Professional Documents
Culture Documents
Tinuruan ako ni Nanay kung paano ko malalaman ang alas sais ng hapon sa orasan. Ang mahabang
kamay ay nakatapat sa pinakamataas na parte at ang maliit na kamay ng orasan ay nakatapat naman
sa pinakamababang bahagi. Isang nakatayo at tuwid na linya. Parang poste sa kalsada.
Bago dumating ang oras na iyun, inihahanda ko na ang sarili ko. Kakain na agad ako ng hapunan.
Maglilinis na kaagad ako ng katawan. Maghihilamos at magsisipilyo.
Alam ninyo ba kung bakit paborito ko ang alas sais ng hapon? Dahil ito ay oras para makausap ko ang
Tatay kong nasa kabilang panig ng mundo. Abroad daw ang tawag sa lugar na iyun at chat daw ang
tawag kapag kausap namin siya, sabi ni Nanay.
“Robert, anak, halika na. Maupo ka na dito. Kakausapin ka ng Tatay mo,” anyaya sa akin ni Inay
pagkatapos nilang mag-usap. Uupo ako sa harap ng kompyuter. Ako naman ang makikipag-usap sa
Tatay ko. At lalo akong mamamangha dahil kausap ko na naman ang Tatay ko nasa kabilang panig ng
mundo.
Magaling ang Tatay ko. Kahit anong itanong ko sa kanya, parati siyang may sagot.
E, kasi anak, kapag nakadilat yung mata natin kapag tulog, parati
kang maiistorbo sa pagtulog ng mga nakikita mo.
Kaya simula noon, paborito ko na ring alagaan ang mga alagang rosas
ni Nanay sa bakuran.
Sabi niya, iyun daw ang pinakamainam na oras dahil magkaiba ang
oras namin. Umaga daw dito, gabi naman doon.
Sabi niya, bilog kasi ang mundo at umiikot daw ito sa araw.
Matututunan ko rin daw iyun kapag nag-aaral na ako.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. May bahay, may bakod, may
ulap, may bundok, may mga puno, si Nanay, ako at si Bantay.