You are on page 1of 9

KABANATA I

ANG PROBLEMA AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

A. Panimula

Batay sa mga tagapanaliksik na (MES) “Micro Enterprises is Essential” ay ninanais


nila na malaman o masuri kung kinakailangan ba ng mga may-ari ng maliit na negosyo ang
Basic Accounting.

Ang MES ay nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan nila na may mababang kita para
makapag patayo ng maliit na negosyo. Ang pag-aaral na ito ay nais malaman ang napapanahon
na kaalaman ng mga Negosyante sa pag gamit ng Accounting Information para Makita ang
“Cash Flow” o Pag agos ng pananalapi.

B. Paglalahad ng mga Suliranin

b.1. Pangkalahatang Suliranin/Layunin

1.1 Kung may kaalaman ba ang mga Estudyanteng may maliit na negosyo sa Basic Accounting?

b.2. Tiyak na Suliranin/Layunin

1.Dapat bang pag-aralan ng Estudyanteng may Micro Business ang Basic Accounting?

2. Paano maituturo ang Basic Accounting sa Estudyante ng UE Caloocan na may Micro

Business?

3. Ano ang magiging resulta ng pagkatuto ng Estudyante sa Basic Accounting sa kanilang maliit

na negosyo?

D. Saklaw at Limitasyon

e.1. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga estudyante na may maliit na

negosyo at kung naiaapply ba nila ang Accounting dahil kung matututo ang mga estudyante ng

Basic Accounting mas mapapadali ang mga ito na malaman kung nalulugi naba sila o kumikita.

1
e.2. Ang limitasyon sa pananaliksik na ito ay mga estudyante na Grade 11 na may maliliit
na negosyo ng University of the East Caloocan Campus.

E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pananaliksik na ito ay ginagawa upang malaman ang kaalaman ng mga negosyante
sa Accounting at kung makakatulong ba ito sa kanilang Micro business. Ipapahayag sa tekstong
ito ang mga tao na positibong makikinabang sa pag-aaral na ito. Isa sa makikinabang ay ang mga
may ari ng micro businesses, dahil sila ang makakatukoy sa disiplina sa paglago sa kanilang
negosyo at sila din ang makakatukoy ng tamang daan sa pagtatayo o pagbubuo ng isang negosyo.
Sumunod ay ang kampus ng Unibersidad ng Silangan (Senior High School,baitang 11) mabisang
paraan ito dahil ang paaralan ang pundasyon ng mga mag-aaral at pagwawasto tungo sa kanilang
interes kalakip sa paguumpisa ng maliit na negosyo. Ang huli ay ang mga panghinaharap na
mananaliksik dahil mula sa aralin na Ito, ay maaari din nila ito maging sanggunian sa mga
kaugnay na datos sa pagtatahak ng kanilang aralin.

Marahil masasabi natin na madali at mabilis lang ang pagtatayo ng mga ganitong maliliit
na negosyo. Ngunit dapat padin nating pagisipan ng maigi ang ganitong klase na negosyo, at
patungo sa masusi at tuwid na pamamalakad sa paraan na makaiwas sa mga posibleng makasira
sa kanilang layunin.

G. Depenisyon ng mga Terminolohiya

1. Accounting Information – ito ay mga datos patungkol sa mga transaksyon ng isang negosyo.

2. Accounting – ito ay ang pagsukat , pagproseso at pagbalita ng impormasyong pinansyal ng


mga ekonomikong entidad tulad ng mga kompanya at korporasyon.

3. Micro Business – ito ay isang negosyo na tumatakbo sa isang napakaliit na antas. Lalo na ang
isa na may tanging proprietor at may kaunti sa anim na empleyado.

4. MES (Micro Enterprises Essential) – ito ay isang organisasyong nagbibigay ng trabaho sa


mga mamamayan na may mababang kita para makapag patayo ng maliit na negosyo.

2
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. Kaugnay na Literatura

A.1. Lokal

Ayon Jhonel Alimboyugen ang isang negosyante ay maaring nagsimula lang


bilang dagdag kita o pang-sideline ngunit, sa katagalan ay humantong upang bumuo ng isang
full-time na negosyo na may mga empleyado. Mula sa isang negosyante na naghahanap ng
solusyon para sa pang-araw-araw na problema hanggang sa isang negosyante na nagbigkis sa
libo-libong mga empleyado, Ang isang mahusay na negosyante ay bumubuo ng ideya at
isinasagawa ito. Ang Entrepreneurship ay tungkol sa pagbibigay-buhay sa mga ideya. Ang isang
entrepreneur ay isang tao na nakakakita ng isang problema sa mundo at nagpo-pokus upang
mabigyan ito ng agarang solusyon. Sila’y mga pinuno na may kakayahang mapabuti ang
lipunan. Ang mga Entrepreneur ay lumilikha ng trabaho: Kung walang entrepreneur, wala ring
trabaho. Ang kanilang ambisyon na patuloy na palaguin ang kanilang negosyo ay magbubukas
ng mga bagong oportunidad. (Alimboyugen, 2018)

Ang impormasyon sa accounting ay mayroong madaming gumagamit, kabilang na ang


may-ari, tagapamahala, at ang gobyerno. Ay isang negosyante ay gumagamit ng financial
statements para matiyak ang saktong impormasyon na tutulong sa kanya sa pag-aayos ng
negosyo. Gumagamit ito ng balance sheet para matiyak sng kondisyon ng negosyo. (Abrugar,
2011)

Ayon kay Sharon bago mag simula ng isang negosyo, dapat malaman ang Basic
accounting skills at kung papaano gumamit ng piling financial tools. Ang pinansyal na Estado
ng isang negosyo ay nasusukat base sa kanilang balance sheet, cash flow statement, profit and
loss statement. Ang mga balance sheet ang nagpapakita ng halaga ng isang negosyo. Ang cash
flow statement ang nagsasabi ng posibleng cash flow balance ng isang negosysa mga susunod na
buwan. Samantalang ang Profit and lose statement ang nagpapakita ng mga mapagkakakitaanng
isang negosyo at ang ikalulugi nito. (Cheong, 2014)

Ayon kay Nestor iniulat nya ang mga tips sa pagtatayo ng negosyo una ay siguraduhing
interesado ka sa papasuking negosyo, upang angkop ito sa gusto mong gawin pangalawa pag-
aralang mabuti ang negosyo at humanap ng kakaiba upang interesado ito sa iba pangatlo ay
huwag magsawang hasain ang negosyo, gawing matindi ang pag tingin sa paraan ng pag-unlad.
Ayon sakanya ang pag nenegosyo ay pangalawang tungkulin at subukan na magsimula habang
bata pa ng sagayon ay maagang maging isang interprenyor. (Raneses, 2014)

3
A.2. Dayuhan

Ang Financial Accounting sa European Union ay sinasadya sa pamamagitan ng mga


direktiba. Sa 2013 ay naglalayong mapabuti ang pagganap ng mga micro business at maliliit na
nilalang sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang pasanin sa pamamahala. Ang
pangunahing kinakailangan ng direktiba ay maipakilala ang pag-uuri sa laki ng entidad. Sa mga
obligasyon ng Czech Republic na bahagi ng pag-uulat sa pananalapi na tinutukoy para sa pang
agrikultura na negosyo at ang kanilang epekto sa mga pangunahing prinsipyo ng accounting ay
napansin. (Otavova & Glaserova, 2016 )

Ayon kay Tom S ang mga may ari ng Micro business ay sya ring gumagawa ng sarili
nilang Bookkeeping kahit alam naman nila na pwede sila kumuha ng accountant. Upang
maiwasan ang problema sa pinansyal at mga suliranin sa hinaharap. Sa pag tatayo ng negosyo
ang mga may ari ay mas pinipiling sila na lamang ang mag asikaso sa kadahilanang maliit
lamang ang pinapatakbo nilang negosyo. (S, 2017)

Ayon kay Jean-Noel Barrot ang isang pangunahing pinagkukunan ng gastusin ay kapag
ang isang negosyo ay hindi binabayaran para sa mga linggo pagkatapos ng isang pagbebenta.
Ang pagpapabilis ng mga pagbabayad madalas habang ginagawa ito,kinakailangan na humiram
sa bangko upang pondohan ang peyrowl at kapital ng trabaho. At ang mas malawak na epekto, ay
ang epekto ng paggamit ng (Quickpay) nakasalalay ito sa lokal kondisyon sa merkado ng
paggawa at dahil dito,nagbibigay buhay sa mga trabaho kaugnay sa lugar o oras ng mataas na
kawalan ng trabaho. (Barrot, 2017)

Ayon kay Osmond ang Accounting ang kailangan upang maisagawa ang negosyo, pero
kahit ang ibang negosyante ay hindi marunong isagawa ang paggamit ng Journal Ledger upang
irekord ang transaksyon kailangan nilang matutunan ito upang malaman kung kumikita ba sila o
hindi. Maraming maliliit na negosyo ang gumagamit ng Accounting upang basehan ng pera, ito
ay nagbibigay ng madaling basehan ng pera. Sa paglago ng maliit na negosyo kailangan na
nilang baguhin ang paraan sa paggamit ng Accounting upang mailathala ng buo ang transaksyon
upang malaman ang pagbaba o pagtaas ng kinikita (Vitez, 2019).

B. Kaugnay na Pag-aaral

B.1. Lokal

Sa Pilipinas, gaya ng iba pang developing counties, ay patuloy pa ring


naghahanap ng paraan upang masolusyonan at mas maging epektib ang progreso ng mga SMEs.
Dito sa ating bansa, mayroong dalawang uri ang SMEs; employment-based at asset-based. Ang
nga Small enterprises ay mayroong sampu hanggang siyamnapu't siyam (10-99) na empleyado at
1.5-15 milyon na asset. (Medalla & Mantaring, 2017)

4
Ang pag-aaral na ito ay nag sarbey ng micro, small, at medium enterprises (MSMEs)
upang malaman ang klase ng accountancy services ang kailangan nila mula sa mga indibidwal na
CPA at CPA firms na nakikibahagi sa public accountancy practice. Ang mga requirements sa
serbisyo ay mula sa klase ng mga serbisyo ng mga respondente ng SMEs na kasalukuyang
outsource sa mga practising CPA. Napag alaman ng pag-aaral na ang serbisyong kailangan ng
karamihan sa mga respondente ay taxation service at sa pinakamababa ay internal audit.
Kailangan rin ng mga MSMEs ng consulting, accounting, at independent audit. May ilang
business profile ang mga MSMEs tulad ng asset size, nature of business, form of business
organization, at employment size. Ang micro at small enterprises ay may kaibahan sa tiyak na
lawak mula sa mga medium enterprises dahil nangangailangan sila ng mas kaunti at simpleng
serbisyo. Ang praktikal na implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral mula sa point of view ng
mga practising CPA ay ang micro at small businesses ay nagrerepresenta ng medyo maliit na
market samantalang maaring sabihin na ang mga enterprises na ito ay tanda ng mga pagsubok
para sa mga practising CPA. Kaya ito ay tumatawag sa angkop na strategic move mula sa parte
ng mga practising CPA pag dating sa service development at marketing. (Mendoza, 2014)

B.2. Dayuhan

Ang mga MSMEs ay may malaking naiaambag sa pag angat ng isang bansa. Ang sektor
ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) ay nakikilala bilang isang lubos na aktib at
malakas na sektor. Ang mga ito ay kabaligtaran sa mga malalaking industriya bilang mga yunit
ng ankilary at ang sektor na ito ay labis na nag-aambag sa sosyo at pang-ekonomiyang pag-unlad
ng bansa. Ang potensyal na para sa pagtaas ng pagpopondo sa SMEs, ay mahalaga. Ang “Cost
Alignment along with Business Strategy leads Sustainable Growth of MSME`s”, ay nagbibigay
ng isang bagong pananaw para sa pag-unlad nito.Ang seksyon ng MSME ay kulang bilang isa sa
mga pangunahing problema ng sektor. At kailangang ma-maximize ang paglalaan ng mga pondo
kasama ang pagpapalawak nito ay hahantong sa sektor na napapanatiling paglago sa
mapagkumpitensyang merkado. (Aparna, 2015)

Ayon kay Claudio A. romano ang maliit na pag sasagawa ng maliit na pananaliksik sa
negosyo ay ang mga mananaliksik dapat ay handa upang isaalang alang ang isang mas malawak
na ngmga proseso ng pananaliksik. Kailangan din natin dumalo sa mga programa na nagtuturo
ng magandang gawin sa ating negosyo dahil ito ay malaking kahalagahan sa pagnenegosyo.
(Romano, 1989)

Ayon kay Elizabeth walker at alan brown ang pamantayan sa salapi ay kadalasang
isinaalang alang na ang pinaka angkop na sukatang ng tagumpay ng negosyo ngunit maraming
may ari ng negosyo na nagumpisa sa maliit lamang dahil ito ay batay sa kanilang pamumuhay
kung sila ay makakapag tayo ng maliit o malaki na negosyo. (Elizabeth & Alan , 2014)

5
Ang layunin ng pag aaral na ito ay suriin critically at patunayan empirically ang ganap na
papel at benepisyo ng financial records keeping sa performance ng start-ups at pamamahala ng
micro, small, at medium scale enterprises sa Ghana. (Haruna at Senzu, 2018)

Ayon kay John (2015), sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno ng Kenya na suportahan ang
paglago ng SMEs sector sa pamamagitan ng paggawa ng Environmental sa angkop na legal at
regulatory procedure, at sa kabila ng ng katunayan na ang mga bangko ay kamakailan lamang
ginawa ng micro-credit accessible sa SMEs, wala paring indikasyon na lumalaki ang sektor. Ang
layunin ng pag-aaral na ito ay imbestigahan ang lawak ng kung paano iniaayos ng mga small
and medium Enterprises owners at managers ang record ng kanilang negosyo. Dahil kailangan
ng tumapak na tala ng mga business transactionng SMEs sa kanilang tagumapay.

Inimbestigahan ng mananaliksik ang antas ng pinansyal at kung may karunungan ba na


bumasa at sumulat ang may ari ng mga bagong micro-enterprise sa South Africa. Ang pag-aaral
na ito ay gumagamit ng pagpaplano, pagtatasa, at kontrol sa pananalapi, mga kasanayan sa
pananalapi at impormasyon, paggamit ng teknolohiya upang masukat ang pinansyal na
karunungan na bumasa at sumulat ang mga negosyante. Ang resulta ay nagmumungkahi ng
mababang antas ng pinansyal na karunungan na bumasa at sumulat ng may ari ng ng mga
bangong micro-enterprises. (Raj, 2014)

Ayon sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ay nag-uulat sa pagsisiyasat sa mga


kasanayan ng pamamahala sa pananalapi na ginagamit ng small, medium at Micro-enterprise
(SMME) sa South Africa. Napag alaman na higit sa kalahati ng SMME ang gumamit ng panlabas
na kawani ng Accounting at higit sa 60% ang umaasa o gumagamit ng impormasyon sa
Accounting. Ang isang implikasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga gumagawa ng patakaran,
mga organisasyon na sumusuporta sa negosyo, mga bangko at mga institusyon pang akademiko
ay kailangan mag-focus sa pag tuturo ng SMMEs nang mas epektibo sa pamamahala ng
pananalapi, upang mapagaan ang panganib sa mga problema sa daloy ng salapi at pagkabigo sa
negosyo. (Brijlal, et al, 2014)

6
KABANATA III

METODOLOHIYA

A. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang Pananaliksik na ito ay patungkol sa mga negosyante at kung kailangan ba nila ang

Accounting sa kanilang Micro business. Ang Pananaliksik din na ito ay gagamit ng close-ended

at open-ended questions upang makakalap ng mga datos mula sa respondente na magagamit at

makakatulong sa sinabing pag-aaral.

B. Sampling Design

7
Gagamit ang mga mananaliksik ng Non-probabilty sampling (Purposive Sampling)

upang mapili ng ng mga tagapanaliksik ang angkop na respondent sa pag-aaral na ito.

C. Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng University of the

East-Caloocan Senior High School Grade 11 na may maliit na negosyo.

D. Instrumento sa Pagkuha ng Datos

Ang Pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng

talatanungan. Personal na ipamimigay at pasasagutan ng mga mananaliksik ang kwestyoner sa

mga napiling respondente.

E. Tritment ng Datos

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na

tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos ay magsisilbing kasagutan

sa mga katanungan inilalahad sa pag-aaral. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan

gamit ang Bar graph upang maayos at organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong

gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng tugon

Kabuuang bilang ng Respondente x10

8
9

You might also like