You are on page 1of 7

TITLE PAGE *INSERT HERE*

Overview/ Panimula
“ quotation na ang panitikan ay salamin ng lahi.”

Ang panitikan ay isang salamin na  nagsisilbing mukha ng  nakaraan,


kasulukuyan at maging ng kinabukasan. Ito ay ang isang kayamanan na hindi
mapapasubalian ang halaga sa bawat henerasyong magdaraan.  Sa pag-inog ng
panahon, dito nabubuksan  ang ating kamalayan at kaisipan sa natatanging
kontribusyon ng Panitikan ng ating bansa sa lipunan ng mga alamat, maikling kwento,
sanaysay, tula, dula, pabula at iba pa.

Ang Panitikan ng Pilipinas ay mayroong makulay na kasaysayan sa ilalim ng


mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapon. Kung gagalugarin natin ang naging
impluwensiya ng mga dayuhan sa ating sariling panitikan, masasabing hinulma nito ang
malaking bahagi ng ating paniniwala, kultura at tradisyon bilang isang Pilipino. Ngunit
sa kabila ng kanilang mga impluwensiya, hindi mapapasubalian ang kakanyahan ng
ating sariling panitikan taglay ang ating pagka-Pilipino, tulad ng mga pagpapahalaga sa
saloobin at pag-uugali ng isang katutubong Pilipino, sa isip, salita at sa gawa.

Ang pantulong sa pang-aral na ito ay ang maglalantad sa iyo ng mayaman na


Panitikan ng ating bansa at makakapagbigay sa ng pagkakakilanlan bilang isang
Filipino. Ito rin ang maghahatid sa iyo ng mga kaalaman sa mga kawing-kawing na
paniniwala at kultura at magpapaunawa ng mga kakanyahan ng isang lahing Pilipino.

Halina at maglakbay sa panitikan ng bansang Pilipinas sa iba’t-ibang panahon at


tuklasin ang mga gintong kasaysayan na kaakibat ng pagbabalik-tanaw. 

Tara na . Aral na.

Ano ang Panitikan?

Ayon sa mga tanyag na manunulat ang Panitikan ay:

“ Kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sapagkat dito nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan nanasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.”

– Maria Ramos
“ Ang panitikan bilang isang lakas nanagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong
kasangkapang makapangyarihan namaaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas
upang makawala. Para sa kanya, isa rinitong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan.”

– Zeus Salazar, 1995

“Isang talaan ng buhay ang panitikankung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na
kaugnay ng napupuna niyang kulayng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ginagawa ito ng isang tao sapamamagitan ng malikhain pamamaraan.”

 Jose Arrogante, 1983

Samakatuwid, ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,


mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na
sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at
mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay sa iba’t ibang uri ng damdamin tulad
ng pag-ibig, kaligayahan, poot, pagkadismaya, takot at iba pang samu’t-saring emosyon.

GRAPHIC ORGANIZER/one page for this

URI NG PANITIKAN
 Piksyon (Kathang Isip) - Tumutukoy sa mga kwentong naglalahad ng kathang-isip
o imahinasyon ng may-akda. Ang mga kaganapan dito ay hindi nangyayari sa
totoong buhay. Halimbawa: Epiko at Mitolohiya

 Di-Piksyon (Hindi Kathang-Isip) -  Tumutukoy sa mga tekstong hango sa totoong


pangyayari sa buhay. Ito ay may mga ebidensya at datos na sumusuporta sa bawat
pahayag. Halimabawa: Balita at Talambuhay

Pasalinsulat - Mga panitikan na isinulat, iginuhit o inukit gamit ang mga alpabetong
natutunan ng mga katutubo noon na maaaring nakatitik sa kuweba, balakbak ng kahoy,
dahon, at sa papel.
Pasalindila - Mga akdang naibabahagi, naisasalin o naililipat sa pasalitang pamamaraan.
Pasalintroniko - Isang bagong kaparaanan ng paghahalin at pagbabahagi ng mga
panitikan na isinasagawa sa elektroniko o tulong ng teknolohiya.

URI NG PANITIKAN
 Piksyon (Kathang Isip) - Tumutukoy sa mga kwentong naglalahad ng kathang-isip
o imahinasyon ng may-akda. Ang mga kaganapan dito ay hindi nangyayari sa
totoong buhay. 
(2 samples w/ short description)
1.  Epiko - teksto at kwentong nagpapakita ng kabayanihan at madalas ay hindi
kapani-paniwalang tunggalian ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway
2. Mitolohiya - uri ng literatura na tumatalakay sa buhay at kwento ng mga
diyos, diyosa, at mga makapangyarihang nilalang na nakaangkla sa kultura,
relihiyon, at paniniwala ng isang lugar

 Di-Piksyon (Hindi Kathang-Isip) -  Tumutukoy sa mga tekstong hango sa totoong


pangyayari sa buhay. Ito ay may mga ebidensya at datos na sumusuporta sa bawat
pahayag.
1. Balita - nagpapahayag ng mga tunay at kasalukuyang pangyayari sa loob at
labas ng bansa
2. Talambuhay - naglalarawan sa isang tao at kaganapan sa kanyang buhay
batay sa tunay na impormasyon

Mga Anyo ng Panitikan

I. Prosa o Tuluyan
- Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat
sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Mga halimbawa ng Uri Ng Tuluyan/Prosa

1. Maikling Kuwento (Short Story) 

 Ito ay isang maikling salaysay na may tagpuan, banghay, tauhan, hidwaan,


kasukdulanat kalutasan ng suliranin. Ito ay maikling kathang pampanitikang
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay namay ilang tauhan na may isang
pangyayari . Hindi dapat paligoy- ligoy. 

URI NG MAIKLING KUWENTO: 

A. Kuwento ng Katutubong Kulay: Ang binibigyang diin dito ay ang: 

a) Kapaligiran 

b) Pananamit ng mga tao 

c) Uri ng pamumuhay 

d) Hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugal. 

Hal. Suyuan sa Tubigan - Macario Pineda 

Nagbibihis na ang Nayon - Brigido Batung bakal 

B. Kuwento ng Kababalaghan: Mga di-kapanipaniwalang pangyayari bukod pa sa


katatakutan. 
Hal. Paniningil ng Alila - Salvador Roxas

 C. Kuwento ng Pakikipagsapalaran: Nasa balangkas ang pangyayari at wala sa tauhan


ang interes at kawilihan sa kwentong ito. 

Hal. Mabangis ang Lunsod - Efren R. Abueg 

D. Kuwento ng Katatakutan: Ang diin ay nasa kasindak-sindak na-mga pangyayari na


nakapagpatinag ng damdamin at kilos ng mga mambabasa. 

Hal. Gabi ng Lagim 

E. Kuwento ng Tauhan: Ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan 

Hal. Walong Taong Gulang - Genoveva Edroza Matute 9

2.  BALITA (News): Isang uri ng paglalahad ng mga pang-araw-araw na kalagayan at


pangyayari sa lipunan, sambayanan, pamahalaan, paaralan at mga bansa sa ibayong dagat at
sa buong sanlibutan. Ang mga pangyayari ay kagaganap lamang, makatotohanan, kawili-wili at
kapanapanabik sa mga mambabasa.

3. SANAYSAY( Essay ) 

Naglalahad ng koro-koro at pansariling kaisipan ng isang manunulat. 

Uri : a) Pormal na Sanaysay: Ang paksa ay hindi karaniwan at kailangan ng matiyagang pag-
aaral at pananaliksik ng sumusulat. 

Hal. Ano ang Katarungang Panlipunan 

b) Impormal na Sanaysay: Ang paksa ay karaniwan lamang, hindi nangangailangan


nanglubusang pag-aaral upang makasulat. Kadalasa’y ang paksa ay mula sa karanasan ng
sumulat o di-kaya ang kanyang obserbasyon o pananaw. 

Hal. Ang Aking Unang Pag-ibig

4. ALAMAT( Legend / Folklore ) 

Ipinahahayag ng alamat ang mga daigdig o ang kasaysayan ng mga tao. Tagpuan ng
mgaAlamat ang daigdig na ginagalawan natin ngayon. Nauugnay at nagaganap ito sa isang
tiyak na lugarat nakapag-ugnay sa nakaraan at ngayon. Ito ay salitang kumakatawan sa
matandang akda o mga tradisyunal na seremonya ng lipunan nanagsasalin-salin sa mga lahi sa
pamamagitan ng bibig at mga halimbawa kaysa pasulat na pamaraan. Ito ay likhang-isip
lamang at hindi totoo sa tunay na buhay. 

Paksa ng Alamat: 

1. Pinagmulan ng isang bagay. 


2. Pinagmulan ng isang kalagayan 

3. Pinagmulan ng pook 

4. Pinagmulan ng katawagan 

Hal. Ang Alamat ng Lanzones Ang Alamat ng Bundok Makiling 

5. Nobela- isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t-ibang kabanata.

INCLUSION: PAANO NASASALAMIN NG EL FILI AT NOLI ang history ng panahon ng


kastila, paano ito gumising ng sense of nationalism.

(hindi pa done)
II. Patula 
- ito ay ang mga akdang nasusulat ng pasaknong gamit ang mga salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.

 Tulang pasalaysay 
      naglalarawan sa mga pinapaksang tagpo o pangyayaring mahahalaga sa
buhay, ang kagitingan, at kabayanihan ng tauhan. 
1. Epiko – nagsasalaysay ng kabayanihan at katapangan ng isang
tauhan laban sa mga panganib. 
2. Awit at Korido - karaniwang tumatalakay sa pag iibigan at
kabayanihan ng tauhan.

 Tulang padamdam/liriko 
      ➝  Ito ay karaniwang tinutukoy ngayon bilang mga salita sa isang kanta na
kung saan itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin.

Ito'y nagtataglay ng mga karanasan, guni-guni, kaisipan, at mga pangarap


  ➝
na maaaring nadama ng may-akda o ng ibang tao.
o Awiting bayan - Ito ay nasa anyo ng patula ngunit may kasamang
tugtog na inaayon sa karanasan, damdamin, at kaugalian ng
sinumang gumawa nito.
o Soneto - Ito ay binubuo ng labing-apat na taludturan na naghahatid ng
aral sa mga mambabasa kung kaya’t kinakailangang ito ay may
malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan.
o Elehiya - Ito ay tula para sa mga yumaong kamag anak o mahal sa
buhay. Naiiba ito sa Eulohiya.
o Dalit - Ito ay isang uri ng tula na nagpapakita ng luwalhati,
kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwan itong para sa mga diyos o
pinaniniwalaang panginoon upang magpakita ng pagsamba. 
o Pastoral - Ito ay tulang nagpapaksa at naglalarawan ng simpleng
paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. 
o Oda - Ito ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay papuri o
dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento. 

 Tulang padula/dramatiko 
o Ito ay ginagamit sa mga pagtatanghal at binibigkas sa paraang patula.
Karaniwan itong nagsasaad at naglalarawan ng mga pangyayaring
nagaganap sa buhay ng tao. 

 Tulang patnigan 
o Isang uri ng tula na ginagamit sa paligsahan at tagisan ng talino kung
saan ang mga makata ay patulang nagpapalitan ng kani-kaniyang
mga katwiran.

III. 
Dula / Patanghal

  Ayon sa Panitikang Filipino ni Arrogante (1961), ang Patanghal na anyo ay ipinalalabas


sa tanghalan o isinasadula. Ang dula ay isang uri ng panitikan . Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa entablado o
tanghalan. Ang tagpo sa dula ay paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. 

Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay


tinatawag na mga mandudula, dramatist o dramaturgo. 3 sangkap ng dula :  

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin.  

Gitna - matatagpuan ang na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.  

Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan. 

Mga Uri ng Dula: 


1. Trahedya-nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. 

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil sa nagtatapos na


masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo. 

3. Melodrama - kasiya-siya rin ang wakas bagama’t may malulungkot na pangyayari. 

4. Parsa - ang layunin ay magpatawa at sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-


tawa. 

5. Saynete - mga karaniwang ugali ang pinapaksa dito.

INCLUSION:

Yung about sa film ni marcos, na about sa kingmaker, how it can be a guidance to every
filipinos na huwag ulit maulit ang malagim na kasaysayan ng martial law.

You might also like