You are on page 1of 42

Grace Mission College

Masining na
Pagpapahayag
3E
Gramatika vs. Masining
na Pagpapahayag
(YUNIT III)
Panimula
Sukatan ng masining na pahayag ang pamimili ng
angkop na pananalita at tamang balarila sa loob ng
bawat pangungusap. Ang pagkakaugnayan ng tamang
balarila at piling mga salita ay magdudulot ng hindi
karaniwang anyo ng mensaheng nais ipaabot sa
sinumang mambabasa.
Wastong gamit ng Salita
Ng at Nang = dalawang kataga na maaaring makasira
sa global na diwa ng pangungusap.
Ng = ginagamit kung ang susunod na salita sa loob
ng pangungusap ay pangngalan. Hal. ng bahay.
Nagsisilbi rin itong pang-angkop sa pagitan ng 2
salita kung ang susundan nitong salita ay nagtatapos sa
patinig at ang sumusunod na salita ay pangngalan. Hal.
batang babae
Nang = Ito ay katagang maaaring gamitin bilang
panimula ng pangungusap. Ginagamit din bilang o di
kayaý tagapag-ugnay ng mga pangungusap. Sa ibang
pangungusap ipinapakita ang gamit ng nang kung
nasasagot nito ang tanong na paano ginawa ang isang
bagay.
1. Ginamit ang nang bilang panimula ng pangungusap
Hal. Nang dumating ang Tsunami, walang
nagawa ang mga tao.
2. Sinasagot ang tanong kung paano ginagawa ang isang
bagay.
Hal. Siya ay nagsalita ng paangil.
3. Gamit sa hugnayang pangungusap
Hal. Siyaý naging matagumpay mula nang puspusan
na ang kanyang pag-aaral.
May at Mayroon
May – Ginagamit ang katagang ito sa loob ng
pangungusap kung ang salitang sumunod dito ay
bahagi ng pananalita, sa at mga, maliban sa
panghalip panao.
Hal. Ang Pilipinas sa ngayon ay may problemang
pangngalan
pampamahalaan.
Mayroon – Sinusundan din ng bahagi ng pananalita.
Ang kaibahan lamang sa gamit ng may, bago isunod
ang bahagi ng pananalita may nakasingit na kataga
sa pagitan ng mayroon at ng susunod na bahagi ng
pananalita. Dito rin maaaring gamitin ang panghalip
na panao ngunit di mo na maaaring gamitin ang
mga katagang sa at mga.
Halimbawa:
1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa buhay?
2. Mayroon ding lumalakad sa bubungan
naming tuwing gabi
3. Mayroon siyang kinaibigang di nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa barangay
namin.
Kong at Kung
Mga katagang sa pagiging halos magkasintunog ay
maipagkakamaling maaring pareho lamang ang
tungkuling ginagampanan sa loob ng pangungusap
bagamat may sadyang kani-kanilang tungkulin.
Kong – Ito ay ginagamit kung nagsasaad ng pag-
aari.
- Hindi ito maaaring gamitin bilang
panimula ng pangungusap
- Isinasaad ding ang kilos ay ginawa mismo
ng katawan.
Hal. Matgal kong pinagmasdan ang kanyang
mukhang maamo.
Kung – Maaaring gamitin sa panimula ng
pangungusap. Ito ay nagsasaad ng pag- aalinlangan o
pasubali. Ang katagang ito ay kilos na hindi
ikinilos ng katawan ngunit sa Ingles ang katumbas ay
if.
Hal. Kung wala kang magandang sasabihin sa kapwa
huwag ka na lamang magsalita.
Raw at Daw
Itoý dalawang katagang mabibilang sa ponemang
malayang nagpapalitan dahil bagamat may magkaibang
titik sa parehong posisyon taglay naman nila ang
parehong kahulugan. Parehong tumutukoy sa diwang
walang kasiguraduhan.
Raw – Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Nagpapahiwatig ito ng kahulugang walang
katiyakan.
patinig
Hal. Ang tao raw na matalino ay malayo ang
mararating.
Daw – Ginagamit tulad ng raw kung ang diwa ng
pangungusap ay nagsasaad ng walang katiyakan. Sa
loob ng pangungusap ginagamit ito kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban
sa w at y.

Hal. Ayon sa dalubwika, umuunlad man ang


katinig
globalisasyon, may katiyakan daw na ang
Pilipinas ay di maiiwan.
Iwan at Ewan
Halimbawa ang mga ito ng pares minimal dahil
bagamat halos magkasintunog at may magkaibang
titik sa parehong posisyon, sila rin ay may
magkaibang kahulugan.
Iwan – Nangangahulugan ito ng paglisan o pag-alis ng
isang tao sa isang lugar malayo man o malapit.

Halimbawa:
- Iwan mo siya kung kinakailangan.
- Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
Ewan – Maaaring mangahulugan ng isang ekspresyon
na may pahiwatig ng pagkainis.

Halimbawa:
- Ay! Ewan
- Ewan ko saýo, makulit ka.
Sila at Sina
Ang mga ito’y panghalip at pantukoy na kapwa
tumutukoy sa tao at kapwa maaring unang salita ng
pangungusap o di kayaý nasa gitna ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Sa kabila nito kadalasang
namamali ang gamit ng mga kabataan.
Sila – Bahagi ng pananalitang panghalip na
kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao. Maaaring
makita sa unahan o sa gitna ng mga salita sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Sila ang bago kong mga kaibigan.
Sa makalawa pupunta na sila sa Estados
Unidos.
Sina – Tumutukoy sa maraming tao. Kapag
ginagamit ang pantukoy na sina palagi nang itoý
sinusundan ng mga pangalan ng tao. Makikita ang
sina sa unahan p sa gitna ng pangungusap.
Halimbawa:
Sina John at Luis ang matalik kong mga
kaibaigan
Nila at Nina

Nila – Salitang panghalip na kumakatawan sa marami


o grupo ng mga tao. Kung ginagamit sa loob ng
pangungusap hindi na sinusundan ng pangalan ng tao.
Halimbawa: Siya man ay naging kaibigan nila
nang magbakasyon sila sa Mindoro.
Nina – Salitang pantukoy na maramihan na kung
isinusulat ay dinudugtungan ng pangalan ng tao

Halimbawa: Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa


mga matanawing lugar sa Bohol.
Isa’t isa
Tumutukoy sa pariralang isa at isa pa. Hindi ito
inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling sa pagitan
dahil may katagang at sa pagitan ng inulit na salitang
isa.
Halimbawa:
Isa’t isang nagdatingan sa bahay ang mga
panauhin
Iba’t Iba
Tumutukoy ito sa pariralang iba at iba. Tulad ng
isa’t isa di ito ginigitlingan dahil sa pagitan ng
inulit na salitang iba ay may katagang at.
Halimbawa:
Iba’t iba ang binili ko sa palengke.
Ibang-Iba
Nilalagyan ito ng gitling dahil inulit ang salitang
iba. Batay sa tuntunin kung may kahulugan ang
kaputol na salita dapat na itoý gitlingan sa pagitan
ng dalawang magkaparhong salita kung
paghihiwalayin.
Halimbawa:
Ibang-iba siya sa dati sa kanyang ikinikilos.
Sari-sari
Ginigitlingan ang salitang ito kung ginamit sa loob
ng pangungusap bilang pang-uri. Ika ngaý kung
ilalarawan nito ang isang bagay.
Halimbawa:
Ang itinayo ni nanay nang mag-retire ay isang
sari-sari store.
Sarisari
Ang salitang ito ay hindi ginigitlingan kung ang
tinutukoy mismo ay pangngalan o mga bagay-
bagay na iba-ubang klase.
Halimbawa:
Sa palengke ako bumili ng sarisari para sa
ihahanda namin sa pyesta.
Paruparo
Isang salitang pangngalan na di rin nilalagyan ng
gitling kapag isinusulat dahil walang kahulugan
ang kaputol nito. Katulad ito ng salitang
GAMUGAMO, hindi pwedeng paghiwalayin
dahil wala namang salitang GAMO.
Halimbawa:
Sa palengke ako bumili ng sarisari para sa
ihahanda namin sa pyesta.
Yunit 4: Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang bawat
bloke ng estruktura sa ibaba.
BUHAY ESTUDYANTE
Mga Kalungkutan Mga Kasiyahan

Kapalaran ng isang tao


Yunit 4: Gawain 2
Panuto: Sumulat ng 1 komposisyon na binubuo ng 3
talata. Pumili lamang ng isang sitwasyon. Lagyan ng
sariling pamagat.

1. Isasng binate o dalaga na nag-iibigan ngunit


kapwa nabigo sa isa’t isa.
2. Bansang dumaranas ng isang pandemya
3. Magulang na nagsasakripisyo para sa anak.
Yunit 4: Gawain 3
Panuto: Sumulat ng isang paglalahad na pumapaksa
sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya o
kalagayan ng edukasyon sa panahon ngayon, na
gumagamit ng pagpapaliwanag ayon sa lohika.
Gamitin ang alinman sa mga paraang sanhi at bunga,
pagtutulad at paghahambing, o paghahalimbawa.
Gumamit ng mga istrukturang paggagamitan ng mga
pangatnig, tulad ng:
“dahil dito, kung kaya, habang ang, lalo lamang atbp.
Yunit 5: Gawain 1
Panuto: Ilarawan ang iyong sarili sa kasalukuyan na
nakatuon sa: Pagsamahin ang 2 uri ng paglalarawan.

a. Hilig sa buhay
b. Pinaniniwalaan
c. Pananaw sa buhay
d. Mga plano sa pagdating ng araw.
Yunit 5: Gawain 2
Panuto: Sa sariling pananalita ilarawan ang mundo sa
kasalukuyan gamit ang estilong paglalarawan.
Yunit 5: Gawain 3
Panuto: Gumawa ng maikling salaysay ang mga
sumusunod na sitwasyon.

a. Ang mga naalala mo noong high school kayo


b. Unang kabiguang natamo sa buhay.
Yunit 5: Gawain 4
Panuto: Gawan ng matrix ang pagsasalaysay.
Yunit 5: Gawain 5
Panuto: Pangatwiranan ang sumusunod na paksa.
Sang-ayon o di- sang-ayon ka ba?

1. Dapat ba o di dapat limitahan ang kapangyarihan


ng pangulo ng bansa?
2. Ang pag-aasawaý dapat sa edad na 30 babae man
o lalaki ang sangkot
Gawain II
Panuto: Sumulat ng isang komposisyon na may
dalawang talata at gamitin ang mga natutunan sa
tinalakay na Wastong Gamit. Salungguhitan ang mga
ito.
Pinal na Pagtataya
Panuto: Sumulat ng isang talumpati tungkol sa
nalalapit na halalan sa ating bansamat bigkasin ito.
Ikomento lamang ang inyong video sa ibaba. Gawing
gabay ang rubriks sa pagtataya.
Rubriks sa Pagtatalumpati
Pyesa: 25%
Pagbibigay diin: 20%
Kilos, galaw at kumpas: 15%
Kaangkupan ng diwa at damdamin: 20%
Tatas at wastong pagbubukod ng mga salita: 20%
Tamang baybay ng mga salita kung gagamitin sa
panulat
SINO-SINO hindi na SINU-SINO
PITO-PITO PITU-PITO
BUTO-BUTO BUTU-BUTO
BATO-BATO

You might also like