You are on page 1of 5

Daily Lesson SCHOOL: THREE

FORTUNA ELEMENTARY SCHOOL Grade:


Plan DISIPLINADO
TEACHER: Learning
SHIELA MAE M. RUIZ FILIPINO
Area:
DATE: Quarter: THIRD
CHECKED BY:

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
A. Pamantayang
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa F3WG-IIIc-d-4
Pagkatuto (Isulat ang Nakapaglalarawan ng mga tao, hayop, bagay at lugar
code ng bawat kasanayan) sa pamayanan
II. NILALAMAN Pang-uri
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga pahina sa Gabay ng
Pang-mag-aaral
3. Mga pahina Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Video
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Tarpapel, Larawan, Powerpoint Presentation
Pangturo
IV. PAMAMARAAN
APPLYING POSITIVE AND NON-VIOLENCE DISCIPLINE
Pagpapaalala sa mga tuntunin sa loob ng Silid-aralan
Pamantayang dapat sundin sa loob ng klase
1. Inaasahan ang pagpapakita ng paggalang sa guro at kamag-aral.
2. Ibigay ang buong atensyon sa pakikinig at kooperasyon.
A. Balik –Aral sa nakaraang 3. Hinihikayat ang pagpapatupad ng kalinisan, katahimikan at kaayusan
aralin at/o pagsisimula ng sa loob at labas ng silid-aralan
bagong aralin 4. Itaas ang kamay kapag may nais itanong o sabihin.

Balikan
Itanong:
Ano ang pandiwa?
Magbigay ng halimbawa ng pandiwa.

B. Paghahabi ng layunin ng ILARAWAN MO!


aralin Ipakita ang larawan ng bubuyog at paru-paro.

Anong insekto ang mga ito?


Ano ang naaalala mo sa tuwing nakakakita ka ng mga ito?
Magbigay ng dalawang (2) salitang naglalarawan sa bawat isa . (Ipasulat
ito sa katawan ng bawat larawan ng insekto sa pisara.)
Ipabasa ang mga salitang naisulat.
Angkop ba ang mga ito sa larawan?

ACROSS THE CURRICULUM (MATHEMATICS)


Paghahawan ng Balakid (Gamit ang Mathematical Code)
Papangkatin ang klase sa 3. Magpapaunahan sa pagkuha ng kahulugan
ang bawat pangkat gamit ang mathematical code.
Ang unang pangkat na makakahula ng tamang sagot ay siyang
makakakuha ng puntos. (Sa pamamagitan ng pagtaas ng illustration
board)

Halimbawa: lasa ng asukal = 13, 1, 20, 1, 13, 9, 19


Para malaman natin ang iba pang kahulugan ng lasa ng asukal, gagamit
tayo ng mathematical code.
A=1 B=2 C=3 D=4 E=5 F=6 G=7 H=8 I=9 J=10 K=11 L=12
M=13 N=14 O=15 P=16 Q=17 R=18 S=19 T=20 U=21 V=22
W=23 X=24 Y=25 Z=26
C. Pag-uugnay ng mga
Kapag pinagsama-sama natin ang katumbas ng bawat numero ay
halimbawa sa bagong
makabubuo tayo ng isang salita.
aralin
Subukan nating sagutin:
13, 1, 20, 1, 13, 9, 19
M +A+T +A+M +I +S = MATAMIS
Ano nga muli ang lasa ng asukal?

Handa na ba kayong simulan ang ating laro?

1. Likidong ginagawa ng mga bubuyog = 16, 21, 12, 15, 20


2. Ito ay ang lugar na binubuo ng mga mamamayang may
responsibilidad na sumunod sa mga batas na itinakda nito. 
= 11, 15, 13, 21, 14, 9, 4, 1, 4
3. Salitang ang kahulugan ay pag-gagala o pag-aaksaya ng oras.
= 12, 1, 11, 23, 1, 20, 19, 1

D. Pagtalakay ng bagong ICT


konsepto at paglalahad ng Ngayon naman ay ating alamin, ang ating susunod na aralin. Mayroon
bagong kasanayan # 1 akong inihandang video o panoorin.

Pagganyak na tanong:
Sa palagay ninyo, tungkol saan kaya ang ating panunuorin?
Bakit binigyan ng gantimpala ng diwata si Kapitan Buboy at ang kanyang
komunidad?

Ipapanood ang video “Si Buboy, Ang Masipag na Bubuyog” at talakayin


ang nilalaman nito.
http://www.youtube.com/watch?v=Rz4-EpN-884#t=11

CREATIVE THINKING SKILL DEVELOPMENT/ HOTS QUESTIONS


Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwentong ating pinanuod?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Bakit binigyan ng gantimpala ng diwata si Kapitan Buboy at ang
kanyang kominidad?
4. Kung ikaw ay si Kapitan Buboy, gagawin mo rin ba ang ganun?
Bakit?
5. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng diwata sa pagbibigay ng
gantimpala kay Buboy at parusa kay Amparo? Bakit?
6. Paano pinatunayan sa kuwento na ang kasipagan at pagpapahalaga
sa oras ginagantimpalaan?

Tingnang muli ang larawan ni bubuyog, Anong katangian mayroon si


Buboy?

Maaari mo bang gamitin sa pangungusap ang katangiang ito ni buboy?

Ang katangiang ito ay isang halimbawa ng pang-uri.

Pang-uri – Mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook o


pangyayari.

Magbigay ng iba pang halimbawa ng pang-uri at gamitin ito sa


pangungusap.

Maganda
Maganda si Maria

Sino ang tinutukoy na maganda?


Si Maria ay isang halimbawa ng pangngalan.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari.

DIFFERENTIATED ACTIVITY

Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 3 minuto para isagawa ang gawain na
inihanda ng guro. Pagkatapos ng tatlong minuto ang pangkat ay pupunta
sa sunod na istasyon. Uulitin ito hanggang mapuntahan nang bawat
pangkat ang lahat ng istasyon.

Istasyon 1: SobreLita- May inihandang mga salitang pang-uri sa loob


ng sobre bubunot ang bawat pangkat ng isang salita.
E. Pagtalakay ng bagong Pagkatapos ay gagamitin nila ito sa sariling pangungusap.
konsepto at paglalahad ng Istasyon 2: Kaholaman- Bubunot ng dalawang larawan ang bawat
bagong kasanayan # 2 pangkat. Pagkatapos ay mag-iisip sila ng angkop na pang-uri sa bawat
larawan
Istasyon 3: Buksan Mo- Bubuksan ng bawat pangkat ang regalo. Mag-
iisip ng isang salitang naglalarawan ang bawat pangkat tungkol sa regalo
pagkatapos ay gagamitin ito sa pangungusap.

Presentasyon ng bawat grupo.


Pangkat I- Bigyan natin ng 1000 clap ang unang pangkat
Pangkat II- Bigyan natin ng very good very good clap
Pangkat III- Bigyan natin ng Good Job clap

F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Mayroon akong inihandang talata, tukuyin at salungguhitan ang pang-
Assessment) uring ginamit sa talata.

Isang biyayang maituturing ang pagkakaroon ng mga magulang o


kapamilya. Mapalad ang isang batang katulad mo na may matatawag na
nanay, tatay, ate, kuya, lolo at lola. Mapagmahal si nanay, matiyaga si
tatay, matulungin naman si kuya, masipag si ate at maunawain sina lolo
at lola. Maligaya ang bawat pamilya na laging sama-sama at nagkakaisa.

CRITICAL THINKING SKILL DEVELOPMENT/ HOTS QUESTIONS


Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating pamilya?
G. Paglalapat ng aralin sa
Paano mo mailalarawan ang pagmamahal mo sa iyong pamilya?
pang-araw araw na buhay
Magbigay ng katangian ng mga kasapi ng iyong pamilya.

Ano ang pang-uri?

H. Paglalahat ng aralin Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.

Pagtataya

Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng isang salita ang mga sumusunod


na tao, bagay, hayop at pook sa pamayanan. Isulat ang inyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

I. Pagtataya ng aralin
1. Sir Bato
2. Paaralang Elementarya ng Fortuna
3. Kalabaw
4. Klima sa Barangay Fortuna
5. Modyul

J. Karagdagan Gawain para


sa takdang aralin at
remediation
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni:

SHIELA MAE M. RUIZ


TEACHER I

Inalam ni:
ROBERTO B. CAPER JR.
PRINCIPAL I
Pamantayan sa panunuod

1. Maupo ng maayos

2. Makinig ng mabuti

3. Huwag makipag-usap sa katabi habang nanonood.

4. Isulat sa kwaderno ang lahat ng mahahalagang impormasyong ibinigay ng video


presentation

5. Unawain ang mensaheng nais ihatid ng panonoorin.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

6. 1. Papangkatin ang klase sa 3 na pangkat ang bawat isa ay bibigyan ng gawain.


7. 2. Pumili ng lider, tagapagtala ng oras, tagasulat, at taga-ulat.
8. 3. 5 minuto isasagawa ang pangkatang gawain.
9. 4. Mangyaring obserbahan ang katahimikan
10. 5. Makipagtulungan sa ka grupo

You might also like