You are on page 1of 15

KABANATA I

PAGTUKOY SA MGA SULIRANIN SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAGAARAL SA UNANG TAON NG "BACHELOR OF SCIENCE IN MARINE
TRANSPORTATION" NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY, LUNGSOD
VALENZUELA

PANIMULA
Sa araw-araw, ibat-ibang klase ng balita ang ating hinahanap at inaalam.
Karaniwang hinahanap natin ang balitang nauukol sa ating interes at pangangailangan.
Napakarami na nating mapagkukunan nito, halimbawa nito ay ang dyaryo, radyo,
telebisyon, internet at social media. Mahalaga na alam ng bawat marino ang mga
napapanahong kagamitang pangkaligtasan, tulad ng paggamit ng PERSONAL LIFE
SAVING APPLIANCES, upang sa gayon ay maaari tayong makapaghanda at maiwasan
ang higit na kasakunahan.
Dapat sa unang taon palang ng kursong marino ay alam na ang paggamit ng
kagamitang pangkaligtasan. Sa panahong ngayon, marami ng makabagong teknolihiya
pangkaragatan kaya dapat itong pag-aralan at pagsanayan. Dapat bigyang halaga ng mga
paaralan ang kursong marino sa paggamit ng mga kagamitang pangkaligtasan para sa
mga nais maging marino.
Mayroon na tayo ngayong di mabilang na sanggunian tungkol sa kaalamang
pangkaligtasan na nakalathala sa mga babasahin pati na sa internet o online. Subalit kahit

sa mga pagunlad na ito, mukhang marami pa ring dapat na matutunan para sa mga
kagamitang pangkaligtasan para sa mga nais tahakin ang pagiging marino upang
makapaghanda sa mga sakunang haharapin sa barko.
Mahalagang malaman ito ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong
Marine Transportation dahil ang kahandaan sa pagdating ng sakuna ay napakakritikal
ngunit marami pa rin ang pumipili na maging di-handa. Hangad lamang ng pananaliksik
na ito na magkaroon ng interes ang mga estudyante na pag-aralan at bigyang pansin ang
mga kaalamang kagamitang pangkaligtasan (Personal Life Saving Appliances) gayon din
ang pagkuha ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa kursong tinahak
nila.
Nais ng mga mananaliksik na maipakita ang kahalagahan ng pagiging
maalam sa mga kagamitang pandagat sa kahit anong klase ng teknolohiya na available sa
kanya, dyaryo, telebisyon o internet man. Ipinapakita ng pananaliksik na ito, na ang
pagiging maalam sa mga
kagamitan ng pagiging marino, pagkakaroon ng kahandaan

at kasanayan sa mga

kagamitang pangkaligtasan (Personal Life Saving Appliances) ay dapat na taglayin ng


isang mag-aaral.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Walang ispesyal na pagaaral at pagtuturo para dito sa ating mga paaralan,
kung mayroon man ay bibihira lamang at hindi lubos ang pansin na ibinibigay dito.

Umaasa lang din tayo sa mga sanggunian na gawa ng ibang bansa at umaangkat ng mga
kagamitan dahil wala tayong kakayahang makagawa ng pansarili at nakabatay ng husto
sa pangangailangan natin.
Sa pamanahong papel na ito, nais ng mananaliksik na magbigay linaw sa
persepsyon at pagpapahalaga ng mga magaaral sa mga kaalaman at kagamitang
pangkaligtasan nang sa gayon ay maging daan ito upang matuklasan at malaman ng mga
mag-aaral mula sa kursong Marine Transportaion ng Our Lady Of Fatima University,
taong 2016-2017 ang mga hakbanging dapat nilang gawin tungo sa mas ligtas na
paglalayag sa karagatan.

Mga katanungan para sa mas pinalawak pang kaalaman:


1. Nakakakuha ba sa paaralan ng lubos na kaalamang pangkaligtasan ang mga magaaral?
2. May interes ba ang mga magaaral sa mga kaalamang pangkaligtasan at sa
pagkakaroon ng kagamitang pangkaligtasan (Personal Life Saving Appliances)?
3. May nakakalap kabang impormasyong tungkol sa mga kagamitang
pangkaligtasan sa kursong pagmamarino?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito, ay alamin kung gaano kalawak
ang kaalaman ng mga magaaral tungkol sa mga kagamitang pangkaligtasan (Personal
Life Saving Appliances) at mga dapat gawin dito. Higit sa lahat ay kung mayroon ba
silang kakayahan at kasanayan sa paggamit nito. Gayon din kung may interes silang
alamin ang mga kaalaman tungkol sa mga ito na makatutulong sa kanilang seguridad at
nang mapagtimbang ito ng mga estudyante na maaaring makatulong sa kursong kanilang
pinag-aaralan.

TIYAK NA LAYUNIN
1. Malaman kung ano ang nakapaloob sa kursong Bachelor Of Science in Maritime
Transportation?
2. Mababatid ang ibat ibang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa suliranin sa pagaaral ng mga marino sa unang taon?
3. Masabi ang maidudulot na epekto ng makabagong teknolohiya pangdagat ?
4. Matukoy kung ilan sa kanila ang handa o hindi handa sa mga suliraning
pandagat?
5. Batay sa nakuhang sarbey, malaman kung interes ng mag-aaral na maalam at
dapat taglayin ng bawat mag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Mamumulat ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng oras at panahon sa
pag-alam ng mga kaalamang pangkaligtasan na maaaring makapagligtas sa kanila at sa
mga kapwa marino nila sa panahon ng sakuna. Para mapalawak ang kaalaman sa
paggamit ng mga kagamitang pangkaligtasan. Upang sa pagkakaroon ng mga mag-aaral
ng interes sa kaalamang pangkaligtasan pangdagat ay magkakaroon din ng kapanatagan
ang mga magulang na kahit saan man mapunta ang mga anak ay may baon silang
kaalaman at dunong upang mapanatiling ligtas ang sarili sa harap ng sakuna ng
karagatan.

BATAYANG KONSEPTWAL O PARADYM


Ang konseptong sakuna ay ang seryosong pagkaantala ng mga hindi
inaasahang pangyayari. Ang sakuna sa barko ay maaaring gawa ng tao o pagkasira ng
mga makinarya sa barko. Ang sakuna ay hindi natin alam kung kailan dadarating kaya
dapat mabatid sa kaisipan ng mga nais mag marino ang paggamit ng mga kagamitang
pangkaligtasan (Personal

Life

Saving Appliances).

Kinakailangan

lamang

na

magkainteres at magkaroon ng pagpapahalaga ang bawat marino para dito at ng sa gayon


ay masumpungan paghahangad ng marami pang kaalaman ukol dito.

PINAGBATAYAN

A. Ang pananaliksik
na ito ay naglalayon
na matukoy ang
mga suliranin sa
pag-aaral ng mga
piliing mag-aaral sa
unang
taon
ng
Bachelor
of
Science in Maritime
Transportation

KALALABASAN
PROSESO
NG
PAGAARAL
Ang mga paraan na
gagamitin
ng ang
mga
A. Matukoy
pananaliksik
ay:
mga suliranin sa
pag-aaral ng mga
1. Sarbey
marinong nasa
taon.
2. unang
Interbyu
Maipabatid ang
3. B.
Internet
kahandaan at
4. kaligtasan
Libro
ng magaaral sa unang taon
ng mag-aaral ng
Bachelor of

SAKLAW AT LIMITASYON
Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri kung may pagpapahalaga
ba ang mga mag-aaral sa mga kaalamang pangkaligtasan lalot higit sa pagkakaroon ng
kagamitang pangkaligtasan (Personal Life Saving Appliances). Gayon din kung may
nararamdaman silang pagpapahalaga sa mga kaalaman at kagamitang pangkaligtasan
mula sektor ng pamahalaan o paaralan.
Ang mga palagay ng mga estudyante kung nakakakuha ba sila sa paaralan
ng lubos na kaalamang pangkaligtasan at ay isa sa mga tatalakayin sa pananaliksik na ito.
Ang sulating ito ay magbibigay diin sa pagmumungkahi na magkaroon tayo ng bukas at
mapanuring isipan tungkol sa pagpapalawak ng ating kaalamang pangkaligtasan lalo na
kapag ang mga marinong mag-aaral ay nasa barko na.

Isinasaalang-alang lamang dito ang opinyon ng mga estudyante ng kursong


Marine Transportation na nasa ika-1 taong antas sa loob ng paaralang "Our Lady Of
Fatima University". Hanggang dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na
masyadong palalawakin pa.
Ang impormasyong nakalap ay ginamitan ng talatanungan, at pinagtibay ng
mga impormasyon na nakalap sa internet, aklatan, mga artikulong may relasyon sa
paksang tinatalakay, at ilang kaugnay na pamanahunang papel upang masuportahan ang
mga nakolektang datos.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop at tunay na napapanahon ang
suliraning ito. Mainam na makaroon ng ganitong klaseng pag-aaral upang mapunan at
malaman ang sagot sa suliraning nararanasan sa kasalukuyan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya pang ginamit

1. Bachelor of Science in Maritime Transportation Isang masusing pag- aaral ang aming
ipinababatid sa mga kapwa marino upang mas lalong maging handa sa paggamit ng mga
kagamitang pandagat.
2. Personal Life Saving Appliances Kahalagahan ng paggamit ng mga kagamitang
pandagat ang ipinahahayag ng aming pananaliksik.
3. Interbyu Isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na kung saan ang
mga katanungan at tatanungin ng tagapanayam ay magtamo ng katotohanan o mga
pahayag mula sa kinapapanayam.
4. Paradym Nagsisilbing pattern o modelo; konsepto at mga kaugaliang bumubuo ng
isang paraan ng pagtingin ng katotohanan.
5. Sarbey Siyasatin ang mga opinion o karanasan ng isang pangkat ng mga tao sa
pamamagitan ng pagtatanong sa kanila.
6. Our Lady of Fatima University (OLFU) isa itong pribadong unibersidad sa Pilipinas
at hinago ang pangalan nito sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima.

KABANATA II
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Marami na ang textbook at workbook na naisulat sa pananaliksik, ngunit karamihan
sa mga iyon ay mga sanggunian at sanayang-aklat sa pananaliksik. Kadalasan, tinatalakay
lamang ang pananaliksik bilang isang asignatura at nilinang ang kasanayan ng mga mag
aaral sa ibat-ibang hakbang ng pananaliksik, mangilan-ngilan lamang ang mga akda,
pag-aaral at literature hinggil sa ebalwasyon o pagsusuring pananaliksik.

A. DAYUHAN:
Ayon sa isang awtor na

B. LOKAL:

KABANATA III
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral ay palarawan o deskriptong
pamamaraan na kung saan isang paglalarawan sa pagtukoy sa mga suliranin ng kursong
Bachelor of Science in Maritime Transportation sa Our Lady of Fatima University ng
mga piling mag-aaral sa unang taon bilang mga respondent na sasagot sa sarbey na
ginawa ng mga mananaliksik.

Respondente
Ang mga mananaliksik ay pinili ang iilang mag-aaral ng Our Lady of Fatima
University bilang mga respondent na sumagot sa sarbey. Sapagkat nais malaman ng mga
mananaliksik ang ibat ibang opinyon ng bawat marino sa unang taon. Napagdesisyonan
ng mga mananaliksik na ang bilang ng mga respondente ay 20.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga gagamitin ng mga mananaliksik ay sarbey kwestyuner sa sasagutan ng
mga respondente. Nagtungo ang mananaliksik sa Our Lady of Fatima University upang
magsagawa ng panayam sa mga piling mag-aaral. Nagsagawa din ng masusing
paghahanap ng datos ang mga mananaliksik tulad ng libro, internet at impormasyon sa
mga suliranin ng mga mag-aaral sa unang taon ng Bachelor of Science in Maritime
Transportation.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga datos sa pamamagitan ng mga sarbey
na ipinasagot sa mga magiging respondent at masusing paghahanap ng impormasyon,
opinion at reaksyon ng mga mag-aaral, awtor at iba pang kinauukulan tungkol sa mga
Suliranin sa Pag-aaral ng mga Unang taon sa kursong Bachelor of Science in Maritime
Transportation.

Istatistikal na Tritment ng mga Datas


Ang istatistikal na ginamit sa datos ay P= f/N X 100 na kung saan ang:
P-bahagdan ng sumagot na respondent
f-bilang ng respondenteng sumagot
N-kabuuang bilang ng repondente

PAGTUKOY SA MGA SULIRANIN SA PAG-AARAL NG MGA PILING


MAG-AARAL SA UNANG TAON NG "BACHELOR OF SCIENCE IN MARINE
TRANSPORTATION" NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY, LUNGSOD
NG VALENZUELA

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Filipinong Kolehiyo ng Sining at


Agham

Bilang bahagi ng Pangangailangan sa asignaturang Filipino 2A Pagbasa at Pagsulat


Tungo sa Pananaliksik

Santos, Jimboy

Almario, Mark Joseph

Daria, Ace

Aguilar, Gerome

Poyaon, Christian

Ocampo, Jic

Marasigan, Kevin

Ikalimang Pangkat
BSMT 1Y2-1

PAGTUKOY SA MGA SULIRANIN SA PAG-AARAL NG MGA PILING


MAG-AARAL SA UNANG TAON NG "BACHELOR OF SCIENCE IN MARINE
TRANSPORTATION" NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY, LUNGSOD
VALENZUELA

Santos, Jimboy
Almario, Mark Joseph
Daria, Ace
Marasigan, Kevin
Poyaoan, Christian
Ocampo, Jic
Aguilar, Gerome

Bilang bahagi ng Pangangailangan sa asignaturang sa Filipino 2A: Pagbasa at Pagsulat


tungo sa Pananaliksik, ay daan sa pamamagitan ng Oral Defense, at inirekomenda para
tanggapin at pagtibayin.

Tagapayo
Panel ng EVALYUWEYTOR
Pinatibay ng komitee ang Oral Defense na may marka
Chairman ng Depensa

Member

Member

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignatura sa Filipino 2A: Pagbasa at


Pagsulat sa ibat ibang Disiplina tungo sa Pananaliksik. Ang pamanahong papel na ito na
pinamagatang, Pagtukoy sa mga suliranin sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral sa
unang taon sa Bachelor of Science in Maritime Transportation ng Our Lady of Fatima
University na buong pusong inihanda ng mga mag-aaral sa BSMT 1Y2-1 na binubuo
nina:
Santos, Jimboy

Almario, Mark Joseph

Daria, Ace

Aguilar, Gerome

Poyaon, Christian

Ocampo, Jic

Marasigan, Kevin

Tinatanggap sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Kagawaran ng Edukasyon OLFU,


bilang isa sa mga pangangailangan ng asignatura Filipino 2A: Pagbasa at Pagsulat sa ibat
ibang Disiplina tungo sa Pananaliksik.

Tagapayo

Dekano, CAS

You might also like