You are on page 1of 20

Surigao State College of Technology

Surigao City

UNU MAN GAJUD?: WIKANG MAS EPEKTIBO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-

AARAL NG SURIGAO PILOT SCHOOL SA MODULAR LEARNING APPROACH

Isang Sulating Pananaliksik na

Inihanda sa Asignaturang

Varayti at Baryasyon ng Wika

Inihanda nina:

SALVALOZA, ROCEL T.

SILOS, AYETTE P.

VILLAREAL, VIA CERELLE R.

Inihanda kay:

Denzel Mark A. Ciruela, LPT

DISYEMBRE 2020

Kabanata 1
Surigao State College of Technology
Surigao City
SULIRANIN AT ANG SURING-BASA NG MGA LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng panimula, suring basa

ng mga literatura, balangkas konseptwal at paglalahad ng

suliranin ng pananaliksik.

Panimula

Ang wika ay ginagamit para sa pakikipagtalastasan at

ito ang pinakamabisang kasangkapan ayon kay Mangahis (1994).

Ito ang pinakapangunahing kailangan upang maipahayag natin

ang damdamin, saloobin at kaisipan. Ang wika ay lumilinang

ng malikhaing pag-iisip na nagpapalawak ng ating

imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika ayon

sa ulat ng Kahalagahan ng Wika 2 (2011). Sa aspeto ng

edukasyon, mahalaga ang paggamit ng wika sapagkat ito ang

magiging midyum sa pagkatuto. Dito tayo nagkakaunawaan,

nagkakaintindihan at napapalawak ang ating kaalaman.

Sinasabi rin na ang wikang Filipino ang dapat na

gamitin bilang opisyal na wika sa pagtuturo, ito ay ayon sa

probisyong pangwika ng ating Konstitusyon sa Artikulo XIV

Seksyon 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino,

samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin

pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang


Surigao State College of Technology
Surigao City
wika. Mas madali itong maintindihan ng mga mag-aaral at ito

rin ay pagpapakita ng pagmamahal sa sariling wika.

Ang kakulangan sa pagtangkilik at pagkilala sa wikang

Filipino ay dulot ng patuloy na paggamit ng mga wikang

banyaga bilang midyum sa pagpapahayag ng mga impormasyon sa

mga paaralan ayon sa pag-aaral ni Amamio (2000). Hindi natin

maitatanggi na wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo ng

ilang asignatura tulad ng Mathematics.

Napagtibay naman ng Multilingual Language ng Edukasyon

(MLE) sa proyektong Lubuagan, Kalinga Mother Tongue/ First

Language Education Experiment ulat nina Walter at Dekker

(2008) na mabisa ang paggamit ng unang wika ng bata sa

pagturo ng asignaturang Filipino, English at Mathematics sa

elementarya. Ang batang natuto nang husto gamit ang kanyang

unang wika ay mas madaling matuto ng ikalawa o ikatlong wika

kung ihahambing sa ibang batang ibinabad kaagad sa ikalawa o

sa Ikatlong wika (Dutcher at Tucker) at kinakailangan ng

bata ng hindi kukulangin sa anim na taong masinsinang pag-

aaral sa ikalawa o sa ikatlong wika bago pa man gamitin ang

mga ito bilang midyum sa pagtuturo (Nolasco, Twenty-one 10).

Ang paaralang Surigao City Pilot School ay isang

malaking mababang paaralan ng Surigao City, isa ito sa


Surigao State College of Technology
Surigao City
gumagamit ng Modular Learning Approach na kung saan isa sa

mga hangarin ng Surigao City Pilot School ay ang

maipagpatuloy ang edukasyon ng bawat batang pilot sa kabila

ng pagsubok sa pandemya sa pangunguna ng punungguro, Dr.

Felix N. Bagnol at ang katuwang ng punungguro G. Frederick

L. Lapiz at ng mga kaagapay na mga guro. Pahayag ng BMC

(Balud Municipal College, 2020) binigyang kahulugan ang

module na isang nakalimbag o printed na materyal na katumbas

ng isang aralin o leksyon sa isang asignatura. Ibig sabihin,

ang isang mag-aaral ay maaaring matuto gamit lamang ang

module kahit hindi niya kaharap o kasama ang guro at kahit

wala siya sa paaralan.

Kaya binigyang atensyon sa pananaliksik na ito kung ano

nga ba ang wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral

ng Surigao Pilot School sa Modyular Learning Approach sa

kasalukuyang may pandemya. Dito ay papasok ang kanilang

unang wika at pangalawang wika kung alin ba ang mas madali

nilang maiintindihan para sa pagpapaunlad sa kalidad ng

kanilang pang-unawa at magkaroon ng matibay na pundasyon sa

paggamit ng wika.

Gayunpaman, maraming agam-agam, mga tanong at reaksyon

lalo na sa mga magulang na siyang pangunahing tagapagturo sa


Surigao State College of Technology
Surigao City
kanilang mga anak ng mga leksyon gamit ang mga modyul at ito

ang nagtulak sa pagsasagawa ng masusing pag-aaral ng mga

mananaliksik kung paano nila nagagabayan ang kanilang anak

at ang wikang ginamit nila sa pagkatuto ng mga mag-aaral at

upang mas maunawaan kung bakit ang siyang napiling wika ang

ginamit tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral at layon nitong

tuklasin ang wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ng Surigao City Pilot School gamit ang Modular

Learning Approach at mabigyang tugon ang nasabing

pananaliksik.

Sa panahon ng pandemya, dito natin mabibigyang halaga

ang wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng

Surigao Pilot School sa Modular Learning Approach. Sa mga

pagkakataong ito ay mas higit na malaki ang ginagampanan ng

wika sa kabila ng patuloy na paglaganap ng pandemya sa

bansa.

Suring-basa ng mga Literatura

Ang bahaging ito ay napapaloob ang mga kaugnay na pag-

aaral at literaturang lokal at banyaga. Ang mga nasabing

kaisipan o ideya at mga impormasyong ilalahad sa kabanatang


Surigao State College of Technology
Surigao City
ito ay magsisilbing gabay sa pagpapalawak o pagpapatingkad

ng mga ilang konseptong nais ipahiwatig ng ginawang pag-

aaral ng mga mananaliksik.

Ang Modular Learning Approach

Buwan ng Marso nang unang magkaroon ng kaso ng COVID19

sa bansa. Bilang isang hakbang upang malimitahan ang

pagkalat ng sakit na ito sa Pilipinas ay isinailalim ang

buong bansa sa community quarantine. Mahigpit na ipinagbawal

ang pagpunta sa mga matataong lugar at ipinahinto ang mga

pagtitipon tulad ng pagdiriwang ng kaarawan kabilang na ang

pagpunta ng mga mag-aaral sa eskwelahan o ang face-to-face

classes.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ukol sa

pagpapahinto ng klase sa taong ito at banta ng COVID19 ay

itinaguyud ng DepEd ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng Modular Learning Approach. Ang

pamamaraan na ito ay isang uri ng pag-aaral na walang

interaksyon ang guro at mag-aaral. Gumagamit ng mga modyul

ang mga mag-aaral para sa sariling pagkatuto batay sa Most

Essential Learning Competencies (MELCS) na ibinigay ng

DepEd. Ang mga modyul ay may kasamang mga seksyon sa


Surigao State College of Technology
Surigao City
pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing isang kompletong

gabay ng kapwa guro at mga mag-aaral na nais na kakayahan.

Kabilang ang Surigao Pilot School sa mga pampublikong

paaralan na sakop ng DepEd na gumagamit ng Modular Learning

Approach para sa pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral. Ang

module ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas ng

isang aralin o leksyon sa isang asignatura. Ang isang mag-

aaral ay maaaring matuto gamit lamang ang module kahit hindi

niya kaharap o kasama ang guro at kahit wala siya sa

paaralan.

Sa sistemang ito, bibigyan ng paaralan ang mga mag-

aaral ng module para matuto sa mga aralin. Para sa mga mag-

aaral na may mga electronic gadget gaya ng smartphone at

laptop, maaaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga module

upang magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral.

Kapag may kopya na ang mag-aaral ng module, babasahin at

sasagutan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Gagawin niya

ang mga direksyon at aktibidad na nakapaloob dito. Pag tapos

na siya sa isang module, isusumite niya sa guro ang kaniyang

output para pagtataya at paggagrado.

Papel ng Wika sa Pagkatuto


Surigao State College of Technology
Surigao City
Malaki ang papel ng wika sa pagkatuto. Ang pang-araw

araw na buhay ng Tao ay umiikot dahil sa wika. Sa

pamamagitan ng pasulat at pasalita, ang wika ay nagiging

daan upang ipaabot ng isang idibidwal ang kaniyang kaisipan

at damdamin. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang

komunativo ng isang mag-aaral. Ang pagiging marunong sa wika

ay nagtataglay ng kapangyarihan na makapaghanapbuhay,

makipamuhay sa kapwa at mapahalagan ng lubos ang kagandahan

ng buhay na ginagalawan ng isang indibidwal. Ang wika ang

pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon. Samakatuwid,

ang wika sa pagkakatuto ay makabuo ng isang pamayanang

progresibo at kapaki-pakinabang. Pangalawa, ang wika ay

dapat may interaskyon. Ang pagunawa sa mensaheng ipinahayag

ng mga kasangkot sa interaskyon ay may pantay na kahalagahan

sa pagpapahayag sa sariling ideya. Pangatlo, ang wika ang

kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Ang isang bayan ay

Hindi makikilala kung Hindi dahil sa kanilang wikang

pambansa. Ang wika ang nagbibigay ng katauhan sa isang

lipunan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming papel

ng wika sa pagkakatuto. Kasama sa pag-aaral ng katangian ng

wika, kinakailangan ang pageensayo sa pagsasalita at

pagsusulat.
Surigao State College of Technology
Surigao City
Ang wika ay ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay.

Ito ay isang mahalagang salik sa pagkakaunawaan ng bawat

indibdwal. Maraming papel ang wika sa pagkakatuto tulad ng

mga nabanggit kanina. Una, ang wika ay kasangkapan na

ginagamit ng isang indibidwal upang makapagpahayag ng

damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wika ay may

interaskyon, at Pangatlo ang wika ang nagsasalamin sa bayan.

Mahalaga na maging malinang sa panunulat at pagsasalita ang

isang indibidwal upang maging mahusay at epektibong

instrumento ng wika. Ang wastong paggamit ng wika sa

pagkatuto ng isang indibidwal ang siyang magdadala at

magbubuo ng isang pamayanang kapaki-pakinabang at

progresibo. Ang wika ang kaluluwa ng lipunan.

Epekto ng Unang Wika/Mother Tongue bilang Midyum sa

Pagtuturo

Ang “Mother Tongue” ay ang unang wika ng isang tao na

siyang katutubong wika o inang wika ng pook na kanilang

kinaroroonan. Dahil dito nagkaroon ng ideya ang pamahalaan

na ipatupad ang Mother Tongue Based-Multilingual Education

(MTB-MLE) na palisi sa mababang antas ng paaralan kung saan

sa una hanggang ikatlong taon ng pag-aaral ay gagamitin ang


Surigao State College of Technology
Surigao City
unang wika ng mga bata bilang daan sa pagkatuto nilang

magbasa at magsulat. Ito ay habang dahan-dahang ipapakilala

ang ikalawang wika, Filipino at Ingles sa pahayag ni Cladin

(2016).

Isa sa mga positibong epekto ng MTB-MLE ay ang pagiging

globally competitive ng mga mamamayan. Higit ring matututo

ang mag-aaral kung sila’y magiging mahusay sa paghasa ng

kanilang sariling wika. Nakakabuti rin ito para mapreserba

ang Philippine Cultural Center ng bansa (MTB-MLE, 2016).

May ibang mga estudyante rin na nawawalan ng interes sa

pag-aaral dahil nga hindi ito ang wikang nakasanayan nila

"mother tongue" kaya huwag muna tayong manghusga sapagkat

ating lawakan at bigyang halaga itong mother tongue sa

paggamit nito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

May mga negatibong epekto rin ito lalong-lalo na sa mga

kabataan na kasali sa sistemang ito. Kapag ang inang wika

(mother tongue) na itinalaga sa isang lugar ay mali o hindi

tugma sa mismong wika na isinasalita mas mahihirapang matuto

at maintindihan hindi lang ng mga bata kung hindi pati narin

ng mga guro ang mga paksa na tinatalakay.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga kabataang nakararanas

ng MTB-MLE sa Pilipinas kinakitaan ng pagbabago sa kanilang


Surigao State College of Technology
Surigao City
paraan ng pag-iisip, tulad ng sa pag-sasalita, at pagkatuto

ayon sa pahayag ni Francisco (2017).

Pagkakaroon ng malawak na perspektibo sa mga bagay

bagay, pagtaas ng tiwala sa sarili at iba pang may kinalaman

sa komunikasyon ang siyang epekto ng paggamit ng Mother

Tongue sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang nagpapatibay ng Multilingual Language ng Edukasyon

(MLE) ay bunsod ng matagumpay na proyektong Lubuagan,

Kalinga Mother Tongue/First Language Education Experiment.

Ito ay inilahad sa ulat ni Stephen L. Walter at Diane E.

Dekker (2008). Isinaad dito na mabisa ang paggamit ng unang

wika ng bata sa pagturo ng asignaturang Filipino, English at

Mathematics sa elementarya.

Ayon kina Sec. Bro. Armin A. Luistro, Undersecretaries

Rozalino D. Rivera, Francisco M. Varela, Alberto T. Muyot at

Yolanda S. Quijano at iba pang opisyal, na ang paggamit ng

mother tounge ay ang pinakaepektibong pagkintal ng

karunungan na kabilang sa maibibilang nating positibong

epekto.

Tiwala ang ahensya na sa pamamagitan ng mother tounge-

based multilingual education mas malayang maipapahayag ng

mga batang mag-aaral ang kanilangmga sarili at kaalaman sa


Surigao State College of Technology
Surigao City
klase. (PTV News) Dapat na maging bukas ang ating isipan sa

mga pagbabagong ito upang mabilis maka adapt sa anumang

pagbabago sa ating lipunan.

Epekto ng mga Wikang Filipino at Ingles bilang Midyum sa

Pagtuturo

Ang Filipino at Ingles ay ang wikang panturo sa

Pilipinas. Ito ay dahilan sa pagpapatupad ng edukasyong

bilinggwal bilang pagsuporta sa paglinang ng isang

bilinggwal na bansa. Ang Ingles ay ginagamit bilang wikang

panturo sa Matematika at Agham, at Filipino ang wikang

panturo sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.

Isinaaad sa pag-aaral sa Maxima Acelajado (1996) na ang

“Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa

Pagtuturo Ng Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto At Atityud ng mga

Mag-aaral sa Kolehiyo” masasabing wala pa ring resulta ang

iba’t ibang pananaliksik na nagpapatunay na talagng dapat

na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring

malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng

matematiks; gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag

Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga

mag-aaral sa matematiks. Sa ngayon, isa sa mga pinagtutuunan


Surigao State College of Technology
Surigao City
ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng

epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa

pagtuturo sa matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik

na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumating ang

mga pagkakataong di maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang

aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag

nila sa wikang Filipino.

Isinaad naman sa artikulo ni Associate Professor Romeo

Y. Martin ng University of the East na may pamagat na

“English as Medium of Instruction in the Philippines” na

maraming mga guro ang naniniwala na kung Ingles ang

gagamitin bilang midyum sa pagtuturo ay maaring maapektuhan

ang intelektwal nap ag-unlad o pagkatuto ng estudyante, ang

pagpapanatili ng kultura, ang ekonomiya ng bansa at iba pa.

May dalawang pinagbatayang mga teorya naman na ginamit

upang suportahan ang pag-aaral na ito ay ang Dual Threshold

Theory (Cummins, 1994) at Basic Interpersonal Communicatve

Skills (BICS) at Cognitive Academic Proficiency Language

(CALP) Teorya (Cummins, 1994).

Ang Cummins (1994) ay nagpaliwanag na ang pag-unlad ng

dalawa o higit pang mga wika sa isang balanseng bilinggwal

na tao ay gumagalaw ng paitaas sa tatlong mga antas na


Surigao State College of Technology
Surigao City
nakikilala, na tumatawid ng dalawang magkakaibang mga

hangganan sa pagitan ng mga antas. Ang mga positibong

nagbibigay-malay na mga kapakinabangan tulad ng pinabuting

katalinuhan at akademikong tagumpay ay makakamit lamang

kapag ang una at ikalawang mga sukat ay na-crossed. Bukod pa

rito, ang pananaliksik sa pag-iisip at bilingwalismo ay

nagpapahiwatig ng dalawang “mga hangganan”, bawat mga

hangganan na kumakatawan sa isang antas ng kakayahan sa wika

sa unang o pangalawang wika na dapat maipasa upang maabot

ang susunod na antas ng kakayahan. Ang tatlong antas ay

limitado sa bilingwal, mas mababa sa balanseng bilingwal

(katumpakan na angkop sa eded sa parehong wika). Tinutukoy

ni Baker at Jones (1998) na ang teorya na ito ay

nakakatulong upang ipaliwanag kung bakit ang mga batang

minorya ng wika na itinuturo lamang sa pamamagitan ng

ikalawang wika ay maaring mabigo sa paaralan at kung bakit

ang mga bata na nakapag-aral sa mga programang pang-

bilinggwal na pag-unald ay maaring magkaroon ng cognitive

advantage sa mga monolinggwal na mag-aaral.

Ang ikalawang teorya ng Cummins (1994) ay nakilala ang

dalawang antas ng kasanayan sa wika bilang batayang

interpersonal communicative skills (BICS) at cognitive


Surigao State College of Technology
Surigao City
academic kasanayan sa wika (CALP). Ayon sa Cummins (1994),

ang BICS ay cognitively undemanding at context-embedded

dahil ang mga pahiwatig sa konteksto ay magagamit sa

parehong ispeker at tagapakinig na kasangkot sa pag-uusap.

Sa kabilang panig, ang CALP ay nagsasangkot ng lengguwahe na

nabawasan sa nilalaman at lubos na hinihingi ang

cognitively, tulad ng wika ng agham. Kaya, upang maisagawa

ng epektibo sa agham, kailangan ng mga estudyante na bumuo

ng CALP. Sinasabi ng Cummins (1994) na tumatagal ng 5

hanggang 7 taon para sa mga nag-aaral ng wika na maging

mahusay sa akademikong Ingles kumpara sa 2 hanggang 3 taon

para sa kasanayan sa pakikipag-usap. Ano ang ipinapahiwatig

ng BICS at CALP ng Cummins para sa pangkaraniwang edukasyon

ng ingles na, upang ang mga mag-aaral ng wika ay magbasa at

mauanwaan ang mga aklat-aralin sa nilalaman ng lugar at

magsagawa ng mga kognitively demanding task, tulad ng

pakikialahok sa mga talakayan sa silid-aralan at mga ulat sa

pagsulat, kailangan nila ang Ingles na pang-akademiko na

nagdadala sa kanila sana ng sosyal na Ingles.

Sintesis. May pagkakatulad ang mga naunang pag-aaral at

pahayag sa isasagawang pananaliksik na tumutukoy din sa

papel ng wika sa pagkatuto at epekto ng una at pangalawang


Surigao State College of Technology
Surigao City
wika bilang midyum sa pagtuturo. Ang mga kaugnay na pag-

aaral ay nagsisilbing patnubay sa pagtalakay ng pananaliksik

na nais malaman kung anong wika ang mas epektibo sa mga mag-

aaral sa Modular Learning Approach ngayong panahon na may

pandemya.

Balangkas Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay bumabalangkas sa mga konseptong

hango sa pagsusuri na ginawa ng mananaliksik na nakatuon sa

Uno man gajud?: Wikang Mas Epektibo sa Pagkatuto ng mga Mag-

aaral sa Surigao Pilot School sa Modular Learning Approach.

Makikita sa Pigyur 1 ang propayl ng mga mag-aaral.

Nakapaloob dito ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad,

kasarian. Matutukoy ng mga mananaliksik kung,

1. Propayl ng 2. Ano-ano ang mga

tagatugon batay sa: kagamitang ginagamit sa

1.1. Edad pagkatuto ng mga mag-aaral

sa Surigao Pilot School sa


1.2. Kasarian
Modyular Learning Approach

1.3. Baitang ayon sa:

2.1. Modyul
1.4. Tirahan
2.2. Gagyets (Cellphone,

1.5. Unang Wika Ipad, Laptop)


Surigao State College of Technology
Surigao City

Figyur 1

Paradaym ng Pananaliksik

saan sila nakatira dito malalaman ng mananaliksik kung

saang lugar o probinsiya permanenteng naninirahan ang mga

mag-aaral. Nakapaloob rin dito kung anong baitang na ang

mag-aaral, malalaman ng mga mananaliksik dito kung nasa

anong baitang na ang mga mag-aaral. Ang mother tongue o

unang wikang gamit ay isa rin sa mga nakapaloob sa propayl

ng mga mag-aaral. Dito malalaman kung may pagkakatulad o

pagkakaiba sa unang wika na gamit ang mga mag-aaral.

Naniniwala ang mga mananaliksik na makakakuha sila ng mga

datos na makakatulong upang matugunan ang mga suliranin sa

pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga

nakapaloob sa propayl ng mga impormate.

Sa panahon ng pandemya, ang paraan ng pagtuturo ng mga

guro at pagkatuto ng mga mag-aaral ay nag-iba. Ang mga

kagamitang ginagamit sa pagkakatuto ay nag-iba rin.


Surigao State College of Technology
Surigao City
Nadiskubre ng mga mananaliksik na pinapili ang mga mag-aaral

kung mag-oonline class o mag-momodyul sila kaya man, ang

pangunahing ginagamit na kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ay modyul kung saan ang mga mag-aaral ay bibigyan ng

modyul na nakaprint o nakabook bined na. Isa pang kagamitan

sa pagkatuto ay ang mga gadgyets katulad ng selpon, ipad, at

laptop. Ang mga kagamitang ito, ay ginagamit ng mga mag-

aaral na ang pinili ay ang online class. May iba’t ibang uri

ng proseso, teknik o paraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay

nag-iba rin dahil sa pandemya. Ang mga teknik na kanilang

nadiskubre rin sa panahon ng pandemya ay nakatulong sa

pagpapalawak at pag-unawa sa kanilang mga aralin at nagbigay

daan upang matugunan at masolusyonan ang mga suliranin sa

pagkatuto.

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na

makakakuha ng mga datos sa pamamagitan ng pagtuklas sa iba’t

ibang kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral, proseso at

teknik oparaan sa pagkatuto. Naniniwala ang mga mananaliksik

na ito ay epektibong paraan upang matuklasan ang mga wikang

mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Surigao Pilot

School sa Modyular Learning Approach upang matugunan ang

layunin ng pananaliksik na ito.


Surigao State College of Technology
Surigao City
Makikita sa unang pigura ang paradaym ng pananaliksik;

sa unang kahon makikita ang propayl ng tagatugon na

napapalooban ng edad, kasarian, baitang, tirahan, at unang

wika ng mga mag-aaral sa Surigao Pilot School. Sa ikalawang

kahon ay napapaloob ang suliranin at kagamitan sa pagkatuto,

ito ay ang matuklasan ang wikang epektibo sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa Surigao Pilot School sa Modyular Learning

Approach ayon sa modyul, gadgyets (selpon, ipad, Laptop),

proseso, teknik o paraan at suliranin sa pagkatuto.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang

wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Surigao

Pilot School sa Modular Learning Approach. Upang matugunan

ang layuning ito ay sisikaping masagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral?

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Baitang

1.4 Tirahan

1.5 Unang Wika

2. Ano ang papel ng wika sa pagkatuto ng mga mag-aaral?


Surigao State College of Technology
Surigao City
3. Anong wika ang mas epektibo sa mga mag-aaral para sa

kanilang pagkatuto?

3.1 Unang Wika

3.2 Wikang Filipino

3.3 Wikang Ingles

4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit mas ginagamit nila

ang wikang ito sa pagkatuto?

You might also like