You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

A. Pangalan: Luz Marie A. Corvera

B. Mga Artikulo

1. Learning Styles and Preferred Learning Modalities in the New


Normal

1.1 Cabual, R.A. (2021) Learning Styles and Preferred Learning


Modalities in the New Normal. Open Access Library Journal, 8: e7305.
https://doi.org/10.4236/oalib.1107305

1.2 Buod

Ang pag-aaral ay isang walang katapusang proseso at ang isang


proseso ay isang kaganapan na humahantong sa isang tiyak na kinalabasan.
Ang mga mag-aaral maging ang mga guro ay nakaranas ng matinding
pagkabigla sa pagbabago ng paraan ng pagkatuturo at pagkatuto. Digital,
Online modules, Printed modules, synchronous at asynchronous delivery
mode o mga pinagsama-samang paraan sa mga nabanggit. Isa ito sa mga
patunay na ang pandemya ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga mag-
aaral guro sa kadahilanang kailangan nilang gumamit ng iba’t ibang paraan
upang maipagpatuloy ang patuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Reynaldo Abrea Cabual na


Learning Styles and Preferred Learning Modalities in the New Normal na
naglalayong matukoy kung ano ang higit na epektibong paraan ng pagkatuto
na naaayon sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Sa kanyang pag-aaral ay
gumamit siya ng quantitative at qualitatibong pamamaraan. Sapagkat ayon sa
kanyang pag-aaral ang paraan ng pagkatuto at ang mga gustong modalidad
ng pag-aaral ay maaaring gamitan ng quantitative na pamamaraan. Sa
kanyang pagkalap ng mga datos ay ginamit din niya ang Fleming VARK
(Visual, Auditory, Reading/Writing Preference, at Kinesthetic.) Sapagkat ang
mga mag-aaral na nagtatglay ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkatuto.

Qualitatibo naman dahil target din ng kanyang pag-aaral ang


mgaimpormasyong may kinalaman sa sosyolohiya, interpersonal,
anthropolohiya at psychology. Sa kanyang pag-aaral ay gumamit din ng Chi-
Square upang matukoy ang kaibahan ng bawat learning styles.

Batay sa pag-aaral, natuklasan na hindi lamang isa o dalawa ang


paraan ng pagkatuto ang kinakailangan ng mga mag-aaral. Kaya’t
nirekomenda ng naturang pag-aaral na magsagawa ng pagkalap ng
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

impormasyon tungkol sa preperabling paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral


bago magsagawa ng mga gawain para sa mga mag-aaral.

2. Transitioning to the “new normal” of learning in unpredictable times:


pedagogical practices and learning performance in fully online flipped
classrooms

2.1 Hew, K.F., Jia, C., Gonda, D.E. et al. Transitioning to the
“new normal” of learning in unpredictable times: pedagogical practices and
learning performance in fully online flipped classrooms. Int J Educ Technol
High Educ 17, 57 (2020). https://doi.org/10.1186/s41239-020-00234-x

2.2 Buod

Dulot ng paglaganap ng COVID-19, napilitan ang mga unibersidan na


maghanap ng ibang paraan upang maipagpatuloy ang paghahatid ng aralin.
Karamihan sa mga guro ay nahirapan sa pagbuo ng mga epektibong aralin na
agad na maiintindihan ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral nina Khe Foon Hew,
Chengyua Jia, at Shurui Bai na Transitioning to the “new normal” of learning in
unpredictable times: pedagogical practices and learning performance in fully
online flipped classrooms kanilang sinuri kung ano ang epekto sa mga mag-
aaral sa tuluyang pagbabago ng paraan ng paghahatid ng aralin kung saan na
sa halip ay nasa silid-aralan ay nasa paraang online na isinasagawa.

Sa kanilang pag-aaral ay tinalakay ang online flipped classroom at


conventional flipped classroom. Bagamat may malaking pagkakahawig ang
dalawa dahil magkatulad silang nagbibigay ng mga pasulit, gawain, lectures at
mga videong papanoorin nagkakaroon pa rin ng malakaing kaibahan dahil ang
online flipped classroom ay hindi nagkikita-kita ng harapan ang mga mag-aaral
kundi sa paraang online.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa isang pamantasan sa Asia, apat na


klase ang naing kasangkot sa pag-aaral. A) conventional flipped course 1 B)
conventional flipped course 2 C) online flipped course 1 D) online flipped
course 2. Ang conventional flipped course 1 at 2 ay pangkat control
samantalang ang online flipped course 1 at 2 ay experimental. Ang paraang
ito ang ginamit upang maiwasan ang pagkakaroon ng bias na resulta.

Nakita sa pag-aaral ang kung paano nasusukat ang pagkatuto at


pagkakaiba ng dalawang paraan sa paghahatid ng aralin sa mga mag-aaral.
Ang pag-aaral na ito’y ay malaking tulong sa 5 E framework. Natuklasan din sa
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

pag-aaral na hindi nagkakalayo ang dalawang paraan ng pagtuturo, bagkus


nalaman ng mga mananaliksik na ang online flipped classroom ay maaaring
magtaglay ng pitong(7) magagandang gawi – una, napakikiusapan ang mga
mag-aaral sap ag mute ng kanilang mga microphone upang maiwasan ang
mga di kaaya-ayang mga ingay, maaaring e on ang web-cam upang amakita
ang kanilang presensiya sa talkayan… Ang pag-aaral ay naisagawa sa
makiling panahon lamang kaya’t hinihimok ng mga mananaliksik ang iba pang
mananaliksik na bigyang diin at mas mahabang panahon ang pag-aaral sa
pagiging epektibo ng video conferencing na bahagi ng online flipped
classroom.

3. Influence of Personality and Learning Styles in English Language


Achievement

3.1 Faisal, R.A. (2019) Influence of Personality and Learning


Styles in English Language Achievement. Open Journal of Social Sciences, 7,
304-324. https://doi.org/10.4236/jss.2019.78022

3.2 Buod

Paano ng aba natututo nag bawat indibidwal? May iilan na natututo sa


pamamagitan ng isang mahabang proses. Samantalang ang iba naman ay
kasalungat sa prosesong natutunan ng iba. Ilan sa mga elementong
nakaaapekto sa pagkatuto ay ang uri ng silid, learning techniques, paaralan,
kagamitan sa pagtuturo, karanasan ng guro at reaksyon ng mga mag-aaral
ang ilan sa mga mahahalagang nakaaapekto sa pagkatuto. Natuklasan ng
mga mananaliksik na hindi lamang purong kognitibong aspeto ang dahilan
upang maging matagumpay ang pagkatuto ng isang mag-aaral.

Kaugnay rito, ang pag-aaral na isinagawa ni Rajib Ahmed Faisal sa


Influence of Personality and Learning Styles in English Language
Achievement tinalakay sa kanyang pag-aaral na marami ang nagsilabasang
mga kaugnay na pag-aaral na tungkol sa personalidad kaya’t nabuo ang isang
measuring tool na tinatawag na “Five Factor Model” o FFM. Ang FFM ay isa sa
mga modelong ginamit ni Faisal sa kanyang pag-aaral. Ito ay binubuo ng
limang komponents – Openness to Experience, Awareness, Extroversion –
Introversion, Compatibility at Neurociticism Emotional Stability o kilala sa
acronym na OCEAN.

Ang pag-aaral ni Faisal ay gumamit ng quantitative method. Layunin ng


pag-aaral na matuklasan ang uri ng pag-aaugali at paraan ng pagkatuto ang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

higit na nakaaapekto sa mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, ang mga


impormasyong nakokolekta ay higit na quantitative kaysa qualitative.

Bilang resulta sa naturang pag-aaral, napag-alamang hindi lamang


isang modalidad ang sinasang-ayunan ng mga mag-aaral na nakaaapekto sa
kanilang pagkatuto. Ito’y higit pao kombinasyon tulad ng pinagsamang
Auditory at Visual, read/write at kinesthetic. Sa pamamagitan nito, mas
natatamo ang inaasahang pagkatuto sa mga mag-aaral.

Ang pagtukoy ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay isa sa


mga mahahalagang tungkulin ng mga guro sa linggwistika ng pagsasaliksik o
pagtuklas sa isa, dalawa o pinagsamang modalidad na higit na makatutulong
sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dahil sa makabagong panahon, marami ang
mga nag-aaral ang mas nangangailangan ng mga makabagong pamamaraan
ng pagkatuto.

4. Blended learning: the new normal and emerging technologies

4.1 Dziuban, C., Graham, C.R., Moskal, P.D. et al. Blended


learning: the new normal and emerging technologies. Int J Educ Technol High
Educ 15, 3 (2018). https://doi.org/10.1186/s41239-017-0087-5

4.2 Buod

Sanhi ng makabagong teknolohiya nagbunga ito ng mga makabagong


paraan sa pakikipagkomunikasyon, kabilang na sa dulot nito ay ang paraan ng
paghahatid ng aralin gamit ang mga online platform sa pamamagitan ng mga
teknolohiya.

Sa pag-aaral nina Charles Dziuban, Charles Graham at ng kanayang


mga kasamahan tungkol sa Blended learning: the new normal and emerging
technologies kanilang binigyang tuon ang ilan sa mga kinalabasan,
implikasyon at posibleng dulot sa hinaharap ng Blended Learning (BL). Ang
Blended learning ay paraan ng pagtuturo na may integrasyon ng face to face
at online learning. Tinutukoy rin sa pag-aaral ang maaring maging dulot o
epekto ng blended learning sa pagkatuto kompara sa face to face na paraan
ng pagtuturo-pagkatuto.

Upang malaman ang resulta ng blended learning sa mga mag-aaral,


ginamit ng mananaliksik ang CART Method. Napili ang CART na modelo ng
pagsusuri sa maraming mga kadahilanan – una, dahil nagbibigay ito ng
madaling pappapaliwanag ng mga panuntunan na masusuri ng mga
mambabasa sa kanilang partikular na konteksto. Hindi katulad ng iba pang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

mga Multivariate na pamamaraan na mas sensitibo sa paunang mga


pagtatanya at nangangailangan ng mahusay na pakikitungo sa pagiging
sopistikado ng istatistika para sa interpretasyon, ang CART ay isang intuitive
resonance sa mga mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa lalong mahalagang isyu ng


tagumpay ng mga mag-aaral. Pag-unawa sa kaligiran ng maraming
modalidad. Masasabing isa na rin ito sa mga daan upang mabuo ang isang
epektibong kagamitan sa pagtuturo sa paraang nagiging sangkap ito upang
madadaggan ang pagsasaalang-alang sa mga bagay na dapat ay ginagawa
sa pagpili ng mga gawain sa new normal. Ang mga resulta sa pag-aaral na ito
ay nagpapahiwatig na ang pagsasama ng kagamitan sa pagtuturo o paraan sa
pagtuturo ay nagpapanatili o nagdaragdag ng pag-access para sa karamihan
na matuto at ng mas malawak sa iba’t ibang paraan. Ang resulta ay
nakapagpapatibay dahil mas naipapakita nito ang marami pang potensyal na
maiaambag sa mas pagpapabuti ng pagtuturo na tutugon sa kasalukuyang
pamumuhay.

5. A Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching


and Learning

5.1 Pokkhrel, S., Chhetri, R.(2021). A Literature Review on


Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching and Learning. Sage Journals.
https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/2347631120983481

5.2 Buod

Ang pandaigdigang outbreak ng COVID-19 ay nagdulot ng matinding


epekto sa ating edukasyon sa buong kasaysayan. Maraming mga paaralan
ang nagsara at biglang naputol ang mga nakasanayan ng mga gawain sa
tradisyonal na pagtuturo. Sa ambilisang paglaganap ng naturang virus,
maraming mga dalubhasa ang nagsikap na maipagpatuloy ang pagkatuto
kaya’t binahagi nila ang ilan sa mga natuklasan nilang mga makatutulong sa
edukasyon. Bagamat maraming mga platforms ang nagsilabasan na
magagamit sa pagtuturo at pagkatuto nakita parin ng mga mananaliksik ang
ilan sa mga problemang maaaring maidulot. Tulad na lamang ng e-learning
accessibility, kung ito ba ay kaya ng bulsa, flexibility, learning pedagogy, life-
long learning at educational Policy.

Dagdag pa sa mga nasabing maaaring problema sa pagkatuto ay ang


data connection sa ating bansa. Bagamat maraming mga plataporma ang
magandang gamitin kung ang internet access naman ay mahirap, tiyak na
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

magdudulotpa rin ito ng suliranin. Kahit man temporary ang ganitong mga
gawain hanggang sa mabigyang lunas ang karamdamang lumalaganap,
hinihimok pa rin ng mga dalubhasa na ipagpatuloy ang paggamit ng mga
kagamitang online upang mapahusay ang pagtuturo at pag-aaral.

C. Sintesis/synthesis

Nabigla ang lahat sa pagtigil ng mga gawaing nakasanayan dulot ng


Pandemya. Walang kasigurohan kung kailan maibabalik ang dating mga
normal na gawain o kung babalik pa ba. Kaya’t nabuo ang maraming
pananaliksik at pag-aaral sa kung paano maipagpapatuloy ang mga
mahahalagang gawain tulad ng sa ating edukasyon.

Kaugnay rito, sa pag-aaral ni Cabual na Learning Styles and Preferred


Learning Modalities in the New Normal nasasaad na may mga mag-aaral na
hindi lamang isa ang gustong paraan ng pagkatuto madalas, ang mga mag-
aaral ay mas natututo sa isa, dalawa o kombinasyon ng naturang learning
styles at modalities.

Dagdag pa nito, sa pag-aaral nina Khe Foon Hew, Chengyua Jia, at


Shurui Bai na Transitioning to the “new normal” of learning in unpredictable
times: pedagogical practices and learning performance in fully online flipped
classrooms kanilang sinuri kung ano ang epekto sa mga mag-aaral sa
tuluyang pagbabago sa paraan ng paghahatid ng aralin kung saan na sa halip
ay nasa silid-aralan ay nasa paraang online na isinasagawa. Kahit may
pagbabago sa lugar kung saan isinasagawa ang talakayan, gumagawa pa rin
ng paraan upang matipagpatuloy ang pagkatuto.

Ang pag-aaral na isinagawa ni Rajib Ahmed Faisal sa Influence of


Personality and Learning Styles in English Language Achievement tinalakay
sa kanyang pag-aaral na marami ang nagiging epekto ng pagtuturo kaugnay
diyan ay nagsilabasan ang mga kaugnay na pag-aaral na tungkol sa
personalidad kaya’t nabuo ang isang measuring tool na tinatawag na “Five
Factor Model” o FFM. Ang FFM ay isa sa mga modelong ginamit ni Faisal sa
kanyang pag-aaral. Ito ay binubuo ng limang komponents – Openness to
Experience, Awareness, Extroversion – Introversion, Compatibility at
Neurociticism Emotional Stability o kilala sa acronym na OCEAN

Hindi lamang ang emotional na aspeto ng mga mag-aaral ang


naapektuhan ng mga pangyayari gayundin kayaa’t sa pag-aaral nina Charles
Dziuban, Charles Graham at ng kanayang mga kasamahan tungkol sa
Blended learning: the new normal and emerging technologies kanilang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

binigyang tuon ang ilan sa mga kinalabasan, implikasyon at posibleng dulot sa


hinaharap ng Blended Learning (BL). Ang Blended learning ay paraan ng
pagtuturo na may integrasyon ng face to face at online learning. Sa ganitong
paraan nakabubuo ang isang guro ng pinagsamang pamamaraan upang higit
na maging epektibo ang pagkatuto.

SA kabuuan inilahad sa pag-aaral nina Pokkhrel at Chhetri na A


Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching and
Learning ang epekto ng pandaigdigang outbreak ng COVID-19 ating
edukasyon sa buong kasaysayan. Maraming mga paaralan ang nagsara at
biglang naputol ang mga nakasanayan ng mga gawain sa tradisyonal na
pagtuturo. Sa ambilisang paglaganap ng naturang virus, maraming mga
dalubhasa ang nagsikap na maipagpatuloy ang pagkatuto kaya’t binahagi nila
ang ilan sa mga natuklasan nilang mga makatutulong sa edukasyon. Bagamat
maraming mga platforms ang nagsilabasan na magagamit sa pagtuturo at
pagkatuto nakita parin ng mga mananaliksik ang ilan sa mga problemang
maaaring maidulot.

D. Sanaysay/essay

Ang teknolohiya ay kakambal na ng pagbabagong nagaganap sa ating


lipunan. Dulot ng Pandemyang dala ng COVID-19 virus, maraming mga
palatporma ang nagsilabasan at tuluyan na nga nabalot ng teknolohiya ang
ating sistema ng edukasyon sa kadahilanang online na ang pagtatalakay sa
mga aralin na dati ay masayang tinatalakay sa loob ng kwadradong silid-
aralan.

Kaugnay sa pagbabagong ating naranasan, binago rin ang iilan sa


nilalaman ng ating kurikulum upang makaya nitong makipagsabayan sa
pagkatuto-pagtuturong interakyon sa pamamagitan ng online. Ang dating isa o
dalwang paraan ay mas lalong nadagdagan.ang noon ay lumang
pamamaraan, ngayon ay binago at ginawang possible upang hindi maputol
ang pagkatuto ng mga kabataan.

Katulad na lamang ng talakayan sa pananaliksik tungkol sa Learning


Styles and Preferred Learning Modalities in the New Normal hindi lahat ng
mga mag-aaral ay mayroong gadgets, may signal wifi na magagawa online
ang mga gawain. Kaya’t sap ag-aaral, nakita nilang hindi lamang sa paraang
online pwedeng maisagawa ang pagbabago at maipagpatuloy ang pagkatuto.
Kaya’t mahalaga ang pag-alam muna sa modalidad na kayang maisagawa ng
mag-aaral.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Bilang guro sa makabagong panahon, ramdam ko ang hamon ng sa


pagpapanatiling maisulong ang edukasyon sa kabila ng banta ng COVID-19
virus sa ating kalusugan. Hindi maikakailang mababa ang pagkatuto ng mga
kabataan sa kasalukuyan dahil sila mismo ay nahihirapan din sa pagsisikap na
matuto ng sila lamang. Bilang isang guro, upang matugunan ang ganitong mga
pangangailangan, nandiyan ang pagpili ng isang angkop ng paraan ng
pagkatuto tulad na lamang sa pananaliksik nina Charles Dziuban, Charles
Graham at ng kanayang mga kasamahan tungkol sa Blended learning: the
new normal and emerging technologies. Hindi madali ang pagtuturo online
kung saan sanay na tayo sa mas epektibong conventional learning. Ngunit
kailangan nating magpatuloy kaya’t susbok tayo at lalaban gamit ang mga
online platform.

Malaki man ang dulot ng pandemyang ito sa ating ekonomiya at lalong-


lalo na sa ating edukasyon. Hinding-hindi papaya ang ating gobyerno maging
ang ating mga mamamayan na matigil at maantala ang pagkatuto ng mga
mag-aaral. Sa ngayong wala pang epektibong lunas sa virus na ating
nasasadlakan, magpatuloy tayo sa pagtuklas at pagpapatibay ng mga
epektibong at alternatibong mga paraan para patuloy na maihatid ang
edukasyon sa mga kabataan.

You might also like