You are on page 1of 21

REPUBLIKA NG PILIPINAS

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS


ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III


Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul
Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Nakakapagtakda ng kahulugan ng kultura at
nakakatukoy ng mga salik na kaugnay nito.
(Affective) Nakapangangalaga ng kultura sa pamamagitan ng
patuloy na paggamit ng po at opo at nairerespeto ang
pagkakakilanlang kultural ng bawat tao.
(Psychomotor) Nagagawa ang kasanayang pagpapayaman ng
kultura sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng sarili sa katauhan
ng sining at agham.
Pamagat Ang Kultura
Batayan ng Pagtututo Naibibigay ang kahulugan ng sariling kultura at mga kaugnay na
konsepto.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Pagpapahalaga ng kultura
Dimensyon Political
Buod na Pagpapahalaga Nationalism
Kaugnay na Pagpapahalaga  Love of Country
 Heroism and appreciation of Heroes
 Appreciation of cultural Heritage
 Democracy
 Freedom and Responsibility
 Civic Consciousness and Active Participation
 Committed Leadership
 National unity
Sanggunian Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/
http://www.slideshare.net/ceetrie/rehiyon-iv-a-15119846?
next_slideshow=1
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Batangas
Mga Kagamitan Bond papers, krayola, mga larawan

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang larawan na nagpapakita ng
mga bumubuo sa kultura at mga larawang nagpapakita ng
negatibong bagay o gawain na ginagawa ng mga Pilipino na maaring
nakapipinsala sa kultura.
Sa pagpapakita ng mga larawan ay nakaalalay ang mga katanungang
sumusunod:
1. Ano-ano ang mga naobserbahan sa mga larawang ipinakita?
2. Mula sa mga nakitang larawan tukuyin ang mga bagay o
gawaing mabuti na sa palagay ay nakakatulong sa pag-unlad
ng bayan.
3. Bilang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapayaman
ng kulturang pilipino?
3. Gawain  Direksyon: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang grupo at
lilikha ng larawan na nagpapakita ng kultura ng bansang
Pilipinas gamit ang krayola at puting papel. At ito ay
ipepresinta sa unahan ng klase at sasagutin ang mga
katanungang:
1. Ano ang kultura?
2. Ano ang kahalagahan ng kultura?
3. Bilang isang indibiduwal, ano ang implikasyon sa iyo ng kultura
ng bayang iyong kinabibilangan?
4. Paglalagom Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng
mga tao - ang pag-uugali, mga paniniwala, mga halaga, at mga
simbolo na tinatanggap nila at patuloy na naipapasa sa pamamagitan
ng komunikasyon at panggagaya mula sa isang henerasyon
hanggang sa susunod.
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo
ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat
pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang
larangan.
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang
gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay
tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga
bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno .
Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng pitong salik o konseptoat ang
mga ito ay ang wika, paniniwala,tradisyon o kaugalian, pagkain,
sining, kasuotan, at ng relihiyon.

Batangas Cavite Laguna Quezon Rizal


Wika

Tagalog Tagalog, tagalog Tagalog Tagalog


(ala e, eh, Chabaca (ay)
ga) no
ugalianTradisyon/Ka

“Matanda maka- maka- maka-


sa Dugo”, diyos at diyos at diyos at
Matapang relihiyoso relihiyoso relihiyos
, o,
cenakulo
Pagkain

atcharang Tinapa, Espasol, Lambano Bibingka,


ampalaya, tahong buko pie, g, mais
kalamay, bibingka Kakanin,
minatamis
na kalumpit
Relihiyon
Katoliko Katoliko Katoliko Katoliko Katoliko,
Romano, Romano, Romano, Romano, Iglesia ni
Islam Aglipay, Iglesia ni Adventist, Cristo,
Iglesia ni Cristo, Dating Protesta
Cristo, Islam daan, nte,

Produkto
Palay, Saging, Palay, Palay, Mais,
kape, pinya, buko pie, niyog, basket
balisong abokado mais,

pagdiriwang
Subli-an San Marilag Niyugniyu Diwa sa
festival, Agustin festival, gan pambans
Tapusan festival, festival, ang
festival, La Alimango Sining
Tinapahan Excelsa y festival,
festival,Sina La Pahiyas
5. Paglalapat Ang mga mag-aaraal ay hahatiin sa limang grupo at tangan ang mga
natutunan sa leksyon ay magsasagawa ng maikling dula na na
naipapakita ng ang isa sa pitong salik ng kulturang Pilipino
9(tradisyon at kaugalian, wika, paniniwala, pagkain, kasuotan,
relihiyon). Ang paghahati ay gagawin sa pamamagitan ng bunutan.
Bawat grupo ay bibigyan ng bagay na maaaring magamit sa
pagsasadula na kaugnay sa kanilang nabunot o napiling paksang
ipapakita.
6. Takdang Aralin Magsagawa ng pananaliksik sa mga paniniwala at tradisyon ng
sariling bayan sa pamamagitan ng pag-interbyu o pagtatanong sa
magulang, lolo o lola o sa kakilalang nakakatanda. Ilagay ang tanong
at mga kasagutan sa isang buong papel kasama ang lagda at
pangalan ng pinagtanungan.
7. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: _____

Direksyon: Bilogan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang Kapiyesthang pahiyas ay ipinagdirirwang ng aling


lalawigan?
a. Batangas
b. Laguna
c. Quezon
2. Anong lalawigan ang sinasabing matatapang ang mga tao?
a. Batangas
b. Cavite
c. Quezon
3. Ang pamamamraan ng pamumuhay ng isang pangkat na
naninirahan sa isang lugar na may sariling tradisyon, kaugalian
ay tinatawag na ______________?
a. Kasanayan
b. Kultura
c. Paniniwala
4. Anong lalawigan ang tinaguriag “sugar capital of the
Philippines”?
a. Batangas
b. Cavite
c. Quezon
5. Ang ekspresyon o puntong “ay” ay nagmula sa anong
lalawigan?
a. Cavite
b. Rizal
c. Quezon
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III


Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul
Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Nakikilala ang katangiang kultural ng kinabibilangang
rehiyon.
(Affective) Nakikilahok sa mga gawaing maaaring ikaunlad pa ng
rehiyong kinabibilangan.
(Psychomotor) Nakakasunod sa mga panuntunan ng bayan
katulad ng pagtatappon ng basura sa tamang tapunan.
Pamagat Kultura sa Aking Rehiyon
Batayan ng Pagtututo Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang
rehiyon.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Mabuting mamamayan
Dimensyon Social
Buod na Pagpapahalaga Social Respect for Human Rights
Kaugnay na Pagpapahalaga  Concern for Common Good
 Cooperation
 Social responsibility and Accountability
 Creative Goodwill
 Fairness
 Appreciation of Diversity
 Active Non-violence
Sanggunian Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
Mga Kagamitan Mga letrato,papel, pandikit,

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng mga larawan gamit ang inihandang
interactive chart at ito ay ipapakita sa harap at ipapakita sa paraang
parang nasa field trip ang klase. Ang mga larawan ay nagpapakita ng
mga tanawin, pagkain, tao, o gawain na makikita at ginagawa sa
rehiyong kinabibilangan. Ang gruo ay magmimistulang isang tour
guide habang ipinapakita ang mga larawan.

Pagkatapos ng presentasyon ng mga larawan ay magtatanong


naman ngayon ang guro ng mga sumusunod na katanungan:
1. Kamusta ang iyong nagging paglalakbay?
2. Ano ang iyong mga nakita?
3. Sa iyong palagay nakita mo na ba dati ang mga ipinakitang
larawan? Kung oo kalian at saan?
4. Sa iyong palagay anong rehiyon kaya inyong nilakbay?
5. Ano-ano ang mga natatandaang nakita kanina?
4. Gawain Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang grupo na pula, berde,lila,
dilaw at kahel; papapiliin mula sa limang envelope ang bawat grupo.
Sa bawat envelope ay may mga larawan at mga salitang makikita at
ang makukuhang larawan o salita ay ipapasakil bawat miyembro ng
grupo alinman sa dalawang simbolong like at dislike na nakapaskil sa
pisara. Itapat o idikit ang larawan sa hanay ng like kung sa palagay
ay ito ay produkto o kahanay sa rehiyong kinabibilangan. At sa
simbolong dislike kung sa palagay ay hindi ito galing o kaugnay sa
rehiyong kinabibilangan.

Pagkatapos ng gawain ay tatanungin naman ng guro ang mga mag-


aaral ng mga sumusunod ng katanungan:
1. Sa anong rehiyon ka/tayo nabibilang?
2. Ilan ang bayan sa ating kinabibilangang bayan?
3. Ano-ano ang mga makikita sa rehiyong ating kinabibilangan?
4. Anong kaugalian ang naipapakita sa larawang mga
nakapaskil?
5. Paglalagom Ang timog na bahagi ng Luzon ay pinagpala ng mga lalawigang
sagana sa likas yaman na siyang pangunahing pinagkukunan ng
pangangailangan a t kita ng mga tagarito. Kabilang sa mga
kayamanan ng mg lalawigan dito ay ang mga puno ng niyog na
siyang ginagawang
chavac Sng
ublicopra
-an at lambanog, kasama rin ang malapad
na kapatagan
ano ng rehiyon
Fe sti val na siyang pinagtatamnan ng palay, gulay. T
hindi mawawala sa likas Alimanyaman ng
go
Regrehiyon
ion ange nakapaligid ditong
Festiva
IV spasol
karagatan na siyang isa sa pangunahing
ll -A pinagkukunan ng
pangangailangan at hanapbuhay ng mga tagarito. Ala e. aeta
:Palay, Niyog, Kopra,Kape, Tubo, Mais, prutas, gulay, pinya,
Lambanog, tuba, Budin, Yema cake.
Ang ilan sa mga ipinagmamalaking yaman ng rehiyong IV-A ay
ang yamang sining, arkitektoral atang mga kasiyahang tunay na
dinarayo nga mga turista tulad ng Pahiyas festival ay amg
pinakatanyag na pagdiriwang sa Quezon. Ito ay isang pagdiriwang
para sa patron ng Lucban na si San Isidro Labrador Ang sayaw na La
Estudiyantina naman ay karaniwang sinasayaw ng mga kababaihan
na may hawak na aklat o abaniko, mga bagay na kalimitang
ginagamit ng mga kabababihang estudyante. Isang sikat na bersyon
nito ay nagmula sa Atimonan, Quezoon. At ang Minor Basilica ni San
Miguel Aranghel ay ang pinakamalaking simbahang katoliko sa
lalawigan ng Quezon at kilala rin sa tawag na ‘Susi ng Tayabas’ dahil
sa pagiging hugis susi nito. Dinarayo rin ito ng mga turista dahil sa
mga kamangha-manghang disenyo at pintang matatagpuan sa mga
kisame simbahan.

6. Paglalapat Sunod sa grupong nabuo kanina ay hahatiin ang limang lalawigan na


Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal. Ang bawat grupo ay
bubuo ng tula na naglalarawan sa lalawigang kanilang paksa. Ang
tula ay ipepresenta sa harap ng klase habang ang isang miyembro ay
binabasa ang tula ang iba naman ay isinagawa o interpret ang tula sa
pamamagitan ng dula.

Ang mga nakapaloob sa tula mga tanong na mula sa mga tanong na:
1. Ano ang aking rehiyon?
2. Sino ang mga tao sa aking rehiyon?
3. Ano-ano ang mga matatagpuan sa aking rehiyon?
4. Ano-ano ang mga wika at kaugalian mayroon ang aking
rehiyon?
5. Bakit ko ipinagmamalaki ang aking rehiyon?
7. Takdang Aralin Gumawa ng larawan na nagpapakita ng mga tradisyon paniniwala o
pagdirirwang na isinasagawa ng baying kinabibilangan. Gawin ito sa
isang buong putting papel, lagyan ito sa ibaba ng eksplanasyon.
8. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Bilogan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan sa


lalawigan ng Quezon?
a. Pangingisda at pagsasaka
b. Welding at Car wash
c. Pagtitinda at paglalako
2. Ano ang wika ang umiiral sa lalawigan ng cavite bukod sa
tagalog?
a. Bisaya
b. Chavacano
c. Ilongo
3. Ano ang tawag sa mga mamamayan ng Quezon?
a. Quezons
b. Quezonian
c. Quezonianos
4. Ang La Estudiyantina ay karaniwang sinasayaw ng ________.
a. Babaeng may hawak bag
b. Babaeng may hawak abaniko at aklat
c. Babaeng may hawak na basket at aklat
5. Ang dinarayong Kamay ni Hesus ay matatapuan sa anong
lalawigan?
a. Batangas
b. Cavite
c. Quezon
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III


Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul
Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Nakikila at naiisa-isa ang mga pangkat na naninirahan
sa rehiyong kinabibilangan.
(Affective) Naigagalang ang pagkakakilanlan ng bawat
mamamayang naninirahan sa bansa.
(Psychomotor) Nakagagawa ng larawang napapakita ng
pagkakaisa ng mga mamamayan ng rehiyong kinabibilangan.
Pamagat Mga Pangkat ng mga Tao sa Rehiyong Kinabibilangan ko
Batayan ng Pagtututo Naiisa-isa ang mga pangkat ng mga tao sa sariling lalawigan at
rehiyon.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Pagmamahal sa kapwa
Dimensyon Social
Buod na Pagpapahalaga Social Respect for Human Rights
Kaugnay na Pagpapahalaga  Concern for Common Good
 Cooperation
 Social responsibility and Accountability
 Creative Goodwill
 Fairness
 Appreciation of Diversity
 Active Non-violence
Sanggunian Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
Mga Kagamitan Worksheets, Komiks na larawan,

8. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
9. Pagganyak Ang guro ay mamahagi ng kapirasong papel sa bawat mag-aaral at
aatasan ang mga ito na humanap ng kapareha o maaaring humarap
na lamang sa katabi at obserbahan ang panlabas na anyo ng
kapareha at sagutan ang nasa papel.

Pisikal na Katangian Obserbasyon


Mata
Ilong
Mukha
Balat
Labi
Buhok
Taas

Pagkatapos ng obserbasyon ay magbibigay ng katanungan ang guro:


1. Ano ang iyong naobserbahan sa iyong kapareha?
2. Sa iyong palagay maganda ba ang iyong kapareha?
3. Ano ang pisikal na kaibahan mo sa iyong kapareha?
10. Gawain  Direksyon: Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng worksheet na
sasagutan.

Pangalan: ____________ Petsa: ______


Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Maglagay ng  sa tapat ng numero kung ang pahayag ay


tama at  kung ang pahayag naman ay mali.
_____1. Ang grupo o pangkat ng mga taong naninirahan sa isang
lugar na may sariling wika, kultura, at pamamaraan ng pamumuhay ay
tinatawag na pangkat-etniko.
_____2. Ang mga Aeta ay tinatawag ding mga tagalog.
_____3. Ang wikang Cebuano ang umiiral na wika sa rehiyong IV-A.
_____4. Ang pangkat tagalog ang may pinakamaraming pangkat.
_____5. Ang salitang tagalog ay nagmula sa salitang “taga-ilog”.

11. Paglalagom Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong nainirahan sa
iba’t ibang panig nito Nakikilala ang bawat pangkat sa kanilang mga
pagkakakilanlan. Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-samang
naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura, tradisyon, at
paraan ng pamumuhay ay tinatawag na pangkat-etniko. Mayroon
silang mga katangian na kakaiba sa ibang pangkat. Sila at ang
kanilang natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing na mahalagang
bahagi sa kabuuan ng kulturang Pilipino.
Ang kabuang populasyon ng Rehiyon IV-A ng kanlurang Luzon
ay 11,904,100. Karamihan sa mga pangkat etnikong naninirahan sa
rehiyon ay ang pangkat ng Tagalog sumunod sa dami nito ay ang
Dumagat o ang mga Agta/Aeta. Ayon sa Philippine Census 2010, may
ilang dayuhan ang nininirahan sa rehiyon na kung saan isa sa dahilan
ng pananatili nila sa bansa ay ang paghanapbuhay at sila ay ang mga
Tsino, Indian na tinatawag na Bombay ng mga Pilipino. Ang mga
Amerikano, Espanyol at Hapones ay ang mga pangkat naman na
dumayo at permanente nang nanirahan sa bansa.
Ang mga taong naninirahan sa lalawigan ng Lopez ay
tinatawag na mga Lopezeño. Ang mga tao rito ay nabibilang sa
pangkat ng tagalog saqlitang tagalog o Filipino ang umiiral sa
lalawigan ng Lopez na kung saan ay kilala sa mga puntong ai at baga
na idinurugtong sa bandang hulihan ng pangungusap. Ang mga
Lopezeño ay mga kilalang magsasaka at mangingisda dahil sa ang
rehiyon ay napapalibutan ng tubig.
12. Paglalapat Magbigay ng pangalan ng katutubong pangkat at sabihin kung ano
ang mga katangian ng pangkat na ito. Gawin ito sa kalahating papel.
13. Takdang Aralin Maghanap ng mga iba pang etnikong grupo ang naninirahan sa
rehiyong IV-A. Itala ang mga katangian ng nasabing grupo, uri ng
pamumuhay at wikang ginagamit. Gawin ito sa isang isang buong
putting papel.
14. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________
Direksyon: Bilogan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga Aeta ay may katangiang pisikal na ________.


d. Kulot na buhok
e. Maputing balat
f. Matangos na ilong
2. Ang mga tagalog ay may katangiang pisikal na ________.
d. Kayumangging kulay
e. Matangos na ilong
f. Kulot na buhok
3. Ano ang tawag ng mga Pilipino sa mga indianong naninirahan
sa bansa para maghanapbuhay?
d. Indian
e. Bombay
f. Kano
4. Ano ang isang kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng
pagalang sa nakatatanda?
d. Paggamit ng po at opo
e. Pagpapatuloy sa tahanan nang may giliw
f. Pagngiti sa tuwing makikita ang nakatatanda
5. Ano ang isa pang katawagan sa mga Aeta?
d. Agta
e. Atga
f. Eta
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III


Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul
Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Nakikilala ang mga tradisyong mayroon ang rehiyon at
lalawigang kinabibilangan.
(Affective) Napapahalagahan ang mga tradisyon ng lalawigan sa
pamamagitan ng pakikilahok sa mga ito.
(Psychomotor) Nakakasali sa mga usaping tradisyon ng
lalawigang kinabibilangan.
Pamagat Mga Kaugalian at Tradisyon sa Sariling Lalawigan
Batayan ng Pagtututo Nailalarawan ang mga kaugalian, paniniwala, tradisyon ng
sariling lalawigan at rehiyon.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Pagpapahalaga sa sariling mga tradisyon
Dimensyon Political
Buod na Pagpapahalaga Nationalism
Kaugnay na Pagpapahalaga  Love of Country
 Heroism and appreciation of Heroes
 Appreciation of cultural Heritage
 Democracy
 Freedom and Responsibility
 Civic Consciousness and Active Participation
 Committed Leadership
 National unity
Sanggunian Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
Mga Kagamitan Mga larawan, netbook,

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng ng komics na nagpapahayag ng
paniniwala ng rehiyong IV-A. mga pamahiing umiiral sa mga
lalawigan ng rehiyon.
3. Gawain Direksyon: Ang guro ay magpapakita ng collage ng mga larawang
naglalaman ng mga tradisyon, paniniwala at kaugaliang mayroon ang
rehiyon at lalawigang kinabibilngan. Mula sa isang kahon ay bubunot
ang guro ng limang pangalan ng estudyanteng sasagot sa isa sa mga
tanong.
1. Ano ang nakikita sa unang larawan?
2. Anong kaugalian ang ipinapakita ng larawan?
3. Saan matatagpuan ang nasa larawan?
4. Anong kaugalian kaya ang ipinapakita sa larawan?
5. Anong pagdiriwang ang inilalarawan?
4. Paglalagom Ang mga naninirahan sa rehiyong IV-A ay likas na mga relihiyoso at
mapamahiin. Ang mga pamahiin nila ay karamihan ay nakatuon sa
pagsasaka katulad ng kapag mag-aani ng tanim na kalamansi ay
dapat ay sa hapon dahil pinaniniwalaang mabubulok ito kapag hindi
hapon inani. Ang mga Lopezeño ay likas na mga masisipag dahil na
rin sa anag kanilang pangunahing pinagkukunan ng hanap buhay ay
ang pagsasaka at pangingisda. Ang malaking bahagi ng
CALABARZON ay kasama sa simbahan ng Roman Catholic habang
ang iba ay Iglesia Ni Crist, Seventh Day Adventist, may ilang muslim
din ang mga naninirahan. May kakaiba ring katangian sa pagsasalita
ang mga taga rito, sila ay gumagamit ng puntong ai. Sila rin ay kilala
sa mga tradisyunal na ipinagdiriwang na mga kapyestahan katulad ng
Taytsinoy festival, Mayohan Festival, Pa’yas Festival, Hagisan festival,
Baliskong festival, Angel festival, Aguyod festival, Turumba festival (in
Tayabas na City of festivals) at Alimango Festival sa Calauag.

5. Paglalapat Ang mga mag-aaraal ay hahatiin sa limang grupo at tangan ang mga
natutunan sa leksyon ay magsasagawa ng maikling presentasyon ng
kung anong tradisyon mayroon ang kanilang napiling lalawigan.
6. Takdang Aralin Maghanap ng larawan ng mga pyestang mayroon ang bawat
lalawigan ng rehiyon 4A. Ito ay idikit sa isang putting papel at lagyan
ng indikasyon kung anong lalawigan ito galing.
7. Pagtataya
Pangalan: __________________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: __________

Direksyon: Bilogan ang letra ng tamang sagot.

1. Kilala sa pagiging makadiyos angmga ________.


a. Lopeno
g. Quezonian
h. Makati
2. Ang mga tagalog ay may katangiang pisikal na ________.
g. Kayumangging kulay
h. Matangos na ilong
i. Kulot na buhok
3. Ano ang tawag ng mga Pilipino sa mga indianong naninirahan
sa bansa para maghanapbuhay?
g. Indian
h. Bombay
i. Kano
4. Ano ang isang kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng
pagalang sa nakatatanda?
g. Paggamit ng po at opo
h. Pagpapatuloy sa tahanan nang may giliw
i. Pagngiti sa tuwing makikita ang nakatatanda
5. Ano ang isa pang katawagan sa mga Aeta?
g. Agta
h. Atga
Eta
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA HOME ECONOMICS AND LIVELIHOOD EDUCATION V

Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul


Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Nakapagtatala ng paraan ng pagbebenta ng produkto.
(Affective) Nakapangangalaga ng produktong ipagbebenta.
(Psychomotor) Nakapagbebenta ng paninda sa maayos at
tamang pamamaraan.
Pamagat Tips sa Pagbebenta
Batayan ng Pagtututo Nakapagbebenta ng natatanging paninda
Mga Pagpapahalagang Ituturo Makapamuhay nang ayon sa tamang paraan
Dimensyon Economics
Buod na Pagpapahalaga Sustainable and Human Development
Kaugnay na Pagpapahalaga  Balance Between Economic and Social Dev’t
 Protection of the Environment
 Wise Use of Resources
 Responsible Consumerism
 Productivity and Quality
 Economic Equity
 Work Ethic
 Entrepreneurial Spirit
Sanggunian Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog
http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/
Mga Kagamitan Video, netbook, teksta, manila paper

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng video na nagpapakita ng
pagbebenta ng produkto. At mga kaugalian ng isang entrepreneur

3. Gawain  Direksyon: Ang mga mag-aaral ay igugrupo sa apat na grupo.


Bawat grupo ay bibigyan ng envelope at bawat grupo ay may
nakaatas na paninda na kung saan ay kanilang ititinda sa
pamamagitan ng maikling dula.
Pagkatapos ng gawain ay magtatanong ang guro:
1. Ano-ano ang inyong mga isinaalang-alang pagbebenta ng
inyong produkto?
2. Paano ibenenta ang produkto?
3. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagbebenta ng inyong
produkto sa ibang produkto?
4. Ano ang nagging basehan sa pamamaraan ng pagbebenta
ng produkto?
5. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbebenta ng
produkto?
4. Paglalagom Tips sa Pagbebenta
1. Kilalanin ang iyong mamimili. Ano ang kanilang katangian?
Karamihan ba sa kanila’y bata o may edad na? Babae ba o lalaki
ang tinatarget mong bibili ng iyong produkto?
2. Alamin ang demand para sa iyong produkto. Marami bang
bibili ng iyong produkto? Gamiting basehan ang sariling karanasan,
lalo na kung nakapagsimula ka nang maliit na negosyo. Tingnan kung
gaano kalakas ang negosyo ng kumpetensya. Kumuha ng
impormasyon mula sa diyaryo o sa mga ahensya ng gobyerno.
3. Alamin ang pangangailangan o kagustuhan ng iyong mamimili.
Magbigay o magbenta ng ilang sample ng produkto at kunin ang
reaksyon ng mga mamimili. Gamitin ito sa pagpapabuti ng produkto.
4. Presyuhan ng tama ang produkto. Siguraduhing hindi nalalayo
sa presyo ng kumpetensya ang presyo mo. Kung ibenta ng mas
mahal ang iyong produkto, siguraduhin mong merong katangian ang
iyong produktong wala sa iba.
5. Gumamit ng promotion. Makakatulong ito ng Malaki sa
pagpapabilis ng benta ng iyong produkto.
6. Gumamit ng brand, logo, label at packaging na kaakit-akit at
bagay sa produkto. Ito ang maaaring maging dahilan ng pagpili ng
mamimili ng iyong produkto.
5. Paglalapat Ang mga ma-aaral ay hahatiin sa tatlo. Bawat grupo ay magtatala
gamit ang manila paper at teksta ng mga katangiang dapat angkinin
ng isang entrepreneur upang maging matagumpay. Ito ay ipepresenta
sa harap ng klase.
6. Takdang Aralin Magsagawa ng interbyu sa isang entrepreneur kung papaano ang
pasisimula, pagpapatakbo, at kung ano ang mga salik na dapat
tandaan sa pagpundar ng negosyo. Ilagay ang ito sa isang buong
putting papel kasama ang pirma ng pinagtanungan.
7. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Maglagay ng  sa tapat ng numero kung ang pahayag ay


tama at  kung ang pahayag naman ay mali.
_____1. Alamin at kilalanin ang mga magiging mamimili upang
malaman ang market na kakailanganin.
_____2. Alamin ang pangangilangan ng tao sa bayang paglalagakan
ng paninda.
_____3. Huwag pansinin ang mga taong madungis tingnan dahil wala
naman silang pambili.
_____4.Siraan ang kakompetensyang paninda para sayo bumili ang
mga mamimili nito.
_____5. Siguruhing mmalinis ang iyong produktong ibebenta lalo na
kung ito ay pagkain.
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA HOME ECONOMICS AND LIVELIHOOD EDUCATION V

Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul


Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Naitatala ang mga panuntunan sa pamamahagi ng
dokumento.
(Affective) Napangangalagaan ang mga tool o materyal na
ginagamit sa pamamahagi ng dokumento.
(Psychomotor) Nakapamamahagi ng dokumento sa ligtas na
pamamaraan.
Pamagat Panuntunan sa Pamamahagi ng dokumento at Media file
Batayan ng Pagtututo Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga
dokumento at media file.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Nakapagbibigay opinion sa matalinong pamamaraan
Dimensyon Intellectual
Buod na Pagpapahalaga Truth and Tolerance
Kaugnay na Pagpapahalaga  Love and Truth
 Critical Thinking
 Creativity
 Openness and Respect for Others
 Future Orientation
Sanggunian http://tcsiliganmj.createaforum.com/general-discussion/epp- 5
(second-long-test)/
Mga Kagamitan Video, ppt presentation, bells, netbook, speaker

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Magpapakita ng video na nagpapahayag ng mga dapat gawin
sa pamamahagi ng dokumento ang guro.
1. Bakit kaialngang alamin ang panuntunan sa pamamahagi
ng dokumento?
2. Ano ang maaaring maging implikasyon ng pamamahagi ng
dokumento nang hindi nalalaman ang mga panuntunan?
3. Tumukoy ng dalawang paraan ng pamamahagi ng
dokumento.
3. Gawain <Isang tanong Isang Sagot>
 Direksyon: Hahatiin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral.
Magpapakita ang guro ng isang presentatasyon na siyang
naglalaman ng mga katanungan. Bawat tanong ay may tatlong
mag-uunahang makasagot na mga nagrerepresenta ng bawat
grupo. Ang siyang may pinakamaraming tamang naisagot na
grupo ang siyang panalo.
4. Paglalagom Kailangang alam ang mga panuntunan sa pamamahagi ng
dokumento upang maging ligtas mula sa maling mga impormasyon,
virus sa computer at plagiarism.
Mga Panuntunan sa pamamahagi ng dokumento:
1. Tiyakin na walng virus ang USB, ipasok at i-scan ito sa
computer upang hindi masira ang mga dokumento.
2. Kailangang tugma ang e-mail address sa taongg sesendan mo
nito.
3. Tiyaking may pahintulot sa nagmamay-ari bago i-send sa iba.
4. Huwag magbubukas ng anumang e-mails na galing sa ibang
hindi kilala.
5. Gumamit ng iba’t ibang aplikasyon sa internet.

5. Paglalapat Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa isang website/fb group na


ginawa ng guro at ibabahagi ang saloobin hinggil sa cyber bullying na
nakalagay sa Microsoft word.
6. Takdang Aralin Maghanap ng mga website o facebook group na edukasyunal at
magsagawa ng obserbasyon dito hinggil sa Kung ito ay sumusunod
sa mga panuntunang tinalakay, ilagay kung ano ang mga hindi
sinunod at ano negatibo sa grupo hinggil sa pamamahagi ng
dokumento. Ilagay ang mga sagot at pangalan ng grupo sa isang
buong papel.
7. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Maglagay ng  sa tapat ng numero kung ang pahayag ay


tama at  kung ang pahayag naman ay mali.
_____1. Tiyaking may pahintulot sa may-ari ng dokumentong
kukunin.
_____2. Siguruhing walang virus ang gagamiting USB upang hindi
makaapekto o makasira ng kompyuter.
_____3. Hindi na kailangang mag log out sa email na ginamit
matapos makuha ang dokumentong kailangan.
_____4. Tiyaking tugma ang email na gagamitin.
_____5. Siguruhing na eject ng maayos ang gamit na USB.
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA HOME ECONOMICS AND LIVELIHOOD EDUCATION V

Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul


Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Natutukoy ang mga instrumentong maaring gamitin sa
pamamahagi ng dokumento.
(Affective) Nakikiisa sa pagsulong ng tamang pamamahagi ng
dokumento.
(Psychomotor) Nakapamamahagi ng dokumento sa ligtas na
pamamaraan.
Pamagat Ligtas na Pamamahagi ng Dokumento
Batayan ng Pagtututo Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at
responsableng pamamaraan.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Napapangalagaan ang pamamahagi ng tamang impormasyon
Dimensyon Intellectual
Buod na Pagpapahalaga Truth and Tolerance
Kaugnay na Pagpapahalaga  Love and Truth
 Critical Thinking
 Creativity
 Openness and Respect for Others
 Future Orientation
Sanggunian http://tcsiliganmj.createaforum.com/general-discussion/epp- 5
(second-long-test)/
Mga Kagamitan Cellphone, timer, internet, laptop/netbook

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
1. Pagganyak <Share the Message>
Hahatiin sa limang grupo ang mga mag-aaral. Ang guro ay
magpapasa ng isang dokumento gamit ang cellphone sa bawat
isang miyembro ng limang grupo at ito ay ipapasang muli ng
paisa-isa bawat miyembro ng grupo hanggang sa ito ay
makarating sa huling miyembro. Babasahin ang tanong sa
dokumento at sasagutan, pagkatapos ay muling ipagpapasa
pasahan ng mga miyembro hanggang sa makarating sa guro ang
dokumento. Ang mauunang matanggap ang dokumento at tama
ang sago tang siyang panalo.
1. Ano-ano ang madali at mahirap na bahagi ng gawain?
2. Paano naging maayos na naipasa ang dokumento sa bawat
miyembro ng grupo?
3. Anong istratehiya ang ginamit sa pagpapasa ng dokumento?
5. Gawain  Direksyon: Ang mga mag-aaral ay mahahati sa limang grupo.
Bawat grupo ay mamahagi ng dokumento gamit ang
instrumentong nabunot (shareit, Bluetooth, group chat, Email,
facebook).
1. Ano-ano ang mga isinaalang-alang sa pagpapasa ng
dokumento gamit ang instrumento?
2. Ano ang mga problemang kinaharap sa paggamit ng
instrument sa pamamahagi ng dokumento?
3. Ano ang naging batayan sa paggamit ng instrumeto sa
pamamhagi ng dokumento?
4. Ano ang kahalagahan ng nalalaman ang panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento?
5. Ano ang naging implikasyon ng paggamit o pagsunod sa
mga panuntunan ng pamamahagi ng dokumento sa
pagsasagawa ng task o gawain.
6. Paglalagom File sharing ay ang pagsasanay ng pamamahagi o pagbibigay ng
access sa mga digital na media, tulad ng mga programa sa computer,
multimedia (audio, mga imahe at video), mga dokumento o
elektronikong libro. Ito ay nagsasangkot ng iba’t ibang mga legal na
aspeto nang mas madalas ito ay ginamit upang makipaggpalitan ng
legal na aspeto nang mas madalas ito ay ginagamit upang
makipagpalitan ng intellectual property na ito ay napapailalim sa
batas ng copyright o paglilisensiya.
Mga halimbawa ng mga dokumentong naibabahagi:
doc.,docx, .pptx., pdf., txt., xls.

7. Paglalapat Ang limang grupo ay bibigyan ng iba’t ibang katanungan at kanila


itong sasagutan gamit ang Microsoft word. Ang sagot ng bawat grupo
ay ibabahagi sa facebook group na ginawa ng guro para sa klase.
8. Takdang Aralin  Magtala ng mga app at sites na ginagamit sa pamamahagi ng
dokumento at kung paano ito gamitin. Ito ay ilagay sa isang
buong puting papel.
9. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Maglagay ng  sa tapat ng numero kung ang pahayag ay


tama at  kung ang pahayag naman ay mali.
_____1. Siguraduhing walang iligal na pamamahagi ng dokumento sa
forum na sasalihan upang hindi madamay.
_____2. Ang pagmumura sa social media ay normal lamang at hindi
maiiwasan.
_____3. Siguraduhing ang forum o grupong sasalihan ay
makatutulong sa iyo bilang isang indibidwal o mag-aaral.
_____4. Makipagtagpo sa bagong kakilala sa grupong sinalihan ay
ayos lamang.
_____5. Ang pagbibigay ng personal na impormasyon tulad ng
tirahan ay iwasang gawin upang makaiwas sa kapahamakan.
REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
South Luzon Campus

BANGHAY ARALIN SA HOME ECONOMICS AND LIVELIHOOD EDUCATION V

Inihanda ni: Sinayanan A. Rasul


Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Conitive) Naitatala ang mga panuntunan sa pagsali sa mga
discussion forum at chat.
(Affective) Nakikiisa sa mga discussion forum o chat na
makahulugan ang layunin.
(Psychomotor) Nakakagamit ng chat sa ligtas na pamamaraan.
Pamagat Panuntunan sa Paggamit ng Discussion forum at Chat
Batayan ng Pagtututo Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion
forum at chat.
Mga Pagpapahalagang Ituturo Napapangalagaan ang sarili
Dimensyon Moral
Buod na Pagpapahalaga Love and Goodness
Kaugnay na Pagpapahalaga  Self-worth/Self Esteem
 Goodness
 Honesty/Integrity
 Personal Discipline
 Courage
 Trust
 Comapassion (Caring and Sharing)
Sanggunian http://tcsiliganmj.createaforum.com/general-discussion/epp- 5
(second-long-test)/
Mga Kagamitan Video, Netbook, speaker, bell, wifi

1. Lunsaran - Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Review or checking of assignments
2. Pagganyak Magpapanuod ng maikling video ang guro na nagpapakita ng mga
taong gumagamit ng chat at discussion forum.
1. Ano ang iyong napansin sa ipinakitang video?
2. Sa iyong palagay, ano-ano dapat ang ginawa at hindi ginawa
ng taong ipinakitang gumagamit ng chat?
3. Ano-ano ang mga dapat iwasan sa paggamit ng chat?
10. Gawain Hahatiin sa tatlong grupo ang mga maag-aaral. Magpo-post
ang guro ng mga katanungan, kailangan mag-unahan ang
bawat grupo sa pagpost ng comment na naglalaman ng sagot
para manalo. Ang lahat ng nangyayari sa site ay makikita sa
buong klase dahil sa monitor na nakakonekta sa netbook.
1.Paano ang nagging pamamaraan niyo ng pagsagot?
2. Sa iyong palagay ano ang naging maganda ba ang
paggamit ng internet sa pagsasagawa ng gawain? Bakit oo?
Bakit hindi?
11. Paglalagom Discussion forum ay isang bertuwal na lugar sa internet kung saan
maaaring makapag-usap at makapamahagi ng impormasyon nang
mas madali sa maraming tao.
Mga panuntunan sa paggamit ng Forum at Chat:
1. Magpost sa tamang forum/thread/seksyon.
2. Huwag gumamit ng masamang salita. Alalahanin ang tamang
netiquette at gamitin.
3. Dapat walang spam ang alinmang forum post o pribadong
mensahe.
4. Kung umiiral na ang thread pagkatapos ay i-post sa thread na
iyon.
5. Siguraduhing walang iligal na pamamahagi ng copyright items.

12. Paglalapat Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa isang website/fb group na


ginawa ng guro at ibabahagi ang saloobin hinggil sa cyber bullying.
13. Takdang Aralin  Maghanap ng mga website o facebook group na edukasyunal
at magsagawa ng obserbasyon dito hinggil sa kung ano an
tinatalakay ng grupo, sinu-sino ang mga kasali rito, at kung ito
ba ay aktibo pa hanggang sa kasalukuyan. Ilagay ang mga
sagot at pangalan ng grupo sa isang buong papel.
14. Pagtataya
Pangalan: ____________ Petsa: ______
Baitang at Pangkat: ____________

Direksyon: Bilogan ang letra ng tamang sagot.


Direksyon: Maglagay ng  sa tapat ng numero kung ang pahayag ay
tama at  kung ang pahayag naman ay mali.
_____1. Siguraduhing walang iligal na pamamahagi ng dokumento sa
forum na sasalihan upang hindi madamay.
_____2. Ang pagmumura sa social media ay normal lamang at hindi
maiiwasan.
_____3. Siguraduhing ang forum o grupong sasalihan ay
makatutulong sa iyo bilang isang indibidwal o mag-aaral.
_____4. Makipagtagpo sa bagong kakilala sa grupong sinalihan ay
ayos lamang.
_____5. Ang pagbibigay ng personal na impormasyon tulad ng
tirahan ay iwasang gawin upang makaiwas sa kapahamakan.

You might also like