You are on page 1of 67

PANIMULA

Patnubay sa pagsasalin at kaalamang pangwika. Sa pagaaral ng


pagsasaling wika, dapat na matutunan ng mga mag aaral ang mga patnubay sa
pagsasalin at kaalamang pang wika upang magkaroon sila ng mas malawak na
kaalaman at pag unawa sa wastong pagsasaling wika.

Ang modyul 5 na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag aaral sa


pagsasaling wika. Ang mga patnubay na nakapaloob dito ay nakatuon sa
pagsasaling wikang filipino at Ingles. Ilalahad dito ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang wikang nabanggit. Matutunan dito ang pagsasalin ng
dalawang wika ay naaayon sa kayarian ng salita, pangungusap at pagkakaayos
ng mga bahagi. Ito ay makakatulong upang magkaroon ang mag aaral ng mas
malalim na pagunawa at kaalaman sa pagsasalin ng dalawang wika.

Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito ay makapagpapamalas ang


mga mag aaral ng kanilang kakayahan at pagunawa sa pagsasaling wika.

Nilalaman ng modyul 5 na ito na makapagbigay ng sapat na kaaalaman


sa mag aaral tungkol sa pagsasaling wika. Ang mga gabay sa pagsasalin at
kaalamang pangwika ay tutulong upang lubos maintindihan o maunawaan ng
mag aaral ang pagsasalin ng dalawang wika.

Ito rin ay naglalaman ng iba't ibang gawaing isahan o pangkatan na


inihanda para sa magaaral na naglalayon na maging interaktibo ang
pagtatalakay ng mga nilalamang mga impormasyon sa modyul na ito. Sa
pamamagitan nito, inaasahan na ang mga kasanayang pagkatuto ay malilinang
ng mag aaral sa pagtatapos ng talakayan sa modyul 5.
PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot


1. Ito ay agham linggwistika na may kinalaman sa pinagmulan.
A. Etimolohiya
B. Pabula
C. Alamat
D. Erilihiya
2. Tawag sa lahat ng wikang katatagpuan sa Timog-Silangang
A. Afro-Asiatic
B. Asya Indo-Europeo
C. Wikang Hermaniko
D. Wikang Austronesyo
3. Ito ay ang pag-aaral ng pinagmulan at sikolohikal na uri/ klasipikasyon ng
mga salita.
A. Comparative Method
B. Semantika
C. Konotasyon
D. Denotasyon
4. Ito ay ang pagkukumpara ng debelopment ng isang wika sa pamamagitan
ng pagkukumpara ng dalawang wikang may isang ninuno.
A. Comparative Method
B. Semantika
C. Konotasyon
D. Denotasyon
5. Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa
intensyon o motibo ng taong gumagamit nito
A. Comparative Method
B. Semantika
C. Konotasyon
D. Denotasyon
6. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan
ng mga termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga
salita.
A. Comparative Method
B. Semantika
C. Konotasyon
D. Denotasyon
7. Tumutukoy sa literal o praktikal na relasyon ng mga salita. Isinasantabi
ang intektuwal o masining ns kahulugan ng mga salita.
A. Semiotics
B. Pragmatics
C. Syntatiks
D. Puristic
8. Ito ay pagsasaayos ng o pormal na relasyon sa loob ng pangungusap sa
talata, sa komposisyon.
A. Semiotics
B. Pragmatics
C. Syntatiks
D. Puristic
9. Paglikha ng salita sa halip na manghiram
A. Semiotics
B. Pragmatics
C. Syntatiks
D. Puristic
10. Ito ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang
salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
A. Ponema
B. Morpema
C. Konotasyon
D. Pragmatics
11. Pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
A. Ponema
B. Morpema
C. Konotasyon
D. Pragmatics
12. Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan.
A. Morpemang Salitang-Ugat
B. Morpemang Panlapi
C. Morpemang Leksikal
D. Morpemang Pangkayarian
13. May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri at pang- abay.
A. Morpemang Salitang-Ugat
B. Morpemang Panlapi
C. Morpemang Leksikal
D. Morpemang Pangkayarian
14. Tumutukoy sa dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang
salita.
A. Payak
B. Tambalan
C. Inuulit
D. Maylapi
15. Ito ay salitang- ugat lamang, walang panlapi at walang katambal na ibang
salita
A. Payak
B. Tambalan
C. Inuulit
D. Maylapi
PAUNANG PAGSASANAY

Panuto: hatiin ang klase sa tatlong grupo sa limang pangkat at ipakita ang
resulta ng Pagsasaling wika sa malikhaing pagsasadula.

PAGTALAKAY

Etimolohiya
- Ay agham linggwistika na may kinalaman sa pinagmulan.
- Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung
paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
Nagmula ang salitang etymolohiya sa Griyegong salita na etumologia na ang
ibig sabihin ay may ibig-sabihin o may kahulugan.
Hal.
a. silya - nagmula ito sa salitang Kastila na "silla"
b. kosmolohiya - nagmula ito sa salitang Ingles na "cosmology", na hinango
naman sa salitang Griyego na "kosmos" (universe) at "logia" (study)

Mga Pinanggalingang wika ng mga bansa:


 Wikang Austronesyo – lahat ng wikang katatagpuan sa Timog-Silangang
 Asya Indo-Europeo – binubuo ng 439 na wika; katatagpuan sa Kanluran
at Gitnang Asya at Europa
 Afro-Asiatic – pinanggalian ng wikang Hebreo at Arabe

Paalala: Ang wikang Ingles ay nanggaling sa wikang Hermaniko (katatagpuan sa


mga lupain sakop ng Alemanya) na sub-dibisyon ng pamilyang wikang Indo-
Europeo

Comparative Method
 Ito ay ang pagkukumpara ng debelopment ng isang wika sa
pamamagitan ng pagkukumpara ng dalawang wikang may isang
ninuno.
Semantika
- ay ang pag-aaral ng pinagmulan at sikolohikal na uri/ klasipikasyon ng
mga salita.
- Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika. Ito rin ay pag-
aaral, kung paano ang isang salita masusuri at mabibigyan ng
pagpapakahulugan. Saklaw rin nito ang pag-aaral na may kaugnayan sa
relasyon o ugnayan ng mga salita sa isang pangungusap.Ito rin ay isang pag-
aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito
sa pangungusap o pahayag.
Hal. Loob - sa kalooban

Konotasyon at Denotasyon
Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. Ang mga
katuturang ibinibigay ngayon sa isang salita ay maaaring lumago, lumawak,
maiba sa isang henerasyon o partikular na panahon. Ating isinasaalang-alang
ang pagiging nasyonal o pambansa, kadalisayan at pana-panahong gamit bilang
“batis” ng kawastuan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita. May dalawang
dimensyon ng pagbibigay kahulugan sa isang salita

Konotasyon

 Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa


intensyon o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang
ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang
isinasaad.

 Malalim ang kahulugan ng salita.

Paggamit

 "Kahulugan" sanga sa isang halo ng mga iba't-ibang kahulugan. Ang mga


ito ay maaaring isama ang kaibahan ng isang salita o parirala na may
nito, primary, literal na kahulugan (kilala bilang tunay na kahulugan), sa
kung ano ang partikular nagsasaad na salita o parirala. Kahulugan Ang
mahalagang kaugnayan sa kung paano ang anumang bagay na
maaaring nauugnay sa isang salita o parirala, halimbawa, isang
ipinahiwatig halaga paghuhusga o damdamin.

Denotasyon

 Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan


ng mga termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga
salita. Madalas din itong tawaging “dictionary meaning” na ang ibig sabihin
ay tahas, aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan. Ibig sabihin ang kahulugan
nito ay matatagpuan sa mga talatinigan o diksyunaryo. Tinatawag din
itong “core meaning” ni G. Porter G. Perrin, isang dalubwika, sapagkat
may paniniyak at walang pasubali:kinikilala, tinatanggap at sinasang-
ayunan ng mga tao.

 Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Sa semiotics
Pangunahing artikulo: tunay na kahulugan ( semiotics )

Sa lohika, palawikaan at semiotics , ang tunay na kahulugan ng isang


salita o parirala ay isang bahagi ng kahulugan nito ; gayunpaman , ang mga
bahagi na tinutukoy ay nag-iiba sa pamamagitan ng konteksto:

Sa grammar at pampanitikan teorya, ang literal na kahulugan o "


diksyunaryo kahulugan " ng isang term, wala ng damdamin, saloobin, at kulay.

Sa semiotics , sa ibabaw o sa literal na kahulugan ng isang signifier .

Sa lohika, pormal semantics at mga bahagi ng linguistics , ang extension


ng isang kataga.
Halimbawa ng Konotasyon at Denotasyon

Salita Konotasyon Denotasyon

Bola matamis na dila laruan na hugis bilog


Pusang itim nagbabadya ng uri ng hayop:
kamalasan - nangangalmot, kulay
itim at ngumingiyaw.
Itim  Kamatayan  Kulay
Bola ng kanyon matigas ang ulo Ang bola ng kanyon
Pagputi ng uwak hindi na matutuloy o hindi pumuti ang uwak
mangyayari.

Pragmatiks

- tumutukoy sa literal o praktikal na relasyon ng mga salita. Isinasantabi


ang intektuwal o masining ns kahulugan ng mga salita.

- Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng


ugnayan ng mga anyong linguwistiko at mga gumagamit nito.

- Pragmatiks o Pragmatika ay isang kabahaging larangan ng lingguwistika


na nag-aaral ng mga paraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa
pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita.

- Ito tumatalakay sa ugnayan ng mga ipinapakitang senyales o paraan ng


paghahayag, at pati na ng mga taong gumagamit nito.

Hal. Mga teorya

“Binibigyang pansin ang gamit ng wika sa panlipunang konteksto


gayundin kung paano lumikha at nakauunawa ang kahulugan ang tao sa
pamamagitan ng wika” (YULE, 1996)
“Nakapaloob sa kakayahang ito ang pagpaparating ng mensaheng
ninanais (kasama ang lahat ng ibang kahulugan) sa anumang konstekstong
sosyo-kultural.” (FRASER, 2010)

“Ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kaalaman kung paano naiugnay


ang wika sa sitwasyon na panaggagamitan nito.” (CHOMSKY).

Ayon kay BADAYOS at mga kasama (2010), ang pragmatiks ay


kinapapalooban ng pangkalahatang kakayahan sa kumunikasyon.
 UNA: Ang gamit ng wika sa iba't ibang layunin gaya ng pagbibigay-
impormasyon pagbati, pagnanais.
 IKALAWA: Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa
inaasahan ng tagapakinig o sitwasyon.
 IKATLO: Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan tulad ng
pagkukuwento, o pagbibigay-ulat atbp.

Pragmatiks sa Kumunikasyon
Kakayahang Pragmatik
 Ay ang kakayahang maiparating ang isang tukoy na mensahe sa
anumang kontekstong hinggil sa kultura at sa nais maiparating ng
tagapagdinig sa tagapaghatid nito.

Teoryang Pragmatik: Ang isang mahusay na diskurso ay palaging nakabatay


sa kinalalagyang sitwasyon na mga taong sangkot sa usapan.

Pagtamo ng Kakayahang Pragmatik


 Nakasalalay sa kritikal na kamalayan at atensyon sa mga
sosyolingguwistiko at sosyo-kultural na elementong nakapailalim sa
pagkilos at pag-uugali ng nag-uusap
Pagsusuring Pragmatik
 Ay nag-uugnay sa pag-aaral ng mga bagay na nailalahad ng
tagapgsalita/manunulat at binibigyang kahulugan ito ng
tagapagkinig/mambabasa.

Paul Grice
 May-akda ng Gricean pragmatics na pinagbabatayn ng mga teorya ng
Primatiks.
 Naniniwalang ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa mga
tapagsalita (speaker meaning)
 Speaker Meaning o kahulugan ng mensahe ayon sa tagapagsalita na
nakasalaysay sa konteksto na kung paano ito taggapin ng mga
tagapakinig niya.

Ang paggamit ng wika ng Interlokyutor (tagapagsalita) o speech act sa


pagganap ng isang gawain ay maaaring magbunga n iba't ibang aksiyon
depende sa mahihinuhang interpretasyon ng tagakinig ng usapan.

Mga bahagi ng Pagsusuring Pragmatik


 Ang Pagsusuri ay bahagi ng pragmatiks na sinusundan ng interpretasyon
sa gawain ng tao sa pamamagitan ng wika sa isang konteksto.
 Ang Interpretasyon ay nakabatay sa kausap, lugar, panahon, konteksto at
sitwasyon sa paggamit ng wika.

I-Paggalugad
 Sa paraan ng Paghihinuha (inferencing) ng isang
mambabasa/tagapakinig, nabibilang ditto ang “hindi nakikitang
kahulugan” o invisible meaning

Panukala ni Grice:
 Ang usapan ay nararapat na nakasalaysay sa pinag babahaginang
"principle of cooperation".

 Ang patakaran sa isang usapan (conversational maxim) ay ginagamit


upang maging akma ang mga pahayag ng “principle of cooperation” ng
mga magkausap.
 Ang mga patakarang ito ay may kinalaman sa mga sumusunod:

I. TUNGKOL SA DAMI (maxim of quantity)


 Kailangang gawing impormatibo at naaayon sa hinihingi ng
pagkakataon ang kontribyusyon ng nagsasalita sa usapan

II. TUNGKOL SA URI (maxim of quality)


 Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay nang
hindi nalalaman kung totoo o kulang ang patunay

III. TUNGKOL SA PAGIGING AKMA (maxim of relevance)


 Ipinapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan
ang sinasabi ng nagsasalita.

IV. TUNGKOL SA PAMAMARAAN (maxim of manner)


 Ipinapalagay na maliwanag at hindi malabo ang sinsabi ng nagsasalita
at hindi ito ipagkait ang anumang mahahalagang bagay sa usapan.

Syntatiks
- pagsasaayos ng o pormal na relasyon sa loob ng pangungusap sa
talata, sa komposisyon.
Hal. Mga tamang tuntunin sa tamang gamit ng salita at kawastuhan nito.

Uri o klase ng Filipino:

1.) Puristic - Paglikha ng salita sa halip na manghiram


2.) Taglish/Enggalog -Tagalog at English
3.) Bertaglish - Bernakular, Tagalog, English

Ponolohiya - Palatunugan
1. Ponema - Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng
kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika. Ang
pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay
bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay".
Kung gayon, ang ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng
tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag
pinapalitan ang isang ponema nito.
2. Paghinto
3. Pagtaas - Pagbaba ng tunog
4. Diin
5. Pagpapahaba ng tunog

Morpolohiya - Pag-aaral sa pagbuo ng salita

Morpema - Pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.

Maaaring isang salitang ugat o panlapi unlapi

Hal: Makahoy - Salitang ugat

3 Anyo
1. Ponema - Makabuluhang tunog
2. Panlapi
3. sa/uri

MORPOLOHIYA
Uri ng Morpema sa wikang Filipino
1. Morpemang Ponema
2. Morpemang Salitang-Ugat
3. Mopemang Panlapi

MORPOHOLOHIYA
 Ang makaaghma na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit
ng mga salita.
 Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema..
 Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking
kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.

Morpemang Ponema /a/ at /o/


 Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa pagdagdag ng
ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na
ponema.
• Halimbawa :
– Gobernador - Gobernadora
– Konsehal - Konsehala
– Kapitan - Kapitana
– Abogado - Abogada

Morpemang Salitang-Ugat
 Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng
isang salita.
• Halimbawa :
- Indak sayaw sulat
- Ganda sipag bata
- Buti payat bunso

Morpemang Panlapi
 Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring
makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-
isa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang
magkaroon ng kahulugan.
 Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng kahulugan.
 Ang mga panlaping Filipino ay maaring ikabit sa mga pangngalan at
tinatawag itong panlaping makangalan; sa pandiwa ay tinawatag naman
itong panlaping makadiwa at sa pang-uri ay tinatawag itong panlaping
makauri.
 Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di- malayang morpema.
Bagamat’t may kahulugan, hindi makikita ang tiyak na taglay na
kahulugan hangga’t hindi naisasama sa isang salitang-ugat.

Morpemang Kahulugan Salitang - ugat Bagong


Panlapi Morpema
Ma- Pagkakaroon ng Bait Mabait
katangiang taglay
ng salitang ugat
Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit
-an Lugar na Aklat Aklatan
pinaglalagyan
Ma- Nagsasaad ng Pera Mapera
pagkakaroon

Morpemang Leksikal at Pangkayarian


Morpemang Leksikal
 May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay.

Morpemang Pangkayarian
 Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa
 Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga
kaklase.
– Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito
ay nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase,
naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang
pangungusap.

 Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro.


– Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang
pangungusap, Si pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang
pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang naperwisyo.

Pagbabagong Morpoponemiko
 Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi).
 Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring yaong sinusundan
ng morpema o yaong sumusunod dito.
Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan

Limang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko


1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin

Assimilasyon
 Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong
pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Uri ng Asimilasyon
I. Asimilasyong Parsyal o di ganap
- pagbabago sa unang morpema
hal:
pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas

II. Asimilasyong Ganap


– Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Hal:
mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot

Pagpapalit ng Ponema
 kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan
ng ponemang r.
hal: ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong

Metatesis
 pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema
ay ang mga ponemang (l,y,o)
hal: lipadin -nilipad
yakapin –niyakap

Paglilipat-diin
 kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag
ito'y nilalapitan.
hal: laro + an = laruan
dugo + an = duguan

Pagkakaltas ng Ponema
 mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
hal: takip + an = takpan
sara + han = sarhan
labahan = labhan
dalahin = dalhin

Kayarian ng mga Salita


1. PAYAK - ang salita ay payak kung ito ay salitang- ugat lamang, walang
panlapi at walang katambal na ibang salita (Santiago&Tianco)
halimabawa: ina
bata
anak
ama
kapatid
sulat

2. Maylapi -sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang-


ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani- kaniyang kahulugan
(Ampil,Mendoza & Breva, 2010)
- ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga
panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan
ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at
Hulapi
Halimbawa:
Ma- + tubig = matubig (maraming tubig)
Pa- + tubig = patubig (padaloy ng tubig)
Tubig + -an = tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig + -in = tubigin (pinarusahn sa tubig)
Lakad + -um = lumalakad
Sagot + -in = Sinagot

3. Inuulit -ay maaring ganap, parsyal o magkahalong parsyal at ganap


(Ampil, Breva & Mendoza, 2010)
-inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito
-may dalawang uri, ang “pag-uulit na Ganap at Di-ganap

a) Pag-uulit na Ganap
- inuulit ang salitang-ugat
Halimbawa:
taon taon- taon
bahay bahay-bahay
araw araw-araw

b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap


- ang isang salita ay nasa pag-uulit na PARSYAL kapag ang bahagi
lamang ng salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa:
usok uusok
balita bali-balita
tahimik tahi-tahimik
Kanta kakanta

c) Magkahalong Parsyal at Ganap


- kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang salitang-ugat.
Halimbawa:
Sigla masigla-sigla
Saya masaya-saya
Matuto matuto-tuto
4. Tambalan
- ang pagbubuo ng salitang-ugat
-dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
-may dalawang uri ng tambalan ang tambalang ganap at di-ganap

a) Tambalang Di-ganap
-ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang pinagtambal
ay hindi mawawala
-Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Halimbawa:
asal-hayop kulay-dugo
bahay-ampunan pamatid-uhaw

b) Tambalang Ganap
- ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong
kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama.
-Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Halimbawa:
Bahaghari hampaslupa
dalagambukid anakpawis

Bahagi ng Pananalita
1. Mga Salitang Pangnilalaman ( Content Words)
a. Mga Nominal
 Pangngalan
 Panghalip
b. Pandiwa
c. Mga Panuring
 Mga pang-uri
 Pang-abay
2. Mga Salitang Pangkayarian ( Function Words)
a. Mga Pang-ugnay
» Pangatnig
» Pang-angkop
» Pang-ukol
b. Mga Pananda
» Pantukoy
» Pangawing na ‘ay’

MGA SALITANG PANGNILALAMAN

1. PANGNGALAN
 ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay ngalan ng hayop,
bagay, pook, at pangyayari.

Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan


1. Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi
panlahat.
2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na
tahas o hindi tahas

Pantangi
 tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook at pangyayari

halimbawa
1. Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao
Pedrito Melissa Marilou Rita
2. Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop
Brownie Pinky Blacky Spot
3. Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay
Mongol Magasing liwayway Bic Ballpen
4. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook
Bundok Apo
Talon Maria
Cristina Davao City
5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Panyayari
Paligsahan ng Bb. Pilipinas
Buwan Ng Wika

Pambalana
 tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao, hayop, bagay, pook, at
pangyayari.
Halimbawa:
1. Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Tao
bata guro lalaki abogado
2. Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Hayop
aso baka pusa kalabaw
3. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Bagay
laptop radyo bahay relo
4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Pook
ilog bulubundukin kapatagan
5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari
Sayawan gulo banggan digmaan

tahas
 tumutukoy sa bagay na materyal
Dalawang Uri:
1. palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
halimbawa:
buwig kumpol
hukbo lahi
tumpok tangkal

2. di-palansak -tumutukoy lamang sa mga bagay na


isinasaalang-alang ng isa-isa.
Halimbawa:
Saging bulaklak
Sundalo tao
Kamatis manok

3. di-tahas o basal -basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay


hindi materyal kundi diwa o kaisipan.
Halimbawa:
Buti ganda
sama bait
pag-asa kaligayahan

Kasarian ng Pangngalan
 Panlalaki
– Bicolano, lolo, bayaw, G. Cruz
 Pambabae
- Ilokana, Ilongga, ate, inday, Gng. Chan
 Di-tiyak
- guro, bata, anak, nars
 Walang Kasarian
- bundok, ilog, halaman, buwan

2. PANGHALIP
-ito ay salitang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Manuel L. Quezon ang kinilalang “Ama ng Wikang Pambansa”.
Siya ang kin.ilalang”Ama ng Wikang Pambansa”.

Tatlong panauhan:
1. Unang Panauhan
-tumutukoy sa taong nagsasalita
(ako,ko,kami,tayo)
2. Ikalawang panauhan
-tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap.
(ikaw,ka,kayo,inyo,inyo)
3. Ikatlong panauhan
-inihalili sa taong tinutukoy sa pangungusap.
(siya,sila,nila,kanya,kanila)

Ang Gramatika at Retorika


Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang
pangwika: ang gramatika at retorika. Nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan sa
pahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag ang
gramatika. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa parirala, sugnay at pangungusap
ng pahayag; mga tamang panuring, mga pang ugnay, mga pokus ng pandiwa at
iba pa para sa kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng
gramatika.
Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag
kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang
relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang
pagpapahayag.

I. Pagpili ng Wastong Salita


 Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na
salita sa isipang pagpapahayag. Kung minsan may mga salitang tama na
ang kahulugan at sa gamit ngunit hindi naman angkop na gamitin sa
pahayag.
Halimbawa:
[Angkop na salita ]
Ang bunganga ay hindi tamang ipalit sa bibig sa pormal na
pahayag.
 Maluwang ang kanyang bunganga ngunit manipis naman ang
kanyang mga labi.
 Maluwang ang kanyang bibig ngunit manipis naman ang
kanyang mga labi.

Ganito rin ang masasabi sa mga salitang lamon at kain.


 Halina kayong lumamon at nakahain na ang hapag.
 Halina na kayong kumain at nakahain na ang hapag.

Narito ang ilang tuntuning mapagsusumundan para sa pagpili ng tumpak


na mga salita sa pahayag.

1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin.


Halimbawa:
 Ang wika ay panaling bumibigkis sa mga mamamayan.
 Ang wika ay tani-tanikalang bumibigkis sa mga mamamayan.
 Ang pagkakaisa ang susing nagbubukas sa pinto ng ating pag-
unlad.
 Ang pagkakaisa ang susi sa ating pag-unlad.

2. Tiyakin na angkop ang panlapi ng salitang ginamit.


Halimbawa:
 Nangagsiligo sa ilog ang mga pinsan ko.
 Nangaligo sa ilog ang mga pinsan ko.
Ang mangagsi ay maramihan ng mag at ang manga ay maramihan ng
ma. Ang isahan dito ay naligo kaya ang angkop na panlapi ay nangaligo.
Halimbawa:
 Nakain ka na ba?
 Kumain ka na ba?

Lalawiganin ang salitang nakain (sa Batangas) kaya dapat ay kumain


na pambansa ang gamitin.
Halimbawa:
 Linanghap namin ang masamyong bango ng sampaguita.
 Nilanghap namin ang masamyong bango ng sampaguita.

3. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginagamit.


Halimbawa:
 Nagsitangis ang mga eskuwater na nawalan ng bahay at nagbalot ng
kanilang abubot.
 Nagsitangis ag mga eskuwater na nawalan ng bahay at nagsipagbalot
ng kanilang abubot.

Ang nagsitangis ay maramihan at ang nagbalot ay isahan. Dapat gawin na


parehong maramihan (nagsitangis at nagsipagbalot) ang pandiwa sa pahayag.

4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginamit.


Halimabawa:
 Nagsialis na ang mga tao sa plasa at nagsisiuwi na sa mga bahay
nila.
 Nagsialis na ang mga tao sa plasa at nagsiuwi na sa mga bahay
nila.

Naganap na ang nagsialis ngunit nagaganap naman ang nagsisiuwi. Gawing


naganap na rin ang nagsisiuwi kaya ang angkop ay nagsiuwi.
5. Iwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles lalo na’t hindi pa
iyon lubusang tinataggap ng marami at mayroon naming katumbas
na katutubong salita natin ang mga iyon.
Halimbawa:
 Na-arrest na rin ang murderer ni Lopez.
 Nahuli na rin ang pumatay kay Lopez.

 Ang school ba ninyo ay near sa market?


 Malapit ba sa palengke ang paaralan ninyo?

II. Wastong Gamit ng mga Salita


1. BITIWAN at BITAWAN
 Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat
ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa
pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala
o pag-alis sa pagkakahawak.
Halimbawa:
 Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
 Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa
takot.
 Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
 "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan
mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid.
 Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong
kasintahan.

Tandaan:
Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng
mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran.
Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.
2. KAPAG at KUNG
 Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan;
 Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:
 Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
 Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa
probinsiya.
 Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
 Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

3. KIBO at IMIK
 Pagkilos ang tinutukoy ng kibo
 Pangungusap ang tinutukoy ng imik.
Halimbawa:
 Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
 Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
Tandaan:
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.

4. DAHIL at DAHILAN
 Pangatnig ang dahil
 Pangngalan ang dahilan
 Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay.
Halimbawa:
 Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
 Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
 Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.

Tandaan:
Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.
Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.

5. HABANG at SAMANTALANG
 Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o
“mahaba”.
 Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
Halimbawa:
 Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
 Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang
wala pa akong trabaho.
 Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng
kanyang kasintahan.
 Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang
sulat ng kanyang kasintahan.

Tandaan:
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa
dalawang kalagayan.
Halimbawa:
 Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina
pa?

6. IBAYAD at IPAGBAYAD
 Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
 Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
Halimbawa:
 Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip
na pera.
 Ipagbabayad muna kita sa sine.
X- Ibayad mo ako sa sine
X- Ibinayad ko siya sa bus.
7. MAY at MAYROON
 Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng
salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng
pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang-
abay.
Halimbawa:
 May anay sa dingding na ito.
 May kumakatok sa pinto.
 May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.

Tandaan:
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o
pamatlig o pang-abay na panlunan.
Halimbawa:
 Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
 Mayroon iyang malaking suliranin.
 Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
Halimbawa:
 “May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
Halimbawa:
 Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung
sino ang wala.

8. PAHIRAN at PAHIRIN
 Pahiran – paglalagay
 Pahirin - pag-aalis
Halimbawa:
 Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
 Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
 Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
 Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.
Halimbawa:
 Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
 Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
 Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
 Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.

Tandaan:
Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang
bagay mula sa isang bagay.
Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang
bagay ang isang bagay.

9. PINTO at PINTUAN
 Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung
ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
 Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
 Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
 Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
 Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
 Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.
 Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang
lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung
meron man.
Halimbawa:
 Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
 Gawa sa narra ang kanilang pinto.
 Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
 Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
 Huwag mong sipain ang pinto.
Tandaan:
Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan
Hagdan - ang inaakyatan at binababaan
Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan

10. SUBUKAN at SUBUKIN


 Subukan - pagtingin nang palihim
 Subukin - pagtikim at pagkilatis
Halimbawa:
 Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako
sa bahay.
 Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
 Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.

Tandaan:
Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at
pangnakaraan: sinusubok, sinubok.
Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin

11. TAGA- at TIGA


 Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang
ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Halimbawa:
 Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
 Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.

Tandaan:
Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,
tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.
12. AGAWIN at AGAWAN
 Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
 Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.
Halimbawa:
 Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
 Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

13. HINAGIS at INIHAGIS


 Hinagis ng isang bagay
 Hnihagis ang isang bagay
Halimbawa:
 Hinagis niya ng bato ang ibon.
 Inihagis niya ang bola sa kalaro.

14. ABUTAN at ABUTIN


 Abutin ang ang isang bagay
 Abutan ng isang bagay
Halimbawa:
 Abutin mo ang bayabas sa puno.
 Abutan mo ng pera ang Nanay.

15. BILHIN at BILHAN


Halimbawa:
 Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
 Bilhan natin ng sapatos ang ate.

16. WALISAN at WALISIN


 Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.
4. Nais kong walisan ang aklatan.

Tandaan:
Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng
partikular na dumi o kalat.
Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na
lugar na marumi

17. SUKLAYIN at SUKLAYAN


 Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba
 Suklayan - ng buhok ang ibang tao
Halimbawa:
 Suklayin mo ang buhok ko, Keena.
 Suklayan mo ako ng buhok, Alona.

18. NAMATAY at NAPATAY


 Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
 Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit,
katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit din sa
patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan buhay.
Halimbawa:
 Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
 Napatay ang aking alagang aso.
19. MAGSAKAY at SUMAKAY
 Magsakay - magkarga ( to load)
 Sumakay - to ride
Halimbawa:
 Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Deus.
 Sumakay na tayo sa daraang bus.

20. OPERAHAN at OPERAHIN


 Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
 Operahan - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
 Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
 Si Luis ay ooperahan sa Martes.

21. NANG at NG
 Nang - pangatnig na panghugnayan
 tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at
pamanahon
 tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang
inuulit
 Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana
 tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng
pandiwa
 pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
A. NANG
Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni keena ang pagpiprito
ng isda.
Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.

Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.


1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

B. NG
Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Tandaan:
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri
(adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng
pangungusap.

22. KATA at KITA


 Kata - ikaw at ako
 Kita - ikaw
Halimbawa:
 Manood kata ng sine.
 Iniibig kita.

23. KILA at KINA


 Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa:
 Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
 Makikipag-usap ako kina Yvette at Deua.

24. Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-
vowel - w, y).
Halimbawa:
 Pumunta ka rito.
 Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.
 Nag-aaway raw ang mga bata.
 Maliligo rine ang mga dalaga.
 Patungo roon ang mga kandidato.

Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa katinig (consonant).
Halimbawa:
 Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
 Pupunta rin dito ang mga artista.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.


Halimbawa:
 Dito ba tayo maghihintay?
 Doon na tayo mananghalian sa bahay.

25. KUNG at KONG


 Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if
sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari
Halimbawa:
 Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
 Nabasa ang binili kong aklat.
26. KUNG DI at KUNDI
 Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles; ang
kundi naman ay except.
Halimbawa:
 Aalis na sana kami kung di ka dumating.
 Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket
lamang.

27. HAGDAN at HAGDANAN


 Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Samantalang ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan
ng hagdan.
Halimbawa:
 Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
 Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

28. IKIT at IKOT


 Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas
patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa:
 Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
 Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila
sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

29. HATIIN at HATIAN


 Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.
Halimbawa:
 Hatiin mo sa amin ang pakwan.
 Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
30. NABASAG at BINASAG –
 Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o
di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling
pagkukusa.
Halimbawa:
 Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
 Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga
plato.

31. BUMILI at MAGBILI


 Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta
Halimbawa:
 Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
 Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

32. KUMUHA at MANGUHA


 Kumuha- to get; Manguha – to gather, to collect
Halimbawa:
 Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
 Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

III. Pagbuo ng Pangungusap


Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito. Kung
bawat bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag ng malinaw ang
pangunahing diwa nito. Sinasabing may kaisahan ang pangungusap.

1. Kailangan ng kaisahan sa pangungusap para maging epektib ito. Kung


bawat bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag ng malinaw
ang pangunahing diwa nito masasabing may kaisahan ang pangungusap.
Halimbawa:
[Timbang ]
 Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis
na iskwater.
 Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit
ang mga napaalis na iskwater.
[ Paralelismo ]
 Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
 Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain
ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

2. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na


kaisipan.
Halimbawa:
 Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginagamit at nahihilig
tayo sa kalayawan.
Walang ugnayan sa pahayag na “Uunlad ang wika natin kapag ito’y
ginamit natin” ang “pagkahilig natin sa kalayawan”. Dapat na alisin ang bahaging
ito sa pahayag.
 Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.

3. Ang pagtataglay ng maraming kaisipan sa pangungusap ay labag sa


kaisahan ng pangungusap dahil lumalabo ang pangunahing isipang
ipahahayag.
Halimbawa:
 Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung
gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang
magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakakaaliw
 Ang pagsasayaw ay, gaya ngpaglalaro ng taguan ng mga bata, ay
tunay na nakalilibang.
4. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at
ang panulong na sugnay.
Halimbawa:
 Nang kami ay manood ng sine, siya ay wala sa bahay.
 Nang siya ay wala sa bahay, kami ay nanood ng sine.

 Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang aklat.


 Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.

5. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng


pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos.
Halimbawa:
 Si Jose ay binii ang relo para kay Manding
 Ang relo ay binili ni Jose para kay Manding
Binili ni Jose ang relo para kay Manding.
 Si Marie ay kinuha ang hinog na papaya sa puno.
 Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie.
Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.

6. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinaguriang salita.


Halimbawa:
 Maganda ang nobelang binasa mo talaga
 Maganda talaga ang nobelang binasa mo.

 Tinawag ni Tony ang taong malakas.


 Malakas na tinawag ni Tony ang tao.

7. Ilapit ang panghalip na “na” pamagat sa pangalang kinatawan nito.


Halimbawa:
 Ipinanhik ni Nardo ang telebisyon sa bahay na binili ng tatay niya.
 Ipinanhik ni Nardo ang telebisyon na binili ng tatay niya.
8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.
Halimbawa:
 Minahal at ginamit niyang sariling wika.
 Ang sariling wika ay minahal at ginamit niya.

 Magalang na sinagot ni Pop ang tanong ng guro.


 Si Pop ay magalang na sinagot ang guro.

IV. Mabisang Pananalita


1. Panghalip na Panao
Halimbawa:
 Si Louis ay tanghali na kung gumising kaya siya nahuli sa klase.
 Nasan na ba si Francis? Kailangan ko na siya ngayon.

2. Panghalip na Pamatlig
Halimbawa:
 Pakilagay ang gamit ko dyan sa upuan.
 Matagal ko ng hinahanap ang libro ko, san mo ito nakita?

3. Salitang Nagpapahayag ng Karagdagan


Halimbawa:
 Gusto ko pumunta sa isang lugar na tahimik ang kapaligiran, maganda
ang tanawin at walang nakakakilala sa akin.
 Hindi lang Tokyo, Narita at Shibuya ang ating pupuntahan sa Japan,
may isa pang lugar.

4. Mga Salitang Nagpapahayag ng Pagsalungat


 subalit
 ngunit
 pero
 bagamat
Halimbawa:
 Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng mamamayan sa
bansang ito ay hindi lamang nagsasaad ng ligaya at tuwa.
 Ngunit ni wala sa isa mang tuminag sa mga nakikiramay. Parang may
kinakailangang bagay na di inaasahang mangyayari.

5. Mga Salitang Nagpapahayag ng Bunga ng Sinundan


 dahil
 bunga
 sapagkat

6. Salitang Nagpapahayag ng Pagkakasunud-sunod Ayon sa Panahon


Halimbawa:
 Dahil sa magandang pakikisama, nakaamot paminsan-minsan ng kung
anu-ano si Aling Donna sa mga kapwa tindera.
 Bunga nito ay may pagkakataong higit na pinapanigan ng alipin ang
kanyang panginoon kaysa kapwa nya.
Halimbawa:
 Huling natapos kumain ang grupo nila Chars.
 Pagkatapos kong kumain ng hapunan, biglang tumawag ang aking
kaibigan.

7. Salitang Magkasing Kahulugan at Pag-uulit ng mga Salita


Halimbawa:
 Maraming siga-siga sa Tondo. Ngunit pawang basta-basta lang ito
kung ihahambing sa paagkasiga sa Necor.
 Si Necor ang siga sa mga siga sa Tondo.
PATNUBAY SA PAGSASALIN AT KAALAMANG PANGWIKA
Ingles at Filipino
Sapagkat pagsasalinj ssa inges at sa Filipino ang tuon ng patnubay na ito
ay narito ang ilang bagay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng nabanggit na
mga wika. Unang maaaring paghambingin ang kayarian ng mga salita sa
dalawang nabanggit na wika.

Payak. isang salitang-ugat lamang, walang kasamang panlapi o katambal na


salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito.
FILIPINO INGLES
Bulaklak flower
Balak plan
Tagumpay victory
Asin salt
Gamot medicine

Maylapi. Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.

FILIPINO INGLES
Maliit beautiful
Pagsulat writing
Kapangitan ugliness
Matulungin circumvent
Lumipad legible

Inuulit. Inuulit ang salita kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.

FILIPINO INGLES
Araw-araw
Bayan-bayan
Magandang-maganda
Kani-kanina
Maliit-liit

Tambalan. Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. Ang


dalawang salita sa tambalan ay parehong makapag-iisa na ginagamitan ng
pang-angkop na ng.

Sa Filipino, mayroong iba’t-ibang tambalan ng mga salita ayon sa


semantikong ugnayan.

1. Palarawan: Ang ikalawang elemento ay naglalarawan sa una.

Bahay-kubo dugong-mahal tabang-lamig


Daang-bakal punong-mangga hanging-amihan

2. Layon: Ang unang elemento ay Gawain at ang ikalawa ay bagay.

Basag-ulo biyaheng-Bikol ingat –yaman


Bayad-utang hanapbuhay pamatid-uhaw

3. Layunin: Ang unang elemento ay bagay, layunin ang ikalawa.

Bahay-aklatan mesang-sulatan
Bahay-kalakal silid-kainan

4. Pag-aari: Ang unang salita ay nagpapahayag ng bagay na inaari ng


pangalwa.

Anak-mayaman saligang-batas
Matang-lawin tintang-Instik

5. Pinagmulan: Ang unang elemento ay bagay, ang ikalawa ang


pinagmulan.

Batang-lansangan buteteng-laot
Bagoong-Balayan dalagang-buki
Sa Ingles, may iba’t ibang paraan din ng pagtatambalan.
1. Dawalang element, parehong payak na salita.
Blackboard, hothouse, drug store, by-pass

2. Tatlo elemento, lahat ay payak


Son-in-law, nevertheless, nonetheless

3. Dalawang elemento, isa ay complex.


Adhesive tape, Christmas tree, postage-stamp, tax-collector

4. Dalawang elemento, parehong complex.


Elevator-operator, movie actor, cigarette lighter
5. Dalawang elemento, ang isa o pareho ay complex.
Football player, tightrope-walker, lookout-tower

6. Salitang compound-complex.
Dry-cleanser, folklorist, moonshiner, ex-housewife, supersalesman,
rebroadcast

Kayarian ng Pangungusap. Batayan ang mga pangungusap na


pinakamaikli at pinakapayak na may kompletong kahulugan sa isang wika. Ang
dalawang panlahat na sangkap ng batayang pangungusap ay ang panaguri at
ang simuno o paksa. Ang ilang batayang pangungusap ay maaaring magtaglay
ng ikatlong sangkap, ang pang-abay

Ang paksa ay nagpapahayag ng binibigyang diin sa pangungusap. Sa


maraming pagkakataon, katumbas ito sa subject sa Ingles.

Gumising ang bata.


The child awoke.
Sa Filipino ang panaguri ay laging nauuna sa simuno, samantalang sa
Ingles ang subject ay laging nauuna sa predicate.
Batayang Pangungusap
(Filipino)

Naglalaro (Panaguri) sa bakuran ang bata (Paksa)

Basic sentence

(English)

The child (Subject) is playing (Predicate) at the yard

May mga pagkakataon na ang paksa ay hindi matutumbasan ng Ingles na


subject at vise versa.
Ginising ng ingay ang bata. A noise awakened the the child.
Sinulat ko ang liham. I wrote the letter.
Sinulatan ko ang titser. I wrote to the teacher.

Sa Ingles, ang panaguri ay laging may pandiwa; samantala, hindi laging


ganito sa Filipino. Ang panaguri ay maaaring maging pangngalan o nominal,
pang-uri, at pandiwa.

Artista ang babae. The woman is an actress.


Maganda ang babae. The woman is beautiful.
Yumaman ang babae. The woman got rich.

Sa unang dalawang pangungusap, ang katumbas ng pandiwang Ingles na


be a Filipino ay ang kayariang ekwasyonal na binubuo ng panaguri na nominal o
pang-uri. Wala ring katumbas sa panaguri sa Filipino ang di-tiyak na panaguri ng
Ingles na may panandang a o an.

Ang pangngalan at pandiwa sa batayang pangngusap sa Filipino at Ingles


ay may magkaibang gamit. Sa Ingles ang pangngalan at pandiwa ay bibihirang
gamitin sa isang parehong konteksto, sa simuno at panaguri. Subalit sa Filipino
ang pangngalan at pandiwa ay maaaring matagpuan sa simuno at panaguri.
Yumaman ang artista The actress got rich.
Artista ang yumaman The one who got rich is an actress

Ang batayang pangungusap ay binubuo ng panaguri at paksa. Kung


minsan, ito ay may kasamang pang-abay.

Ang pang-abay ay maaaring isang ingklitik o naililipat na pang-abay


(movable adverb).

Doktor daw ang bisita.


Kumain na din siya.
Umaawit siya ngayon.
Pumapasok siya kung Lunes.

Ang pang-abay na ingklitik ay laging sumusunod sa unang salita sa


pangungusap.

Pumupunta raw sa Maynila ang bus.

Ang pang-abay na naililipat ay maaaring matagpuan sa iba-ibang


posisyon na hindi nagpapaiba sa kahulugan.

Pumapasok kung Lunes sa eskwelahan sa Juan.


Pumapasok sa eskuwelahan kung Lunes si Juan.
Pumapasok sa eskuwelahan si Juan kung Lunes.
Juan goes to school on Mondays.

May pagkakataon na kapag nasa unahan ng pangungusap ang pang-


abay, ito ay nagbibigay ng kahulugang pagbibigay diin o kasalungat na
kahulugan.

Kung Lunes pumapasok sa eskuwelahan si Juan.


AYOS NG MGA BAHAGI
Sa Ingles, ang mga bahagi ngg pangungusap na may kaukulang pananda
ay may tiyak na ayos na kung papalitan ang ayos ay maaaring magkaroon ng
ibang kahulugan. Hindi mababago ang kahulugan hangga’t hindi nababago ang
pananda.

The man gave the woman a book.


Samantala, sa Filipino, maaaring magkaroon ng iba’t ibang ayos angmga bahagi
na hindi maiiba ang kahulugan.

Nagbigay ng libro sa babae ang lalaki.


Nagbigay ng libro ang lalaki sa babae.
Nagbigay sa babae ng libro ang lalaki.
Nagbigay sa babae ang lalaki ng libro.
Nagbigay ang lalaki ng libro sa babae.
Nagbigay ang lalaki sa babae ng libro.
The man gave the woman a book.

Subalit may isang ayos na maaaring makapagpaiba ng kahulugan ayon na rin sa


salin.

Sa babae nagbigay ng libro ang lalaki.


It was the woman that the man gave the book to.

Pangngalan. Ang Filipino ay may tatlong pangkat ng markadong


pangngalan. Markado ang pangngalan dahil nakatakda na ang gamit nito sa
pangungusap sa pamamagitan ng panandang ginagamit.

1. Anyong ang-
Ang bata ay tumatakbo. The child is running.
Dumating ang bata. The child came.
2. Anyong ng-
Bago ang damit ng bata. The child’s dress is new.
Ginupit ng bata ang laso. The child cut the ribbon.

3. Anyong sa-
Sa bata ang bolpen. The ballpen belongs to the child
Pumunta sila sa Amerika. They went to America.

Napakarami ang pangangalaga di-markado sa Filipino. Ang mga ito ay


katumbas ng common nouns sa Ingles.

Bata = bata
Bukid = farm
Buti = goodness

Ang iba naman ay katumbas ng pangngalang pantangi sa Ingles.

Maynila ang bayan ko My hometown is Manila


Pasko ang paborito kong pista My favorite holiday is Christmas

Hinangong Pangngalan. Ang hinangong pangngalan ay salitang binubuo


ng isang panlapi at isang salitang-ugat na nominal.
Kumpisalan confessional
Halamanan garden
Bulabugin scaring away
Kumpunihin something to repair
Katumbas something of equal value
Kabanalan devoutness
Kabunyian holiness
Magmamanok chicken vendor
Ang pagbuo ng mga hinangong pangngalan ay ginagamit ng mga
panlaping makangalan na maaaring ikabit sa salitang-ugat na maaaring ibang
bahagi ng pananalita.

Narito ang ilang halimbawa ng pagbubuo ng hinangong pangngalan sa


Filipino at sa Ingles.

Sa Filipino
1. S.U. + -an Kahulugan: lugar na pinaggaganapan ng kilos.
Aklatan
Halamanan
Hiraman
Taguan

2. S.U. + -an Kahulugan: resiprokal o gantihang-kilos


Awayan
Bigayan
Paliwanagan
Saksakan

3. S.U. –in Kahulugan: Layon ng kilos na ipinahahayag salitang-ugat.


Alagain
Aralin
Awitin
Bilhin
Burdahin

4. Dup, s.u. = S.U. + -an Kahulugan: imitasyon ng sinasabi s.u.


Bahay-bahayan
Kasal-kasalan
Kabayo-kabayuhan
5. ka- + S.U. Kahulugan: resiprokal na asosasyon
kakuwarto
katumbas
katabi
kalaro

6. ka- = S.U. + -an Kahulugan: katangian o pangkat


kabanalan
katagalugan
katapangan
karagatan

7. mag- + S.U. Magkamag-anak o may relasyon


mag-ama
magpinsan

Sa Ingles
1. ikinakabit sa pandiwa
-age = breaker
-er = boiler
-ment = payment
-ance = conveyance
-ee = payee

2. ikinakabit sa pang-uri
-ce = abundance
-ity = facility
-ster = youngster
-cy = consistency
-ness = happiness
3. isinasama sa ibang pangngalan
-cy = democracy
-ism = monarchism
-ster = gangster
-ist = violinist
-ian = librarian
-ship = friendship

4. isinasama sa ilang di-malayang-morpema


-er = carpenter, tailor, porter
-ism = monism, communism
-ity = felicity, debility
Ist = monist, communist
Ang pagpaparami ng pangngalan sa Filipino ay higit na maluluwag kaysa
sa Ingles. Sa Ingles, obligadong umayon sa maramihan ang pangngalang nasa
paksa at panaguri.

Mga abogado ang lalaki.


Abogado ang mga lalaki.
Mga abogado ang mga lalaki.
The men are lawyers

Ang pariralang panuring ay maaaring nasa unahan o hulihan ng


pangngalang tinuturingan. Sa Ingles, palaging sumusunod sa pangngalan ang
pariralang panuring.
Mga librong para sa bata books for the child/children
Librong para sa mga bata a book/books for the child
Mga libro para sa bata books for the child
Para sa mga batang mga libro books for the child

Panghalip Panao. Ang panghalip panao sa Filipino ay may tatlong anyo.


Ang anyong –ang ay matatagpuan sa panagurri o paksa ng pangungusap.
Siya ang guro namin.
Dumating kayo nang maaga.

1. Ang anyong –ng ay ginagamit bilang komplemento ng pandiwa o


panuring na paari.
Kinuha niya ang aklat.
Kinuha ko ang aklat niya.

2. Ang anyong –sa ay ginagamit bilang komplemento ng ppandiwa,


panaguring paari o panuring.
Kumuha siya sa akin ng aklat.
Akin ang aklat na ito.
Maganda ang kanyang damit.

3. Anyong –ang Salin


Ako/kami I, we
Kata/tayo we, (you and I)
Ikaw/ka/kayo you
Siya/sila he,she/they

4. Anyo –ng
Ka/naming we, us
Nila/natin us
Mo//ninyo you
Niya/nila her,him/them

5. Anyong –sa
Akin/amin my, mine/our
Kanila/atin our/ours
Iyo/inyo your, yours
Kanya/kanila their/theirs
Ang mga Panghalip na ako/ko/akin ay ang tanging panghalip na may
perpektong katumbas sa Ingles, I/me/my/me. Kalimitan, ang isang kategoryang
panghalip sa Filipino ay may mahigit sa isang katumbas. Pansinin ang
sumusunod:

Siya/niya/kaniya He/him/his
She/her/hers

Samantala, may isang kategorya naman sa Ingles na may mahigit sa


isang katumbas sa Filipino.

We/us/our/ours – kami/naming/amin
-tayo/natin/atin
Pansinin ang ilan pang pangungusap na ginagamitan ng panghalip na panao.

Wala rito - ang lalaki


-ang babae Nasa bukid siya.
-ang sanggol

The man He’s


The woman isn’t here. She’s at the farm.
The baby He’s/She’s

Nakita naming kayo. We saw you

namin

Nakita siya We saw him.

natin

Panghalip na Pamatlig. Ang panghalip na pamatlig ay may tatlo


kategorya anyo.
Anyong –ang Anyong –ng Anyong –sa
Ire nire dine this
Ito nito ditto this
Iyan niyan diyan that
iyon niyon doon that

Uminom niyon/noon ang bata. The child drank some of the water.

Mahirap na kalagayan -ire, ito. This/That is a difficult situation.


-iyan

-iyon.

Mabuting ideya –ire,ito.


-iyan/iyon. That/This is a good idea

Ang mga panghalip sa tsart ay ang mga karaniwang anyo ng panghalip


pamatlig. Dagdag sa mga anyong ito ay ang sumusunod na mga anyong
pampanitikan: yari/niyari at yaan.
Ang mga ito ay ang mga baryant na ire, nire, at iyan.
Ang panghalip pamatlig ay pinararami sa paggamit ng panandang mga sa
lahat ng anyo nito at hindi nagkakaroon ng pagbabago sa anyo ng salita.
Silya ito. Silya ang mga ito.
This is a chair. These are chairs.
Gumawa niyan si Pedro. Gumawa ng mga iyan si Pedro.
Pedro made some of that. Pedro made (some) of those.
Para doon ang mga kasangkapan. Para sa mga iyon ang mga
kasangkapan
The furniture is for that (place). The furniture is for those
(places)

Sa Ingles, may maramihang anyo ang panghalip pamatlig.


Isahan Maramihan
Ito this these
Iyan that those
Iyo that that

Pang-uri. May dalawang pangkat ang pang-uri sa Filipino, maaaring ito ay


isang salita o pariralang pang-uri, na may parehong tungkuling ginagampanan sa
pangungusap, tulad ng sumusunod:
a. panaguri ng batayang pangungusap

Mahal

ang bahay

Nasa Probinsya

is expensive

The house

in the province.

b. Panaguring sa pangngalang paksa o simuno

-bahay na mahal

-mahal na bahay

Binili niya ang

-bahay na nasa probinsya

-nasa probinsyang bahay.

He bought the -expensive house

-house in the province


Pagpaparami ng pang-uri. Maliban sa pang-uring pamilyar. Karamihan
sa mga pang-uri sa Filipino ay maaaring paramihin ang paggamit ng panandang
mga. Hindi tulad sa Ingles na oblogado ang pagpaprami. Sa Filipino ang
paggamit ng mga ay maaaring opsiyonal, maging ito’y nasa paksa o panaguri ng
pangungusap.
Mga tamad sila. They’re lazy.

Tamad

Sila ang mga tamad They’re the lazy one.

Tamad.

Ang mga maaaring nasa unahan ng pang-urio pagkatapos ng pang-uri.

Mga bagong libro new books


Bagong mga libro

Sa Filipino, di-tulad sa Ingles, iba-ibang alternatibo ang maaaring gamitin


sa kayariang panuring ng pang-uring ma- na may pang-angkop na /-ng.

Mga masisipag na bata


Mga masipag na bata
Masisipag na bata ang mga kapatid ko.
Masisipag ng mga bata
Masipag na mga bata
My brothers are industrious children.

Sa Ingles ang pagpaparami ay nasa pangngalang tinuturingan.

Intensipikasyon ng Pang-uri. Ang intensipikasyonn o kasidhian ng pang-


uri ay karaniwang ipinakikita sa pag-uulit ng pang-uri na may pang-angkop na
na/-ng/. Sa Ingles, tinutumbasan ang intesipiksyon ng very.
Pagod na pagod ako. I am very tired
Sino ang matabang-mataba? Who’s the very fat one?
May mga batang palabasang-palabasa sa klase. There are some children
who are very fond of reading in
the class

Sa ilang pang-uring ma- ay maari ring magkaroon ng kasidhian sa


paggamit ng panlaping napaka-.

Maganda = beautiful ------ napakaganda = very beautiful

Ang napaka- kung nasa unahan ng pangungusap at tumatayong panaguri


ng pangungusap ay nangangailangan ng sapilitang pagpapalit ng ang sa ng.

Napakaganda ng baro. The dress is very beautiful.


at hindi: Napakaganda ang baro.

Subalit nananatili ang ang sa ng kung ang pang-uring may napaka- ay


nasa panaguring may kompletong pawatas.

Napakatamad (na) magluto ng babae.


The woman is very lazy in cooking.

Bukod sa napaka- maaari ring magkaroon ng intensipikasyon ng pang-uri sa


paggamit ng kay at pagka.

Nakita mo ba iyong asong –kaylaki laki?

-pagkalaki-laki

Did you see that very big dog?

Ang ubod ng, hari ng, ulo ng ay ginagamit din sa intensipikasyon.


Ubod ng bait very kind
Hari ng yabang very conceited
Ulo ng yaman very rich

Ang pag-uulit ng buong pang-uri o ng dalawang pantig ng pang-urri ay


nagpapahayag ng intensipikasyon.

bali-baligtad all topsy-turvy


basag-basag broken to smithereens
butas-butas full of holes
hiwa-hiwalay thoroughly scattered
sira-sira thoroughly ruined
Ang paggamit sa unahan o hulihan ng pang-uring lubha, masyado, totoo
at tunay ay nagpapakita rin ng kasidhian sa Filipino. Tinutumbasan ito ng Ingles
ng terribly, too, very, really.

Lubhang kawawa ang mga nasunugan.

Kawawang lubha
The fire victims are terribly pitiful.

Masyadong mahal ang kuwintas.


Mahal na masyaado
The necklace is too expensive.

Totoong pagod ang kabayo.


Pagod na totoo
The horse is very tired.

Tunay na masarap itong adobo.


Masarap na tunay
This adobo is really delicious.
Moderasyon ng pang-uri. Ang moderasyon ng pang-uri sa Filipino ay
naipapakita sa paggamit ng medyo o nang kaunti na katumbas sa Ingles ng
rather at somewhat.
Medyo gutom ang lahat.
Gutom ng kaunti
Everyone is rather hungry.

Medyo magugulo ang mga bata.


Magugulo ng kaunti
The children are somewhat troublesome.

Sino iyong babaeng -medyo payat?


-payat ng kaaunti?
Who is that rather thin woman?

Narito ang iba pang paraan ng pagbubu sa oderasyon ng pang-uri.

Masarap = tasty ---- masarap-sarap = rather tasty

Mabisa = effective -----mabisa-bisa = rather effective

Masalita = talkative ---- masali-salita = rather talkative

Bago-bago = rather new

Buha-buhaghag = rather porous

Sanay-sanay = rather experienced

Maganda-ganda
Madyo maganda-ganda si Maria.
Maganda-ganda nang kaunti
Maria is rather pretty.
Medyo pagod-pagod ang nanay.
Pagud-pagod nang kanunti
Mother isa little tired.

Kapantayan at Di-Kapantayan. Ang paghahambing ng kapantayan sa


Filipino na tinutumbasan sa Inges ng as…. as ay may iba’t ibang paraan:

(Ka)sinluma ng bahay natin ang kanila.


Their house is as old as ours.

May kakilala ka bang (ka)simbait niya?


Do you know anyone as kind as he?

(Magka)sinataalino sina Juan at Pedro.


Juan and Pedro are equally intelligent.

(Magka)sing-init bas a Baguio at Maynila


Is it equally hot in Baguio and Manila.

Sa Ingles, ang paghahambing ng di-kapantayan ay ginagamitan ng as…


as at salitang not pati na sa ibang pagkakataon, ng less, more at hulaping –er
na sinusundan ng than

Hindi kasintalino ni Mary si John


Mary is not as smart as John

IKALAWANG PAGSASANAY

Panuto: gawaing indibiduwal. Sa isang buong papel gumawa ng sanaysay


tungkol sa Pagsasaling Wika kung ito ba ay nakakaapekto o nakakatulong sa
pagunlad ng ating wika sa ating bansa.
IKALAWANG PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot


1. Kasama rito ang lahat ng wikang katatagpuan sa Timog-Silangan
a. Afro – Asiatic
b. Asyo Indo-Europeo
c. Wikang Austronesyo
d. Wikang Afro-American
2. Binubuo ng 439 na wika; katatagpuan sa Kanluran at Gitnang Asya at
Europa
a. Afro – Asiatic
b. Asyo Indo-Europeo
c. Wikang Austronesyo
d. Wikang Afro-American
3. Ito ang pinanggalian ng wikang Hebreo at Arabe.
a. Afro – Asiatic
b. Asyo Indo-Europeo
c. Wikang Austronesyo
d. Wikang Afro-American
4. Sa pamamagitan ng metodikong ito ay ipinakikita ang naging pag-unlad
ng wika sa pamamagitan nang pagkukumpra ng dalwang wika na
nagmula sa iisang ninuno.
a. Paggamit
b. Semantika
c. Konotasyon
d. Comparative Method
5. Ito ay tumutukoy sa ppag aaral nang pinagmulan ng isang salita. Ito rin ay
pag-aaral, kung paano ang isang salita masusuri at mabibigyan ng
pagpapakahulugan.
a. Paggamit
b. Semantika
c. Konotasyon
d. Comparative Method
6. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan
ng mga termino.Tumukoy rin ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga
salita.
a. Semantika
b. Konotasyon
c. Paggamit
d. Denotasyon
7. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na isinasaalang-alang sa
pagbibigay ng kahulagan sa isang salita sa konotasyon at denotasyon,
maliban sa,
a. pagiging nasyonal o pambansa
b. kadalisayan
c. pana-panahong gamit bilang “batis” ng kawastuan
d. mga posibleng interpretasyon
8. Ito ang nagpapakita ng mahalagang kaugnayan sa kung paano ang
anumang bagay na maaaring nauugnay sa isang salita o parirala,
halimbawa, isang ipinahiwatig halaga paghuhusga o damdamin.
a. Kahulugan
b. Interpretasyon
c. Katumbas
d. Kahalagahan
9. Ipinapakita ng teoryang ito na ang isang mahusay na diskurso ay palaging
nakabatay sa kinalalagyang sitwasyon na mga taong sangkot sa usapan.
a. Teoryang Semantik
b. Teoryang Pragmatik
c. Teoryang Sintaktiks
d. Teorya ng Morpolohiya
10. Kailangang gawing impormatibo at naaayon sa hinihingi ng pagkakataon
ang kontribyusyon ng nagsasalita sa usapan
a. Maxim of relevance
b. Maxim of manner
c. Maxim of quantity
d. Maxim of quality
11. Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking
kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.
a. Ponema
b. Morpolohiya
c. Pantig
d. Katinig
12. Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema
dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi).
a. Pagbabagong Morpema
b. Pagbabagong Semantik
c. Pagbabagong Morpoponemiko
d. Pagbabagong Leksikal
13. Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong
pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
a. Asimilasyon
b. Pagpapalit ng Ponema
c. Metatesis
d. Pagkakaltas ng Ponema
14. Uri nang pag uulit ng salita na ginagamit kapag ang bahagi lamang ng
salitang-ugat ang inuulit.
a. Pag uulit na Ganap
b. Pag uulit na parsyal at Di ganap
c. Magkahalong Parsyal at Ganap
d. Tambalan
15. Uri ng pag- uulit kung saan dalawang salita ang pinagsasama para
makabuo ng isang salita
a. Pag uulit na Ganap
b. Pag uulit na parsyal at Di ganap
c. Magkahalong Parsyal at Ganap
d. Tambalan
Mga Sagot sa Paunang Pagsusulit

1. A
2. D
3. B
4. A
5. C
6. D
7. B
8. C
9. D
10. A
11. B
12. D
13. C
14. B
15. A
Mga Sagot sa Ikalawang Pagsusulit

1. C
2. B
3. A
4. D
5. B
6. D
7. D
8. A
9. B
10. C
11. B
12. C
13. A
14. B
15. D

You might also like