You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Research and Methodology


EDUC 202

PAGGALUGAD SA MGA PILING


PANANALIKSIK

Shalyn G. Tolentino
Marso 2022
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

MGA ARTIKULO

A. Mga Artikulo

1. Pamagat ng Artikulo 1:

Doon o dito, ganoon o ganito: Isang paggalugad sa


Pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel sa pagtuturo ng
Akademikong Wikang Filipino sa antas tersyarya.

1.1Reference o Pinagkunan:

Mayor-asuncion, A. M.. (2015). Doon o dito, ganoon o ganito: isang


paggalugad sa pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel
sa pagtuturo ng Akademikong Wikang Filipino sa antas
tersyarya. Luz y Saber, 9(1&2). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=9805

1.2Buod/ Summary of the Article

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa mga


pananaw ng guro na nagtuturo sa akademikong Filipino. Alam
natin na isa sa mga asignatura na itinuturo sa kasalukuyan ay
Wikang Filipino at sa pag-aaral na ito ipapakita ang
kahalagahan ng asignatura sa larangan lalong-lalo na sa mga
mag-aaral na sa tersyarya . Ang mga piniling kalahok sa pag-
aaral na ito ay guro na nagtuturo sa asignatura. Sila ang mga
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

napili sapagkat itinuturing na eksperto o bihasa sa larangan ng


wikang akademiko.
Ginamit sa pag-aaral ang metodolohiya o pamamaraang
penemolohikal na nakatuon sa karanasan ng bawat mga
gurong-kalahok . Ang proseso sa pangangalap ng mga datos ay
interbyu sa bawat kalahok . Ang naging sagot ng mga gurong-
kalahok ay pinangkat ng mga mananaliksik batay sa nilalaman
nito.Sinuri at inalisa ang mga pahayag ng bawat mga responde
batay sa kanilang karanasan sa pagtuturo ng akademikong
Filipino.
Makikita sa naisagawang pag-aaral na ito na hindi madali
ang pag-aaral sapagkat bawatguro ay may iba’t ibang uri ng
karanasan at pamamaraan sa pagtuturo. Bagama’t naipakita pa
rin ang mga resulta sa naging pag-aaral dahil may mga nailatag
na konklusyon ang mananaliksik sa mga pananaw na naibahagi
ng mga gurong-kalahok sa panayam.
Sa katunayan sa kabuuang pananaliksik na nailatag na
ito ay kailangan pa rin ng isang kokretong kagamitan sa
metodolohiya upang magkaroon ng limitasyon sa tugon ng
bawat mag-aaral. Sa madaling salita, kakikitaan na mas
epektibo at maayos ang daloy ng pag-aaral kung magbibigay ng
isang hulma lamang ng mga talatanungan sa bawat mga
kalahok. Sa kalahok naman ay kinakailangan maipakita rin ang
mga pananaw ng mga mag-aaral sa akademikong Filipino sa
kanilang pag-aaral dahil sila ang tagatanggap sa mga
pagbabahagi ng mga guro gamit ang kani-kanilang (ang guro)
mga pamamaraan sa pagtuturo.

2. Pamagat
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Parsyal na Deskripsyon ng Ponemang Segmental at Varayti ng Wikang


Taubuid Mangyan: Isang Etnolinggwistikong Pag-aaral.

2.1 Reference/Pinagkunan

Lazo, J. G.. (2019). Parsyal na Deskripsyon ng Ponemang

Segmental at Varayti ng Wikang Taubuid Mangyan:

Isang Etnolinggwistikong Pag-aaral. The PASCHR Journal,


1(1). Retrieved from http://ejournals.ph/form/cite.php?id=14770

2.2 Buod/Summary

Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay nakatuon


lamang sa ponemang segmental ng wikang Taubuid. Naglayong
makamit ang mga sumusunod na layunin: una, malaman ang
bilang ng ponemang segmental mayroon ang wikang Taubuid
ikalawa, mailarawan ang deskripsyon ng bawat ponemang
segmental nito; ikatlo, maipaliwanag ang natatanging katangian
ng mga ponemang segmental ng wikang Taubuid; at ikaapat,
matukoy ang varayti ang makikita sa paraan ng pagbigkas ng
wikang Taubuid ayon sa edad.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong


pagsusuring palarawan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng
pakikipamuhay o imersyon sa komunidad ng mga katutubong
Taubuid sa loob ng sampung araw sa Tamisan, Poypoy,
Calintaan. Ang instrumentong ginamit ay purposive sampling sa
pakikipanayam, pagtatala ng mga obserbasyon,
pakikipagsalamuha at pagrerekord ng audio at video.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Ang kabuuan ng pananaliksik ay kakikitaan ng


konkretong pagpapaliwanag upang makakuha ng balid na mga
datos. Hindi man madali ang pamaraang lalong-lao na
kasalukuyang panahon dahil hindi madali ang pagpunta sa
ibang lugar dulot ng pandemya na kinakaharap sa kasalukuyan.
Maaaring makapag-isip pa rin ng iba pang pamamaraan sa
pananaliksik na may pagsaalang-alang sa kaligtasan ng bawat
kalahok. Ganon paman isang epektibo at matagumpay ang
pananaliksik sa paksang ito dahil nakabuo ng mga resulta sa
pag-aaral na makakatulong upang mas makilala pa sinuman
ang Wikang Taubuid Mangyan na isa na itinuturing na
katutubong wika ng ating bansa.

3. Pamagat:

Panitikan ng Mauban Sa Pagtuturo ng komunikasyon At


Pagpapayaman ng Talasalitaan

3.1 Reference/Pinagkunan

Latorre J.M, at Carada, I.G(2021) Panitikan ng Mauban Sa Pagtuturo


Ng

Komunikasyon At Pagpapayaman ng Talasalitaan. Retrieved


fromhttps://www.academia.edu/52620076/PANITIKAN_NG_MA
UBAN_SA_PAGTUTURO_NG_KOMUNIKASYON_AT_PAGPA
PAYAMAN_NG_TALASALITAAN

3.2 Summary/Buod

Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay maipakita ang paggamit ng


panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at pagpapayaman
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Ninanais ng mananaliksik na


maipabatid ang kahalagahan ng pagpapanatili at patuloy na paggamit
ng mga lokal na akda ng bayan ng Mauban tulad ngkanilang alamat,
kasaysayan at mga awiting bayan.

Nilayong malaman sa pag-aaral na ito ang: (1) pananaw ng mga


mag-aaral sa paggamit ng panitikan ngMauban sa pagtuturo ng
komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita, at
disenyo at pagkakabuo; (2) antas ng pagpapayaman ng talasalitaan
batay sa context clues at idyomatikong pagpapahayag;(3)
makabuluhang kaugnayan ng pananaw sa paggamit ng panitikan ng
Mauban sa pagtuturo ng komunikasyonat ang antas ng pagpapayaman
ng talasalitaan; at (4) makabuluhang pagkakaiba ng antas ng
pagpapayaman ngtalasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang
panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon.

Ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang eksperimental


(experimental method) at pamamaraang descriptive-
correlational.Ginamit ang dalawang disenyo ito sa pananaliksik upang
mabatid kung may makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga
mag-aaral sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturong
komunikasyon at antas ng pagpapayaman ng talasalitaan at gayundin
ang makabuluhang pagkakaiba ng antasng pagpapayaman ng
talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban
batay sa kanilang nakuhang iskor sa pre-test at post-test.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod


na konklusyon; (1) hindi sapat angistatiskal na ebidensya upang
tanggihan ang hinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang
pananaw ng mgamag-aaral sa paggamit ng Panitikan ng Mauban sa
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa context cluesat


idyomatikong pagpapahayag kung kaya’t ang hinuha ay mananatili, at;
(2) sapat ang istatiskal na ebidensyaupang tanggihan ang hinuha na
walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagpapayaman ng
talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban sa
pagtuturo ng komunikasyon kung kaya’t ang hinuha ay hindi
mananatili.

Sa kabuuan ng pananaliksik na ito ay gumamit ng


napapanahong platform sap ag-aaral. Isa na rito ang paggamit ng mga
Google Form na nagloloob ng mga katanungan na sasagutan ng mga
responde at Google Meet para makipagkita. Sa panahon na isinagawa
ang pag-aaral ay kakikitaan ng pag-iingat sa pagkalap ng mga datos
dahil walang pagkikita kung mayroon man ay gumagamit ng online app
bilang pantulong. Mahusay ang naisagawang pananaliksik dahil naging
maparaan upang magkaroon ng mga katanggap-tanggap na resulta sa
pag-aaral.

4. Pamagat

Pagbuo, Pagtanggap at Baliditi ng Modyul: Kontekstwalisasyon


ng mga Piling Aralin sa Filipino 8 Gamit ang Dominyo ng Kulturang
Popular

4.1 Pinagkunan/Reference

Saberola, L. P.. (2018). Pagbuo, Pagtanggap at Baliditi ng Modyul:

Kontekstwalisasyon ng mga Piling Aralin sa Filipino 8 Gamit ang


Dominyo ng Kulturang Popular. MSEUF Research Studies,
20(1). Retrieved from http://ejournals.ph/form/cite.php?id=14700
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

4.2 Buo/Summary

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makabuo ng


isang kagamitang pampagtuturo inugnayan ng dominyo ng
Kulturang Popular. Nilayon din ng pag-aaral na ito na malaman
ang performans ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pretest
sa asignaturang Filipino. Nalaman ang lebel ng pagtanggap sa
binuong materyal at ang kabisaan ng kagamitang panturo batay
sa resulta ng posttest sa Asignaturang Filipino.

Deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat


ay isinagawa sa pamamagitan ng labingwalong (18) guro at
dalawang daan at dalawampo at dalawa (222) mag-aaral ng
Luis Palad Integrated High School upang kumalap ng mga datos
sa mga mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng cluster sampling
at purposive sampling naman para sa dalawampo at anim (26)
na mag-aaral sa pagbalido ng kagamitang
pampagtuturo.Gumamit ng pormulang weighted mean, standard
deviation, mean, at t-test bilang pamamaraang estadistika
upang maanalisa ang mga datos na nakalap.

Batay sa resulta ng pag-aaral, lubos na katanggap-


tanggap sa mga guro at mag-aaral ang modyul na ginamitan ng
bahagi ng Kulturang Popular bilang kagamitang panturo sa
Grado 8 batay sa nilalaman, kaugnayan sa paksa, kaayusan,
orihinalidad at impak sa mag-aaral.Mayroon ding mahalagang
pagkakaiba sa pagitan ng kahinaan ng mga mag-aaral sa
Garado 8 sa pretest at posttest sa limang pangkat na may
resultang tanggapin ang alternatibong hypothesis.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Natuklasan sa pag-aaral na ito, iminungkahi ng


mananaliksik na magkaroon pa ng mas malawak na pag-aaral
hinggil sa Kulturang Popular. Ang mga panuto sa bawat gawain
sa kagamitang pampagtuturo ay dapat tiyaking maliwanag
upang mas madali itong maunawaan ng mag-aaral. Dapat pang
dagdagan ng mga larawan na makatatawag ng pansin at
makaaakit ng interes ng mga mag-aaral kagamitang
pampagtuturo na inihanda. Dapat ding magsagawa ng iba pang
pag-aaral kung saan ang mga kalahok ay mula sa una, gitna, at
huling pangkat upang mas makita ang kabisaan ng buong
kagamitan sa pagtuturo. Dapat ding gumamit ng iba pang
baryabol at ilan pang mga aralin sa mga sumusunod na pag-
aaral upang mas makatulong sa pagpapaunlad ng mga mag-
aaral.

Sa kabuuan kakikitaan na maaari pang mapalawak ang


pananaliksik upang magkaroon ng iba’t ibang resulta na
makakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kinakailangan
na siguradong “Standard” ang mga talatanungan na ibibigay.

5. Pamagat

Paghubog at Paglubog Sa Masang Mamimili: Isang Panimulang Pag-


aaral Sa Potensyal Ng Wikang Filipino Sa Larangan Ng Marketing.

5.1 Pinagkunan/ Reference

Villalon, M. (2020) PAGHUBOG AT PAGLUBOG SA MASANG MAMIMILI: ISANG

PANIMULANG PAG-AARAL SA POTENSYAL NG WIKANG FILIPINO SA


LARANGAN NG MARKETING. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=16041
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

5.2 Buod/ Summary

Ang papel na ito ay nakabatay sa pag-aaral sa potensyal


ng wikang Filipino sa larangan ng marketing sa Pilipinas.
Kakabit nito ang paniniwalang dapat na mapaunlad ang
naturang wika sa iba’t ibang disiplina upang makatulong sa pag-
unlad ng wikang pambansa sa kabuuan. Upang masuri ang
layunin ng riserts, nangalap ang mananaliksik ng mga literature
review upang matuklasan ang naging ebolusyon ng marketing
sa kasalukuyan, na nagpatibay ng kahalagahan ng mga pag-
aaral sa larangan.

Hinimay rin ang mga pang-akademikong pananaliksik at


aklat sa Pilipinas. Napag-alamang bukod sa maunti lamang ang
nakalimbag sa wikang Filipino, ay kaunti rin ang nasasalikop na
iskolarling pag-aaral sa marketing sa bansa. Walong (8)
praktisyoner din sa larangan ang naimbitahang magbigay ng
kanilang opinyon ukol sa potensyal na pagpapayabong ng
wikang Filipino sa kanilang disiplina—mula sa kanilang
komunikasyong internal, organisasyong namamahala, at sa
kinabukasan ng marketing.

Karamihan sa kanila ang naniniwalang may puwang pa


rin ang wikang pambansa sa pag-akit sa masa ng produktong
ibebenta, paggawa ng makabuluhang kampanya, pagsunod
nang maayos sa mga panuntunan ng mga ahensiya sa
marketing, at pagkatuto ng mga susunod na praktisyoner ng
bansa. Sa kabuuan, kinilala ng papel ang kabuuang potensyal
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

ng wikang Filipino na kaakibat sa maka-Pilipinong pagyakap sa


mga masang mamimili.

Sa pag-aaral na isinagawa ay hindi gumamit ng mga


instrumentong talatanungan, panayam at iba pa na maaaring
gamitin sa pangangalap ng mga datos. Kinakailangan lamang
na makahanap ng iba pang metodolohiya upang maipakita ang
gamit ng wikang Filipino bilang Marketing. Nakikita rin sa pag-
aaral ang kahirapang makahanap ng mga nakalalimbag na aklat
sa wikang Filipino sa larangan ng Marketing.

B. Sintesis

Alam natin na isa sa mga asignatura na itinuturo sa kasalukuyan ay


Wikang Filipino. Ipinapakita ang kahalagahan ng asignatura sa larangan
lalong-lalo na sa mga mag-aaral na sa tersyarya batay sa pag-aaral na ito.
Ang naging sagot ng mga gurong-kalahok ay pinangkat ng mga mananaliksik
batay sa nilalaman nito. Sinuri at inalisa ang mga pahayag ng bawat mga
responde batay sa kanilang karanasan sa pagtuturo ng akademikong Filipino.
Sa kalahok naman ay kinakailangan maipakita rin ang mga pananaw ng mga
mag-aaral sa akademikong Filipino sa kanilang pag-aaral dahil sila ang
tagatanggap sa mga pagbabahagi ng mga guro gamit ang kani-kanilang (ang
guro) mga pamamaraan sa pagtuturo.

Sa ikalawang pag-aaral,naglayong makamit ang mga sumusunod na


layunin: una, malaman ang bilang ng ponemang segmental mayroon ang
wikang Taubuid ikalawa, mailarawan ang deskripsyon ng bawat ponemang
segmental nito; ikatlo, maipaliwanag ang natatanging katangian ng mga
ponemang segmental ng wikang Taubuid; at ikaapat, matukoy ang varayti
ang makikita sa paraan ng pagbigkas ng wikang Taubuid ayon sa edad.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pakikipamuhay o imersyon sa komunidad
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

ng mga katutubong Taubuid sa loob ng sampung araw sa Tamisan, Poypoy,


Calintaan. Maaaring makapag-isip pa rin ng iba pang pamamaraan sa
pananaliksik na may pagsaalang-alang sa kaligtasan ng bawat
kalahok.Ganon paman isang epektibo at matagumpay ang pananaliksik sa
paksang ito dahil nakabuo ng mga resulta sa pag-aaral na makakatulong
upang mas makilala pa sinuman ang Wikang Taubuid Mangyan na isa na
itinuturing na isa sa mga katutubong wika ng ating bansa.

Nilayong malaman sa ika-tatlong pag-aaral na ang: (1) pananaw ng


mga mag-aaral sa paggamit ng panitikan ngMauban sa pagtuturo ng
komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita, at
disenyo at pagkakabuo; (2) antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa
context clues at idyomatikong pagpapahayag;(3) makabuluhang kaugnayan
ng pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng
komunikasyonat ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan; at (4)
makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagpapayaman ngtalasalitaan bago
at pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng
komunikasyon. Ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang eksperimental
(experimental method) at pamamaraang descriptive-correlational.Ginamit ang
dalawang disenyo ito sa pananaliksik upang mabatid kung may
makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit
ng panitikan ng Mauban sa pagtuturong komunikasyon at antas ng
pagpapayaman ng talasalitaan at gayundin ang makabuluhang pagkakaiba
ng antasng pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang
panitikan ng Mauban batay sa kanilang nakuhang iskor sa pre-test at post-
test. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na
konklusyon; (1) hindi sapat angistatiskal na ebidensya upang tanggihan ang
hinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mgamag-aaral
sa paggamit ng Panitikan ng Mauban sa antas ng pagpapayaman ng
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

talasalitaan batay sa context cluesat idyomatikong pagpapahayag kung kaya’t


ang hinuha ay mananatili, at; (2) sapat ang istatiskal na ebidensyaupang
tanggihan ang hinuha na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng
pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang panitikan ng
Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon kung kaya’t ang hinuha ay hindi
mananatili.

Samantalang ang layunin ng pag-aaral sa ika-apat na pag-aaral ay


malaman ang performans ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pretest sa
asignaturang Filipino. Deskriptibong pamamaraan o palarawang pagsisiyasat
ay isinagawa sa pamamagitan ng labingwalong (18) guro at dalawang daan at
dalawampo at dalawa (222) mag-aaral ng Luis Palad Integrated High School
upang kumalap ng mga datos sa mga mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng
cluster sampling at purposive sampling naman para sa dalawampo at anim
(26) na mag-aaral sa pagbalido ng kagamitang pampagtuturo.Gumamit ng
pormulang weighted mean, standard deviation, mean, at t-test bilang
pamamaraang estadistika upang maanalisa ang mga datos na nakalap. Batay
sa resulta ng pag-aaral, lubos na katanggap-tanggap sa mga guro at mag-
aaral ang modyul na ginamitan ng bahagi ng Kulturang Popular bilang
kagamitang panturo sa Grado 8 batay sa nilalaman, kaugnayan sa paksa,
kaayusan, orihinalidad at impak sa mag-aaral.Mayroon ding mahalagang
pagkakaiba sa pagitan ng kahinaan ng mga mag-aaral sa Garado 8 sa pre-
test at post test sa limang pangkat na may resultang tanggapin ang
alternatibong hypothesis.

Sa panghuling pag-aaral ang layunin ay pangangalap ng mananaliksik


ng mga literature review upang matuklasan ang naging ebolusyon ng
marketing sa kasalukuyan, na nagpatibay ng kahalagahan ng mga pag-aaral
sa larangan. Walong (8) praktisyoner din sa larangan ang naimbitahang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

magbigay ng kanilang opinyon ukol sa potensyal na pagpapayabong ng


wikang Filipino sa kanilang disiplina—mula sa kanilang komunikasyong
internal, organisasyong namamahala, at sa kinabukasan ng marketing.
Karamihan sa kanila ang naniniwalang may puwang pa rin ang wikang
pambansa sa pag-akit sa masa ng produktong ibebenta, paggawa ng
makabuluhang kampanya, pagsunod nang maayos sa mga panuntunan ng
mga ahensiya sa marketing, at pagkatuto ng mga susunod na praktisyoner ng
bansa. Sa pag-aaral na ito ay kakaunti lamang ang nakuhang mga literatura
na makatulong upang mabigyan ng kabuuang pananaw sa pag-aaral ngunit
hindi inalintana ng mga mananaliksik ang sagabal sa pangangalap ng mga
datos at humanap ng alternatibo ngunit mabisang paraan upang makalahad
ng resulta sa isinagawang pag-aaral.

Mahihinuha sa nailahad na limang (5) mga pag-aaral na sinuri at


inalisa na bawat isa ay may taglay na iba’t ibang mga pamaraan o
metodolohiya sa pangangalap ng mga datos. Inihanay ang bawat kagamitan
batay sa pangangailangan ng pag-aaral upang makapaglahad ng mga
resulta. Kakikitaan din ang mga pananaliksik ng potensyal na maaaring
ipagpatuloy ng bawat sino at makalapat ng iba pang paraan upang makakuha
ng mga datos na mas magpapalawak sa mga paksang tinalakay.

Sa kabuuan ay mapagninilayan na kapag wikang Filipino ang maging


sentro ng pag-aaral ay kakaunti lamang ang mga babasahin na
mapagkukunan ng mga datos upang makatulong sa pag-aaral. Ang bahaging
ito ay magpamulat na kinakailangan pang makapagsulat at manaliksik tungkol
dito para mapayaman ang sariling atin. Ito ay magsisilbing simula upang
maitaas ang antas ng pananaliksik gamit ang wikang sumisimbolo ng ating
pagiging Filipino.

C. Sanaysay
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Pagtuturo ng Filipino: Sa Gitna ng Modernisasyon


Walang estratehiya na masasabing perpekto. Kinakailangan lamang ay
bigyang pansin kung paano ito gagamitin sa ating pagtuturo para maging
epektibo.Masasabi ang pagiging maparaan at malikhain na guro ay gumagamit ng
iba’t ibang paraan para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.Ang
pagkatuto ay gawing kaaya-aya sa kahit anong panahon o pandemyang
darating.Mapapatunayan lamang ito kapag ang bawat hakbang ay gawan ng
pananaliksik upang masuri ang kabihasaan ng lahat na mga estratehiya sa klase.
Ang epektibong kagamitan o estratehiya sa pagtuturo ay hindi lamang
naglalaman ng mga pagsasanay na nakatuon lamang sa iisang layunin ngunit
kailangan masakop nito ang mga makrong kasanayan na kinakailangan ng bawat
mag-aaral. At ang epektibong estratehiya ay makakadala ng isang pagkatuto hindi
lamang sa kanyang isipan ngunit sa pag-araw-araw na gawain.
Bilang isang guro ay tungkulin nating makabuo ng isang malikhain at
epektibong estratehiya na magbubukas sa kawilihan ng ating mga mag-aaral sa
pagkatuto. Hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan kundi pati na rin sa kanilang
mga tahanan na hindi tinitingnan sa kung ano ang pangkat-etnikong kinabibilangan
ng mga mag-aaral. Sa madaling salita, estratehiyang walang mag-aaral ang maiiwan
sa pag-alam ng panibagong karunungan sa kahit ano mang panahon.
Sipating mabuti ang kani-kanilang pangangailangan at kailangan na sa bawat
kagamitang pagtuturo na ating gagamitin ay laging balidasyon sa pamamagitan ng
isang ebalwasyon para Makita ang kalakasan at kahinaan ng mga paglalapat o
modipikasyon ng mga mag-aaral. Sa mga kagamitang pampagtuturo ay hindi
lamang magagawa nang nag-iisa dapat ay magkaroon ng pagtutulungan sa bawat
taong may malawak na kaalaman. Sa madaling salita ang pagpapakain ng
karunungan sa mga mag-aaral ay hindi maihahalintulad sa pagkain na kapag hindi
gusto ang pagkain ay pwede huwag kainin kaya madaling makakagawa ng isang
pagkain na magugustuhan. Samantalang sa larangan ng paggawa at paglikha ng
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

mga kagamitang pagtuturo ay magsaliksik o pag-aralan dahil ito ay makakatulong


para mapag-aralan kung ano ang makakatugon na kagamitan na ibinatay sa
kagustuhan o kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang pagtuturo ay isang napakumplikadong propesyon na sa paglipas nang
panahon ay nagkakaroon ng panibagong hamon at kinakailangan. Dito ay kailangan
isaalang-alang ang motibasyon ng mag-aaral at relasyon bilang guro sa mag-aaral
na kinakailangan maging epektibo ang bawat estratehiya. Kahit sa panahon ng
aktwal na klase ay nagkakaroon ng sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral at
panibagong yugto sa panahon na ating kinakaharap sa kasalukuyan ay mas naging
mapanghamon ang bawat sandali.
Sa bawat pagkatuto ay isinaalang-alang ng guro ang bawat ebalwasyon ng
mga mag-aaral na makikita sa kanilang pagsasanay na maaaring daanan para
makagawa ng panibagong inobasyon na naayon sa kung ano ang kailangan sa
kasalukuyan. Minsan ang katamaran at pauli-ulit lamang ng mga estratehiya o
kagamitan ay ang masasabing katwiran sa hindi pagiging epektibo nito, dahil hindi
sa lahat ng mga mag-aaral ay pareho ang kailangan, kagamitan, at pinagmulan.
Ang mga nailimbag na mga pag-aaral, modelo o teorya sa paghahanda at
ebalwasyon sa kagamitang pagtuturo ay hindi man masasabing katugunan sa lahat
ng mga layunin ngunit maituturing na napakamahalaga sa pagbuo ng isang
kagamitan. Bilang guro,kinakailangan kasabay nito ay didikasyon at sinumpaan sa
ating piniling propesyon. Gaano man kahirap ang ating pinagdadaanan sa ngayon
ngunit hindi kailaman susuko sa pagtuturo sa mga kabataan na tinuturing na pag-
asa ng kinabukasan.

You might also like