You are on page 1of 1

Pag-aran at Isaisip Natin:

Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang Rehiyon


 Pangkat-etniko ang tawag sa pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang lugar na mayroong
pagkakatulad sa uri ng pananamit, pananalita, mga pagdiriwang, at paniniwala.

Mga Pangunahing Pangkat-etniko sa Pilipinas

LUZON
1. Tagalog
Ang salitang tagalog ay nagmula sa salitang “taga-ilog” na ang ibig sabihin ay nakatira sa ilog.
Pinakamalaking Pangkat na kinabibilangan ng mga tao na naninirahan sa; Kamaynilaan (National
Capital Region), Gitnang Luzon, Rehiyon 4A (CALABARZON), Rehiyon 4B (MIMAROPA).
2. Ilokano
Ang salitang Ilokano ay kilala rin sa tawag na “iloko”. Ilocano ang pangunahing wika na
ginagamit nila.
3. Kapampangan
Sila ay naninirahan sa Pampanga. Tinaguriang “The Culinary Capital of the Philippines”, dahil
sa kagalingan nilang magluto. Kapampangan ang wikang kanilang ginagamit.
4. Bikolano
Sila ay naninirahan sa mga lalawigan ng; Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur,
Camarines Norte. Hilig nila ang mga pagkaing may gata at may sili. Gumagawa rin sila ng mga produkto
mula sa abaka, anahaw, at pili.

Cordillera Administrative Region (CAR)


 Ifugao – Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay ang; pagsasaka, paghahabi, pag-uukit ng
kahoy, pag-aalaga ng hayop. Sila ay nakatira sa bulubundukin ng Cordillera.
 Bago – Sila ay mula sa pinaghalong lahing; Ilokano, Cordillera. Ang kanilang tirahan ay malapit sa
mga daan na dinadaanan ng mga mangangalakal.
 Bontoc – Sila ay matatagpuan sa Bundok ng Cordillera. Nahahati sila sa limang grupo; Sentral,
Lias, Barlig, Talubin, at Kadaklan.

You might also like