You are on page 1of 8

2

Learning Activity Sheet


sa Filipino 2
Kuwarter 4 – LAS 2
Nagagamit ang mga Salitang Kilos sa
Pag-uusap

PAG-AARI NG PAMAHALA
HINDI IPINAGBIB

REHIYON 6 – KANLURANG VISAYAS

Filipino 2
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng LAS na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 2

Manunulat: Aileen A. Arinque


Editor: Renita A. Bocalid at Lourdes D. Orola
Tagasuri: Jocelyn D. Sunsona
Tagaguhit: Ruth Embradora
Tagalapat: Jackielyn S. Cabangal
Division of Roxas City Management Team:
Feliciano C. Buenafe Jr.
Rogelio P. Amador
Pambungad na Mensahe
Marvic S. Martirez
Jocelyn D. Sunsona
Renita A. Bocalid

Regional Management Team: Ramir B. Uytico


Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celistino Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Filipino Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Schools Division of Roxas sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 4, Linggo
2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 2

Pangalan ng Mag-aaral:__________________Grado/ Seksiyon:__________


Petsa: _______

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 2


Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan. F2WG-llg-h-5
Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain
sa tahanan, paaralan at pamayanan. F2WG-llj-6

II. Panimula
Sa pag-uusap gamit ang mga salitang kilos kailangang malinaw sa
nagsasalita ang panahon o oras na ginagawa ang kilos upang malinaw at madaling
maunawaan ng mga nakikinig. Sa araling ito matututuhan mo ang tamang
paggamit ng mga salitang kilos sa tamang pamanahunan.
Ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw sa loob ng pangungusap ay
tinanatawag na pandiwa. Ang mga salitang kilos na naganap o tapos na ay nasa
aspektong pangnagdaan.

III. Mga Sanggunian

K-12 Filipino 2, Quarter 4, Most Essential Learning Competencies


(MELC) F2WG-llg-h-5, F2WG-llj-6
Ang Bagong Batang Pinoy 2
Kagamitan ng Mag-aaral pp.282-287

IV. Mga Gawain

Gawain 1:

Page | 1
Panuto: Basahin nang malakas ang tula pagkatapos sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Batang Pinoy

Dukha siyang tinawag ng lahat


Talino’y subok at totoong matapat
Sa ati’y tumulong kahit anong hirap
‘Yan ang batang isang papuri’y nararapat
Ating kilalanin bigyan ng palakpak
Papuri’t alay ay mabangong bulaklak
Nararapat sa puso niyang busilak
Buhay inilaan kahit mapahamak.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang tula?


____________________________________________________________
2. Anong mensahe ang hatid sa atin ng tula?
____________________________________________________________
3. Bakit dapat siyang alayan ng bulaklak?
____________________________________________________________
4. Ibigay ang mga salitang may salungguhit. Sabihin kung anong aspekto ng
pandiwa ang ginamit?
_____________________________________________________________
5. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit.
_____________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Piliin ang tamang pandiwa upang mabuo ang


pangungusap. Pagkatapos sabihin kung kailan nangyari
ang kilos. Isulat sa puwang ang sagot.

1. (Nagtinda, Nagtitinda) ng prutas si Aling Huling sa palengke kahapon.


___________________________, _________________________

2. Ang kaniyang nanay ay (nagluto, nagluluto) ng adobo noong Sabado.


___________________________, _____________________________
3. Maagang (gumising, gumigising) ang mag-anak kanina.
___________________________, _____________________________

4. (Umiinom, Uminom) siya ng gatas kaninang umaga.


____________________________, ____________________________

5. Ang magkakapatid ay (nagsimba, nagsisimba) noong Linggo.


Page | 2
____________________________, ____________________________

Pagsasanay 1

Panuto: Bilugan ang angkop na salitang-kilos upang mabuo ang


Pangungusap pagkatapos sabihin kung kailan
nangyariang kilos. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Si Adi ay (kumain, kumakain) ng tinapay noong isang araw.


2. (Nagdala, Nagdadala) ng ulam si Bruno sa kanyang Lolo kahapon.
3. Ang mga bata ay (tumulong, tumutulong) sa paglilinis ng simbahan noong
Linggo.
4. Si Drae ay (sumulat, sumusulat) ng tula kagabi .
5. Ang pinsan niya ay (umalis, umaalis) na noong isang linggo.

Pagsasanay 2

Panuto: Gumawa ng sariling pangungusap batay sa larawan.


Bilugan ang salitang kilos at sabihin kung kailan nangyari
ang kilos.

1. 2.

Iginuhit ni: Ruth Embradora Iginuhit ni: Ruth Embradora

3. 4.

Iginuhit ni: Ruth Embradora Iginuhit ni: Ruth Embradora

5.

Page | 3
Iginuhit ni: Ruth Embradora

V. Repleksiyon:

Panuto: Tapusin ang pangungusap.

Ang natutuhan ko sa aralin ngayon ay ___________________


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1:

1. Batang Pinoy
2. Maaaring iba-iba ang sagot
3. Siya ay may pusong busilak.
4. tinawag, tumulong, inilaan
aspektong pangnagdaan
5. iba-iba ang sagot

Gawain 2:

1. Nagtinda, kahapon
2. nagluto, noong Sabado
3. gumising, kanina Page | 4
4. Uminom, kaninang umaga
Page | 5

You might also like