Professional Documents
Culture Documents
KABANATA ANG
GRAMATIKA
AT ESTILO NG
2 RETORIKA
MGA LAYUNIN:
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
2|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Kaakibat ng pagpili ng mga salita ay ang gramatika upang maging wasto, malinaw ang mensaheng nais
ipaabot ng nagpapahayag. Ang gramatika ay may kinalaman sa tungkulin (function) ng mga salita at ang
ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatuwid, dalawa ang isinasaalang-alang ng magbibigay ng
mensahe, ang retorika at gramatika.
Maging sistematiko sa paggamit ng salita kapag nagsusulat at nagsasalita. Ito ang parating turo ng mga
dalubhasa sa wika. Saanmang lugar sa Pilipinas mapadpad, lahat ng edad, mapabata man o matanda ay
mayroong cellphone. Kaya nga itinuturing ang Pilipinas bilang Text Capital of the World dahil na rin sa
katotohanang karamihan sa mga Pilipino’y gumagamit nito. Nakatatawag-pansin ang ginagamit na text sa
cellphone. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
Asan na u?
D2 na me sa amin.
Punta u d2.
Sa halimbawang ibinigay, kung sa pasulat na aspekto, nilalabag nito ang estruktura ng isang maayos na
pangungusap, gayundin ang paraan ng panghihiram ng salita. Maling-mali ang paggamit ng salita. Walang
salitang “d2”. Kung mapapansin din, wala sa listahan ng leksikon ng Wikang Filipino maging ng Wikang Ingles
ang “u”. Subalit, bakit nangyayari ito? Una, dahil limitado lamang ang bilang ng karakter kaya nagtitipid ang
gumagamit nito. Pangalawa, masyadong abala o aksaya sa oras kung ite-text pa nang buo o kompleto ang
gustong sabihin. Sa ganitong sitwasyon, bakit nagkakaintindihan pa rin ang mga taong nagpapahayag nito? Dito
pumapasok ang pagiging malikhain ng wika, hanggat ang tao’y nagkakaunawaan sa kanilang pagpapahayag,
tatanggapin at tatanggapin nila ito.
Sa halimbawang ito, kapansin-pansin ang mga salitang “Friday”, “assignment”, “research”, “English” at
“lecture” na mga salitang Ingles. Isinama ang mga salitang ito sa mga salitang Filipino. Ang ganitong
pagsasama-sama ng dalawang wika ay code switching. Ang code switching ay ang paggamit ng magkakaibang
wika sa loob ng isang pahayag. Madalas na nangyayari ito sa pasalitang pagpapahayag. Tinatanggap ito sa
kasalukuyan lalo na’t nagkakaintindihan naman ang mga taong nagpapahayag nito. Pero kung ang usapin ay
pagsusulat, hindi maaari ang code switching. Subalit kapansin-pansin ang code switching sa mga pahayagan sa
kasalukuyan. Tunghayan natin ang ilang halimbawa:
Sa mga halimbawa sa itaas, nakatatawag-pansin ang kanilang pagsusulat. Kung nagsusulat, sa pagbuo
ng isang maayos na pangungusap, hindi mabuti na magkasama ang magkaibang wika, walang wikang
magkahalo gaya ng Ing-Fil o Ingles-Filipino o kahit Fil-Ing o Filipino-Ingles dahil parehong nasisira ang
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
3|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
estruktura ng pangungusap ng Wikang Filipino at Ingles. Ayon nga kay Galileo Zafra (2002), “Istrikto ang wika
sa usapin ng code switching. Kung Filipino, Filipino ang dapat gamitin, kung wala sa leksikong Filipino ay saka
papasok ang panghihiram. Kung nais naman ay Ingles, Ingles lang. Hindi maaari ang 50-50 na hatian o 75-25
kaya.” Sa sinabing ito ni Zafra, pagdating sa pagsulat mahigpit ang panuntunan sa gramatika.
Sa puntong ito, mapapansin natin na ang retorika ay magiging makabuluhan kung isinasaalang-alang
ang pagsunod sa panuntunan ng gramatika lalo na kung ito’y sa pasulat na paraan. Ang maayos na pahayag ay
nakasalalay sa wastong pag-aaral ng pagbubuo ng pangungusap kalakip ang organisadong ideya na nakapaloob
dito.
Upang maunawaan ng nakikinig o nagbabasa ang nais ipahayag, kailangang magtaglay ng sapat na
kaalaman sa tamang paghahanay ng mga salita, pagbuo ng mga pangungusap at organisasyon ng mga ideya sa
isang pahayag.
Nagiging ganap ang paggamit ng mga salita kung maayos na nakabubuo ng pangungusap. Kapag hindi
maayos, walang bisa ang pagpapahayag. Para magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagbuo ng maayos na
pangungusap, kailangang alam ng naghahatid ng mensahe ang sangkap at ayos ng pangungusap.
Dalawa ang sangkap ng pangungusap sa Filipino, ito ang Paksa at Panaguri. Ang Paksa ang bahaging
pinag-uusapan o binibigyang-tuon sa pangungusap. Nakikita ito sa huling bahagi ng pangungusap kapag nasa
karaniwang ayos ang pangungusap, sumusunod ito sa panandang ang/ang mga, si/sina. Ang paksa ay maaaring
panghalip gaya ng ako, ka, ikaw, siya, tayo, kami, sila, ito, iyan, iyon.
Halimbawa:
Pogi si sir.
Malinamnam ang manok.
Naging matagumpay ang Palarong Pambansa.
Nagpunta si Kristine sa SM Manila para bumili
ng gamit sa paaralan.
Halimbawa:
Dito ang tambayan.
Kanais-nais ang kanyang kilos.
Maawain si Bosing.
Natulungan ng Kawanggawa Foundation ang mahihirap na bata sa Navotas.
Ang ayos ng pangungusap sa Filipino ay mahahati sa dalawa: karaniwan at hindi karaniwang ayos. Sa
karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang panaguri sa paksa. Ito ay may balangkas na:
Halimbawa:
Maging financial adviser ang pangarap niya.
Malinaw ang kanyang talumpati.
Nanalangin nang taimtim si Jeslie bago kumuha ng Civil Service Exam.
Sa hindi karaniwang ayos ng pangungusap, nauuna ang paksa sa panaguri. Ang panandang ay ang
masusumpungan sa pangungusap. Ganito ang balangkas nito:
Halimbawa:
Ang pangarap niya ay maging financial adviser.
Ang kaniyang talumpati ay malinaw.
Si Jeslie ay nanalangin nang taimtim bago kumuha ng Civil Service Exam.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
4|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Upang ganap na maunawaan ang mensaheng nais ipahayag, kailangang magkaroon nang sapat na
kaalaman sa pag-oorganisa ng mga ideya. Sa pag-oorganisa ng mga ideya, nararapat na magkaroon ng
balangkas bago gawin ang mensaheng nais ipaabot sa mga tagapakinig. Napakahalaga ng balangkas bilang
gabay sa maayos na paglalatag ng mga ideya. Nakatutulong ang balangkas sa tagahatid ng mensahe upang
mapag-isipan nang mabuti ang kanyang paksa at magkaroon ng direksyon ang kanyang sasabihin.
Una, basahin nang pahapyaw ang paksa bago gawin ang balangkas. Bigyang-pansin sa pagbasa, ang
pamagat, ang mga pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.
Pangalawa, balangkasin ang mga pangunahing kaisipan. Piliin ang mga pantulong na kaisipang
bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan. Itala rin ang mga bahaging bumubuo sa mga pantulong na kaisipan.
Pang-apat, higit na mainam na gamitin ang mas sistematikong balangkas sa mga paksang mahirap
ipahayag.
Ang pormal ay nahahati sa pambansa at pampanitikan. Pambansa kapag ginagamit sa mga aklat at
mga magasin o mga babasahing nababasa sa buong kapuluan. Ito rin ay gamit sa mga opisina, paaralan at
pamahalaan. Pampanitikan kapag ginagamit sa paglikha ng mga obra gaya ng nobela, tula, kuwento at iba pa.
Kadalasang ginagamit ito ng mga manunulat.
Nahahati sa tatlo ang di pormal na salita. Una ang lalawiganin―mga salitang palasak sa rehiyon o
lalawigan. Pangalawa, ang balbal―tinatawag na slang sa Ingles. Para sa iba, masagwang pakinggan, subalit sa
mga grupong lumikha ng mga salitang balbal, hindi ito masagwa dahil nakasanayan na nila itong gamitin.
Pangatlo ay ang kolokyal―mga pang-araw-araw na salita na may kagaspangan bagamat hinango rin ito sa
pormal na salita. Halimbawa ay piyesta – pista, aywan – ewan.
Ang wastong paggamit ng salita ay paglinang ng kakayahan kung paano nakikilala ang bahagi ng
ipinapahayag. Ito rin ay may kinalaman sa wastong paraan kung paano makapagbabalangkas at makabubuo ng
pangungusap ayon sa kayarian ng pagpapahayag.
Narito ang ilang gabay para mas lalong lumawak ang kaalaman sa paggamit ng salita:
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
5|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Sinabi ng isang iskolar ng Wikang Filipino na si Paul Morrow (2003), may mga salita na binubuo ng iba’t ibang
wikang banyaga ngunit hindi naman kinikilala ang mga ito saanman sa daigdig. Mga salitang siyokoy ang tawag dito ng
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario.
Ang paggamit ng rhetorical devices sa pagpapahayag ng mensahe ay nakatutulong upang mas mag-isip
ang tagapakinig o mambabasa. Kadalasang nagbibigay ito ng mas malawak na kaalaman kung susuriing mabuti
ang ginamit na salita. Nakadaragdag ito ng kalinawan at kagandahan sa isang pahayag, pasalita man o pasulat.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga tayutay at mga matatalinghagang pagpapahayag.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
6|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Mga Tayutay
Ang tayutay ay isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin.
Sinasadya ng nagpapayahag nito na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita sa pagpapahayag upang
bigyang-diin ang kanyang saloobin. Ang mga halimbawa ng tayutay ay ang mga sumusunod:
Pagtutulad o Simile. Ito ay isang payak at lantad na paghahambing na karaniwang ginagamitan ng mga salita’t
pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y, kawangis, kagaya ng, gaya ng,
atbp.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao’y parang gulong.
Animo’y matapang na leon kung siya’y humarap sa taong-bayan.
Pagwawangis o Metapora. Ito ay isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salita’t
pariralang katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anaki’y, kawangis, kagaya ng, gaya ng,
atbp.
Halimbawa:
Siya ay leon kung magalit.
Maamong tupa kung siya’y makiusap.
Pagmamalabis o Eksaherasyon. Ito ay isang pagpapahayag na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay
na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan.
Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto.
Pagsasatao o Personipikasyon. Ito ay nagsasalin ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay o
hayop na walang katalinuhan o katangian gaya ng sa tao. Pinakikilos ang mga ito sa tulong ng pandiwa.
Halimbawa:
Kumakaway sa akin ang dahon ng talahib.
Nakita kong kumikindat ang bituin.
Pag-uyam o Sarcasm. Ito ay paraan ng pagpapahayag na ang isang tao o bagay ay kinukutya sa pamamagitan
ng mga salitang parang pumupuri kung uunawaing mabuti.
Halimbawa:
Nangunguna ang ating bansa, nangunguna sa katiwalian.
Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman.
Halimbawa:
“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.”
Alegorya o Allegory. Ang pagpapahiwatig na paglalahad, lalo na sa isang kuwento o salaysay ng isang
kahulugang pawangis ngunit hindi tahasang sinasabi.
Halimbawa:
“Nag-aalma ang lunggati sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwi na’y hinahangad.
Dumadambana, dumadambana kapag renda’y hinahaltak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
7|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Halimbawa:
“Lupang itinambak ng kamay ng Diyos
Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok!
Higante ba tilang sa pagkakatulog
Ay hindi mapansing ginubat ang likod;
Minsa’y nakatayong … langit: inaabot,
Minsa’y nakadapang … dagat: niyayapos!”
Pagpapalit-saklaw o Synecdoche. Tayutay na inilalagay ang pangalan ng: (a) isang kabuuan para sa isang
bahagi; (b) isang angkan para sa isang supling; o (c) isang kagamitan para sa isang likhang bagay.
Halimbawa:
“At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan”
Halimbawa:
“Walang kaparis ang pamamaraan niya ng pagtuturo; nakikita nilang ang mga bunga nito ay mga taong
nakapagpapayaman sa sarili nang madalian.”
Halimbawa:
“Ang pananampalataya ay ating kaligtasan.”
Halimbawa:
“Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa kaunlaran ng daigdig.”
Tanong Retorikal o Rhetorical Question. Ang sagot ay laging paayon o nasa loob mismo ng pahayag.
“O, Pangarap
Kailan ka matutupad?
O, Pag-ibig
Kailan ka pamamasid?”
Ang salitang talinghaga ay mula sa mga salitang “talino” at “hiwaga” na ang ibig sabihin ay isang
pahayag na hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan―nakatago o hindi lantad. Ang mga piling matalinghagang
pananalita na nasa ibaba ay ilan lamang sa napakaraming matalinghagang pananalita na nagmula sa librong
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
8|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Matalinghagang Pananalita (with English Equivalents) ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayo’y Komisyon
sa Wikang Filipino.
Kahulugan 2: magulong-magulo
Halimbawa: Nagulat ang mag-asawang buhat sa panonood ng sine nang makitang parang pinag-
awayan ng aso’t pusa ang kanilang silid-tulugan.
Paliwanag: Likas sa aso at pusa ang laging nag-aaway. Kung may bagay silang pinag-aawayan, kagat
nila ito sa magkabilang dulo at kapuwa umaangil habang naghihilahan sa bagay na kanilang pinag-
aawayan. Dahil sa matatalim ang kanilang mga ngipin, nagkakasira-sira ang pinag-aawayan nila. Batay
sa pangyayaring ito, kapag may dalawang batang nag-aaway at nagkakasira-sira ang pinag-aawayan,
nakagawian nang sabihin ang bagay ay parang pinag-awayan ng aso’t pusa.
2. Balat-sibuyas
Paliwanag: Karaniwan nang ang mga bagay na maninipis ay madaling mapunit, masira o mabutas tulad
ng balat ng sibuyas. Dito inihahambing ang damdamin ng isang taong maramdamin o madaling
masaktan. Kaya naman, sinasabing balat-sibuyas ang isang taong may ganitong pag-uugali.
Kahulugan: matanda na
Halimbawa: Kung kailan kulubot na ang balat ng tiyahin ko saka pa naisipang mag-asawa.
Paliwanag: Ang gulang ng isang tao ay maaaring makita sa kanyang panlabas na anyo. Ang tao kapag
bata ay nag-aangkin ng banat at pinong kutis o balat. Ang balat na ito ay unti-unting nagbabago sa
paglipas ng panahon na nagpapahiwatig lamang ng paggulang niya. Mapapansing ang balat ng isang
nagkakagulang ay unti-unting nangungulubot habang siya ay patanda nang patanda at anumang pamahid
na pampaganda ang dito’y ilagay ay mababakas pa rin ang kulubot. Kaya sa matalinghagang pagtutulad
ay ginamit ng mga tao noon ang pariralang kulubot na ang balat sa pagtukoy sa isang matanda na.
4. Magkibit-balikat
Kahulugan: ipagwalang-bahala
Halimbawa: Ipinagkibit-balikat lamang ni Andremel ang balitang lumayas ang kanyang asawa.
Paliwanag: Hindi lamang salita ang ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang damdamin at pag-
iisip. Madalas na sa galaw ng kaniyang katawan ay naipapahayag niya ang kanyang saloobin. Sa
matamang pagmamasid ng mga tao noong unang panahon ay napuna nilang ang pag-ayaw ng tao sa
isang tao, hayop, bagay, ideya o anuman ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng iling ng ulo at
kawalang interes dito o dili kaya’y iniiingos niya ang kanyang nguso’t labi. Sa pagwawalang-bahala
naman, nakagawiang kilos na ng tao ang kawalang ekspresyon ng kanyang mukha kaalinsabay ng
pagkikibit ng kanyang balikat o bahagyang pagtataas nito. Bunga ng pagkamapagmasid nila, nabuo ang
kasabihang magkibit-balikat upang tukuyin ang pagwawalang-bahala ng tao.
5. Balimbing
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
9|MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Paliwanag: Ang balimbing ay prutas na may limang anggulo at kahit saang anggulo tingnan ay pareho
ang makikita. Dahil dito, ang taong kung sino ang kaharap ay siyang pinapanigan ay tinatawag na
balimbing.
Paliwanag: Ang may pakpak ay nakapaglalakbay nang mabilis. Itinutulad ang balita sa bagay na may
pakpak at sapagkat ugali ng taong sumagap ng balita na mabilis namang nagpapasalin-salin sa bibig ng
iba’t ibang tao, lumilitaw ang kasabihang may pakpak ang balita.
7. Bantay-salakay
Paliwanag: Ang talinghaga sa pahayag na ito ay nasa pagsasama ng dalawang salitang may
magkasalungat na kahulugan: bantay at salakay. Ang unang salita, bantay ay nangangahulugan ng pag-
aaruga o pag-aalaga, samantalang ang ikalawang salita, salakay ay nangangahulugan ng lusob o
daluhong. Kapag pinagsama, ang ideyang nabubuo ng dalawang salita ay maaaring isang taong hinirang
na bantay ngunit siyang sumalakay o nagnakaw sa binabantayan. Ginamit ng mga tao noon ang
kawikaang bantay-salakay upang tukuyin ang isang kasamang pinagkakatiwalaan ngunit nagtaksil
naman. Hanggang ngayon, ginagamit pa ang kasabihang ito.
ARALIN 2
s
ANG ESTILO NG RETORIKA
“Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”
-Virgilio Almario
Kahulugan at Kalikasan
K
ung babalikan natin ang pagbibigay ng kahulugan sa retorika,mababatid nating ito ay bahagi ng
edukasyon sa malayang sining nang panahon ng “medieval” at nakatuon sa paggamit ng wika
upang magbigay ng panuto at manghimok. Binigyan ito ng kahulugan ni Sister Miriam Joseph
bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao patungo sa iba, at ang pag-aangkop
ng wikang gamit sa pangyayari at panahon. Sinasabi ring ang retorika ay nakatuon sa isang
bagay sa panahong ipinahahayag ito. Malinaw na sa retorika, binibigyang-pansin ang paraan at epekto ng
pagpapahayag ng isang tao. Dito pumapasok ang estilo ng nagpapahayag.
Ano nga ba ang estilo? Ang estilo ay isa sa limang tradisyonal na kahingian ng retorikang klasikal. Mula kay
Richard Nordquist, “the most durable thing in writing is style”. Ibig sabihin, ang estilo ang pinakamatatag na bahagi sa
pagsulat. Mula sa salitang Latin na stylus, isang bagay na matulis na ginagamit na panulat, ang kahulugan ng estilo
noong nakalipas na 2,000 taon. Ngunit sa kasalukuyan, ang estilo ay nangangahulugang hindi ang gamit-panulat kundi
ang katangian ng pagsusulat mismo: ang paraan ng pagpapahayag, pagsasagawa o paglalahad sa pasalita at pasulat na
paraan. Kung pasisimplehin ang kahulugan nito, ito ay ang mga bagay na pinapalamuti sa diskurso ng isang tao; na
kung palalawakin ay manipestasyon ng taong naghahayag o nagsusulat. Ito ang kahulugan ng salitang estilo na mula sa
salitang Latin na elocutio o salitang Griyego na lexis.
Sa puntong ito, ang estilo ay binigyang-kahulugan bilang paraan kung paano sinasabi, isinusulat o isinasagawa
ang isang pahayag. Sa pinasimpleng pagpapakahulugan, ito ay nakatuon sa paggamit ng salita, pagsasaayos ng
pangungusap at pagggamit ng tayutay. Sa pinalawak na pagpapakahulugan, ito ay tinitingnan bilang manipestasyon ng
taong nagsasalita o nagsusulat.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
10 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Ang mga kaantasang ito ng estilo ay maaaring magamit nang sabay-sabay. Wala ring kinikilalang mas mataas
o mas mababa sa mga ito.
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng pagpapahayag na may estilo? Ang estilo ba ay katangiang maaaring
idagdag o alisin ng naghahayag kung kanyang nanaisin? O maaaring ito ay isang natatanging kakayahan ng ilang
manunulat lamang? Nakasasama ba ito o nakabubuti sa pahayag? Wasto ba ito o mali? O higit itong nakatuon lamang
sa panlasa ng manunulat? Ang estilo ba ay uri ng palamuti na idinadagdag sa isang akda; o tunay na mahalagang
sangkap ng panulat?
Ayon sa paniniwala ni Baruch Spinoza, ang estilo ay karakter. Ito ay ang katangian ng damdamin ng isang tao
na inihahayag; at sa hindi inaasahang pag-uugnay, etika at pamahalaan ang estilo.
Ayon naman kay Johann Wolfgang von Goethe, kinakailangang malinaw raw muna ang pag-iisip ng isang
manunulat upang magkaroon ng estilo ang kanyang isinusulat, at kung may magsusulat sa kagalang-galang na estilo,
dapat maging kagalang-galang muna ang kanyang pagkatao.
Ang estilo ng manunulat ay nararapat sa kanyang larawang-diwa, subalit ang pili at kapangyarihan ng wikang
kanyang gamit ang bunga ng kanyang panulat. Ito ay ayon naman kay Edward Gibbon.
Kay Lord Chesterfield, ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip; samantala, kay Richard Eberhart, ito ay
pagpapatumpak ng punto de bista.
Sa aklat namang College Composition and Communication (1974) ni Richard Graves, ang estilo ay hindi
lamang palamuti ni katapusan ang paggamit nito sa isang panulat, ito ay paraan ng paghahanap at pagpapaliwanag ng
katotohanan. Ang layunin nito ay hindi magmayabang kundi magpahayag.
At kay Gore Vidal, ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, sa gustong ipahayag at hindi nababahala sa
kalalabasan.
Sa mga pahayag na ito, malinaw na ang estilo ay “buhay” ng isang panulat. Hindi lamang ito palamuti kundi
kahulugan ng mga pahayag ng isang manunulat. At ayon nga kay Vladimir Nabokov, ito ang lahat ng mga kailangan
sa pagpapahayag.
Sa mga nakaraang talakay, malinaw na binigyang-kahulugan ang wika bilang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog. At sapagkat ito ay may sistema at may balangkas, may taglay rin itong mga kakanyahan.
Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasang pantao na may pinagkasunduang simbolo, tinig at tono, kilos at
kumpas. Sa pahayag na ito, may dalawang kakanyahan ng wika ang mababasa: gamit sa pakikipagtalastasang pantao
at may pinagkasunduang simbolo, tinig at tono, kilos at kumpas.
Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi isang abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o ng mga
bumubuo ng diksyonaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan,
pagmamahal, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang
makamasa.
Sa kahulugang ito, mababasa na ang wika ay nabuo batay sa pangangailangan ng gagamit nito. Ito ay
kakanyahan pa rin ng wika.
Ang wika rin ay maaaring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang kaisipan at ang kabila
ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaaring sa paggupit ng papel, mahahati ang kaisipan at ang
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
11 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
tunog. Anumang bahagi ng putol, magtataglay kapwa ang mga ito ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika ng
kaisipan at tunog ay kakanyahan nito.
Sa mga kakanyahang ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang wikang maging ina ng karunungan ayon kay
Krank Kruas. Gayundin, ang wika ay maaaring magtago ng naiisip at nagpipigil sa pakikipagtalastasan ayon kay
Abraham Maslow. Ayon din kay Ludwig Wittgenstein, ang limitasyon ng wika ng nagpapahayag ay
nangangahulugang limitasyon sa kanyang mundo.
Ang karaniwang layunin ng pakikipag-usap sa kapwa ay upang magkaunawaan subalit minsan, ang pakikipag-
unawaan ay hindi natatamo sapagkat nabibigyan ng ibang kahulugan ang mga salitang ginamit o ginagamit ng mga
nag-uusap.
May dalawang pagpapakahulugan ang maaaring mailapat sa mga salitang ginagamit o ginamit sa mga
pahayag:
Sa bahaging ito, ang bibigyang-linaw ay ang kahulugang inilalapat sa mga pahayag. Nakatutulong sa
pakikipag-unawaan ang kaalaman sa pagkilala sa kahulugan ng mga pahayag na karaniwan nang nagaganap sa
ugnayan ng mga salita sa loob ng mga pahayag.
May apat na uri ng pagpapakahulugan sa mga pahayag na ginagamit sa pakikipagtalastasan:
Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang ginamit. Binibigyang-tuon sa
kahulugang ito ang kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap, ang kaayusan ng mga pangungusap sa loob ng
talata, ang kaayusan ng mga talata sa loob ng pahayag, at ang kaayusan ng mga pahayag sa kabuuan ng diskurso. Ang
kahulugang ito ay nakasasalay rin sa kakipilan, kaisahan at empasis ng pahayag.
Ang salitang tekstuwal ay mula sa salitang-ugat na text o teksto na mula naman sa pandiwang Latin na texere
na nangangahulugang bumuo, humabi o maglatag.
Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa pakikipagtalastasan. Ayon kay
Kenneth Noland, ito ang kabuuan ng diskurso. Isinasaalang-alang sa kahulugang ito ang ugnayan ng mga elementong
lingguwistikal at hindi lingguwistikal sa kakayahang pangkomunikatibo ng nagpapahayag. Ang kahulugang ito ay
nahuhulma sa ugnayan ng pahayag at ng motibo ng nagpapahayag.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
12 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Binibigyang-pansin dito ang mga context clue o panandang konteksto. Maaaring ito ay mga inuulit na salita o
parirala o mga hindi tiyakang inihahaing mungkahi tungo sa nais na kahulugan ng nagpapahayag.
Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musika o pelikula na hindi
hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag ngunit ganap na nauunawaan ng mga bumabasa, nakikinig o nanonood
sa wakas ng aklat, dula, musika at pelikula. Ang kahulugang ito ay nauukol sa ideya at motibo ng nagpapahayag na
minsang tinatakpan ng paggamit ng tayutay higit ng metapora upang makaiwas sa sigalot sa mga kilalang personalidad
na maaaring “tamaan” ng pahayag.
Ang kahulugang ito ay nakapaloob sa “ilalim” ng sinasalitang pahayag. Ang “ilalim” na ito ay maaaring
nagtatago ng galit, tunggalian, pagmamataas, o anumang hindi hayag na ideya at emosyon. Ito ang kahulugang hindi
tuwirang binabanggit o ipinadarama ng nagpapahayag, ni hindi nag-iiwan ng pananda upang agad na maunawaan ng
mga tagatanggap ng mensahe; bagkus, kinakailangan ang maingat at seryosong pagtuon sa nagpapahayag at sa
kanyang inihahayag nang bago ito matapos ay ganap na maunawaan ang teksto.
Karaniwang ginagamit ang ganitong pagpapakahulugan sa mga pahayag na nauukol sa mga usaping sosyal o
politikal na hindi maihahayag nang tuwiran. Ito rin ang gamit kung ang pahayag ay nilimita ng “censorship”.
Ginagamit din ang ganitong pagpapakahulugan kung ang layunin ng nagpapahayag ay makapagpaabot ng ideya sa
kabuuan o masang publiko nang hindi nakasasaling ng damdamin. Ang ganitong pagpapakahulugan ay ginagamit din
sa mga pahayag na nais ipaabot sa kabataan ngunit nararapat ding mabatid ng mga may gulang na.
Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso na iniuugnay sa
diskurso ng iba. Maaaring mahulma ang kahulugang ito sa pag-alam sa kahulugan ng ibang tekstong may katulad na
paksa. Mabibilang dito ang kahulugang ibinigay ng iba’t ibang mambabasa sa iisang akda na bibigyang-kahulugan at
lalagumin ng iba pang mambabasa. Maaari ring mabilang dito ang pagbibigay-kahulugan sa isang akda na sinuri ang
kahulugan at paggamit ng mga salita sa akda, ang pagkakabuo, paglalarawan at pagpapagalaw sa mga karakter nito,
ang mga tagpuan at panahong sangkot, at ang layunin ng may-akda sa paglikha ng akda. Binibigyang-pansin din dito
ang pagkakabaybay o pagkakabigkas ng mga salitang ginamit sa pahayag. Isinasaalang-alang din dito ang kultura ng
nagpapahayag.
Ang pagpapakahulugang ito ay ideya ni De Saussure noon pang ika-dalawampung siglo sa disiplina ng
lingguwistika. Binuo ni Julia Kristeva, isang Bulgarian-French na pilosopo at psychoanalyst ang salita o terminong
intertekstuwalidad.
Ang paglalapat ng estilo sa retorika ay nakapagtitiyak sa kahulugang ibinibigay ng nagpapahayag. Ang estilo
ang nagbibigay-diin sa katangian, kalinawan, puwersa, kagandahan at dating ng pahayag.
Sa klasikong retorika, upang mapaghusay ang pahayag, gumagamit ito ng estilong naangkop sa paksa,
sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa. Ito ang tinatawag na dekorum. Sa talakay ni Cicero, hindi nararapat
na magkakatulad ang pagtrato sa iba’t ibang paksa at iba’t ibang makikinig. Gayundin, nararapat na bigyang-pansin
ang kaangkupan ng pananalita ng mga mananalumpati. Nararapat na isinasaalang-alang ang mga katangian ng
pahayag: paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa. Ayon nga kay Cicero:
"For the same style and the same thoughts must not be used in portraying every condition in life, or
every rank, position, or age, and in fact a similar distinction must be made in respect to place, time, and
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
13 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
audience. The universal rule, in oratory as in life, is to consider propriety. This depends on the subject
under discussion, and the character of both the speaker and the audience.”……………………………….
"This, indeed, is the form of wisdom that the orator must especially employ--to adapt himself to
occasions and persons. In my opinion, one must not speak in the same style at all times, nor before all
people, nor against all opponents, not in defense of all clients, not in partnership with all advocates. He,
therefore, will be eloquent who can adapt his speech to fit all conceivable circumstances."
Sa pahayag na ito, malinaw na binigyang-diin ni Cicero ang kakayahan ng mananalumpating iangkop ang sarili
sa okasyon at mga tagapakinig. Sa kanyang palagay, hindi nararapat na magsalitang may iisang estilo sa lahat ng
pagkakataon, ni sa harap ng lahat ng tao ni ng lahat ng katunggali, hindi bilang pagtatanggol sa mga kaibigan, hindi
bilang kasosyo sa lahat ng paniniwala. Kung gayon, nararapat lamang na ang pananalita ng isang mananalumpati ay
makaaangkop sa lahat ng pagkakataon.
Ang dekorum ay hindi matatagpuan saanman. Ito ang katangiang taglay ng pinag-ugnay na pananalita at
ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad, at ng iba pang elemento ng pagkilos. Ito ang pinataas na
estilo ng pagbigkas na may tatlong pangunahing gampanin: magpabatid, manlibang at manghimok, na sumakop sa
malawak na gawaing pantao (Robert Hariman, 2001).
Ito ay ang sining ng pagpapahayag ng nakasulat o sinasalitang wika sa pinakamahusay na pagtataya ng paraan
ng paghahayag ng damdamin, kagandahan o puwersa ng salitang inilalapat ng mananalumpati.
Ang kahulugan ng salitang elokusyon ay iba sa kasalukuyan kung ihahambing sa klasikal na retorika. Sa
kasalukuyan, iniuugnay ang salitang ito sa paraan ng pagsasalita; na sa klasikal na retorika ay nangangahulugang estilo.
Lahat ng konsiderasyong panretorika ng estilo ay nagsasangkot sa pili ng salita na kadalasan ay nasa ilalim ng
paksang kawastuhan, kadalisayan, kasimplehan, kalinawan, kaangkupan at kasiningan. Binibigyang-konsiderasyon din
ang kaayusan ng mga salita sa loob ng parirala o sugnay. Isinasangkot sa konsiderasyong ito ang sintaks, balangkas ng
mga pangungusap, tamang gamit ng mga pangatnig at iba pang pang-ugnay sa loob at pagitan ng mga pangungusap.
Higit ding binibigyang-konsiderasyon ang paggamit ng tayutay at idyoma (Edward Corbett at Robert Connors, 1999).
Ayon kay Richard Nordquist (2009), may mga kahingian ang mahusay na paghahayag:
Bahagi pa rin ng mahusay na estilo sa pagpapahayag ang eloquence o elekwens. Ito ang kalidad ng
mapuwersa, elegante at mapanghimok na diskurso. Binigyan ito ng kahulugan ni William Shakespeare bilang
“words sweetly placed and modestly directed”. Ang elekwens ay paglalapat ng mga salita nang may pag-iingat at
respeto. Ayon naman kay William Cullen Bryant, ito ang talinghaga ng mga akdang tuluyan; kay Ralph Waldo
Emerson, naangkop na instrumento ng taong may napakataas na lebel ng enerhiya; at kay John Dryden, ang sining ng
pagdadamit sa kaisipan ng matalino, makabuluhan at makatuturang mga salita.
Ang elekwens ay ang hangganan ng sining kaya’t ito ang kanyang kahalagahan. Lahat ng sining ay may
elekwens batay sa lebel ng kasiningan ng sining.
Ang elekwens, na naiiba sa retorika ay walang layunin. Laro lamang ito ng salita o iba pang pahayag. Regalo
itong nararapat na kawilihan, pinahahalagahan at sinasanay. Tulad ito ng kagandahang nakaaakit sa kulturang
nagpapahintulot dito.
May mga pagkakataong sa pagpipilit nating maunawaan ang isang nagpapahayag, ipinagpapalagay natin na
gumamit siya ng masining na pahayag upang mabigyan ng kalayaang mabigyan ng interpretasyon ang anumang
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
14 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
tinanggap na impormasyon bagamat hindi tiniyak ng nagpapahayag na gumamit nga siya ng masining na pahayag. Ito
ay upang maiwasan ang puwang sa daloy ng unawaan sa pagitan ng nagpapahayag at ng tumatanggap ng pahayag.
Ikalawa, tinatasa ng tagatanggap ang katotohanan at kaangkupan ng mga literal na kahulugan kaugnay ng mga
kahulugang kontekstuwal; at,
Ikatlo, kung mapatutunayang bulaan at hindi angkop ang kahulugang literal, gagamitin ng tagatanggap ang
pagpapakahulugang subtekstuwal at intertekstuwal.
Sa pagtitiyak din ng kahulugan, binibigyang-pansin ang mga tayutay at idyoma na gamit ng nagpapahayag.
Ang mga ito ay nagbibigay-buhay at higit na linaw sa kahulugang isinasaad ng nagpapahayag. Ayon nga kay Tony
Robbins (2005), ginagamit ang tayutay at idyoma upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mambabasa sa
inilalahad na tauhan, tagpuan o bagay sa pahayag.
Tinatawag ng mga Griyego ang tayutay bilang iskema sapagkat nagsisilbi naman ang mga salitang ito bilang
paraan ng panghihikayat at tuntunin ng pagpapasang-ayon. Binabago ng tayutay ang karaniwang wika sa pamamagitan
ng pag-uulit, pagpapalit, pagpapatunog at paglalaro ng salita. Iniikot, pinupudlungan, kinakaltasan at nililikhang tila
kakaiba ang salita.
Ang likas na ugnayan ng tayutay at ideya ng pahayag ay madalas na namamali ng pang-unawa. Karamihan ng
mga retor ay itinuturing lamang na palamuti ang mga tayutay na nagbibigay sa diskurso nang higit na kaaya-ayang
dating na maaaring gamitin o hindi sa kagustuhan ng bumibigkas o nagsusulat. Ngunit kung susuriin daw ang mga
sinaunang pahayag, likas ang paggamit ng tayutay. Hindi ito palamuti na maaaring gamitin o hindi. Kinilala pa ang
mga masining na pahayag na karaniwang paglayo sa ordinaryong pahayag.
Dalawang pangunahing pamamaraan ng pagpapahayag ang maaaring bigyang tuon; ang pagsasalita o
pagsusulat.
Kaakibat ng mga pamamaraang ito ang mga kasanayan at kakayahang pangkomunikatibong dapat na nililinang
sa pagtatamo ng kahusayan sa pagpapahayag. Mahalagang malinang ang kakayahang panlingguwistika na nakatuon sa
kaalaman sa mga aspektong pangwika (ponolohiya, morpolohiya, sintaksis), masusing pinag-aaralan ang paggamit ng
wika bilang instrumento ng pagpapahayag at kakayahan sa maingat, maayos at magandang paggamit ng wika. Ikalawa
rito ang kakayahang pangkomunikatibo na binibigyang pagpapahalaga ang kakayahang magamit ang wika sa bawat
sitwasyong kinalalagyan ng tao, matalino, maguni-guni at malikhaing pagsasabuhay ng mga kaalamang pangwika.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
15 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Maihahanay naman ang pagpapahayag sa anyong di-pormal kung hindi ito nagsasaalang-alang sa mga
nabanggit sa pormal. Pasulat man o pasalita kakikitaan ito ng mga katangiang personal, puno ng kolokyalismo, islang
bulgar at eupemismo.
Tumutukoy ang personal sa mismong nilalaman ng paghayag, higit na dapat na maisaalang-alang sa punto ng
pagsasalita ang mga makatotohanang datos sa halip na personal na pananaw lamang ng nagpapahayag. Hindi maaaring
imanipula ng nagpapahayag ang kanyang mga tagapakinig sa kanyang mga paniniwala sapagkat sa punto ng retorika
nagiging mabisa ito kung nakatutulong sa paglikha ng makabuluhang opinyon ang tagapakinig sang-ayon na rin sa
inilalatag na mga impormasyon ng nagpapahayag.
Sa usapin ng pagpili at paggamit ng mga salita, higit na kinakikitaan ng mga salitang nabibilang sa
kolokyalismo, islang, bulgar at eupemismo. Ang mga uri ng salitang nabanggit ay hindi nagsasaalang-alang sa usaping
gramatikal na pangunahin namang tuon ng pormal na pagpapahayag.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
16 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
KABANAT
A
ANG
RETORIKA AT
3 DISKURSO
MGA LAYUNIN:
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
17 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Kahulugan at Kalikasan
S a bawat sandali sa ating buhay ay nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapwa. Madalas tayong napapaloob sa
isang sitwasyong pandiskurso kung saan naibubulalas natin ang lahat ng ating saloobin. Ang salitang
diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from” na
maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon. Batay naman sa semantika at panunuring diskursong punto
de bista, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modaliti at konteksto.
Mapapansing hindi ito palaging maihihiwalay sa kahulugan ng komunikasyon sapagkat kapwa ito tumutukoy sa
proseso ng pag-uugnayan ng tagahatid at tagatanggap ng mensahe. Ang pinakalayunin ng tao sa
pakikipagdiskurso ay maipaunawa ang mensahe sa loob ng siklo ng diskurso. Hindi rin namamalayan ng tao na
nagagamit niya ang retorika upang maging katanggap-tangap o kapani-paniwala ang kanyang mensahe. Ang
retorika ang nagbibigay ng kulay at lasa sa pahayag (pasalita man o pasulat) upang makapanghimok ng
tagatanggap. Hindi maikakaila na madalas ding iugnay ang retorika sa paggamit ng mga idyomatikong pahayag
o matatalinghagang pananalita. Subalit marapat na tingnan din ang iba pang aspekto na mahalaga sa paggamit
ng retorika sa isang sitwasyong pandiskurso. Ang konsepto ng retorika ay hindi lamang umiikot sa paggamit ng
matatalinghagang salita, bagkus mahalagang malaman ang ugnayan ng tao, lugar, okasyon, paksa, kultura at
wika.
Sa mga pagkakataon na kakausapin mo ang iyong mga magulang, kapatid, kaibigan at guro ay
gumagamit ka ng retorika upang mapadaloy ang mensahe sa isang diskurso. Sa ganitong kaso, pansinin ang
pagsasaalang-alang sa iba’t ibang bagay o usapin sa pakikipagdiskurso sa mga nabanggit. Hindi ba’t may
pagkakaiba ang iyong magiging aksyon o paraan ng pagbuo at paghatid ng mensahe? Ito’y sa kadahilanang
nakasalalay sa iba’t ibang aspekto ang paggamit ng retorika, lalo’t higit sa tao na gagamit ng estilo at lilinang sa
pahayag na ihahatid sa loob ng isang diskurso. Tandaang ang retorika ay Sining ng Tao o People’s Art kaya
nakasalalay sa tao ang kaisipang mabubuo sa paggamit ng retorika.
Sa anumang uri ng diskurso, ang wika ang kasangkapan natin upang mapadaloy ang mga mahahalagang
ideya na ating naisip o naramdaman. Hindi maitatangging sa paggamit ng wika sa pagpapahayag ay mas
madalas tayong nagsasalita kaysa sa nagsusulat. Kung gayon, may pagkakaiba ba ang pasalita at pasulat na
diskurso? Tunghayan natin sa ibaba:
DISKURSO
PASALITA PASULAT
Hindi maiiwasan sa anumang pag-uusap, napagtatalunan kung bakit higit na pinapapaboran ang
diskursong pasulat kaysa pasalita. Hindi ba’t sa hukuman na lamang ay maririnig ang mga pahayag na tulad ng
“ang mga sinabi mo ay walang basehan dahil iyan ay sabi-sabi o haka-haka lamang”, hindi tinatanggap ng
husgado ang mga pahayag na narinig lamang. Hindi ba’t kung may transaksyon o pakikipag-ugnayan tayo ay
kinakailangang may kasulatan upang kahit papaano ay may habol o pinanghahawakan pagdating ng panahong
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ayon nga sa mga pag-aaral napatunayan na mas mataas ang pagtinging
inilalaan sa gawaing pasulat.
Ito ang itinuturing na midyum ng literatura na siyang bukal naman ng pamantayan sa kahusayang
panlingguwistika. Ang mga alintuntuning panggramatika’y mahusay na nasusunod at nailalarawan sa mga
tekstong nakasulat. Para sa kanila, sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang lengguwahe ng pagkakataong
mamalagi na may hibong kapangyarihan. Kung walang pagsulat, wala ring magaganap na pag-aaral ng ating
kasaysayan. Wala tayong landas tungo sa nakaraan. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay pawang nakasulat sa
ating kasaysayan. Ang kasaysayan ang nagtuturo sa atin upang ituwid ang mga pagkakamaling nagawa.
Sa pamamagitan ng pagsulat ay nagagawa nating itago ang mga buhay ng mga kinikilalang tao na sa huli ay
magbibigay sa atin ng inspirasyon at ng gabay. Natututo tayong mag-isip at gumawa ng tamang pagpapasya dahil
naturuan tayo ng mga literaturang ating nababasa at itinuturo sa atin. Sa ating pag-iisa o sa ating libreng panahon,
nagbabasa tayo upang maglibang at makakuha ng impormasyon, gayundin sumusulat tayo upang magbigay o
magpaabot ng impormasyon. Mahirap yatang ipasa ang mga karunungang sa bibig lamang dahil hindi lahat ng ating
naririnig ay ating natatandaan.
Ang pagsasalita’y isang natural at hindi maiiwasang gawain bilang tao hindi katulad ng pagsulat.
Natutuhan nating magsalita nang hindi namamalayan, samantalang maingat naman tayong tinuturuan upang
matutong sumulat. Ang likas na kakayahan ng taong magsalita’y tulad din ng likas niyang kakayahang lumakad
at tumakbo. Sa pagsasalita, namumutawi ang mga kataga nang walang gaanong hirap at pag-iisip. At sa bilis ng
ating pagsasalita, hindi natin namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang mga kahingian ng
gramatika, sapat na sa atin ang makapagpahayag at maunawaan. Hindi ito nakikita sa pagsulat, mabagal at
kailangan ang buong pag-iisip.
May ilang paraan ng komunikasyon sa mga sitwasyon ng pagsasalita na hindi bukas sa manunulat.
Halimbawa, ang paggamit ng galaw ng katawan at iba’t ibang ekspresyon ng mukha upang bigyang-diin ang
mahahalagang bahagi ng pahayag. Maaari ring baguhin ng nagsasalita ang tono ng kanyang tinig sa pagpapakita
ng kasiyahan, galit, ng pagiging seryoso o sobrang kagalakan. Magaan ding nagagamit nang epektibo ang mga
salita kahit na hindi batid ang ispeling ng mga ito. Sa alinmang sitwasyon ng pagsasalita kailangan ang
dalawang panig―ang nagsasalita at ang nakikinig. Dahil kakikitaan ito ng patuloy na bigayan at pagtanggap sa
pagitan ng nagsasalita at nakikinig, masasabing ang ganitong sitwasyon ay nakaaangkop. Nangangahulugan ito
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
19 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
nang pabago-bagong sitwasyon, minsan ang nakikinig ay ang nagsasalita at ang nagsasalita naman ay ang
nakikinig. At kung hindi man magkaunawaan ay madali na nila itong nagagawan ng solusyon.
Ang mga teorya ay nakatutulong upang lubos na maunawaan ang mga konsepto sa proseso ng diskurso.
Maaari rin itong magsilbing salalayan sa paggawa ng desisyon tungkol sa mga sitwasyong pandiskurso.
Gayunman, walang teoryang perpekto dahil ang bawat isa ay may kani-kanyang kahinaan at kalakasan.
Kailangan pa rin ang masusing pag-aaral sa teorya upang makilatis ito nang lubusan.
1. Teoryang Pragmatiks
Ayon sa pananaliksik ni Adriano Balagot (2011), bilang larangan ng maagham na pag-aaral sa wika,
tuon ng pragmatiks ang pag-aaral kung paanong lumilikha at nauunawaan ang pahayag sa isang kongkretong
sitwasyon ng pag-uusap. Tumutukoy ito sa dalawang pangunahing punto ng pahayag; una, ang kalagayang
imformatib o pagtukoy sa taglay na kahulugan ng pangungusap at ikalawa, ang pangkomunikatibong layon o
nais na ipahiwatig ng nagpapahayag.
Ayon naman kay Kasper mula pa rin sa pananaliksik ni Balagot (2011), ang kakayahang maunawaan at
bumuo ng pahayag ay maikakawing sa kakayahang pragmatikal. Ito ay karaniwang nakaugnay sa distansyang
panlipunan at kalagayang panlipunan sa pagitan ng enkoder at dekoder, kaalamang kultural gaya ng
kagandahang asal at malinaw na unawang panlingguwistika.
Malinaw batay sa mga nabanggit na ang teoryang pragmatiks ay nakatuon sa praktikal na gamit ng
pahayag kung saan isinasaalang-alang ang kakayahan sa pag-unawa at pagbuo ng mga ideya batay sa
panlipunang kalagayan, kultura at kaalamang lingguwistika.
Ito ay pinasimulan noong 1962 ni Jane L. Austin at ipinagpatuloy naman ni John Searle sa pagitan ng
1969 hanggang 1979. Ayon sa naturang teorya ang yunit ng komunikasyong lingguwistika ay hindi ang
simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o
pangungusap sa pagganap ng tinatawag na speech act.
Sa pagsasalita natin, walang taglay na kahulugan ang mga salita sa sarili lamang nito. Naaapektuhan ito
ng sitwasyon, tagapagsalita at tagapakinig, at maging ng kultura. Ang salita mismo ay walang permanenteng
kahulugan. Halimbawa, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging di-tuwiran sa pagpapahayag sapagkat hindi
natin namamalayan ang madalas nating pagsasaalang-alang sa sitwasyon at sa kausap.
Tunghayan:
Mapapansin sa halimbawa na hindi tuwiran ang sagot ng tagatanggap. Ang inaasahang sagot sa una ay
“gusto” o “hindi ko gusto” at sa pangalawa naman ay ang tiyak na lugar na kinaroroonan ng tagatanggap ng
mensahe. Gayunman, kung ating papasukin ang mismong sitwasyong pandiskurso ay mahihinuha natin na
nagkaunawaan ang nag-uusap. Samakatuwid, sa teoryang speech act hindi binibigyang-tuon ang teknikalidad
sa pagsasalita, bagkus ang pagganap ng tagapaghatid o tagatanggap batay sa kanilang gampanin at
kulturang umiiral.
Locutionary Act – pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal nitong kalagayan
Illocutionary Act – may tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabatid at iba pa
Perlocutionary Act - anyo ng pahayag na naglalayong manghikayat, magpatotoo, humadlang o
manlinlang.
3. Teoryang Variationist
Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba o baryasyon ng mga wika. Pinaniniwalaan ng mga
sosyolingguwista na lumilitaw ang mga baryasyon sa tono o punto sa pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng
mga salita. Ito ay nakaugat sa dimensyong heograpikal at dimensyong sosyokultural. May malaking epekto ang
teritoryo, lugar o espasyo at maging ang estado sa buhay, kasarian, trabaho, antas ng pinag-aralan at paniniwala
sa pagkakaroon ng barayti ng wika.
Ang teoryang ito ay pinasimulan ni Dell Hymes na noong una ay tinawag niyang ethnography of
speaking at kalauna’y pinalitan niya bilang ethnography of communication na naglalarawan sa bagong dulog
upang maunawaan ang gamit ng wika. Binigyan niya ito ng kahulugan na nauugnay sa sitwasyon at gamit,
balangkas at tungkulin ng gawi ng pagsasalita.
H indi sapat ang kakayahang komunikatibo sa punto ng pagpapadaloy ng mensahe sa isang sitwasyong
pandiskurso, pasalita man o pasulat. Maaaring hindi namamalayan ng taong kasangkot sa siklo ng
diskurso ang kanyang layuning ginagampanan kaya higit na pinadadali ang pag-unawa ng bawat isa
tungo sa madulas na daloy ng pakikipag-ugnayan. Kung nais nating ibandila ang mga kaisipan upang maging
tagapagmulat ng kamalayan, nararapat na isaalang-alang ang iba’t ibang aspekto sa pakikipagdiskurso. Sa
puntong ito, isang napakahalagang bahagi sa paggamit ng retorika sa diskurso ang paglinang sa ideya. Sa
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
21 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
pamamagitan ng pagpapanday sa ideya, higit na maiaangat ang pahayag tungo sa intelektuwal na antas. Ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman ay higit na mapaniningas kung ito ay maipapahayag sa paraang
nakapagpapaisip sa audience.
1. Paksa – ang pagkakaroon ng lalim at sapat na kaalaman sa paksa ay lubos na mahalaga sa anumang
gawaing pandiskurso. Ito ang nagsisilbing batayan sa pagbuo ng mga kaisipan na itatanghal sa isang
pahayag. Nararapat na masipat ang kahulugan ng paksa na siyang pinakaubod ng nilalaman nito.
Makatutulong din ang pagbuo ng balangkas o outline upang maisaayos ang paghahanay ng mga ideya at
malaman kung papaano maipaliliwanag ang bawat bahagi. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kapag
bihasa tayo o kabisado natin ang paksang tatalakayin. Nagiging magaan ang atmospera sa pakikipagdiskurso
(pasalita man o pasulat) sa panahong nahimay nang mabuti ang mga ideya sa paksa.
2. Layunin – anumang hakbang na ginagawa ng tao ay marapat gabayan ng mga layunin upang hindi maligaw
kung saan mang dako. Ito ang nagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya. Sa mga
diskurso, madaling malaman ang tinutumbok ng isang kaisipan kung nakilatis na agad ng tagatanggap ang
nilalayon nito sa pagpapahayag. May iba’t ibang layunin ang tagahatid ng mensahe batay sa kanyang nais
ibahagi o ikintal sa kanyang target audience o tagatanggap. Maaaring ang layunin ay manghikayat,
manghamon, magpabatid, magmulat at iba pa. Makatutulong ang tanong na “Bakit?” upang malaman ang
layunin ng isang diskurso.
4. Patutunguhan o Audience – isa sa mga pangunahing elemento ng retorika ang audience na patutunguhan
ng mensahe, kaya sa isang diskurso marapat na palaging isaalang-alang ang audience. Dapat alamin kung
sino ang mga ito na paghahatidan ng mensahe upang makapag-adjust sa pagbuo ng ideya. Pakatatandaang
ang pagpapahayag sa anumang uri ng diskurso ay palaging kinasasangkutan ng audience, kaya marapat
alamin ang mga salik na may kinalaman dito tulad ng edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig
at kultura nang sa gayon ay malinang ang ideyang makahihimok sa mga ito. Makatutulong ang tanong na
“para kanino ang ideyang ipahahayag?” sa puntong ito.
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip ng
mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari. Layon ng
diskursong ito ang maipakita ang nasa larawang-diwa ng naglalarawan. Sa isang mahusay na paglalarawan
nagagawang isiwalat ng tagapagsalita at manunulat ang magagandang tanawin sa isang lugar, ang magandang
anyo at katangian ng isang tao maging ng hayop, ang maayos na serbisyo ng isang bagay at mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa isang pagkakataon.
Isa pa sa nagagawa ng isang maayos na paglalarawan ay kapag may ginagawang pagsisiyasat ang mga
alagad ng batas tungkol sa isang kaso ng krimen. Ang testigo ay marapat lamang na maging maingat sa
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
22 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
paglalarawan sa nasaksihang krimen dahil dito nakasalalay ang kalutasan ng isang kaso. Ang maayos at
malinaw na paglalarawan ay nakasalalay sa taong naglalarawan. Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay
nagbibigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang kasipan.
Halimbawa:
Si Nick Cuerpo ay may asawa at dalawang anak. Maagang nakapag-asawa at ngayo'y may edad
lamang ito nang dalawang taon kay Rafael sa gulang niyang dalawampu't walo. Itinuturing ni
Rafael na ang pagkakasama nila ni Nick sa landas ng buhay ay pagtatagpo ng dalawang
"magkauring balahibo." Sapagkat si Nick, isang isportsman na masasabing nagpapasasa na
lamang sa buhay sa maalwang kabuhayang naiwan ng magulang, ay nagtataglay rin ng kanyang
"sakit." Sa mismong bibig na rin ni Nick niya naririnig kung gaanong hirap ang tinitiis ng asawa
nitong si Marina sa pakikipamuhay sa isang lalaking kung umuwi sa madaling araw ay "amoy alak
at amoy babae." Guwapo at mataas, may bigote at isang tumpok na balbas na alaga sa trimming
ng piling barberya, may panghatak si Nick sa babae na mahirap paglabanan. Isang lady killer.
Halimbawa:
Lalong sumakit ang kanyang dibdib nang masinghot ang ligaw na gahiblang usok mula sa
tambakan. Tulad ng di mabilang na umagang nagdaan, dinuduro na naman ng Payatas ang puno
ng kanyang ilong nagpapasintak sa ugat ng kanyang sentido. Ilang araw na lang ay pasko na
ngunit wala siyang maramdamang saya o sinyal ng paghahanda sa tinitirhang bahay.
Pagsasalaysay
Ang diskursong pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga
mahahalagang pangyayaring naganap tulad ng mga karanasang di malilimutan, kuwento o kasaysayan
ng mga mahahalagang tao. Sa pagsasalaysay dapat ding maging malinaw ang mga isinasalaysay. Iwasan ang
pagiging maligoy sa pagsasalaysay lalo na kung hindi naman kailangan nang isalaysay pa. Madalas kapag ang
isang tao ay may magandang karanasan sa buhay, nagagawa niyang isalaysay ito sa mga kakilala niya. Kapag
may napanood na magandang palabas hindi maiwasan na mangunang magsalaysay. Samakatuwid ang tao ay
likas na makuwento sapagkat ito’y tuwirang umaapila sa kanyang nararamdaman dahil na rin ang pagsasalaysay
ang nagiging instrumento ng tao upang siya’y malibang o maaliw mula sa nararamdamang kalungkutan.
• Mabuting Pamagat. Dapat lamang na maging maayos at pag-isipan ang gagawing pamagat ng isasalaysay.
Hangga’t maaari makabago ang gagawing pamagat, at hindi gasgas. Sa paggawa rin ng pamagat dapat na
maging kapana-panabik ito na magbibigay hamon sa mambabasa o tagapakinig na mag-isip kung bakit
naging ganoon ang pamagat ng isasalaysay. Kadalasan ang pamagat ay maaaring nakasulat sa simpleng
salita at parirala ng pangalan ng tao, pook, panahon at iba pa.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
23 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
• Paksa. Tulad ng pamagat kailangan ang paksa ay makabago at makabuluhan. Sa ngayon hangga’t maaari
kailangan ang paksa’y nasasakyan ng mga mambabasa o tagapakinig. At ibatay ang paksa kung sino ang
tagatanggap o iayon sa panahon na kinabibilangan.
Kawili-wiling basahin mula simula hanggang wakas. Kailangang maging kawili-wili ang pagsasalaysay
mula simula hanggang sa wakas upang hindi kabagutan ng mambabasa o tagapakinig ang isinasalaysay
dahil nagkakaroon ng pagkakataon na ang isang salaysay ay hindi na tinatapos basahin o pakinggan.
Paglalahad
Ang diskursong ito ay naglalayon na bumuo ng isang malinaw na kaisipan at impormasyon na sakop
ng kanyang kaalaman samakatuwid ang diskursong paglalahad ay nilalayon na magbigay kaalaman,
magpaliwanag at timbangin ang mga kasipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapalaoob dito.
Sa pagbuo ng paglalahad nakapaloob o nasasagot sa diskursong ito ang iba’t ibang katanungan tulad ng Ano ang
nangyari? Paano sisimulan? Ano ang pinagkaiba? Bakit at iba pang anyo ng pagtatanong. Mahalaga ang
paglalahad sapagkat napauunlad pa ng tao ang kanyang nalalaman batay sa iba’t ibang impormasyong nalaman
na.
Ayon kay Constantino Ballena (2007), ang salitang “definition” ay isang pahayag na nagpapaliwanag
kung ano ang isang bagay. Sa paggamit ng depinisyon sa pagbuo sa teksto, maibibigay ang angkop na
pagpapakahulugan sa isang salita na may kasingkahulugan.
Halimbawa:
bughaw – kapayapaan
puti – kalinisan o kabutihan
itim – pagluluksa o kasamaan
Ayon kay Patrocinio Villafuerte (2005), may proseso ang pagbibigay ng kahulugan. Kinakailangang
sinisimulan muna ang pagbanggit ng salita o terminong bibigyan ng pagpapakahulugan (term), susundan ng pangkat o
kaisipang kinabibilangan (genre) at ang panghuli ay babanggitin ang mga kaibahan o katangiang ipinagkaiba sa mga
kauri nito (difference).
Halimbawa:
• Ang polyo ay isang takip na yari sa tela na ang mga gilid ay nakakabit sa tukod na dinadala upang
masilungan ng pari o ng sinumang may dala.
• Ang pulpito ay bahagi ng simbahan na pinagsesermonan ng mga pari lalo na noong panahon ng mga Kastila
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
24 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Ang amorseko ay isang uri ng damo na ang bulaklak ay kumakapit sa damit, pantalon, saya, at iba pa.
Paghahambing at Pagkokontras
Pagkakaiba Pagkakatulad
Madaling dalhin ang laptop Nakakagawa ng iba’t ibang dokumento,
di katulad ng desktop. presentasyong personal.
Mas mamahalin ang presyo Nakakapagbigay kasiyahan sa tao
ng laptop
Mahirap hanapin ang piyesa Mayroong aplikasyon ng telebisyon,
ng laptop kumpara sa radyo at dvd
desktop
Problema at Solusyon
Paglalahad ng solusyon sa mga problema o maaring paglalahad ng mga problema upang bigyang
solusyon. Kaakibat na ng tao ang magkaroon ng problema na siya naming mag-iisip kung ano ang karampatang
solusyon sa problema. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon.
Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa ng teksto. Ang naka-italikong bahagi ay nangangahulugan na iyon
ang ibinigay na solusyon at ang hindi naman naka-italiko ay ang problema.
Halimbawa:
• Laganap na ang krimen sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Marami ng tao ang naglalakas loob na gumawa
ng krimen dahil na rin sa hirap ng buhay. Wala nang pinipili ang binibiktima; matanda man o bata,
babae man o lalake at kahit saang lugar ay napapabalitang mayroong krimen. Maaaring makaiwas sa
mga ganitong pangyayari, ibayong pag-iingat ang kinakailangan, kung wala namang pupuntahang
mahalaga sa gabi man o araw ay manatili na lamang sa tahanan. Hanggat maaari mayroong kasama
sa pag-uwi at iwasan ang dumaan sa mga madidilim na lugar.
• Napakataas ng presyo ng mga bilihin sa panahong ito. Madalas ang badyet ng isang pamilya ay mahirap
nang mapagkasya dahil hindi naman tumaas ang suweldo. Kung noon ang dating pera na napagkakasya
sa isang araw, ngayon ito ay hindi na sapat kung kaya kailangang umekstra pa ng trabaho ang ilang tao.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
25 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Dahil dito, kailangan magtipid ng buong mag-anak. Kung hindi naman kinakailangan ang isang bagay
ay huwag waldasin ang pera nang basta-basta, bagkus itabi ito para makapag-impok at sakaling may
napakahalagang pangangailangan ay may magagamit na perang panggastos.
Sanhi at Bunga
Sa ganitong paraan ng paglalahad ipinapakita ang resulta ng mga pinagdaanang pangyayari o epekto
ng mga ginawa ng tao, hayop o maging ng kalikasan maging ito’y mabuti at masama. Kadalasan ang tao
ay nagtatanong kung bakit at paano nangyari ang mga ito. Ibig sabihin palaging naghahanap ng sagot ang tao sa
mga katanungang nabubuo sa kanyang sarili.
Halimbawa:
• Nagkaroon ng landslide sa ilang bahagi ng lugar dahil sa halos wala nang mga natitirang puno.
Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay mahikayat na sumang-ayon ang sinumang katunggali
tungkol sa pinagtatalunang o pinaglalabanang isyu o anumang argumento. Kailangan dito ang malawak na
kaalaman at sapat na mga impormasyon upang mailahad ng tama ang katwiran. Sa anumang paksa na
pinagtatalunan dapat ay may kakayahan na maiayos ang mga kasipan upang hindi maging malabo, maligaw o
mapunta kung saan-saan ang paksang pinagtatalunan.
Kapag nagkakaroon ng anumang argumento o pagtatalo hindi lamang dapat natatapos sa pagbuo ng
diskursong sasabihin o susulatin at kung paano ito maipararating sa mga tagapakinig at mambabasa. Dapat ring
tingnan kung tama o lohikal ang ginagawang pangangatwiran, pasulat man o pasalita. Sapagkat ang mga
inaakalang tamang argumento o pangangatwiran ay kakikitaan pa rin pala ng mga kamalian mula sa mga
diskursong binuo. Palasi o Fallacy sa wikang Ingles ang tawag sa maling pangangatwiran. May mga ilang
palasi ang madalas na ginagamit na dapat iwasan upang hindi maging ilohikal ang isang argumento, ito ay ang
mga sumusunod:
A. Argumentum ad hominem. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o hinahamak ang
personalidad ng tao upang ilayo sa paksang dapat na pagtuunan ng pansin ukol sa paksa o isyung
pinagtatalunan.
Halimbawa:
Hindi magiging mahusay na pinuno ng bansa ang politikong katulad ni Z, kaya huwag natin siyang
iboboto dahil isa siyang bakla.
Pansinin ang halimbawa ng diskursong nabanggit. Anong kinalaman ng kasarian ng politikong si Z para
sabihing siya’y hindi magiging isang mahusay na pinuno?
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
26 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
B. Argumentum ad baculum. Ang palasi naman na ito ay madalas na gumagamit ng anumang pananakot at
madalas ang gumagamit nito ay ang mga maiimpluwensiyang tao sa lipunan. Ginagamit ang
kapangyarihan o awtoridad sa katunggali o sinomang kaargumento upang ilihis ang tunay na paksa o
isyu. Madalas na halimbawa ng palasing ito ay katulad nang nabanggit na ay ang matinding paggamit ng
pananakot o mas kilala sa tawag na blackmail.
Halimbawa:
Pulis: Sir, hindi n’yo po ba nakita ang karatula na No U-Turn po rito? Bakit pa po kayo nag U-Turn?
Maaari po bang makita ang lisensya n’yo?
Anak ng Alkalde: E ano naman ngayon, bakit mo ako hinuli? Hindi mo ba ako nakikilala? Anak ako ni
Mayor X baka gusto mong ipatanggal kita sa trabaho.
Pansinin ang halimbawa na palasi. Ang anak ng alkalde na lumabag sa batas trapiko ay ginamit ang
kanyang awtoridad bilang anak ng isang alkalde upang pagtakpan ang kanyang pagkakamali.
C. Argumentum ad misericordiam. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na
diskurso ng argumento.
Halimbawa:
Isang estudyanteng madalas na nahuhuli sa klase ang palaging dinadahilan ay ang pagiging working
student nito.
Guro: Nahuli ka na naman sa klase, marami ka nang nakakaligtaang mga aralin natin at posibleng ikaw
ay bigyan ko ng bagsak na grado.
Estudyante: Pasensya na po, nagmamakaawa po ako sa inyo, huwag niyo po akong ibagsak. Kailangan
ko pong magtrabaho para makapag-aral dahil kung hindi po ako makakapagtrabaho hindi ko rin
masusuportahan ang aking pag-aaral.
Kung titingnan ang diskurso ng guro at mag-aaral, maaari nating sabihin na napakadakila ang ginagawa
ng estudyante dahil pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho. Subalit kung susuriing mabuti,
mali ang argumento ng estudyante sa kanyang guro dahil hindi sapat na gawing dahilan ang trabaho para
mapabayaan at masakripisyo ang oras at obligasyon sa pag-aaral .
D. Argumentum ad ignorantiam. Sa palasing ito, ipinagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi
napatutunayan at totoo ang anumang hindi napasinungalingan.
Halimbawa:
Dahil wala namang sumasaksi sa kasong ito, kung kaya si Ginoong B ay ipawawalang sala na.
Nagpapatunay lamang nito na inosente si Ginoong B.
Mapapansin sa tagpong nabanggit na pinagpalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatunayan dahil
sa kawalan lamang ng saksi o anumang ebidensya na magpapatunay na si Ginoong B ang maysala.
Kung kaya si Ginoong B ay itinuring na inosente dahil sa paggamit ng palasing ito.
E. Argumentum ad populum. Sa palasing ito, sa halip na patunayan ang isang isyu, itinuturing na tama ang
argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o emosyon ng mga tao. Kadalasan madaling
makilala ang palasing ito sa katawagang “nakikisakay sa isyu” o “dahil ito ang uso ngayon”
Halimbawa:
Nangunguna sa survey ang kandidatong si Ginoong E na nanggangahulugan nito ang tiyak niyang
pagkapanalo. Kung kaya siya na ang iboboto ko sa darating na eleksyon.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
27 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Hindi batayan ang pangunguna sa sarbey para sabihin o bigyan ng kongklusyon na tiyak na ang
pagkapanalo ni Ginoong E sa eleksyon.
Upang maging mabisa ang organisasyon o pagsasaayos ng isang diskurso o pagpapahayag, pasalita man
o pasulat, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na batayan:
1. Kaisahan
Mga Halimbawa:
“Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng handog ang kanyang ina.
Hindi lamang dahil kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina at pihong matutuwa ito kapag binigyan niya ng
handog. Nais niyang makitang muli na natutuwa ang kanyang ina. Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.”
“Ang lansangang ito’y hindi bago sa inyong paningin, kahima’t tatlong taon kang nalayo at napatungo saang
larangan. Ang lansangang ito ay sumaksi sa iyong mga paglalaro nang ikaw ay isang bata pang musmos.
Ayun ang puno ng akasya, sa tabi nito ay lalong malago ang ligaw na gumamela. Ni hindi pala inabot ng
pagbabago ang halamanan nina Corazon, luma na nga lamang ang kanilang tahanan at kailangan nang
mapintahang muli."
―Sinipi mula sa “May Gunita pa ang mga Bulaklak” ni Jose Flores Sibal
2. Kaugnayan
Nasusundan ba ng mga mambabasa ang bawat pasok ng ideya? Hindi kaya nalito, nawala o nasorpresa sa
pagpasok ng mga ideyang walang kinalaman sa paksa? May lohika bang nailatag sa pagitan ng pangunahing
kaisipan at sumusuportang kaisipan? May katuturan ba ang pagsasama-sama ng ideya? May transisyonal na
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
28 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
salita bang ginamit sa pagpasok ng bagong linya? Tingnan ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat ideya sa mga
halimbawa sa ibaba:
Mga Halimbawa:
“Ginising siya ng di-magkamayaw na kahulan ng aso. Bumangon siya, kinapa ng paa ang tsinelas, saka siya
mabilis na tumindig at nagtungo sa durungawan. Sa gitna ng arawan ay naroon ang dalawang asong puti na
may batik na itim. Nagugulo ang kanyang isip sa sunod-sunod na kahol ng mga aso. Iniinis siya ng ingay na
yaong pumupunit sa banig ng katahimikang payapang inilatag ng bagong umaga. Ngunit may kakaibang
katuwang siyang nadarama sa pagmamasid sa dalawang hayop na nagpapamalas ng kanya-kanyang
kapangyarihan sa bawat isa.”
“Ang nakatutulig na tilaok ng katyaw ay nakatawag pansin kay Ernesto. Sinundan ng kanyang mga paningin
ang pook na pinagbubuhatan nang muling tumilaok ang katyaw na yaong naiiba ang tilaok sa marami nang
narinig niya. Nag-ibayo ang kanyang paghanga nang makita ang isang katyaw na bulik, na mabikas na
mabikas ang pagkakatindig sa pinakamataas na sanga ng kanilang punong mangga. Napingiti si Ernesto.”
3. Pagbibigay-diin o Empasis
Nasa pagbibigay-diin nakabase ang kapangyarihan ng wika (Sommer et. al., 1969), sapagkat dito
isinasaad ang hangad na tindi ng dating at epekto ng mga salita sa pinag-uukulan. Maaari itong isagawa
alinman sa berbal o di-berbal na mga paraan. Malakas na ipinahahayag dito ang pinakaimportanteng ideya sa
paggamit ng kakaibang impormasyon na maaaring lakasan, bilisan, habaan o antalahin kalakip ang mga di-
berbal na paraan: ang ekspresyon ng mukha, ang postura ng katawan, ang mga kumpas ng mga kamay na
nagpapahiwatig ng kakaibang antas o klase ng kahalagahan. Ang empasis sa pamamagitan ng katangi-tanging
trato at paglalagay nito sa kapansin-pansing posisyon, pag-uulit ng pinakasusing salita o parirala ng
pangungusap o kaya’y pagbibigay dito ng mas maraming detalye kaysa sa iba. Makikita ang pagbibigay-diin sa
mga halimbawa na nasa ibaba:
Mga Halimbawa:
“Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang lupaing kanilang binungkal ay inangkin ng isang
korporasyon ng mga paring may pag-aari sa kalapit na bayan. Ayon sa korporasyon ay nasa loob ng
hangganan nila ang lupain, at upang patibayan ang pag-angkin ay itinayo noon din ang mga muhon. Si Tales
ay pinabayaan na mag-ani sa lupa kung siya’y babayad ng dalawampu o tatlumpung piso taun-taon.”
“Kaya bukod-tangi sa lahat ng mga bata sa buong bayan ng Paniqui, sa buong lalawigan ng Tarlac, o sa
buong Pilipinas man, ako lamang ang batang may bodyguard. Hatid niya ako sa pagpasok at paglabas kahit
saan. Sa pakikipagtaguan ko ay siya ang pumipili ng mabuting taguan, kaya hindi ako mahuhuli. At kung ako
man ang tagahuli, inihuhudyat niya sa akin ang pinagtataguan ng kalaban, kaya madali akong makahuli.
Kung nakikipagsuntukan ako, habang nakakalamang, hindi siya nakikialam. Ngunit kapag natatalo ako,
inaawat niya ang kalaban. Kung minsa’y napapahiya ako sa pag-awat niya at siya ang aking sinusuntok,
sinisipa, hinahampas, binabato, ngunit tinatanggap niyang lahat at hindi man lang umiilag, at hindi rin
gumaganti, ni nagagalit. Kapag umuwi’t pasa ang kanyang mata o nagdurugo ang kanyang ilong dahil sa
aking suntok at hampas, ang Papa ko ay magagalit sa akin, ngunit humaharap si Vicente at nagsasabing
“Yaku pu ing makikasalanan.”
―Sinipi mula sa “Kasaysayan ng Isang Pag-ibig ni Vicenteng Bingi” ni Jose Villa Panganiban
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
29 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Pangkalahatang Panuto:
Basahin at unawain ang sumusunod na panuto sa bawat gawain;
Huwag madaliin ang pagsagot at siguraduhing maisagawa ito ng komprehensibo;
Sundin ang pormat na ibinigay kasama ang mga kaugnay na digrapo (diagram);
Isulat ang lahat ng inyong sagot sa papel (yellow pad).
Kabanata 2
1. Binigyang kahulugan niya ang retorika bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao patungo sa
iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon. _____
2. Ayon sa kanya kinakailangang malinaw ang pag-iisip ng isang manunulat upang magkaroon ng estilo ang
kanyang isinusulat at kung may magsusulat sa kagalang-galang na estilo, dapat maging kagalang-galang muna
ang kanyang pagkatao. _____
3. Ang estilo ayon sa kanya ay kasuotan ng kanyang naiisip. _____
4. Ang nagsabi ng “The most durable thing in writing is style”. _____
5. Ang estilo ay pagkilala sa totoong pagkatao, sa gustong ipahayag at hindi nababahala sa kalalabasan. _____
Kabanata 3
Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Sagot na lamang ang isulat.
1.
Paano malilinang ang ideya sa isang diskurso?
2.
Gaano kahalaga sa paggamit ng retorika ang mga uri ng diskurso?
3.
Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod:
o Edukasyon sa Panahon ng Kastila at Amerikano
o Pananahan sa Urban at Rural
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
31 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Sagot na lamang ang isulat.
1. Uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip ng mambabasa o tagapakinig ang anyo,
katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari. _____
2. Ibinibigay ng paglalarawang ito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa nakikita o nasaksihan ng
nakararami. _____
3. Paglalarawan na binibigyang kulay ang inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya ang paglalarawan. _____
4. Isang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap tulad ng mga
karanasang di malilimutan, kuwento o kasaysayan ng mga mahahalagang tao. _____
5. Diskurso na naglalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga kasipan at impormasyon
batay sa mga kaisipang nakapaloob. _____
6. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o hinahamak ang personalidad ng tao at hindi sa paksa o
isyung pinagtatalunan. _____
7. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng argumento. _____
8. Ginagamitan ng kapangyarihan o awtoridad ang isang kaargumentong gumagamit ng kapangyarihan upang ilihis
ang tunay na argumento o isyu. _____
9. Itinuturing na tama ang argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o emosyon ng mga tao. _____
10. Ang palasing ito ay ipinagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatutunayan at totoo ang anumang
hindi napasisinungalingan. _____
TALASANGGUNIAN
Abadilla, Alejandro G. (1944). “Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” nasa Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa
Epektibong Pagtuturo ng Panitikan ni Soledad S. Reyes. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.
Abueg, Efren R. et. al. (2010). Mga Agos sa Disyerto: Maiikling Kathang Pilipino: Ikaapat na Edisyon. Lungsod ng Quezon: C &
E Publishing, Inc.
Agapay, Ramon B. (2005). Logic: The Essential of Deductive Reasoning. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store, Inc.
Almario, Virgilio S. (1996). Poetikang Tagalog: Mga Unang Pagsusuri sa Sining ng Pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon:
National Commission for Culture in the Arts.
Almario, Virgilio S. (1998). Panitikan ng Pagsampalataya: Isang Paglitis/Pagtistis sa Wika’t Retorika ng Pananakop nasa
http://www.panitikan.com.ph/criticism/panitikanngpagsampalataya.htm
Almario, Virgilio S. (2009). F_l_p_no ng mga F_l_p_no: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang
Pambansa. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.
Almario, Virgilio S. (2010). Pitong Bundok ng Haraya. Lungsod ng Maynila: UST Publishing House.
Almario, Virgilio S. ed. (2001). UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc.
Antonio, Lamberto E. (1987). “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan” nasa Kamao: Tula ng Protesta: 1970-1986. Alfrredo
Navarro Salanga et. al. mga ed. Lungsod ng Maynila: Cultural Center of the Philippines.
Aristotle. (1926). Aristotle in 23 Volumes. J. H. Freese, trans. Cambridge and London: Harvard University Press.
Aquino, Benigno III S. (2012). Kayo ang Boss ko sa Daang Matuwid: Mga Piling Talumpati. Romulo P. Baquiran at Michael M.
Coroza, mga ed. Lungsod ng Quezon: Filipinas Institute of Translation, Inc.
Avena, Lorenza. et. al. (2001). Hiyas ng Lahi (Wika at Panitikan). Lungsod ng Maynila: Vibal Publishing House, Inc.
Balagot, Adriano DC. (2011). Paglalapat ng Teoryang Pragmatiks sa Labindalawang Tulang Akeanon. Tesis sa Masteral. Lungsod
ng Maynila: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.
32 | M A S I N I N G N A P A G P A P A H A Y A G
Belvez, Paz M. (2003). Pamana: Sining ng Pagkukuwento at Pagbigkas ng Tula. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store.
Bigornia, Mike L. (2002). “Gunita” nasa Bestiyaryo. Roberto T. Añonuevo, ed. Lungsod ng Quezon: Tagak Series, Inc.
Black, Edwin. (1978). Rhetorical Criticism: A Study in Method. Madison: University of Wisconsin Press.
Campbell, Karlyn K. (1996). The Rhetorical Act: Second Edition. United States of America: Wadsworth Publishing Company.
Carpio, Perla S. et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Malabon: Jimczyville Publications.
Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Maynila: Booklore Publishing
Corporation.
Cruz, Corazon L. (1995). Introduction to Logic. Lungsod ng Navotas: National Bookstore, Inc.
Dino, Roan Jessa P. et. al. (2011). Pagsusuring Pampanitikan Gamit ang Dulog Sosyo-Sikolohikal sa mga Nagwagi ng Unang
Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Award para sa Literatura (2001-2010). Undergraduate Tesis. Lungsod ng
Maynila: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Duque, Reynaldo A. (2004). Gabay sa Pagsulat ng Maikling Kuwento. Lungsod ng Maynila: Dandelion Strategic Marketing.
Evasco, Eugene Y. at Will P. Ortiz. (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Lungsod ng Quezon: C & E
Publishing, Inc.
Garver, Eugene. (1994). Aristotle’s Rhetoric. Chicago: The University of Chicago Press.
Hariman, Robert. (2001). Political Style: The Artistry of Power. Chicago: The University of Chicago Press.
Isocrates. (1980). Isocrates with an English Translation in Three Volumes, George Norlin, trans. Cambridge: Harvard University
Press.
Kennedy George A. (1991). Aristotle on Rhetoric: A Theory of Civic Discourse. New York: Oxford University Press.
Lacaba, Jose F. (2002). “In Memoriam” nasa Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula. Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Press.
Leff, Michael. (1993). “The Habitation of Rhetoric” in Contemporary Rhetorical Theory: A Reader. John Louis Lucaites, et al. ed.
New York: Guilford Press.
Lumbera, Bienvenido, Virgilio Almario, Nicanor Tiongson. mga ed. (1971). Retorikang Pilipino. Lungsod ng Quezon: Ateneo de
Manila University.
Lumbera, Bienvenido. ed. et. al. (2000). Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo. Lungsod ng
Quezon: University of the Philippines Press.
Maranan, Edgardo B. (1999). “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and Martial Law” nasa
http://www.oovrag.com/essays/essay 2007b-1.shtml.
Nelson, John S. et. al. (1987). The Rhetoric of Human Sciences: Language and Argument in Scholarship and Public Affairs.
London: University of Wisconsin Press.
Ordoñez, Elmer A. (2007). “Protest Literature” nasa Manila Standard Today. Lungsod ng Maynila.
Ordoñez, Rogelio L. (2007). Pluma at Papel sa Panahon ni Gloria. Lungsod ng Quezon: Prometheus Publishing Corporation.
Panganiban, Villa J. et. al. (1987). Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc.
Peña, Romeo P. (2009). Pagbasa sa mga Kontemporanyong Tula na may Sipat at Tanaw sa mga Salitang Gunita at Alaala. Di-
Nailathalang Papel Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Pineda, Ponciano BP. ed. (1982). Matalinghagang mga Pananalita with English Equivalents. Lungsod ng Maynila: Surian ng
Wikang Pambansa.
Porter, James E. (1992). Audience and Rhetoric: An Archeological Composition of the Discourse Community. United States of
America: Prentice-Hall, Inc.
Reyes, Edgardo. (2010). Wika ng Nagkakaisang Bansa. Papel na Binasa sa Forum sa Wika Tungo sa Pagkakaisang-bansa.
Lungsod ng Maynila: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Reyes, Soledad S. (1992). Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan. Lungsod ng Pasig:
Anvil Publishing, Inc.
San Juan Jr. E. (2004). “Mayroong Pag-asa Kung May Gunita” nasa Sapagkat Iniibig Kita at Iba Pang Tula. Lungsod ng Quezon:
University of the Philippines Press.
Santiago, Erlinda M. (2009). Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad. Lungsod ng Mandaluyong: National Bookstore, Inc.
Santiago, Lilia Q. (2006). “Pagsulat ng Sanaysay, mga Paraan at Gabay” nasa E-mahinasyon at E-salin: Mga Malikhaing
Pamamaraan sa Pagsusulat at Pagsasalin. Lilia F. Antonio et. al. mga ed. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.
Santillan, Renato R. (2006). “Wikang Filipino Ngayon at sa Hinaharap” nasa Ani ng Wika 2006. Lungsod ng Maynila: Komisyon
sa Wikang Filipino.
Scott, Robert L. (1967). On Viewing Rhetoric as Epistemic. Central States Speech Journal.
Sicat, Rogelio R. (1992). “Handog sa Kanyang Ina” nasa Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay. Lungsod ng Pasig: Anvil
Publishing, Inc.
Sprague, Rosamond Kent. ed. (1972). The Older Sophists: A Complete Translations by Several Hands of the Fragments in Die
Fragmente Der Vorsokratiker. South Carolina: University of South Carolina Press.
Tolentino, Rolando B. at Aristotle J. Atienza. (2007). Ang Dagling Tagalog: 1903-1936. Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila
University Press.
Toulmin, Stephen (2003). The Uses of Argument. Cambridge: Cambridge University Press.
Villafuerte, Patrocinio V. (2012). Pagpapahalaga sa Panitikan: Sining Pantanghalan. Lungsod ng Malabon: Jimczyville
Publications.
Villanueva, Rene O. (2006). “Pagsulat ng Dulang-Kagyat” nasa E-mahinasyon at E-salin: Mga Malikhaing Pamamaraan sa
Pagsusulat at Pagsasalin. Lilia F. Antonio et. al. mga ed. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.
White, James B. (1984). When Words Lose Their Meaning. Chicago: The University of Chicago Press.
_________________________________________________________________________________________________
THIS MODULE IS A PROPERTY OF KABANKALAN CATHOLIC COLLEGE, COLLEGE DEPARTMENT.UNAUTHORIZED REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OF
THIS MATERIAL IS STRICTLY PROHIBITED.