You are on page 1of 2

Ako nga pala/si Froilan /Gaudicos,

Representatibo/ ng/ika labin/dalawang baitang


Aking ibabahagi sa inyo ang obrang aking nilikha,
Na pinamagatang, “wika ko, Palayain mo. wikang banyaga ating limitahan”
------
Akoy nasa inyong harapan,
Upang ibahagi ang kasaysayan,
Ng wikang aking pinagmulan
Wikang humubog sa akin, maging sa sambayanan.
--------
Wikang Filipino,
Oh! Aking iniirog,
Sa aking mga ninuno, ikaw ay bantog,
Baryason ng mga diyalektong binigkas,
Pinuri at ating ipinamalas.
------
Ngunit!
Ngunit Sa paglipas ng panahon, Tila ba’y lahat ay nagbago na,

Saksi!
Saksi ang mga tala at buwan,
Sa unti unting pag usbong ng mga dayuhang sambitla,
Sa bansang ating inalagaan maging sa ating magiging himlayan.
-----
Wikang banyaga na pilit inaalam,
Kahit sa pagbigkas ay nagmumukha kanang tanga
Ay pilit paring inaalam,
Di alintana mga nakatitig na bunganga
Nagmistulang dayuhan sa sariling bayan pa nga.
-------
Paglimot!
Paglimot sa ating wika ng husto,
Na abot sa ating mga ninuno ay insulto,
Tulad ng pandemya'y dulot lang ay lito at gulo
Sa isipan ng bawat pilipino.
-------
Parehong sakit sa ating lipunan,
Lungkot at dalamhati ang hantungan,
Wikang katutubo ay tutuldukan,
Ng iniidulong wika na mas madalas mong pag aralan.
---------
Ikaw! Ikaw! Oo,Ikaw!
Matanong nga kita!
Ano ba ang wika ng kasaysayan?
Ah eh ah aeh, YAN!!! puro kasi kayo laro
push mid2x, sino kayang impostor dito, guys 5vs5 tayo.
Diyan naman tayo magaling diba,ang maglaro.
---------
Pero,
Kabataan, iyong laging tatandaan,
Na ang wikang iyong pinagmulan,
Ay dugo't pawis ang naging puhunan,
Maging buhay ng ating mga bayani ay inilaan.
Makamit lang ang ating kasarinlan.
----------
Kaya wag mong tapakan,
Huwag mong kalimutan,
Huwag mong hayaang palitan
ang wikang ating pinagmulan.
------
Sa halip na ibaon sa limot
gamitin ng wasto ang wikang ating binuo
Upang magkaisa ang bisig at tinig ng Pilipino
Sa kabila ng pandemyang ating
Sa pandemyang ating kinasasangkot.
---------
Magbayanihan! itigil ang dada,
Tulungan ang kapwa sa isip at gawa,
Pati narin ang wika upang di tuluyang mawala,
Upang inang wika ay tuluyan ring makawala.
Sa bigat ng tanikala mula sa wika ng mga banyaga.
----------
Apoy ng bayanihan ating paliyabin
Sariling wika ang siyang gamitin
Pagkakamali’y ating isipin
Sapagkat mali’y sa atin sumasalamin.
--------------
Sa ating kababayan
Lagi nating tandaan
Sa pag bangon ng sambayanan
Dulot rin sa ati’y kaunlaran.
---------
Wika ko iyong palayain,
Wika mo iyong paalisin.

Pagkakaisa ng wika
Sa pilipinong nagkakaisa.

You might also like