You are on page 1of 1

ABSTRAK

Pangalan: ___________________________ Petsa: _______________________


A. I-highlight ang Introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon sa talata.
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang
mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,pagtatalumpating
impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-
apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento
at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa
pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral.
Epekto ng labis na paglalaro ng Internet Games sa kabataang nasa 10-15 taong gulang
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang mga epekto sa pag-aaral at pang araw-araw na pamumuhay ng
mga kabataang nalulong sa paglalaro ng mga Internet Games. Ang pamamaraan ng pagkalap ng mga datos ay ang mga
impormasyon mula sa pag-aaral ng isang eksperto na nagsaliksik para matukoy ang pag-uugaling pagkalulong sa
paglalaro sa internet. Saklaw ng pagaaral na ito ang mga kabataang nasa 10-15 taong gulang na naninirahan sa United
Kingdom at nasuri ng National Health Service tungkol sa kanilang pagkalulong sa internet games.Ang naging resulta ng
pananaliksik na ito na ang siyam na porsyento sa tatlong libong mga bata sa elementarya at sekondaryang paaralan ang
nalulongsa paglalaro sa internet at ang labis na paggamit ng iba’t-ibang gadget ay nakakaapekto sa pag-iisip at pag-
uugali ng mga bata kaya kinakailangan ng gabay ng magulang. Mga bata na may SDD ay kumukuha ng kanilang aparato
sa sandaling nagising sila at kumain sa hapag. Mga mata nakadikit sa screen, naglalaro ng mga laro, nanonood ng
palabas, o pagmamanipula. Maaring namanitong mabigyan solusyon ng kanilang mga magulang, bigyan lamang ng oras
sa paggamit nito ang kanilang anak, bigyan ng ibang libangan upang ditto matuon ang kaniyang atensiyon at oras.

B. Pagkakasunod – sunod ng Talata/Abstrak


KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG EDUKASYON
PANGGURO
ALICE CABINGAN, ROSE MARIE MERCADO, EMMANUEL REYES, GLOMY SERRANO
alice.cabingan@g.batstate-u.edu.ph, rosemarie.maercado@g.batstate-u.edu.ph,emmanuel.reyes@g.batstate-u.edu.ph, glomy.serrano@g.batstate-
u.edu.ph
https://orcid.org/0000-0002-5939-5241, https://orcid.org/0000-0002-6240-6060,
https://orcid.org/0000-0002-3313-9450, https://orcid.org/0000-0002-4394-8251
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, Pambansang Pamantasan ng Batangas

ABSTRAK
1. Magkaiba ang antas ngkakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa wika sapagkat nagkakaiba-iba rin
ang antas ngkahirapan ng paggamit nito.
2. Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaralsa unang
antas sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.
3. Natuklasan sa pananaliksik na may pagkakaiba ang kakayahan ng mga mag-aaralsa bawat bahagi ng
pananalita. Sa bahagi ng pangnilalaman, lubhang mataas ang antas ngkakayahan ng mga mag-aaral sa
paggamit ng panghalip, subalit sa paggamit ng pandiwa sapangungusap, nangangailangan pa ang mga
mag-aaral ng malalim na pag-unawa na maykatamtamang antas ng kakayahan.
4. Nilalayon nito na matukoy ang kakayahanng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bahagi ng pananalitang
pangnilalaman at pangkayarian,gayundin, nilalayon nitong mailarawan ang pagkakaiba ng kakayahang
panggramatika ng mgamag-aaral sa mga bahagi ng pananalita.
5. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibongkwantitatibong metodo sa pagkuha ng mga datos,
random sampling para sa pagpili ng mgarespondente ng pananaliksik. Ang mga respondente ay mga mag-
aaral mula sa unang antas ngKolehiyo ng Edukasyong Pangguro na may kabuoang bilang na dalawang
daan at dalawampu'tdalawa (222).
6. At panghuli, nilalayon din nitong makabuo ng binalangkasna modyul na makatutulong sa mga mag-aaral
upang lalo pang malinang ang kakayahan sawastong paggamit sa mga bahagi ng pananalita.
7. Sa bahagi ng pangkayarian, mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-gamit ng pangatnig,
samantalang nangangailangan pa ng kahusayan sapag-unawa sa bahagi ng pang-ukol.
8. Batay sa pananaliksik, natuklasang nangangailangan pa ngmga karagdagang pagsasanay sa paggamit ng
gramatikang Filipino.

Susing Salita: wika, gramatika, deskriptibong kwantitatibong metodo, Pilipinas

1.H 2.A 3.E 4. B 5. D 6. C 7. F 8. G

You might also like