Pagsasaling Pampanitikan at Pagsasaling Teknikal
(Kahulugan, Uri at Katangian)
INTRODUKSYON
Sa pagsasaling-wika nahahati sa dalawang kategorya ang pagsasagawa sa salin. Ito ay
maaaring Pagsasaling Pampanitikan o Pagsasaling Teknikal. Ito ay ang mga korpus o
lunsarang materyales na gagamitin sa pagsasalin. Dito nakabatay ang pagtukoy sa Simulaling
Lenggwahe (SL) at Tunguhing Lenggwahe (TL).
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na kalalabasan ng pagkatuto.:
- Mailalahad ang Kahulugan, Uri at Katangian ng Pagsasaling Pampanitikan at
Pagsasaling Teknikal.
- Maiisa-isa ang halimbawa ng mga materyales/akda sa ilalim ng dalawang
nasabing kategorya.
- Maihahambing ang pagkakaiba ng pagsasaling Pampanitikan at Pagsasaling
Teknikal.
- Makapagsasalin ng halimbawang akda ng pagsasaling Pampanitikan o
Pagsasaling Teknikal.
NILALAMAN NG KURSO
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Ang pagsasaling pampanitikan ay isang uri ng pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at
pangkalahatang konsepto ng pagsasalin. Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang
imahinasyon, matayog na kaisipan, at ang intuitibong panulat ng isang may-akda. Sa
katunayan, natutukoy kung ano ang isang akdang pampanitikan dahil sa taglay nitong estetika.
Bukas sa iba’t ibang pagpapakahulugan o interpretasyon. Hindi kumukupas at may katangiang
unibersal. Gumagamit ng mga natatanging pamamaraan upang itampok ang bisang
pangkomunikatibo - isang pagkiling sa intensiyong humiwalay sa mga alituntuning
pangwika/panggramatika. Pagsasalin bílang “pakikipaglaro sa wika”(Almario)
1
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Ekspresibo
Naglalarawan ito ng damdaming personal na saloobin at paniniwala sa isang pagsasalin
mas nagiging makatotohana at nanalapit sa orihinal ang isang salin kung ang tagapagsalin ay
nagkakaroon ng personal na ugnayan sa akdang kanyang isinasalin.
Konotatibo
Ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intension
ng nagsasalita o sumusulat.
Pragmatiks
Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong
lingguwistiko at mga gumagamit nito.
Simbolikal
Maaaring gumamit ng simbol o imahe.
2. Tula
Isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, at
malayang paggamit ng mga salita sa iba’t-ibang estilo, kung minsan ito ay maiksi o mahaba. Ito
ay binubuo ng saknong at taludtod.
3. Kwentong Pambata
Isang maikling kwento o katha na sinulat para sa kapakinabangan ng mga bata na may
edad sampu o pababa. Ang karaniwang kuwentong pambata ay naglalaman ng magandang
aral.
3
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Pagsasaling Teknikal
Ito ay isang espesyalisadong pagsasaling may kinalaman sa iba’t ibang larangan o
disiplina.
Kakaiba ito sa ibang pagsasalin dahil sa mga terminong kaugnay ng isang disiplina.
Sinasabing pag-aaral ito ng wika o termino kaysa sa nilalaman o kontent ng isang
sabjek.
Tuwirang may kinalaman sa siyensya, pangkalikasan man o panlipunan, pang-
akademiko na nangangailangan pa rin ng espesyalisadong wika.
Ito ay ginagamit upang mas maging maliwanag o kongreto ang pagtatalakay.
4
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
5
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
6
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
6. Paladiglap – radiologist
7. Kagaw – germ
8. Muntilipay – platelet
9. Kaphay – plasma
10. Iti, daragis, balaod – tuberculosis
11. Sukduldiin, altapresyon – hypertension
12. Mangansumpong – arthritis
13. Piyo – Gout
14. Balinguyngoy – nosebleed
PAGTATAYA
PAG-UNAWA SA PAKSA
Panuto: Bumuo ng isang ilustrasyon na nagpapakita ng pagkakaiba ng Pagsasaling
Pampanitikan at Pagsasaling Teknikal. Sundin ang Gabay na Pamantayan sa
pagmamarka.
Mensahe ng larawan..................................30%
Kaangkupan.................................................25%
Pagkamalikhain...........................................25%
Kalinisan.......................................................20%
KABUUAN.....................................................100%
GRAPHIC ORG.
Paglinang sa Kasanayan
Tandaan: Sa pagsasaling-Pampanitikan, kailangang maging maingat ang isang tagapagsalin
upang hindi mahulog sa patibong ng mga idyoma.
7
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
8
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
6. Fishwive’s tales
7. Still wet behind the ears
8. Turncoat
9. Birds of the same feather
10. Bleed one white
11. Man in the street
12. Going post-haste
13. At as snail’s pace
14. Fight to the death
15. Beaten black and blue
16. Spick and span
17. Small fry
18. Towering passion
19. Small hours
20. Wild goose chase
21. Not worth his salt
22. Small talk
9
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
10
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Shared Values
God-Fearing
Love for Humanity and Democracy
Collegiality
Integrity and Credibility
Transparency and Accountability
Passion for Learning
Humanist Internationalism
11
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Aralin 4
Pagsasalin at Pambansang Kaunlaran
(Wikang Katutubo, Rehiyunal na Materyal, Kaalamang Bayan, at Industriya)
INTRODUKSYON
Nabanggit sa unang aralin na may ginampanan ang pagsasaling-wika sa pag-unlad ng
Pambansang Pampanitikan ngunit hindi rin maitatanggi na ang pagsasalin ay hindi lamang sa
ikauunlad ng Pambansang Pampanitikan, lalo’t higit ito ay nakatutulong ng malaki sa
Pambansang Kaunlaran. Matatawag na maunlad ang isang bansa kung nagkakaroon ng
pagkakaisa una ay sa wikang sinasalita, pagkakaroon ng lokalisasyon sa mga rehiyunal na
materyal sa pagkatuto, nabubuhay pa rin at napapanatili ang mga kaalamang bayan at
umuunlad ang Industriya.
Sa araling ito, tatalakayin ang naging papel ng pagsasalin sa pagbuo ng isang
Pambansang Kaunlaran. Maglalahad ng mga salitang naisalin mula sa iba’t ibang katutubong
wika na umiiral sa bansa. Maging ang mga halimbawa ng Rehiyunal na Materyal na naisalin at
patuloy pa ring ginagamit sa iba’t ibang rehiyon. Magkakaroon rin ng pagpapatalas ng
memorya sa mga kaalamang bayan na bahagi ng ating kultura sa iba’t ibang panig ng bansa at
ilalahad ang kahalagahan ng pagsasalin sa iba’t ibangIndustriya.
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na kalalabasan ng pagkatuto.:
- Masasaksihan ang iba’t ibang salin ng mga salitang kadalasang maririnig sa
isang rehiyon.
- Nakakapangalap ng mga salitang batay sa wikang katutubo ng mga mag-aaral na
magsisilbing pagpapaunlad sa kulturang mayroon sa lugar na kanilang
kinabibilangan.
- Makapagsasaliksik/makababasa gamit ang mga lumang aklat o pagtatanong sa
mga kakilala ng iba pang mga akdang pampanitikang naisalin bilang rehiyunal na
materyal at ilalahad ang mga kaligirang impormasyong tungkol rito.
- Makapagsasagot ng mga Kaalamang Bayan bilang bahagi ng pagtataya
- Nailalarawan ang mga industriyang umiiral sa bansa.
12
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
NILALAMAN NG KURSO
A. KATUTUBONG WIKA
Ang katutubong wika (kilala rin bilang inang wika, unang wika, arteryal na wika, o L1) ay
isang uri ng wika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan. Batayan para
sa pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.
Ang 2019 ay idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural
Organization (UNESCO) bilang International Year of the Indigenous Languages (IYIL). Kaya
naman, “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ang temang itinakda ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong nabanggit, bilang
pagpapahalaga sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang tema ng Buwan ng Wika ay
sumusuporta sa Artikulo 15, Seksyon 7 ng Saligang Batas, na nagsasabing dapat ituring na
auxiliary official languages ang mga katutubong wika sa bansa. Alinsunod sa nasabing batas,
inilunsad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) upang tuluy-tuloy na
hasain ang mga estudyante sa paggamit sa kanilang kinamulatang wika bago turuan ng Filipino
at English sa mas mataas na antas ng edukasyon.
Kabilang sa mga wikang saklaw ng nasabing programa ang Aklanon, Bikolano,
Cebuano, Chabacano, Hiligaynon, Iloko, Ivatan, Kapampangan, Kinaray-a, Maguindanaoan,
Meranao, Pangasinense, Sambal, Surigaonon Tagalog, Tausug, Waray, Yakan at Ybanag.
Simula kindergarten hanggang ikatlong baitang, gagamitin ang mother tongue bilang wikang
panturo, ayon sa mga panuntunan ng MTB-MLE.
Ayon kay Virgilio Almario, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
bawat wika ay may sariling buhay, at nakapaloob sa buhay nito ang tradisyon ng maraming
henerasyon ng mga Pilipino. “Kung hindi natin ito aalagaan, manganganib ito; at kung
13
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
pababayaan, maaari pang maglaho nang tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika, tila may
isang tahanan o kamalig ng ating alaala at tradisyon ang mawawala at di na mababawi
kailanman.” Dahil dito, ang pagpapahalaga ng wikang katutubo ay katumbas na rin ng
pagpapahalaga sa mga kapwa Pilipinong nagmula sa ibang tradisyon.
1. CEBUANO
Ang Cebuano ay katutubong wika ng isla ng Cebu sa Pilipinas, ito ang siyang itinuturing na
lingua franca o pangunahing wika ng Katimugang Pilipinas at sanhi nito ay tinatawag ito minsan
bilang Visayan, Visaya o Bisaya.
HALIMBAWA:
MAAYONG ADLAW SA INYONG TANAN!
FILIPINO: Magandang araw sa inyong lahat!
INGLES: Good day, everyone!
AMBOT SA IMO!
FILIPINO: Hindi ko alam!
INGLES: I don't know!
2. HILIGAYNON
Wikang Ilonggo, ito ay nabibilang sa grupo ng mga wika sa Austronesian at Ethno-
lingguwistika na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo at gayundin sa kulturang hiligaynon.
Ginagamit din ito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga Ilonggo. Kabilang ito sa pamilya
ng wikang Bisaya.
HALIMBAWA:
TAGPILA INI?
FILIPINO: Magkano ‘to?
INGLES: How much is this?
DIIN KA MAKADTO?
FILIPINO: Sa’n ka pupunta?
INGLES: Where are you going?
PALANGGA TA KA.
FILIPINO: Mahal kita.
INGLES: I love you.
3. WARAY
Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte
(silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas. Ang mga pangkat ng wikang Waray ay binubuo ng
Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol naman ang tawag sa mga wikang
Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at
14
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may
kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.
HALIMBAWA:
SABID
FILIPINO: Pasaway
INGLES: Naughty/Stubborn
MAUPAY
FILIPINO: Mabuti
INGLES: Good
4. PANGASINENSE
Ito ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian.
Sinasalita ang Pangasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng
iba pang mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga
Amerikanong may kanununuang Pangasinan.
HALIMBAWA:
AYEP
FILIPINO: Hayop
INGLES: Animal
KAAMONG
FILIPINO: Asawa
INGLES: Spouse
5. BIKOLANO
Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua France o pangunahing wika ng
rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay,
Sorsogon, Catanduanes at Masbate.
HALIMBAWA:
MALAGAYON MO MALASIRAM
FILIPINO: Ang ganda mo. FILIPINO: Masarap
INGLES: You're beautiful.INGLES: It's delicious
15
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
HALIMBAWA:
MALAGU
INGLES: Beautiful
FILIPINO: Maganda
MATSURA
INGLES: Ugly
FILIPINO: Panget
PAGTATAYA
Paglinang ng Kasanayan
Panuto: Maglista ng limangpung (50) salita gamit ang iyong katutubong wika. Ito ay ang
maaaring mga salitang kadalasang natututunan o natutunan mo na buhat ng ikaý bata pa. Sa
bahaging ito, mapapalutang ang katangian ng katutubong wika na iyong kinagisnan buhat sa
iba pang mga wika sa Pilipinas. Gamitin ang panimulang ito.
“Tagalog-Batangas ang katutubong-wika mo kung….
Alam mo ang mga salitang ito…”
Pansinin: Maaaring maiba kung hindi tagalog-batangas ang katutubong wika mo!! Pakipalitan
na lamang
16
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
46. 49.
47. 50.
48.
NILALAMAN NG KURSO
B. REHIYUNAL NA MATERYAL
Ang mga Rehiyunal na Materyal ay ang mga Kagamitang Panturo sa bisa ng mga akdang
pampanitikang matagumpay na naisalin mula sa iba’t ibang wika ng bansa. Ibinabahagi ito sa
mga mag-aaral sa iba’t ibang rehiyon upang maipamalas ang ganda at nakamamanghang
kultura sa ibang bahagi ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal na ito,
napagtitibay ang winika ni Abueg na pagkakaisa sa gitna ng magkakaibang wika at kultura.
17
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
PEDRO BUCANEG
• "Ama ng Literaturang Ilocano”
• Nagsasalin ng mga relihiyosong mga akda na nasa wikang Espanyol, Latin, at Ilokano
• Awtor ng mga epikong patula
18
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
PAGTATAYA
Paglinang ng Kasanayan
Panuto: Magsaliksik/magbasa gamit ang mga lumang aklat o magtanong sa mga kakilala ng iba
pang mga akdang pampanitikang naisalin bilang rehiyunal na materyal at ilahad kung saang
lugar nagmula, sino ang nagsalin, ano ang pangunahing kaisipan at kulturang namayani sa
akda gamit ang materyal na ito.
19
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
NILALAMAN NG KURSO
C. Kaalamang Bayan
20
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
PAGTATAYA
Paglinang ng Kasanayan
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat ang tamang
sagot sa sulatang papel.
21
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
22
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
16. Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Pugad ng kanilang ibon
B. Pugad ng kanilang mga manok
C. Sariling tahanan
D. Sariling kuwarto
17. May utang na loob ang mag-asawang Nita at Mark kay Ginoong Agoncillo dahil sa
pagkakabalik ng mga bata. Ano ang utang na loob?
A. Utang
B. May pagbabayaran
C. Utang na pera
D. Utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa
18. Ang mag-asawang Mark at Nita ay parang aso’t pusa. Bakit sila parang aso’t pusa?
A. Hindi sila pantay ng laki
B. Lagi silang nag-aaway
C. Hindi sila nagbibigayan
D. Lagi silang naghahabulan
19. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
A. Palipat-lipat ng tirahan
B. Nagbalot ng pagkain
C. Binalot ang gamit
D. naglayas
20. Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.
A. Hindi pinagtatrabaho
B. Hindi inaakay
C. Hindi pinapalo o sinasaktan
D. Hindi pinaghuhugas ng pinggan
21. Dahil sa nangyari, magbabagong-loob na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si Mark.
A. Maliligo
B. Magbabago o magpapalit ng ugali o kuro-kuro
C. Magpapalit ng damit panloob
D. Magbibihis
22. Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot. Kung mahaba na at malapad, saka
na mag-unat-unat.
A. Hindi mo matatakpan ang paa mo kung maiksi ang kumot kaya bumili ka ng mahaba para
hindi ka nakabaluktot.
B. Lalamukin at giginawin ka kapag nagkumot ka ng maiksi.
C. Kung ano ang mayroon ka ay pagkasyahin mo muna. Saka ka na lang gumasta nang malaki-
laki kapag mas mayroon ka na ring mas maraming pera.
D. Huwag kang matulad nang nakaunat ang paa mo kung maiksi rin naman ang kumot mo.
23. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
A. Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay may mabuting kalooban.
Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa simula. Kilatisin mong mabuti kung ang sinasabi
niya ay ang katotohanan.
B. Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko.
C. Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto iyon. Baka mapeke
ka lang.
D. Ang ginto at tanso ay parehong makinang.
23
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
24. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.
A. Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo tingnan ang uling sa mukha ng
kaharap mo.
B. Maghilamos ka muna bago ka makiharap sa ibang tao.
C. Kakalat ang uling sa mukha ng ibang tao kapag ikaw ang nagpahid nito. Hayaan mong siya
ang maglinis ng mukha niya.
D. Bago ka magsalita nang kung anu-ano tungkol sa ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo’t
baka mas marami kang kapintasan.
25. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
A. Ang mga matsing ay matalino ngunit mas matalino sa kanila ang ibang hayop.
B. Kahit gaano ka man katuso o katalino, mayroon pa ring mas matalino o tuso kaysa sa iyo.
C. Ang matsing ay matalinong hayop na ayaw malamangan.
D. Kahit matalino ang matsing, puwede pa rin siyang maloko.
26. Saan mang gubat ay may ahas.
A. Lahat ng kagubatan sa Pilipinas ay tinitirhan ng mga ahas at iba pang mga hayop.
B. Hindi nawawalan ng masasamang tao. Kahit saan ka magpunta ay may taong hindi mabuti
ang kalooban
C. Ang mga gubat ay pinamamahayan ng mga ahas.
D. Ang ahas ay magaling maglungga lalo na sa mga lugar na mapuno.
27. Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una ninyong
pagkikita ay talagang mabait ito. Huwag kang padadala sa matatamis na salita o mabuting
pakita kaagad.
A. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
B. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
C. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
D. Saan mang gubat ay may ahas.
28. Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang pagpapahalaga sa
kapwa niya.
A. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat
B. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
C. Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin.
D. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin muna.
29. “Nay, gusto ko na pong bumalik sa inyo. Hirap na hirap na po ako sa buhay may-asawa.”
A. Akala ni Tasyo: ang pag-aasawa’y biro; kanin bagang isusubo’t iluluwa kung mapaso.
B. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
C. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso
D. Saan mang gubat ay may ahas.
30. Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya
gagawin ang ginagawa niyang hindi maganda
A. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
B. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
C. Saan mang gubat ay may ahas.
D. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
24
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
II. Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga bugtong na nakalahad sa ibaba.
25
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito
ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa
ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay
may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan? at Bakit?
INDUSTRIYA
INDUSTRIYA
•Ito ang pangkabuhayang gawain na kaugnay sa pagproseso ng hilaw na sangkap sa paggawa
ng isang panibagong produkto.
•Ayon sa ekonomistang British na si Collin Clark, ang industriya ay nahahati sa dalawang uri.
Primary Industries - Mga industriya na mula sa agrikultura, paggugubat at pagmimina.
Secondary Industries – Tumutukoy sa pagpoproseso ng mga pangunahing produktong
agrikultura patungo sa mas malaking produksiyon na ginagamitan ng ibat’t ibang uri ng
makinarya.
26
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
PAGTATAYA
Paglinang ng Kasanayan
A. Panuto: Gamit ang mga ilustrasyong nakalahad, ibigay ang depinisyon ng iba’t ibang
sektor ng industriya at ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagsasalin sa partikular na
sektor.
_
_
_
_
_
_
_
_
Pagmamanupaktura _
_
_
_
_
_
Pagkain at Kalusugan
27
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
EDUKASYON _
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Pagmimina _
_
_
_
_
_
Konstruksyon _
_
_
_
_
_
_
_
28
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
Transportasyon at Komunikasyon _
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
29
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021
53
PAGSASALING-WIKA