You are on page 1of 4

NAME: OMBROG, KAYE-CEE M.

COURSE &YEAR: BS. CRIM 1C

YUNIT IV
ANG PAGPILI NG PAKSA AT ORGANISASYON NG TALATA SA PAGBUO NG
KOMPOSISYON

PAGSASANAY
Gawain I
Sagutin ng tama o mali ang bawat pahayag.

TAMA1. Mahaba ang komposisyon kaysa talata.


TAMA 2. Kasing-ikli o haba ng talata ang komposisyon.
TAMA 3. Ang talata ay nasa loob ng komposisyon.
MALI 4. Ang unang bahagi ng komposisyon ay panimula.
TAMA5. Maanyo ang komposisyon kung binubuo ito ng mga talata.
MALI6. Ang talata ay di magagamit sa paglilipat ng kaisipan na kaugnay ng kalakhan.
MALI7. Ang komposisyon ay maaaring walang paksang pangungusap.
TAMA8. Ang mga ebidensyang pangungusap ay kailangang isunod sa bawat paksang
pangungusap.
TAMA9. Ang wakas at simula ng komposisyon ay dapat na kaakit-akit.
MALI10. Ang relihiyon ay maaaring hanguan ng ilalaman sa komposisyon.

Gawain II
Punan ng angkop na impormasyon ang bawat bloke ng estruktura sa ibaba.

BUHAY ESTUDYANTE
Bagsak na asignatura
Malayo sa mga magulang/pamilya
MGA KALUNGKUTAN Maraming asignatura o proyekto
Naubos o kulang ng allowance

Nakapasa sa pagsusulit
May mga bagong kaalaman
MGA KASIYAHAN Mayroong nakuhang mataas na marka
Bagong kaibigan
KAPALARAN NG ISANG TAO
Ang buhay ng tao ay hindi isang tuwid na linya na tanging iisa lamang ang
direksyon na hahatakin bagkus ito ay may mga bako-bakong pagddaanan.
Ang kapalaran ng tao ay nakabasi sa kung paano mo haharapin ang buhay.
Nasa sa iyo kung pipiliin moa ng mga bagay na makakapagpadama sayo ng
lungkot o kasiyahan, dahil sa huli desisyon moa ng tanging susi sa maunlad
o pariwara na buhay.

Gawain III
A. Sumulat ng 1 komposisyon na binubuo ng 3 talata. Pumili lamang ng isang sitwasyon.
Lagyan ng sariling pamagat. Sitwasyon
1. Binatang nanggaling sa malayong probinsya; nag-enrol sa bayan upang paunlarin ang
sarili.
2. Isang binate o dalaga na nag-iibigan ngunit kapwa nabigo sa isa’t isa.
3. Mamamayan ng bansa na napalilibutan ng mga karahasan/katiwalian.
4. Magulang na nagsasakripisyo para sa anak.

Magulang na nagsakripisyo para sa anak

Sa isang lipunang napakasalimuot at lugmok sa kahirapan, nangingibabaw ang sakripisyo ng


isang ulirang magulang. Sa likod ng bawat batang naniniwala sa kaniyang sarili ay isang
marangal na magulang na inilaan ang kanyang buhay para sa pamilya. Hindi matutumbasan
ng anumang papuri ang pagsasakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak.
Inilaan nila ang kanilang mga buhay at oras upang alagaan at suportahan ang kanilang mga
anak. Ano mang hirap ng kanilang pagdaanan ay kapit-bisig na kanilang sinusuong upang
maibigay lamang ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Walang anumang dakilang
pagsasakripisyo ang hihigit sa sakripisyo ng isang magulang dahil kahit dugo at pawis ay
kanilang ilalaan.

Sa kagustuhan nilang maibigay sa atin ang ating mga pangangailangan, kumakayod


sila ng magdamag, nagbabanat ng buto, at inaalay ang kanilang sariling kasiyahan. Sa isip
nila ay ayaw nilang maranasan ng kanilang mga anak ang kahirapan na kanilang dinanas dati
kaya ang gabi ay ginagawa nilang araw, at ang araw ayb ginagawa nilang gabi upang
matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Maraming mga magulang ang
pinipiling iwanan ang kanilang mga pamilya upang mangibang bansa o bayan. Tinitiis nila
ang kanilang pangungulila o kalungkutan na makasama ang kanilang pamilya at kinakaya
nila lahat kahit pa ang kapalit nito ay hindi Makita ang kanilang mga pamilya.Hindi
matutumbasan ng kahit anomang salapi ang kalungkutan ngunit kinakaya nila ito, bukas-
palad nila itong ginagawa. Sa buhay ng isang magulang, hindi mawawala ang katagang “
gagawin ko ang lahat para sa aking mga anak”. Masarap, masay, mahirap, mapanganib at
nakakatakot ang bigat ng responsibilidad na dala-dala ng isang magulang.

Walang magulang na kailan man ay sumusuko kung ang kapakanan na ng mga anak ang pag-
uusapan. Walang sinumang magulang ang gusting mawalay sa kanilang mga anak, at mas
lalong walang magulang na naghahangad na Makita ang anak na lugmok sa karimlan. Kaya’t
isasakripisyo nila lahat upang Makita ang kanilang mga anak sa rurok ng tagumpay. Kaya’t
bilang mga anak, mahalin ang igalang natin ang ating mga magulang. Ipakita natin an gating
taos-pusong pasasalamat sa kanilang pakikibaka at sakripisyo, dahil an gating mga magulang
ang tunay nating kayamanan. “Ang pinakamagandang kumot ng anak ay ang pagmamahal at
sakripisyo ng magulang”, kaya dapat ay mahalin at ipagmalaki natin sila.

B. Sa mga paraan ng pagsisimula ng komposisyon pumili ng 3 lamang upang magawan


ng kaukulang halimbawa.
 SALAWIKAIN/SAWIKAIN
Halimbawa:
MANSIYON MAN ANG BAHAY MO, ASAL KA NAMANG
HUNYANGO, MABUTI PA ANG BAHAY NA KAWAYAN KUNG
MAAASAHAN KA SA LAHAT NG BAYANIHAN.
Sa panahon ngayon bihira na lamang ang taong tumutulong sa kapwa lalo na
kung patungkol sa pera at sila ay nakakaahon na sa buhay, minsan pa ay minamaliit
na nila ang mga taong hirap sa buhay dahil lamang sa sila ay nakakataas, hindi dapat
na hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanilang mga ugali, mahirap man o
mayaman, dapat matutong magpakumbaba.

 IDYOMA
Halimbawa:
Namamangka sa dalawang ilog- salawahan
 SIPI
 Halimbawa:
Ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang tanging sandata mo upang
ikaw ay maging progresibo”
-papa

C. Sumulat ng isang paglalahad na pumapaksa sa ekonomiya ng bansa o sa kahalagahan ng


edukasyon o sa lumalalang trapiko, na gumagamit ng pagpapaliwanag ayon sa lohika.
Gamitin ang alinman sa mga paraang sanhi at bunga, pagtutulad at paghahambing, o
paghahalimbawa. Gumamit ng mga istrukturang paggagamitan ng mga pangatnig, tulad ng
sumusunod: “dahil dito… kung kaya,” “habang ang… lalo lamang…” “samakatwid, sa
madaling salita,” “sanhi ng mga sumusunod… kaya naman.” Pumili/umisip ng iba pang mga
akmang pangatnig.

Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa karunungan sa pagsulat, pagbasa o


pagbilang. Ito ay mas nangangahulugan na paghahanda sa totoong pakikipaglaban sa buhay.
Kaya naman ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa sa mga paaralan. Samakatwid ito
ay ang kanilang magiging sandata upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng
kanilang kinabukasan

You might also like