You are on page 1of 32

PAGGAMIT NG INKLUSIBONG SALITA SA FILIPINO

TUNGO SA PAGKAKAMIT NG INKLUSIBONG KATUTURAN


SA SEKUNDARYA

Tesis
Na Iniharap sa
Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Lungsod ng Batangas

Bilang Bahagi ng
Kahingian sa Pagtatamo ng
EDUKASYONG PANG-GRADWADO
Medyor sa Pagtuturo ng Filipino

Donna Ravino Guerra


KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang inklusibong edukasyon ay nangangahulugan na ang lahat ng

mga mag-aaral ay malugod na tinatanggap at naibibigay ang karampatang

pagkatuto sa paaralan, kahit na sino sila, anuman ang kanilang katayuan

sa buhay, paninindigan o uring kinabibilangan, kaya naman ito ay nagiging

posible sa pamamagitan ng paggamit ng wikang kinabibilangan ng lahat at

hindi nag-iiwan ng sinuman. Kaya’t kung ating titingnan ang mga reyalidad

na senaryo sa mga paaralan lalo na sa mga sekondaryang paaralan, ito

ang pangunahing nagiging suliranin ng ibang mag-aaral na kung minsan

sila ay hindi makatugon sa hinahanap at inaasahan ng kanilang guro at

kadalasan pa nga ay hirap silang makipagsabayan sa nagiging takbo ng

klase lalo at nararamdaman nila sa sarili nilang parang hindi sila kabilang

sa klase dahil sa kanilang ibang lebel ng edukasyon at pag-iisip na

tinataglay.

Kaugnay ng suliraning ito higit na malinaw na ang inklusyon ay

nangangahulugan na ang lahat ng mga mag-aaral ay dapat tratuhin nang

patas at bigyan ng parehong pagkakataon na matuto, kahit na sila ay may

kapansanan o wala (Al Zyoudi 4, Forlin 235-45, 2014). Samakatuwid, sila

ay kinakailangang maging parte sa tinatawag na pangkalahatang


edukasyon na ang mga iyon naman ay nararapat na nakabatay sa

natatanging kakayahan at hindi sa kung anomang kapansanan na maaari

nilang tinataglay.

Karagdagan nito, ang inklusibong edukasyon ay nangangahulugan

din na ang lahat ng mga bata ay maaaring matuto at maging mahusay sa

paaralan, kahit na sinoman sila. Kaya naman sa kasalukuyan, gusto

naming matiyak na walang makakasagabal sa kanilang pag-aaral, tulad ng

pagiging kakaiba sa iba o pagkakaroon ng problema sa ilang paksa.

Maiuugnay ang inklusibong edukasyon sa kagustuhang

malampasan ang mga hadlang na nakasasagabal sa partisipasyon at

pagkatuto ng lahat ng mga bata, anuman ang kanilang lahi, kasarian,

kaligirang sosyal, kapansanan at antas ng pagkatuto sa mga paaralan

(Booth at Ainscow 3- 10). Kaya naman hangarin nito ay pagkakaroon ng

pakikisalamuha sa isa’t isa o interaksyon patungkol sa iba’t ibang uri ng

mga tao na may iba't ibang tradisyon, kultura at iba pa. Sa ibabaw ng

lahat, ito ay upang malaman ang tungkol sa isa't isa at para ng sa gnon ay

magtulungan ang bawat isa.

Nangangahulugan ito ng pagbabago sa paraan ng ating pagtuturo

upang ang lahat ay matuto at walang mapagiwanan, kaya naman

magagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng magagandang

pamamaraan sa pagtuturo, pakikipagtulungan sa iba't ibang grupo, at pag-

aaral mula sa ibang mga bansa upang maipalaganap ang adbokasiya,


kaalaman, pagbibigay ng teknikal na tulong at pagpapakilala sa

pangunahing prinsipyo at pangangailangan ng inklusibong edukasyon,

kung kaya’t kaaalinsabay ng laha ng iyon ay nakakatulong ito upang

matiyak na ang lahat ay magkaroon ng oportunidad sa edukasyon at

maitrato ang isa't isa nang may kabaitan at paggalang.

Upang matamo ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng

inklusibong wika, kung gusto nating mapabilang ang lahat, kailangan

nating tiyakin na ang pamahalaan, mga paaralan, mga guro, at mga

komunidad ay iniisip na ito ay isang magandang ideya ng ang lahat ng ito

ay makabigay ng suporta isa’t isa at magkaroon ng iisang layunin. Sa

ganitoong mga sitwasyon, ang mga guro ay mayroong pinakamahalagang

gampanin ang dapat na maisakatuparan lalon higit ang kanilang

pagpapahalaga, pananaw at hangarin sa magiging tagumpay ng

inklusibong edukasyon na magkakaroon ng apekto ang lahat ng iyon

kapagka naging mahusay ang ang implementasyon nito (Avramidis at

Norwich 130, 2014).

Matutukoy sa mga inilahad na kaugnay na mga ideya na wala pang

pag-aaral na pumapatungkol sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino,

kaugnay nito bilang panimulang pagsusuri sa paggamit ng inklusibong

wika, bibigyang-pansin ng papel na ito ang paggamit ng mga mag-aaral ng

inklusibong wika na magsisilbing pundasyon sa paggawa ng mga

pamantayan at lalong pagpapalawak sa kaalaman ng konsepto ng


paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa pagkamit ng

inklusibong katuturan ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tulungan ang mga guro sa

sekondarya sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa

pagkamit ng inklusibong katuturan at pagbutihin ang kanilang mga

kasanayan sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino.

Sa partikular, matagumpay nitong nakamit ang mga sumusunod na

layunin:

1. Nasusuri ang paggamit ng inklusibong salita sa Filipino sa mga

mag-aaral.

2. Natutukoy ang antas ng kadalasan ng paggamit sa mga

inklusibong salita sa Filipino ng mga guro.

3. Naiuugnay ang pagkakalantad ng paggamit ng inklusibong salita

sa Filipino ng mga guro tungo sa pagkamit ng inklusibong katuturan.

4. Nakabubuo ng mga mungkahing pamantayang gagamitin sa

pagpapatupad ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa pagtatamo

ng inklusibong katuturan.
Haypotesis

Susubukuin ang pag-aaral sa null hypothesis kung mayroon bang

makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng inklusibong salita sa Filipino

tungo sa pagkamit ng inklusibong katuturan ng mga guro sa sekondarya.

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pangunahing pokus ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang

paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa pagkamit ng

inklusibong katuturan sa sekondarya at ng sa pamamagitan ng mga iyon

ay mapagbuti ang kanilang mga kasanayan sa paggamit ng inklusibong

salita sa Filipino. Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga guro

sa sekondarya mula sa Baybayin Integrated National High School para sa

taong panuruan 2022-2023.

Ang mga respondenteng iyon ang napili bilang pinakamahusay na

kinatawan para sa layunin dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang

mga guro sa sekondarya, sila ay nasa yugto na kung saan marunong at

may malalim na kaalaman sa paggamit ng mga inklusibong salita sa

Filipino at karamihan ng mga suliranin sa inklusibong katuturan ay nasa


kanilang baiting matatagpuan. Magiging napakahirap para sa mga

mananaliksik na mangalap din ng impormasyon para sa pag-aaral na ito

kung isasama rin nila ang iba pang mga guro sa mas mababang mga

baitang at ilang mga guro mula sa ibang mga paaralan dahil ang resulta na

nakuha sa pag-aaral na ito ay maaaring mag-iba at maaaring magamit sa

mga guro o iba pang mga indibidwal. Kaya’t upang maiwasan ang

potensyal na bias, ang mga mananaliksik ay sumangguni sa ilang mga

eksperto sa pagsusuri ng mga aytem na gagamitin sa mga sarbey na

talatanungan.

Samantalang ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay maipapakita ang

pagkakaroon ng hangganan ang lawak ng magiging sakop ng pag-aaral na

ito, dahil kahit na mayroong pagkakaiba-iba ang mga guro sa Filipino ay

sila ang mas lalong makapagbibigay ng kabuluhan sa pagpapaigting ng

paggamit ng inklusibong salita sa Filipino upang maiwasan ang

diskriminasyon sa pagitan ng mga mag-aaral, dahil hindi lamang ang mga

mag-aaral ang nanggaling sa iba’t ibang lugar kundi pati rin ang ibang mga

guro at pangunahin ang mga kaguruan sa Filipino.

Mangangalap ng mga datos gamit ang mga sarbey na talatanungan

para sa mga guro sa sekondarya. Ang magiging pokus ng mga tanong

para sa mga kaguruan ay ang paggamit nila ng mga inklusibong salita sa

Filipino at sa ikalawang bahagi ay ang mga paksang may kaugnayan sa

antas ng kadalasan ng kanilang paggamit ng mga inklusibong salita sa


Filipino, gayundin ang paraan at dalas ng kanilang gamit nito kaugnay din

nito ang mga mahahalagang ideya at mga konsepto mula sa pamantayan

sa inklusibong salita na ginamit ng Kagawaran ng Edukasyon ng

Tasmania (1-10).

Ang talatanungan na sasagutan ng mga guro sa sekondarya ay

binubuo ng dalawang bahagi, ang unang bahagi ay binubuo ng 20 aytem

na tumitiyak sa kanilang paggamit ng mga inklusibong salita sa Filipino. At

ang ikalawang bahagi ay tumutukoy sa antas ng kadalasan ng kanilang

paggamit sa mga inklusibong salita sa Filipino, na may antas ayon sa apat

na iskala: 4 – Lubos na Lubos na Paggamit, 3 – Lubos na Paggamit, 2 –

Bahagyang Paggamit at 1 – Hindi Paggamit.

Ang sarbey na talatanungan ay ibibigay sa mga guro sa

pamamagitan ng face-to-face na pakikisalamuha sa pamamagitan ng mga

mananaliksik. Sa pagkakataon ding ito ay magkakaroon ng kontrol ang

mga mananaliksik na personal na maipaliwanag sa kanilang mga

respondente ang layunin at nilalaman ng pag-aaral. Bukod pa rito, dahil

ang sarbey na talatanungan ay ibibigay sa mga guro, ang magiging

kasama lamang sa mga datos ng sarbey ng mga respondente ay ang mga

tumugon sa sarbey na talatanungan.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pangunahing pokus ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang

paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa pagkamit ng

inklusibong katuturan sa sekondarya. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

daan upang lalo pang mapagbuti ng mga mag-aaral gayundin ng mga guro

ang kanilang mga kasanayan sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino.

Dagdag pa rito, ang pag-aaral din na ito ay makapag-aambag sa proseso

ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy

at pagtugon sa mga hamon ng mga mag-aaral sa paggamit ng inklusibong

salita sa Filipino tungo sa pagkamit ng inklusibong katuturan.

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay din ng pundamental na

kaalaman at pag-unawa sa kung anumang mga inklusibong salita sa

Filipino ang maaaring magamit upang epektibong matulungan ang mga

mag-aaral sa hinaharap nilang mga pag-aaral upang ng sa ganon ay

makamit nila ang inklusibong katuturan, at para na rin sila ay maging

bihasa sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino sa lahat ng

pagkakataon. Dahil dito, ang magiging pokus ng pag-aaral na ito ay ang

paggamit ng mga mag-aaral ng mga inklusibong salita sa Filipino na

makakatulong sa kanilang pag-aaral upang makamit nila ang inklusibong

katuturan.

Depenisyon ng Terminolohiya
Nasa ibaba ang mga kahulugan ng mga termino sa pag-aaral na ito.

Ang mga terminong ito ay tinukoy ayon sa kanilang paggamit sa konteksto

at mga kaugnay na aplikasyon.

Inklusibong Katuturan. Ito ay ang inklusibong edukasyon ay isang

proseso ng pagbibigay-tugon sa iba’t ibang pangangailangan ng lahat ng

mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang pakikilahok

sa pagkatuto at pagpapababa ng antas ng eksklusyon sa edukasyon

(UNESCO, 2005). Sa pag-aaral na ito, ito ay makatutukoy sa kung

pagkakaugnay ng pagkakalantad ng paggamit ng inklusibong salita sa

Filipino ng mga guro tungo sa pagkamit ng inklusibong katuturan.

Inklusibong Salita. Ito ay makatutulong sa atin na maging mulat hindi

lamang sa ating kasarian kundi pati sa ating lahi, antas ng buhay,

pagkamamamayan, edad, uri at kalagayan sa buhay at lahat ng ating

pagkiling sa mga bagay-bagay (Handesty 14-16, Lartec, J. K., Dotimas, S.

D., Maraño, C. M. R., & Pitas, M. A. P. (2014). Sa pag-aaral na ito, ito ay

makatutukoy ng antas ng kadalasan ng paggamit ng mga guro sa mga

inklusibong salita sa Filipino.

Inklusibong Salita sa Filipino. Ito ay isang katutubong wika na nililinang

mula sa panghihiram ng mga wikang katutubo at hindi katutubo sa bansa


(Garcia et al. 44, Lartec, J. K., Dotimas, S. D., Maraño, C. M. R., & Pitas,

M. A. P. (2014). Sa pag-aaral na ito, ito ay makatutulong na masuri ang

paggamit ng inklusibong salita sa Filipino ng mga guro sa sekondarya.

KAUGNAY NA LITERATURA

Literaturang Konseptwal

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga sumusunod na masusing

paghahanap, na nagpapakita ng buod ng iba't ibang pagbasa na ginawa

ng mga mananaliksik. Upang lubos na maunawaan ang pananaliksik at

para sa pinabuting kaalaman sa pag-aaral na ito, nagawa ng mga

mananaliksik na mabuo ang mga impormasyon at makonsepto ang pag-

aaral.

Paggamit ng inklusibong salita sa Filipino sa mga mag-aaral.

Mayroong mahusay na kaganapan sa pagpapatupad ng inklusibong salita

sa pagtatamo ng inklusibong katuturan, ito ay makapagbubunga ng

mayroong kabuluhang epekto sa iba’t ibang aspekto tulad ng maayos na

kalagayan ng klase na totoong ito naman ay nakapagbubunga ng

epektibong proseso ng pagtuturo ng mga guro at lubos na pagkatuto ng


mga mag-aaral. Ayon nga kayna Nalipay at David (2018) na mahalagang

mabigyan ng karampatang mapagkukunan ang mga mag-aaral upang

maging matagumpay hindi lamang para sa kanilang mga personal na mga

hangarin kundi para sila ay makapag-ambag at maging kapaki-pakinabang

sa kanilang ginagawang lipunan. Ang pinakamabisang wika sa edukasyon

ay matagal nang usapin ng edukasyon Natututo ito, ngunit hindi rin

maikakaila na minsan natututo ang mga wika. kahit na matapos itong

makamit. Ang paggamit ng isang inklusibong wika ay gumagana nang

maayos Palawakin ang partisipasyon ng mag-aaral sa proseso ng

pagkatuto. Nagbibigay-daan ito sa amin na makabuo ng bagong kaalaman

na magagamit namin. Lutasin ang mga problema sa pag-aaral.

Dagdag pa rito, ayon kay Lumbera (2015), ang wika ay parang

hininga, sa bawat sandali ng buhay ay nariyan ito. Ito ay isang

palatandaan na ang mga taong gumagamit nito ay buhay at may

kakayahang kumonekta sa iba pang gumagamit nito. Sa madaling salita,

ang wika ay isang pambansang kasangkapan upang magkaisa ang bansa.

Ang isang bansang may wika ay maituturing na nakatira sa mundong iyon.

Nagpatotoo siya na ang wika at lipunan ay magkatuwang na puwersa at

ang dalawa ay dapat tingnan sa pagkakatugma at balance, kaya naman

ipinapakita nito ang kamalayan ng publiko samakatuwid ay ang mg amag-

aaral sa lipunang kanilang kinabibilangan, kaya naman muli mayroong

matibay na ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan na kinakabalingan ng


bawat guro at mag-aaral. Nabanggit din ni Flores (2015) sa kaniyang pag-

aaral na ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ay nabuo dahil sa 79

The Normal LightsVolume 15, No. 1 (2021) pilosopiya. Ang mga

pilosopiyang ito ay ang sumusunod: Una ay katangian na ito ay patuloy

na payayabungin, pangalawa naman ay ang pinagmulan/batayan na ibig

sabihin ay linggwistikal, pangatlo ay ang gamit na instrumental sa

pagkakaisa at sa demokratisasyon at pang-apat ay ang sentimental o

pagbibigay identidad at dignidad bilang isang bansang

naghahangad ng soberanya. Sa katunayan nga ang lahat ng mga ito ay

patuloy na nagaganap at nangyayari ngayon, at ang ating wikang

Pambansa na Filipino ay pinaniniwalang nabuo dahil sa mga pilosopiya na

ito, at ang wikang ito nga ang patuloy at kasalukuyang tinatangkilik pa rin

hanggang ngayon ng bawat mamamayang Pilipino at patuloy na nakikita

kung paano ito nakaaambag sa malawak na disiplina ng Araling

Pilipino at iba pang larangan (Guillermo, 2016).

Ayon naman kayna Rosyida at Fauzia (2020) ay nagsagawa ng

pag-aaral ukol sa gampanin ng wika sa komunikasyon, ang interpretasyon

nito at ang mga intensiyon ng paglalahad ng mga political

advertisement ni Alexandria Ocasio-Cortez sa Congressional

Campaign noong 2018. Binigyang-diin ng pag-aaral na ito ang praktikal

na papel ng mga speech act na “locution, illocutionary at perlocutionary” sa

kanyang talumpati. Ang mga resulta ng pag-aaral ay sumasalamin sa


tiwala at malakas na personalidad ni Ocasio-Cortez, batay sa mga

pahayag na ginamit niya sa kanyang mga talumpati at kanyang mga

aksyon. Malinaw din sa kanilang pananaliksik na ang pagsasalita sa

publiko ay nagpapakita na siya ay isang indibidwal na mayroong

kakayahang kumatawan sa hinaharap at siya ay isang tagapagtaguyod

para sa lahat, samakatuwid siya ay mayroong lakas ng loob na humarap

sa publiko o sa maraming manonod at nakikinig. Ginamit niya ang

pagtatanghal upang ipakita na siya ay bahagi ng lipunan at nais gumawa

ng pagbabago para sa kanyang makikinig sa halip na para sa kanyang

sarili.

Sa bahagi naman ng inklusibong salita sa Filipino, dito naman ay

lalong kailangang mabigyang importansya ang iba’t ibang salita at wika ng

bansa para makatulong sa pagbuo at matuklasan ang pagpapatibay ng

wikang pambansa na nauunawaan at tinatangkilik ng lahat. Ang pagunawa

at pagtangkilik sa pagkakaiba-iba ng bawat isa sa lahat ng bahagi ang

makapagpapatibay sa kamalayan ng bawat mag-aaral pagdating sa

ganitong mga aspeto, at ang kamalayang ito ang maghuhubog sa kanila

tungo sa mas malawak na katuturan at mas maayos at magalang na

pakikipamuhay sa araw-araw. Kaya naman sa ganitong pagintindi, ang

kaalaman ay ang pag-tuklas sa konteksto, hugis, at lipunang ginagalawan

nito na bumubuo nito batay sa pakikipag-ugnayan ng tao-tao, kabilang ang

lahi, hugis, kasarian, nasyonalidad, kultura, at relihiyon. Kung kaya’t sa


mga sosyolohista, ito ay tinatawag nilang posisyon at ideolohiya na

humuhulma sa pagkatao ng isang indibidwal at lipunan (Cole, 2020).

Kaya’t kung susuriin ang paksa ng Buwan ng Wika bilang produkto ng mga

institusyong panlipunan tulad ng Komisyon sa Wika ng Pilipinas (KWF),

ipinapalagay na ito ay ideyang panlipunan na binuo upang makagawa ng

mga organisasyong pangkomunidad. Hindi mawawala ang edukasyon,

pamilya, relihiyon, media at iba pang bahagi ng lipunan na may

pinakamahalagang gampanin sa pagpapaunlad ng kaalaman kasabay ng

lipunan, sa madali’t sabi, ang mga institusyong iyon ay may roong mataas

na lebel sa bagay na ito at kaalinsabay noon ay gumagawa ng mga ideya

at kaalaman na pinahahalagahan ng lipunan.

Paggamit ng mga guro sa mga inklusibong salita sa Filipino.

Ang mga aktibidad sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay palagiang

nakabatay sa mga pakikipag-ugnayan sa loob ng silid-aralan, na

sinusuportahan ito ng mga pangunahing mayroong pananagutan tulad ng

mga guro. Sa madaling salita, ang pagkatuto at pag-unawa ng bawat mag-

aaral ay nakasalalay sa pamamaraan at istilo ng pagtuturo ng mga guro.

Kaya naman ayon kay Benson (2005) ang wika ay susi ng

pagkakaunawaan sa loob ng silid-aralan, samakatuwid ang wika ay

mayroong kalakasan na makapaglipat ng mga kaalaman mula sa guro

patungo sa mga mag-aaral. Pinapayagan din nito ang bawat indibidwal na

maunawaan ang kanilang sarili at ang kanilang kapaligiran, kaya naman


napapaunlad niya ang kaniyang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan

ng wika na kaniyang ginagamit. At ginagamit din ang wika sa silid-aralan

upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at ang

mabisang paggamit ng wika ay tumutulong sa mga mag-aaral upang

maunawaan ang mga konsepto at leksyon ng bawat aralin, na iyon naman

ay humahantong sa matagumpay na pagtuturo at pagkatuto. Kaya naman

sa kabuuan ay napakahalagang maisaalang-alang ang wikang ginagamit

sa silid-aralan.

Ang isang malakas na pagtuon sa edukasyon ay susi sa pagkamit

nito ng matagumpay na edukasyon na gumaganap bilang isang

mahalagang papel sa pag-unlad ng isang indibidwal at binibigyang daan

nito ang pagkakataon para sa mas mabuting pamumuhay Battle at Lewis

(2002), kaya dito pa lamang ay natitiyak na ang wika ay itinuturing na

isang napakahalagang salik para sa isang matagumpay na matatag na

edukasyon at kung ang wika ay imbakan ng karunungan, kailangang ito ay

maingatan upang matiyak na matatas ang wika upang malinaw na

maipahayag at maiparating ang mga konsepto ng bawat paksa ng mga

aralin na pag-aaralan.

Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay maituturing na isang

masalimuot na gawain sa buhay ng isang guro dahil kahit na maliit lamang

na pagkakamali nila ay maaaring mawalan ng interes sa pag-aaral ang

mga mag-aaral o di kaya ay magkaroon na kaagad ng misinterpretasyon


sa pagitan ng mga guro at mag-aaral na maaaring magbunga ng kanilang

kalituhan sa mga bagay na iyon, kaya naman ang pagkabagot o pagkainip

sa klase ay isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga mag-aaral

na matuto sa klase at isang malaking hamon para sa mga guro na

nagtuturo.

Dagdag pa ni Gorgonio (2012), sa kasalukuyan, ang wikang

panturo ay isang mahalagang salik na kailangang bigyang pansin

sapagkat ito ang susi ng pagkatuto at kung ano ang makakamit ng mga

mag-aaral sa iba’t ibang asignatura. Madalas din na bahagi ng mga guro

ay ginagamit nila ang wikang Filipino para linawin ang mga konsepto sa

mag-aral para ng sag anon ay mas madali nilang maunawaan ang mga

iyon lalo na ang mga terminong hindi malinaw sa kaisipan ng mga mag-

aaral, kaya naman katuwiran na rin ng mga guro na ang pagpapaliwanag

sa wikang Filipino ay ginagawang mas simple para ng sag anon ay mas

madali nilang maunawaan ang mga kumplikadong salita at termino. Malaki

rin ang naitutulong ng kaalaman sa wikang Filipino para sap ag-unawa ng

mga mag-aaral at nakapagbibigay ito ng magandang pagkakataon upang

komprehensibong ipaliwanag ang paksa o kanilang aralin, at sa ganitong

paraan ay magiging tuloy-tuloy ang daloy ng talakayan, walang magiging

hadlang sa pagkakaroon ng kaalaman sa paksa, at maari pa ngang mas

magkaroon pa ng interes ang mga mag-aaral na makinig at patuloy na

masubaybayan ang ginagawang talakayan.


Dagdag pa rito, kaya naman ang mga guro ay gumaganap bilang

mga gabay o facilitator lamang sa iba't ibang mga aktibidad sa silid-aralan,

at ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa iba't ibang mga aktibidad

sa komunikasyon. Habang nakikipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa

ibang mga mag-aaral, dapat silang bigyan ng pantay na pagkakataon na

makilahok sa iba't ibang mga aktibidad upang higit na mapaunlad ang

kanilang mga kasanayan.

Sa katunayan ay ang pagbasa ay isa ring prosesong

nakapagbibigay ng malay sa pag-unawa sa mga nakasulat o nakalimbag

na mensahe at nakasulat na wika ng sa gayon ang pagbabasa ay maging

landas tungo sa kaalaman (Delgado, 2015). Kaya't ang isang mag-aaral na

may kakayahan at kaalaman sa pagbasa at pagkilala ng mga salita ay

dahil kanila itong binibigkas ng wasto lalo na sa mga salitang una pa

lamang sa kanilang pandinig at wala talaga silang ideya, hindi kagaya ng

ibang mga mag-aaral ay basta alam nila sa sarili nila na nabanggit o

nabigkas na nila ang mga salitang iyon ay ayos na, sa paglilinaw ay pasok

sa kanilang kanang tenga labas naman sa kaliwang tenga.

Kaya naman ayon kay De Juan (2013), dito sa Pilipinas, kapag

natutuklasan ang mga suliranin sa pagtuturo ng wikang Filipino, isa na rito

ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang

pampanitikan, ay hindi na kaagad malaman ng mga guro ang lahat ng mga

pagbabagong nagaganap. Ibig sabihin lamang noon ay mayroong isang


bagay o kapaligiraan ang sumusunod sa mga kontemporaryong istilo at

teknik sa pagtuturo ng mahusay na pag-unawa sa pagbasa ng mga

asignaturang Filipino, lalo na sa larangan ng wika at panitikan, na iyon ay

dapat na naisasagawa ng mga guro partikular na sa Filipino.

Mga mungkahing pamantayang gagamitin sa pagpapatupad ng

inklusibong salita sa Filipino tungo sa pagtatamo ng inklusibong

katuturan. Napakahalaga ng gamapanin ng wika sa pagkamit ng

inklusibong katuturan, dahil dito kinakailangan ang malinaw na mga

regulasyon tungkol sa paggamit ng komprehensibong pagpapatupad ng

wika, dahil ang mga wika ay nakasisira ng diskriminatori sa iba at sa

kanilang gawain at pagkatuto, dito rin nagkakaroon ng gawaing may

diskriminasyon laban sa iba at sa kanilang trabaho at pag-aaral

(Department of Education of Tasmania 1-10). Dito mahihikayat ang

pakikipag-ugnayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga

pamantayan at dito rin nila lubusang mapag-iisipang mabuti ang wikang

ginagamit nila. Hindi sa kontekstong ito maaaring maliitin ang kahalagahan

ng pagkakaroon ng inklusibong salita sa Filipino upang ng sag anon ay

ang edukasyon ay lubusang makatulong para sa malinaw at malawak na

hanay ng pagkatuto ng mag-aaral ng mga gurong inklusibo.

Sa kabilang banda, ipinakita sa isang pag-aaral ni Du Plessis,

Carroll, at Gillies (2017) na ang ugat o pinanggagalingan ng lahat ng iyon

ay hindi lamang ang problema ng kakulangan ng guro, kundi ang mga


desisyon ng mga pinuno ng paaralan at depende sa mga nauugnay na

pagpapaunlad ng patakaran. Napag-alaman din sa pag-aaral ni Pakana et

al. (2019) na nagpapatuloy ang extracurricular education dahil hindi alam

ng mga administrador ng paaralan ang mga problemang dulot nito.

Ipinapakita nito na ang mga opisyal ng paaralan ay may malaking papel sa

paglutas ng sistemang ito. Maaaring ito ang ma mairekomendang

pamantayan na ginagamit sa pagpapatupad ng mga generic na salita sa

Filipino upang makakuha ng inklusibong katuturan ay una at pangunahin,

ang mga guro ay dapat aktibong lumahok sa mga kursong pagsasanay sa

inklusibong edukasyon na iniaalok ng Faculty of Education sa wastong

pagpapatupad ng inklusibong edukasyon. Pangalawa, kailangang maging

malikhain ang mga guro sa kanilang pagtuturo at suportahan ang wastong

pagpapatupad ng inclusive education. Pangatlo, kailangan nating

magkaroon ng kamalayan sa kultura at pamayanan, dahil malaki ang

papel nito sa paggamit ng wika ng isang tao. ito ay Kilalanin ang

pagkakaiba ng bawat isa. At bilang panghuli ay maaari ding maimungkahi

na ay makapag-ingat ang bawat isa sa paggamit ng wika at sa kalikasan

nito upang maiwasan ang paggamit nito sa emosyonal o anumang mga

aspeto na pamamaraan.

Dagdag pa ni Salazar, (“Pilipinolohiya”, 332), para sa kaniya ang

mga bagay na iyon ay nangangahulugang isang buong proseso na

siinasabi ngang, "depende sa adaptability at originality ng mga Pilipino


bilang indibidwal at bilang isang bansa, na dapat maisakatuparan hindi

lamang mula sa labas kundi maging sa loob ng kulturang Pilipino,”. Para

sa bahaging ito ay napakahalaga na kilalanin at unawain muna ang iyong

sarili sa lahat ng pagkakataon, para ng sag anon ay muling matukoy kung

anong kultura, kalagayan, at pangangailangan ng isang tao ang mga

pamantayan para sa pagiging angkop ng mga ideya at bagay na

maangkin. Sinabi rin niya na ang bawat kultura, bawat kultural na

kasanayan ay isang systema lamang para ng sag anon ay upang ang mga

panlabas na teorya at metodolohiya ay hindi kailanman ganap na

mailalapat sa reyalya ng buhay. Upang mas maunawaan ang pangunahing

akademiko ng gawaing ito ay nagpag-alaman ang mga makasaysayang

pinagmulang ng pagbuo ng programa ay maaaring maisama rin sa

talakayan. Kaya naman nag-aalok ang UP ng iba't ibang antas ng

“Philippine Studies”: Bachelor's at master’s at mga espesyal graduate

programs na nakapagbibigay diin sa kakayahan na tinatawag na masteral

o doctoral. Kaya naman ang mga mag-aaral na nakakuha ng mga

pamamaraan at kontribusyon sa larangan ng pagbuo ng teorya ay

nakaukol para sa kapakanan ng pagkakumpleto ng mga mahalagang

pagbigay ng maikling komento sa pag-aaral kung paano ikinategorya at

hinamak ang karanasang Pilipino.

Gayunpaman, malinaw na ang mga ito ay mga kinakailangan

lamang para sa pag-aaral sa antas ng mga mga-aaral na hindi pa


nakakapagtapos. Bukod dito, sa antas na ito ay may mas malaking

tendensya na pagsama-samahin ang iba't ibang panloob at panlabas na

ideya, ngunit ito ay nagpapakita ng kalayaan at kapangyarihan na

mayroon ang mga estudyanteng Pilipino na muling tukuyin ang kanilang

sarili. Kaya’t ang mga paghihigpit para sa kaukulang mga kategorya ay

nailalayon dapat sa tuwi tuwina, At sa huli, ito ay makikita bilang isang

nabuong pamantayan na nakabatay sa kahulugan ng kung ano ang

makabuluhan o kung ano ang mas makabuluhan na maaring maging

pamantayan na gagamitin sa pagpapatupad ng inklusibong salita sa

Filipino tungo sa pagtatamo ng inklusibong katuturan, kaya’t patuloy na

nauugnay sa isang tiyak na paksa ang lahat ng iyon. Kaya naman, bilang

isang malikhaing paraan ng pagpapaliwanag, ito rin ay ebidensya ng

mahalagang pagpapakahulugan ng pagiging makapayan at pagkakaintindi

patungkol sa pag-aaral ng Filipino sa ating lipunan, kultura at kasaysayan,

dahil ang bawat isa sa mga ito ay patunay lamang na mayroong

kaugnayan sa bawat isa.

Sa ibabaw ng lahat ng ito ay na ang wika sa teksbuk na Pagbasa

at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ay siyang pinakamahalagang

biyayang ipinagkaloob ng Poong Maykapal sa ating lahat (Inalvez, et.al

2012). At masasabi nga na ito ay ang instrumento upang maipaabot ang

ating nararamdaman kung tayo man ay masaya, malungkot, nagagalit,

nagugulat at ideya ang nais nating iparating sa kung sinomang taong


kausap, kaharap o nakakasalamuha man natin sa araw araw na

pamumuhay. Dahil ang paggamit natin ng wika ay sumasalamin sa kung

sino tayo, ano katayuan natin sa buhay na ito, at saan tayo nanggaling.

Ang wika ay maaaring maging pundasyon ng ating pagkatao, dahil kung

patuloy natin itong gagamitin at pagyayamanin, ay tayo mismo sa sarili

natin ang makabubuo ng sarili nating pagkakakilanlan.

Teoretikal na Balangkas

Bibigyang-pansin ng mga mananaliksik ang kabuluhan ng iba’t ibang

teoryang sumusuporta sa pag-aaral partikular na sa paggamit ng

inklusibong salita sa Filipino, Ayon sa teorya ni B. Latane (1996) na

dynamic social impact, ang teoryang ito ay iminungkahi niya upang maging

isang dinamikong teorya ng epekto sa lipunan upang maisaalang-alang

kung paano lumilitaw ang magkakaugnay na mga istruktura ng mga

elemento ng kultura mula sa mga pakikipag-ugnayan ng mga tao na

matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lugar. Sa konseptong ito, ang

istrukturang panlipunan ay makikita lamang ang resulta ng mga indibidwal

na nagkakaiba sa kanilang kakayahang impluwensyahan ang isa't isa at sa

kanilang lokasyon, na nakakaapekto sa isa't isa hanggang sa ito ay

maging dinamikong proseso ng pagpapaulit-ulit pag-impluwensya sa ibang

tao.
Kaugnay ng teoryang ito at sa gagawing pag-aaral ay maipakikita na

sa pagkakaroon ng pagkakaiba iba ng lahi, kasarian, kaligirang sosyal,

kapansanan at antas ng pagkatuto sa mga paaralan sa pagitan ng mga

guro at mga mag-aaral ay malaki ang nagiging impluwensya nito sa bawat

isa sa kanila, kaakibat ng mga impluwensyang iyon ay nagiging

dinamikong proseso na o paulit ulit ng nangyayari samakatuwid ay

naisasalin na rin hanggang sa mga kasalukuyang mag-aaral na ito naman

ang kasalukuyang nagaganap ngayon sa mga mag-aaral at pangunahing

suliranin ng paaralan.

Ang pag-aaral din na ito ay pumapaloob sa pagkakaroon ng

impluwensya ng wikang mayroon ay alam ng ibang mag-aaral sa kanilang

mga kaklase at guro, sapagkat ang wika ay sinasalitang wika na may

sistematikong balangkas na pinipili at inaayos para sa komunikasyon ng

mga taong kabilang sa parehong kultura, ang pagbabago ng wika ay

nakasalalay sa mga taong gumagamit nito at sa kulturang nabuo sa lipunan

na nakaiimpluwensya sa iba.

Konseptwal na Balangkas

Upang makarating sa isang mas malinaw na pagkaunawa sa pag-

aaral nito, inilapat ng mga mananaliksik ang modelo ng input-process-

output. Ang daloy ng pag-aaral ay ipinapakita gamit ang kasunod na


pigura kung saan ang unang kahon ay kumakatawan sa input, ang

pangalawa ay ang proseso, at ang huli ay ang output.

INPUT PROCESS OUTPUT

Makakabuo ng mga
Paggamit ng inklusibong mungkahing
salita sa Filipino sa mga Kaugnayan ng pamantayang
mag-aaral. pagkakalantad ng gagamitin sa
paggamit ng pagpapatupad ng
Antas ng kadalasan ng inklusibong salita inklusibong salita
paggamit sa mga sa Filipino sa mga sa Filipino tungo sa
inklusibong salita sa mag-aaral tungo sa pagtatamo ng
Filipino ng mga guro. pagkamit ng inklusibong
inklusibong katuturan.
katuturan.

Larawan 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang daloy ng pag-aaral ay ipinapakita gamit ang kasunod na pigura

kung saan ang unang kahon ay kumakatawan sa input frame na

tumutukoy sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino sa mga mag-aaral

at antas ng kadalasan ng paggamit sa mga inkulsibong salita sa Filipino ng

mga guro. Ang process frame naman ay tumutukoy sa mga hakbang na

gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang

mga sarbey na talatanungan sa mga nakalap na resulta, upang makita ang

pagkakalantad ng paggamit ng inklusibong salita sa Filipino sa mga mag-

aaral tungo sa pagkamit ng inklusibong katuturan. At ang output frame

naman ay sumasaklaw sa pagbuo ng mga mungkahing pamantayang


gagamitin sa pagpapatupad ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa

pagtatamo ng inklusibong katuturan.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ilalahad ang disenyo ng pananaliksik, paksa,

kagamitan at pamamaraang ginamit sa pangangalap ng mga datos,


kabilang na rin ang mga estadistikang ginamit o gagamitin upang masuri

ang datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa

pagkakalantad ng paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa

pagkamit ng inklusibong katuturan ng mga kaguruan sa sekondarya. Sa

pag-aaral na ito ay gagamitin ang “descriptive-correlational” na

pananaliksik dahil nailalarawan nito ang mga respondente sa kung paano

nila nagagamit ang inklusibong salita sa Filipino habang tinutukoy ng

“correlation” kung may relasyon sa pagitan ng dalawang variable na iyon

ay ang pagkamit nila ng inklusibong katuturan ngunit hindi matukoy kung

ang isang variable ay nagdudulot ng isa pa. Itinuring na kinakailangan na

gumamit ng descriptive correlational na disenyo dahil ang pag-aaral ay

naglalayong mahanap ang ugnayan sa pagitan ng pagkakalantad sa

paggamit ng inklusibong salita sa Filipino ng mga guro tungo sa pagkamit

ng inklusibong katuturan sa sekondarya.

Gagamitin ng mga mananaliksik ang pamamaraang ito dahil ito ang

pinakaangkop para sa paglalarawan ng mga datos gayundin sa pagtukoy

kung mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng independyenteng

baryabol at ng umaasang baryabol. Ayon kay McBurney & White (2009),

ang descriptive correlational na disenyo ay ginagamit sa mga pananaliksik


na pag-aaral na naglalayong magbigay ng mga statik na larawan ng mga

sitwasyon gayundin ang pagtatatag ng ugnayan sa pagitan ng iba't ibang

baryabol. Higit pa rito, sa gagawing pangongolekta ng mga dami ng datos,

gagamitin ang gagawing sarbey na talatanungan upang suriin ang mga

guro sa sekondarya.

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga kaguruan sa

Baybayin Integrated National High School para sa taong panuruan 2022-

2023. Ang kabuuang populasyon ng mga respondente ay binubuo ng

limampu’t isa (51) na guro. Ang mga respondente ay pinili ang mga guro

na iyon dahil ang mga mananaliksik ay naniniwala na sa sekondarya, sila

ay nasa yugto na kung saan sila ang mga nasa lebel ng kaguruan na

kayang makapagsagot ng mga ganitong uring talatanunugan sapagkat sila

ay ang mga pangunahing guro na malawak ang pang-unawa sa ganitong

aspeto ng pag-aaral at higi sa lahat ay sila ang mga nasa bahagi ng yugto

ng pag-aaral na pangunahing nakararanas ng ganitong uri ng suliranin

kung titingnan ang mga reyalidad na senaryo ng mga mag-aaral sa

ganitong antas.

GURO POPULASYON

Guro sa Filipino 7
Junior Teachers 37

KABUUAN 44

Talahanayan 1
Populasyon ng Respondente

Ang mga paksa ng pag-aaral ay pipiliin sa pamamagitan ng

aksidente o “incidental sampling”, ayon sa mananaliksik. Kapag pumipili ng

sample size para sa isang pag-aaral, gamit ang sampling technique na ito,

ang isang mananaliksik ay nangongolekta ng data o impormasyon mula sa

mga available o mga guro na naroroon sa oras ng pananaliksik at

ipagpapatuloy ang proseso hanggang sa maabot ang mismong sample

size.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan na

ginawa ng mananaliksik bilang instrumento sa pangangalap ng datos

upang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon. Ang sarbey na

talatanungan na sasagutan ng mga guro sa sekondarya ay binubuo ng

dalawang bahagi, ang unang bahagi ay binubuo ng 20 aytem na tumitiyak

sa kanilang paggamit ng mga inklusibong salita sa Filipino. At ang

ikalawang bahagi ay tumutukoy sa antas ng kadalasan ng kanilang


paggamit sa mga inklusibong salita sa Filipino, na may antas ayon sa apat

na iskala: 4 – Lubos na Lubos na Paggamit, 3 – Lubos na Paggamit, 2 –

Bahagyang Paggamit at 1 – Hindi Paggamit.

Para sa rebisyon at pagwawasto ng nabuong sarbey na

talatanungan, ang konsultasyon sa tagapayo ay isasaalang-alang. Ang

tulong ng mga eksperto sa pagbasa ay nararapat ding maisagawa dahil

ang pananaliksik ay nagsasangkot ng pagbabasa bilang isang variable.

Ang mga mungkahi ng “panel examiners” ay makatutulong sa pagbibigay-

kasiyahan sa pagkakaroon ng bisa at pagiging maaasahan ng instrument,

para ng sa ganon ay mapatunayang wasto at mapagkakatiwalaan ang

ipamamahagi ng mga mananaliksik na sarbey na talatanungan upang

makakalap ng mga datos at upang tapusin ang mga resulta ng pag-aaral.

Hihingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro ng

paaralan ng Baybayin Integrated National High School upang mangalap ng

impormasyon mula sa mga napagpasyahan ng mga mananaliksik na mga

respondente. Pagkatapos, makikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa

kani-kanilang mga tagapayo sa pagbibigay ng sarbey na talatanungan.

Kasunod noon ay personal nilang ipapamahagi at kukunin ang mga sarbey

na talatanungan. Pagkatapos naman nito, ang mga mananaliksik ay

magtatala, mag-hahanay ng papel, mag-aanalisa, at bibigyang kahulugan

at interpretasyon ang mga naging sagot at tugon ng mga kaguruan na

naging respondente sa pag-aaral na ito.


Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Matapos maaprubahan ang pamagat ng pananaliksik at ang mga

sarbey na talatanungan, ang mga mananaliksik ay magpapakita ng isang

liham at hihingi ng pahintulot sa punong-guro ng paaralan at ipapaalam sa

kanila ang tungkol sa pananaliksik at pag-aaral na isasagawa. Ang mga

mananaliksik ay gagawa ng sarbey na talatanungan upang kunin ang mga

kinakailangang datos na batay sa konseptwal na pananaliksik ng pag-aaral

na ito. Ang pagiging epektibo at pagiging maaasahan ng sarbey

talatanungan ay isasaalang-alang sa tulong ng tagapayo sa pananaliksik.

Kaagad pagkatapos ng pag-apruba, ibibigay ng mga mananaliksik

ang talatanungan sa pamamagitan ng mga hard copy sa mga target na

respondente. Dahil tayo ay nasa isang harapang pakikipag-ugnayan na

makatapos ng dalawang taon ng mga “online” na klase at modularisasyon

ng paraan ng pagkatuto, ang mga mananaliksik ay magbibigay ng

talatanungan sa pamamagitan ng pagpunta sa paaralan at

pagpapaliwanag ng proseso ng pagsagot sa sarbey na talatanungan. At

ang lahat ng mga sarbey na talatanungan na makukuha pagkatapos ng

isang naibigay na pagkakataon at ang mga resulta ay na-tally, na-tabulate,

at nabigyang-kahulugan ayon sa mga sagot sa mga aytem na

matatagpuan sa mga talatanungan ay susuriin na ng maayos ng mga

mananaliksik ang katapusang naging tugon ng mga naging respondente.


Estadistikang Ginamit

Gagamit ang mga mananaliksik ng angkop na mga hakbang sa

istatistika para sa pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap na datos.

Ito ay ang mga sumusunod:

Mean. Gagamitin ito sa pagtukoy sa paggamit ng inklusibong salita

sa Filipino sa mga mag-aaral ng mga respondente.

Frequency. Ang average ng mga magiging kasagutan sa sarbey na

talatanungan ay kakalkulahin gamit ito.

Chi-Square. Gagamitin ito sa pagtukoy ng makabuluhang

kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkakalantad ng mga mag-aaral sa

sekondarya sa paggamit ng inklusibong salita sa Filipino tungo sa

pagkamit ng inklusibong katuturan sa sekondarya.

Standard Deviation. Ito ay ginamit upang ipahiwatig kung gaano

kalayo ang mga tugon ng indibidwal sa isang tanong ay nag-iiba o lumihis

mula sa mean.

You might also like