You are on page 1of 14

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/320357596

Pagharap at Pagtugon sa Kakulangan ng Kahandaang Magturo sa mga


Estudyanteng may Kapansanan sa Pandinig: Pagsipat sa Karanasan ng mga Guro
sa Maritime University

Conference Paper · February 2013

CITATIONS READS
2 5,523

1 author:

Arvin Kim Ascano Arnilla


Aklan State University
13 PUBLICATIONS   4 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Arvin Kim Ascano Arnilla on 12 October 2017.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Pagharap at Pagtugon sa Kakulangan ng Kahandaang Magturo sa mga
Estudyanteng may Kapansanan sa Pandinig: Pagsipat sa
Karanasan ng mga Guro sa Maritime University

Arvin Kim A. Arnilla

School of Arts and Sciences


Aklan State University
kimpoiarnilla@gmail.com

SILAWAN 2013: Pedagohikal at Inklusibong Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino


Saint Louis University, Baguio City.
Pebrero 20 - 22, 2013

Introduksyon
Ang mahusay na guro ay malikhain at mapamaraan sa harap ng mga kakulangan sa

kahandaan at maging sa kagamitan upang maisakatuparan ang hangaring magturo. Ngunit paano

kung sadyang taliwas sa regular na kalakaran ang pangangailangang pampagkatuto at paraan ng

pagkatuto ng mga estudyanteng kaharap niya? Paano kung ang guro ay walang pagsasanay sa

mga klaseng may estudyanteng taglay ang kapansanan sa pandinig?

Ang kapansanan sa pandinig ay tumutukoy sa bawas na fangksyon o pagkawala ng

normal na fangksyon ng mekanismo ng pandinig (Inciong, et, al, 2007).

Sa Pilipinas, sinasabing 2% ng populasyon ay may kapansanan sa pandinig at ang bilang

na ito ay maari pang tumaas kung isasama sa talaan ang mga mag-aaral na hindi pa umaabot sa

tamang school age pati na rin ang ang mga nawawalan ng pandinig dahil na rin sa katandaan

(Inciong, et, al, 2007).

Nakakalungkot na kakaaunti lamang sa mga may kapansan sa pandinig ang nabibigyang

ng pagkakataong magkaroon ng diploma sa kolehiyo. Ayon kay Salazar-Clemena (2006), 4.13%

lamang sa kanila ang nagtatagumpay sa kolehiyo.

1
Ngunit ayon sa Republic Act No. 9442, kabilang sa mga pribilehiyo ng mga may

kapansanan ay ang akses at tulong sa edukasyon mula sa antas primarya hanggang graduate

school, hangga’t taglay nila ang minimum admission requirements.

Noong 2011, naglabas din ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED),

TESDA, at National Commission on Disability Affairs ng “Guidelines in the Admission of

Students with Disabilities in Higher Education and Post-Secondary Institutions in the

Philippines.” Sinasalamin ng patakarang ito ang pagkilala ng gobyerno sa kakulangan ng

kaalaman sa impormasyon at kahandaan ng mga kolehiyo at unibersisdad patungkol sa

pagtanggap ng mga may kapansanan. Nagreresulta ito sa kawalan ng pagkakataong makapag-

aral ng mga may kapansanan.

Marami na ring mga kolehiyo ang nagbukas ng pinto para sa mga may kapansanan sa

pandinig. Isa sa mga ito ay ang De La Salle – College of Saint Benilde na nagbukas ng isang

academic unit (School of Deaf Education and Applied Studies) para maghatid ng iba’t ibang

programa para sa mga may kapansanan sa pandinig. Magkagayunpaman, ayon kay Salazar-

Clemena (2006), sa kabuuan kulang pa rin ang mga support systems para sa mga may

kapansanan sa pandinig sa ating bansa.

Sa unibersidad na paksa ng aking pagtalakay, tumatanggap din sila ng mga estudyanteng

may kapansanan sa pandinig. Ngunit isinasama sila sa mga regular na estudyante upang

makipagsabayan sa pag-aaral ng kursong Information Technology. Sa lenggwahe ng special

education, sila ay naka-inclusion.

Marami na ring pag-aaral ang tumalakay sa isyu ng inklusyon sa kolehiyo (Hureau, 2008;

Hyde, Ohna at Hjulstad; Cawthon, 2001). At nais ko ring naghain ng isa pang salaysay tungkol

2
sa karanasan ng mga gurong hindi sumailalim sa pagsasanay para espesyalisadong pagtututo

ngunit humaharap sa parehong regular at espesyal na estudyante.

Sa papel na ito, susubukan kong tugunan ang mga sumusunod na layunin.

1. mailahad ang mga panimulang pala-palagay ng mga guro hinggil sa mga

estudyanteng may kapansanan sa pandinig;

2. maisa-isa ang mga hamon kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng mga

estudyanteng may kapansanan sa pandinig;

3. masiyasat ang mga akomodasyong kanilang ginagawa sa kanilang pagtuturo; at

4. masuri ang pangkalahatang bisa ng pagkatuto ng mga estudyante ayon pa rin sa

ebalwasyon ng mga guro.

Metodo ng Pananaliksik

Uri ng Pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng case study. Nagsagawa semi –

structured one-on-one interview at nagpasagot ng pormularyo sa mga kalahok. Content analysis

ang ginamit sa pagsusuri ng naging tugon. Sa pamamagitan nito, masusuri ang mga karanasan ng

mga guro sa kanilang regular na pakikisalamuha sa mga estudyanteng may kapansanan sa

pandinig.

Paraan ng Pagtitipon ng Datos. Ang pagtitipon ng mga datos katulad ng obserbasyon at

anekdota ay nagsimula noong pang Enero 2012. Sa mga panahong ito, bahagi pa ang

mananaliksik ng fakulti ng unibersidad. Kinakausap niya ang kasamahang guro at ang mga

napag-uusapan ay itinatala ang sa kompyuter. Nang lumipat ng pinaglilingkurang unibersida ang

mananaliksik, bahagyang naisantabi ang proyekto. Ngunit noong Setyembre ng nakarang taon,

muling binalikan ang nabinbinng proyekto. At ito na ngayon ang laman ng presentasyon.

3
Bukod sa mga naunang kwento ng karanasan, bumuo ng pormularyo at pinasagutan ito sa

kanila. Nagsagawa rin ng one-on-one na panayam online. Malaki ang tulong ng teknolohiyang

katulad ng Facebook chat, Yahoomail, Gmail, at Short Messaging System (o mas kilala bilang

text messaging) upang makipag-ugayan sa mga gurong.

Kalahok. Ang mga kalahok na sumagot sa pormularyo ay anim (6) na gurong nakaranas

na magturo sa mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig. Lima sa kanila ay nagtuturo ng

mga kurso sa general education at isa naman ang nagtuturo ng major courses sa I.T. Kasama pa

rin sa nagbigay ng kuro-kuro ay dalawa pang kawani ng unibersidad - isang program head ng

I.T. at isang gurong nagtuturo ng wika. Maliban sa isa, lahat ng mga kalahok na guro ay babae.

Lahat ay nagtapos ng masterado sa larangan ng kanilang itinuturo. Ang edad ng mga kalahok ay

nasa pagitan ng 27 – 60 taong gulang.

Lugar ng Pag-aaral. Ang pag-aaral ay isinagawa sa John B. Lacson Foundation Maritime

University – Molo sa Lungsod ng Iloilo na bahagi ng John B. Lacson Foundation. Mayroong

tatlong academic unit ang foundation. Ito ay ang JBLFMU-Arevalo, JBLFMU-Molo at JBLC

Foundation- Bacolod. Taong 2007 nang maging ganap na unibersidad ang dalawang kampus nito

sa Molo at Arevalo samantalang nananatiling kolehiyo ang istatus ng kampus sa Bacolod City.

Kakaiba ang JBLFMU-Molo sapagkat ito lamang ang yunit na tumatanggap ng mga mag-

aaral na may kapansanan sa pandinig. Flagship program nito ang kursong maritime engineering

bukod pa Customs Administration, Shipping Business Administration, Cruise Ship Management,

Tourism, at Information Technology.

Ang pagpasok ng mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig ay resulta ng apela ng

mga magulang ng mga may kapansanan sa pamunuan ng unibersidad. Mangyaring isa sa opisyal

4
ng unibersidad ay may anak na may kapansanan sa pandinig. Ayon sa kanya, kakayanin ng mga

estudyante ang kahingian ng pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan lamang ng tamang pagkakataon at

pagtitiwala sa kanilang kakayahan.

Taong 2003 nang magsimulang tumanggap ng mga estudyanteng may kapansanan sa

pandinig ang dating John B. College Foundation - Molo. Mahigit sa sampung mag-aaral ang

nag-enrol sa kursong BS in Maritime Information Technology na kinalaunan ay naging

Information Technology. Ngunit bago umano napili ang I.T. marami sa kanila ang nagnais na

pumasok sa ibang kursong inihahain ng eskwelahan. Kabilang sa pinagpilian ang maritime

engineering. Subalit mismong ang pamunuan na ng kolehiyo ang pumuna sa hangarin ito dahil

na rin sa istriktong admission requirement ng nasabing kurso.

Sa kasulukuyang semester (AY 2012-2013), apat na lamang ang nagpapatuloy na

estudyanteng may kapansanan sa pandinig. Ayon sa datos ng Program Head ng I.T., nag-iisa (1)

na lamang ang mga estudyante sa parehong una at ikalawang taon. Wala sa ikatlong taon.

Dadalawa (2) na lamang din sa ikaapat na taon.

Konsiderasyong Etikal. Upang mapangalagaan ang identidad ng mga gurong kalahok,

hindi gagamitin ang tunay nilang pangalan. Masasabayan lamang ang kanilang istorya sa

pamamagitan ng paglalarawang gagawin. Nakipag-ugnayan din ang mananaliksik sa

Koordineytor ng Riserts ng unibersidad tungkol sa gagawing panimulang pagtalakay sa inihahain

paksa.

Resulta

Ang bahaging ito ay maglalaman ng mga resulta ng pag-aaral na kabibilangan ng mga

sumusunod: Kahandaan ng mga Guro; Mga Pala-palagay ng Guro sa mga Estudyanteng May

5
Kapansanan sa Pandinig; Mga Hamong Kinaharap ng mga Guro; Mga Teknik ng

Akomodasyon; at Mga Inaasahan at Pagsukat sa Pagkatuto ng mga Estudyante.

1. Kahandaan ng mga Guro

Ang lahat ng mga gurong humaharap sa mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig

ay walang pormal na pagsasanay sa special education. Lahat sila ay nagtapos ng mga kursong di-

gradwado at gradwaong may kinalaman sa mga sabjek na kanilang itinuturo. Ngunit wala sa mga

ito ang kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo ng mga estuydanteng may espesyal na

pangangailangan sa pagkatuto. Sa simula, mayroon umanong agam-agam kung paano magtuturo.

Ayon sa isang gurong bagong pasok, hindi siya sinabihan na mayroong mga

estudyanteng may kapansanan sa pandinig sa klase. Binulungan lamang siya ng kasamahang

guro. Sinabihan din siyang may kasamang sign language interpreter ang mga estudyante na

magsasalin sa kanyang sinasabi.

Ang kakulangan sa pre-service at in-service trainings sa pagtuturo ng mga espesyal na

estudyante ay tinugunan ng sariling pagsisikap na matuto ng estratehiya sa pagtuturo at teknik sa

akomodasyon.

2. Mga Pala-palagay ng mga Guro sa mga Estudyanteng May Kapansanan sa Pandinig

Ayon sa mga guro, ang pagtuturo nila sa mga estudyanteng may kapasanan ay

magbibigay sa kanila ng bago at masayang karanasan bilang mga guro. Ayon sa isang guro na

nagtuturo ng professional subject sa I.T. “na-challenge ko magtudlo sa ila pero budlay

gid”(Nahahamon ang kakayahan kong turuan sila pero ang hirap talaga.)

6
Subalit mas mababa ang kakayahang kognitib kung ihahambing sa mga “regular” na

estudyante. Mangangailangan ng mas maraming oras kung ihahambing sa mga regular na

estudyante. Pumasok lamang sa unibersidad para lang masabing nakaapag-aral ng kolehiyo

3. Mga Hamong Kinaharap ng mga Guro

Komunikasyon. Nagkakaisa ang mga guro na komunikasyon ang pangunahing suliranin

ng mga guro sa kaanilang mga estudyante. Obvious ito dahil hindi sila nagkaintindihan. Kagaya

ng nasabi na, hindi bihasa o walang talagang alam sa sign language. Dito rin lumabas ang ilang

kuro –kuro tungkol sa mga interpreter. Sabi ng isang guro: “Sometimes absent sila, di ko kabalo

mag-sign language” (Kung minsan ay absent sila, di ko alam kung paano mag-sign language).

Sinabi pa ng isang gurong nagtuturo ng kursong Rizal,

Naham-ot ko sa mga HI students ko bala kay delayed ila reaction sa akon mga
punchlines. Gakirinadlaw ang mga kaklase nila sila nagahulat pa sang ila interpreter.
Tapos gakadlaw man japon sila.

Natutuwa ako sa mga HI students ko kasi nahuhuli ang mga reaksyon nila sa aking mga
punchlines. Nagtatawanan na ang mga kaklase nila, sila naghihintay pa sa kanilang
interpreter. Tapos tumatawa din sila.

May kinalaman pa rin sa isyung iyan ang karanasan ng isa pang guro na nagtuturo ng

naman ng Filipino nang minsang nagwasto sila ng eksam. Sabi ng guro,

Ginhawa ko kasenyas sang letra sang sabat, guinsilingan ko nila nga “Maam, sala.”
Gali kay sala guid man ang senyas ko sa letra nga ginahambal ko.”

Senyas ako nang senyas ng letra ng sagot, sinabihan ako nilang “Maam, mali po. ‘Yun
pala mali talaga yung senyas ko sa sinasabi ko.”

Atensyon. Suliranin din ng mga guro ang atensyon ng mga estudyante. Para raw may

sariling mundo kung minsan ang mga estudyante dahil mistulang walang pakialam sa mga

7
tinatalakay sa loob ng klase. Paano kung may ikinaiirita ang guro sa sitwasyon sa lob ng klase?

Sa pagkukuwento ng isang guro, medaling maramdaman ng mga regular na estudyanteng ang

medyo mainiit na sitwasyon kaya biglang tatahimik ang mga ito. Samantatalang ang mga may

kapansanan ay patuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Ang sign language interpreter ang tatawag

sa atensyon. At saka na lamang sila nag-react. Sa halip daw na mairita pa siya, kumakalma

nalang siya dahil sa medyo kakaibang setup ng kanyang klakse.

Sign Language Interpreter. Kabilang sa patakarang inilabas ng Komisyon sa lalong

Mataas na Edukasyon ang pagtatalaga ng sign language interpreter sa klase na mag-uugnay sa

guro at mga estudyanteng may kapansanan. Nagkakaisa ang mga guro na kahit na hindi opisyal

na kasapi ng klase, itinuturing nga mga guro ang mga interpreter bilang malaking tulong sa

pagkatuturo ng mga mag-aaral. Malaki ring ang kanilang ambag sa sariling pagkatuto ng guro sa

larangang ng sign language. Bagamat natuturo rin ang guro mula sa mga estudyanteng walang

kapansanan na natututo na rin mula sa mga kaklase nila.

Subalit hindi naging madali ang pagpasok ng mga interpreter sa mga klasrum.

Nagkaroon ng samu’t – saring reaksyon tulad ng pagkalito dahil may mga estudyanteng

pumapasok na hindi naman nakauniporme. May ilang guro din na hindi komportable sa

pagkakaroonsl ng mga interpreter sa loob ng klasrum. Ang iba naman ay sinabing excited sila sa

mga interpreter. Ang iba naman ay walang pakialam sa pag-iral ng mga sign language

interpreter. Subalit kagaya nga ng madalas sabihin, nakasanayan din ng mga guro ang pagpasok

ng sign language interpreter.

Hati ang mga guro sa pagsasabing mayroon silang suliranin sa mga sign language

interpreter. Subalit nagkakaisa ang mga guro sa pagsasabing nagagampanan pa rin nang buong

husay ng mga sign language interpreter ang kanilang papel sa klase. Kwento ng isang gurong

8
nagtuturo ng Philippine Constitution: Nang minsang nagklase siya, naging interesado ang sign

language interpreter tungkol sa paksang tinalakay sa klase. Mistulang nakalimutan niyang

nagtatrabaho sila sa loob ng klase. Naging palatanong samantalang nakatunganga ang mga

pinaglilingkuran niyang mga estudyante. Sabi di umano ng interpreter: Bay-e lang da anay sila.

(Hayaan mo na lang muna sila.) Napapangiti na lamang ang guro sa tugon ng sign language

interpreter.

4. Mga Teknik ng Akomodasyon

Para sa major requirement ng kurso, gumagamit din ng magkaparehong panukat ng

pagkatuto. Kabilang dito ang pasulat na pagsusulit (prelim, midterm at faynals), kwises,

resiteysyon sa tulong ng interpreter at pagsulat ng sanaysay. Walang pagkakaiba sa eryang ito.

Iniiba lamang ng ilang guro ang requirement para sa ilang sabjek bilang akomodasyon

bagamat wala ito sa silabus ng kurso. Halimbawa, sa sabjek na Speech Communication kung

saan requirement ang gawaing pasalita katulad ng talumpati, hindi na sila pinagsasalita pa dahil

sa malinaw na dahilan. Binibigyan na lang sila sa ibang gawain.

May ilang pagkakataon sa klase na ang direksyon para sa gawain ay ibinibigay ng guro sa

wikang Hiligaynon. Subalit napagtanto ng isang guro sa major subject na mas nauunawaan ng

mga estudyang ang Ingles kaysa sa Hiligaynon. Sabi niya, “I think mas kabalo [sila] mag-

understand English rather than Ilonggo. (Sa tingin ko, mas nauunawaan nila ang Ingles kaysa sa

Ilonggo.)

Mahusay rin ang awtput ng mga estudyate bagamat suliranin minsan ang pagpasa nito

pagkatapos ng dedlayn.

9
Pasensya. Dahil sa mga kakulangan sa kasangkapang pangkomunikasyon, dinadagdagan

nila ang kanilang pasensya. Kung kailangan ulit-ulitin ang senyas, ginagawa ito ng guro.

“Labaon mo guid imo pasensya mas pa sa mga “normal” nga estudyante.” (Habaan pa yung

pasensya higit pa sa normal na estudyante).

Pangkatan at Iba pang isyu. Pinagpapangkatan din ang mga estudyanteng may

kapansanan kasama ng mga kapwa may kapansanan sa mga gawaing pangkatan. Mas napapadali

umano ang pagsasagawa ng gawain sa ganitong sistema.

Hinahayaan din ng guro na maupo sa kahit saang silya sa loob ng klasrum ang maag-

aaral taliwas sa seat plan na ipinatutupad ng unibersidad. Kailangan lamang daw komportable

sila at nakikita nila ang kanilang sign language interpreter.

5. Mga Inaasahan at Pagsukat sa Pagkatuto ng mga Estudyante

Maliban sa isang guro, lahat ay nagsabing binababaan nila ang kanilang inaasahang

pagkatuto ng mga nasabing estudyante. Batay sa ebalwasyon ng mga guro, natututo ng leksyon

ang mga estudyante bagamat mabagal kung ihahambing sa mga regular na estudyante dahil may

interbensyon pa ang interpreter.

Ayon sa nagtuturo ng professional subject, naniniwala siyang may natututunan sa klase

niya ang mga estudyante. Ngunit may pahabol siyang pahayag na “I doubt [kung] 100% makuha

gid nila kay usually programming and it requires logic. I mean, budlayan sila kung practical kag

kung wala interpreter.” (Duda ako kung 100% na naintindihan nila kay madalas programming at

nangangailangan ito ng lohika. Ibig kong sabihin mahihirapan kung praktika at walang

interpreter.)

10
Ang obserbasyong ito ay alinsunod sa naunang obserbasyon ni Cawthon (2001) na ang

“language delays generally lead to poor academic success and difficulties in classroom

communication.”

Kongklusyon

Hindi maipagkakaila ang kahalagahan ng pagsasanay sa mga guro bago sumabak sa

gagawing pagtuturo. Ngunit sa kasong inilahad, mistulang mga sundalong ipinain sa digmaan

ang mga guro na walang sapat na armas at kaalaman sa kalakaran ng digmaan. Subalit bilang

mahuhusay at matatalinong sundalo, unti-unti ring nakabisado ng mga guro ang mga paraan at

sistema upang makaagapay sa mga hamong bitbit ng mga estudyanteng may kapansanan sa

pandinig.

Ang kawalan ng kodipikasyon ng patakaran kung paano iaakma sa pangangailangan ng

may kapansanan ang kalakaran sa klase ay nagbunga rin ng pagkalito sa bahagi ng guro at

maging sa estudyante mismo.

Kung pagbabatayan din ang mga nagsipagtapos, masasabing kongkreto rin ang

kontribusyon ng program para mga nasabing sektor. Nakapagbigay ito ng pagkakataong

magkaroon ng kasanayan at karangalan ang sektor na minsa’y pinulaan ng lipunan.

Magkagayunpaman, ang pag-aaral na ito ay kumpirmasyon sa resulta ni pag-aaral ni Santos-

Clemena (2006) na bagamat tinatanggap ang mga may kapansanan sa kolehiyo, kulang pa rin

ang support systems para sa kanila.

Rekomendasyon

Bilang mungkahi sa pagsasaayos ng programa, maaring isagawa unibersidad ang mga

sumusunod at may basbas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon at iba pang ahensya ng

gobyerno:

11
1. Magsagawa ang unibersidad ng pagsasanay sa mga guro tungkol sa mga

estratehiya sa pagtuturo ng mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig.

2. Bumuo ng patakaran ang unibersidad tungkol sa pag-empleyo ng mga sign

language interpreter sa loob ng klase.

3. Ipasok sa silabus ang mga teknik sa akomodasyon o mga pagbabago sa

requirement kung ang estudyante ay may kapansanan sa pandinig.

4. Magsagawa ng mas malalim na pangangalap at pagsusuri ng datos na sasakop sa

iba pang stakeholder ng proyektong ito katulad ng mga empleyadong nagbibigay-serbisyo rin sa

mga may kapansanan at maging ang partisipasyon ng kanilang magulang.

Referens

Cawthon, S.W. (2001) “Teaching Strategies in Inclusive Classroom with Deaf Students” Oxford
University Press. Halaw mula sa http://08facep802c-001-inq-speed-i-
deaf.wiki.educ.msu.edu/file/view/Teaching+Strategies+in+Inclusive+Classrooms+With+
Deaf+Students.pdf noong Petsa: Pebrero 12, 2013

Habte, N.B. (2008) “Social Interaction and Participation of Hearing Impaired Students in the
Regular Classroom Setting The Case of Four Hearing Impaired Students in Amhara
Regional State, Ethiopia.” Halaw mula sa
https://www.duo.uio.no/bitstream/handle/123456789/31989/habte.pdf?sequence=2.
noong Pebrero 12, 2013
Hureau, M.S.M (July 2008). “Public speaking and the Hearing-Impaired College Student:
Classroom Communication, Challenges and Rewards” Halaw mula sa
http://www.eric.ed.gov/ Record No. ED502142 noong Pebrero 12, 2013
Inciong, T.G., Y.S. Quijano, Y.T. Capulong, J.A. Gregorio, A. C. Gines. (2007). Introduction to
Special Education. Manila: REX Bookstore.
Salazar-Clemena, R. M. (2006). “The State of Higher Education for Deaf Students in the
Philippines” NTUT Education of Disabilities Vol. 5 Halaw mula sa http://www.tsukuba-
tech.ac.jp/repo/dspace/bitstream/10460/88/1/ETec05_0_06.pdf noong Pebrero 14, 2013

“Theory of Work Adjustment” Halaw mula sa http://www.psych.umn.edu/psylabs/vpr/twa1.htm


noong Pebrero 2, 2012.

12
Ting C. and Linda G. (Vol. 37: Iss. 12, Article 6). “Attitudes of Preservice Teachers Towards
Teaching Deaf and ESL Students” Journal of Teacher Education Halaw mula sa
http://ro.ecu.edu.au/ajte/vol37/iss12/6 noong Pebrero 6, 2013

13

View publication stats

You might also like