You are on page 1of 18

REPUBLIKA NG PILIPINAS

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


SAMAR COLLEGES, Inc.
Lungsod ng Catbalogan

Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng Ika-10 Baitang sa


Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino
sa Zumarraga National High School

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Seminar sa pagsulat

ng Tesis sa Programang MAED Filipino na may Kowd ng kurso na MA 22

Inihanda ni:

Acutim, Mariela I.

MAED - FILIPINO 22

ALLAN A. DACLES, MT-I

Professor

Ika-26 ng Hulyo 2023


KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Introdaksiyon

Ang edukasyon ay isa sa mga karapatan ng bawat tao. Alam natin mula sa

pagkabata na ito ang pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Habang lumalaki

tayo, ang ating isip at kaalaaman ay dumarami at lumalawak. Mula dito nagsisimula

tayo upang makipag-ugnayan sa ibang tao o nakakasalamuha natin sa paaralan. Ayon

kay Enriquez (2012) ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay, kundi pati na

rin sa marami pang bagay. Ang natutunan natin sa paaralan ay nagbubukas at

nagpapagising sa ating pag-iisip tungkol sa kung ano ang nangyayari sa ating

kapaligiran at nagbibigay-daan sa atin na matuto. Nabanggit sa pag-aaral ni

Capistrano (2011), na ayon kay Dr. Leticia Central (2010), ang gawaing pagtuturo ay

madaling gawin. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga aralin o

paksang nakapaloob sa knaiyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at

matutunan ng kaniyang mga estdyante. Kaya nga sinabi na ang kahusayan ng

pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng

natutuhan ng kaniyang mag estudyante. Ang panlahat na suliranin ay matamo ang

kung ano ang Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa Mataas na

Paaralan ng kahusayan sa paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School.

May tatlong tiyak na suliranin ang pag-aaral na ito. Ang mga tiyak na suliranin ay:
1. Anu-ano ang profayl sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National

High School?

2. Ano ang antas sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa Mataas na

Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School?

3. Ano ang kahalagahan sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National

High School sa Komyuniti?

Tiyoretikal na Freymwork

Ang pag-aaral na ito ay naka-angkla sa teorya ni Piaget na “Constructivist

Learning” ito ang may malawak na Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10

baitang sa Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School. Dahil dito nakapaloob ang responsibilidad at mga istratehiyang

gagamitin para mapalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang ibig sabihin ng

“constructivist” ay pagkakaroon ng pagbubuo ng mga ideya sa pag-aaral ng Filipino.

Ayon sa aklat nina Corpuz et.al. (2000) “Social Learning Theory” (Albert Bandura)

posts that “learning is a cognitive process that can be intercorrelated with the social

context through direct instruction.” Sa pagkakaunawa ng mananaliksik ang

pagkakaroon ng kakayahang intelektwal ay maaaring maugnay o matamo sa

pamamagitan ng pakikipag kapwa tao o pakikisalamuha sa ibang guro. Dito

nakapaloob ang iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo kabilang na ang malayang

talakayan, brainstorming, at kolaboratibo kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang

bawat mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral.


May kaugnayan din ang pag-aaral na ito sa “Modern Sociological Theory” ni

Emile Durkhein, mula sa pag-aaral ni Baladad (2002), na sa kasalukuyang panahon ay

hindi makakailang napakalaking impluwensya ang teknolohiya sa mga tao kaya ito ay

kabilang sa kulturang popular sa mahabang panahon kung saan katu-katulong ng mga

tao sa halos lahat ng gawain gamit ang modernong kagamitan. Idinagdag pa niya na

ang pagdating ng mga makabagong teknolohiya ay may kaakibat na pag-iiba ng

batayan sa pagtingin ng tao sa kanyang kapwa. Sa panahon ngayon status symbol na

ang pagkakaroon ng cellphone, wika nga ay hindi ka in kung wala nito. Ayon sa aking

sariling pagpapakahulugan, ang teoryang ito ay nagsasabi ng kaugnayan ng tao sa

lipunang ginagalawan. Kaya sinasabing pagbabago ay may malaking bahagi sa buhay

ng tao. Sabi nga walang permanente kundi ang pagbabago. Bahagi na ng buhay ng tao

ang sumabay sa mga nauuso upang makasabay sa isanasabing pagbabago na dulot ng

modernong panahon. Ang pag-unlad ng teknolohiya na bahagi ng kulturang popular

ay kasabay rin ng pag-unlad ng kaalaman ng tao.

Batay sa mga binanggit na teorya mula sa mga awtoridad, nabuo ng

mananaliksik ang pansariling teorya na ang gurong may sapat na kahandaan sa

pagtuturo ay kailangan sa pagtamo ng minimithing kapaki-pakinabang na literasi sa

Filipino para sa lahat. Kailangan ang gurong may sapat na kahandaan sa pagtuturo

upang mahikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa iba nang sa gayon ay

malinang ang kanilang kakahayang komunikatibo at malinang ang kanilang

kakayahan sa pag-aaral ng Filipino. Hindi malayong maging ganap ang pagkatuto ng

mag-aaral kung sila ay hinahayaang tuklasin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng

kanilang pagganap o performance nang sa gayon matukoy o malaman Epekto ng

Kalidad sa Edukasyon ng ika-sampung baitang sa Mataas na Paaralan ng Kahusayan

sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School.


Konseptuwal na Freymwork

INPUT:

Paglalahad ng Suliranin (SOP):

1. Anu-ano ang profayl sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa Mataas

na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School?

2. Ano ang antas sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa Mataas na

Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School?

3. Ano ang kahalagahan sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High

School sa Komyuniti?

PROCESS:

Interbyu o sarbey

OUTPUT:

”Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng Ika-Sampung Baitang sa Mataas na Paaralan ng

Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School.”


Saklaw at Limiteysiyon ng Pag-aaral

Larawan 1: Ang paradimo ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay nakafokus sa Epekto ng kalidad sa edukasyon ng

ika-10 na baitang sa Mataas na paaralan ng Zumarraga sa kahusayan ng paggamit ng

Filpino. Ipinapakita na ang mga estudyante ng ika-10 sa Mataas na Paaralan ng

Zumarraga ang pangunahing respondent sa pag-aaral na ito. Samakatuwid,

binibigyang diin sa pag-aaral na ito ang Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10

baitang sa Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School.

Ang mananaliksik ay nilimitahan ang pag-aaral sa grupo ng mga estudyante

ng ika-10 baitang sapagkat mas matututunan at mas madaling makasanayan ang pag-

aaral at paggamit ng Wikang Filipino sa mismong baiting ng mananaliksik. Upang

makahanap ng sapat at nararapat na datos, ang bilang ng respondent ay limampung

(50) katao. Ang mga piling mag-aaral ay nasa ika-10 baitang na may kakayahan na

maipakita at maiparating ang nais nilang sabihin tungkol sa paggamit ng wikang

Filipino. Mapa-lalaki o babae, may ideya man o wala tungkol sa paggamit ng Filipino,

nais maging bukas sa pagpapanatili at pangangalaga sa hindi kinamulatang gawi ng

pagsulat at pag-iral ng pagkapositibo sa isip at gawa. Higit sa lahat gusto pang matuto

at madagdagan ang kaalaman sa wastong paggamit at pagsasabuhay ng wikang ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga mag-aaral – Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak

ang kanilang mga kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral.

Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayahan sa

kanilang pag-aaral sa Filipino. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa

Epekto ng kalidad sa kahusayan sa paggamit ng Filipino.


Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang

estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa

kahusayan ng paggamit ng Filipino. Magiging isang karangalan at tagumpay sa isang

guro na nagkaroon ng positibong epekto sa kalidad ng edukasyon ang mahusay na

paggamit ng Filipino.

Kaugnay na mga Literatura at Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akdemiko at propesyonal na mga

babasahin na may kinalaman sa gginagawang pagg-aaral. Nagbibigay rin ng higit na

malinaw na kaalaman ang mga literature at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na

ang motibo ay madagddagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga

kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na

makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu particular na sa larangan ng

Edukasyon.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng

ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang

kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa

intelektuwal na aspekto para pagtahak sa buhay. Ito rin ay ang siyensiya o sining ng

pagtuturo ayon sa diksyonaryo ng Random House.

Nakatala rin sa Colliers’s Encyclopedia na ang edukasyon ay nananatili bilang

isang prosesong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad,


lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa

pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa

tao upang lagpasan ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang

Edukasyon ay maituturing na pangkalahatang proseso kaya’t nararapat lamang na ito

ay hindi makapag-iisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba’t ibang saloobin,

persepsiyon, ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba’t ibang indibiduwal sa loob ng

isang grupo.

Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Republikang Pilipinas (Artikulo XIV, Seksyon

6), Ang pambansang wika ay Filipino. Samantalang nililinang, Ito ay dapat

payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga

wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng

Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at

puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pisyal na

komunikasyon at ituturo sa sistemang pang edukasyon.

Ang mga taong may sariling kultura na pupunta sa ibang kultura ay

makakatagpo ng kaibahan sa bawat isa. Ang taong binubuo sa minorya ay gumawa ng

maraming kaibahan. Sa ganitong proseso ang katutubong kultura ay nawala. Hindi

agad ito mawawala ngunit masususgpo ito. Ang estudyanteng manatiling angkinin

ang sariling kultura ay makararamdam na mababa ang kanilang katayuan at ito’y

makapagtigil sa kanilang sosyal na panggawain. Ang lahat ng estudyante ay tulungan

at turuan sa pagmamahal at respeto sa kanlang wika. Samantala ang mga guro ay

kailangan gumawa ng iba’t ibang cultural activities na nilahokan sa lahat.

Isa sa mga aspeto sa isang pamayanan na nangangailangan ng pagrerebisa sa

mga pamamaraan ay ang pagtuturo. Sa pagtuturo, ang mga estratehiya ay may mga
malalaki at mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa upang ang isang

paksa at ang mga katotohanang nakapaloob ditto ay maihahatid patungo sa mga

estudyante na mas madali at mas maganda ang kalidad ng gawain.

Ang edukasyon o pagtuturo ang proseso ng pagpapadali ng pagkatuto o

pagtatamo ng kaalaman kasanayan prinsipyo moralidad paniniwala at paggawi.

Kabilang sa mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo pagsasanay

pagkukuwento pagtatalakay at nakadirektang pananaliksik. Madalas nagaganap ang

edukasyon sa patnubay ng mga edukador subalit maaaring turuan ng mga mag-aaral

ang kanilang sarili. Ang pagbasa ay pagkilala pag-unawa pagpapakahulugan at

pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.

Gap ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay walang gumawa o may gumawa na ngunit

nakukulangan pa ng ideya, kaya patuloy kong sinaliksik upang lubusang mailahad

nang tama ang suliranin. Kaya, nais kong matuklasan ang suliraning dapat tuklasin.
KABANATA II

Pamamaraan at Disenyo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga paraang

ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pamamaraang ginamit ay Kwalitatibong Pananaliksik ayon kay Trochim,

Donnelly, at Arora (2014) ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na "nonnumerical" o

"hindi nabibilang". Ang mga datos ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit

ang "nonnumerical" na pamamaraan gaya ng open-ended surveys, panayam, at mga

detalyadong deskripsiyon na kalimitang ginagawa sa iba't ibang disiplinang

nabibilang sa Agham Panlipunan. Sa isang kwalitatibong pananaliksik, ang datos ay

nililikom sa pamamagitan ng obserbasyon at panayam sa mga kalahok sa salik.

Ginagamit ito ng mga mananaliksik dahil layunin nitong ipaliwanag at makakuha ng

pananaw at pag-unawa sa mga hindi pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng

masinsinang koleksyon ng narative data at bumuo ng hypothesis na maaring maging

pagsubok. Hindi kinakailangang pumili ng kinatawan at maaring maliit na bilang

lamang upang makakuha ng malalim na pag-unawa. Ang Kwantitatibong

Pananaliksik naman ay anyo ng pananaliksik na nakatuon sa numerikal na datos.

Tuon nito ang obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri ng mga nakalap na

datos gamit ang Structured Research Instrument ayon kay Babbie (2010). Sa ganitong

pananaliksik, naiiwasan ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa

estadistika na ginamitan ng isang estandadisadong numerical na pormula. Bagama’t


itinuturing na “numerically significant” ang ganitong pananaliksik, hindi naman

maitatangging isa sa kahinaan nito ang kawalan ng malalim na pagsusuri sa opinion

ng tao. Ang layunin ng Kwantitabong Pananaliksik ay upang ipaliwanag, mahulaan, o

kontrolin ang mga hindi pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng nakatuon na

koleksyon ng mga numerong data. Ginagamit ng mga mananaliksik ang dalawang uri

na ito upang mas makalap pa ng mas maraming impormasyon ngunit gamit ang

magkaibang metodo.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik ay kuwalitativ-survey. Ito ay marapat na

sumusunod sa mga proseso at nagsasagawa ng mga hakbangin tungo sa kaayusan at

sistematikong pag-aaral, tulad na lamang ng pagkakaroon ng survey. Gumagamit ng

mga talatanungan o survey form ang kwalitatibong pananaliksik para sa mas malawak

na impormasyon. Sa pamamaraang ito, makakakuha ng mga kinakailangang

impormasyon base sa mga datos tungkol sa naturang paksa. Ang kabanatang ito ay

naglalaman ng pamamaraan sa kung paano isasagawa ang pananaliksik o pagkuha ng

datos ukol sa “Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng Ika-Sampung Baitang sa Mataas

na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High

School,” ng mga mananaliksik upangu maisakatuparan ang mga layuning inilatag sa

pag-aaral.
Paraan ng Paglikom ng Datos

Ang mga tagatugon ng mga pananaliksik ay mga mag-aaral sa ika-sampung

baiting sa mataas na paaralan ng Zumarraga National High School, taong

pampaaralang 2022-2023. Ito ay binubuo ng limapung (50) katao. Dalawampu’t isang

(21) kalalakihan at dalawampu’t siyam (29) na kababaihan.Ang mga mananaliksik ay

hindi ginawang mga tagatugon ng pag-aaral na ito upang maiwasan ang kahit anong

personal bias sapagkat alam ng mga mananaliksik kung paano ang pamamalakad ng

talatanungan at maaaring makaimpluwensya ito sa mga resulta ng pananaliksik.


KABANATA III

Resulta at Pagtatalakay

Ang profayl sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 Baitang sa Mataas

na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High

School, ayon kay Gng. Reyno, “Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit

ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na

pagkakakilanlan.” Ibinabagay ang pagtuturo sa antas ng isang mag-aaral. Sa pag-aaral

kasama sa hinahasa ang makrong kasanayan, ang makrong kasanayan ay pagbasa,

pagsulat, panonood, pagsasalita at pakikinig. Nahahati ito sa dalawa ito ay receptive

at expressive na nahahati rin sa primary at secondary Primary expressive ang

pagsasalita, ang panonood at pakikinig naman ay primary receptive. Secondary

expressive naman ang pagsulat at secondary receptive naman ang pagbasa. Sa

pakikipagtalastasan ng tao sa bawat araw ng kanyang buhay, berbal man o hindi, ang

kanyang kakayahan sa pagpapahayag ay lagging kasama. Sa kanyang galing sa

pagpapahayag nakasalalay ang kalinawan ng mensahe na kanyang ipinahahayag sa

kapwa kaya nararapat lamang ito hasain lalo na sa mga paaralan at sa tahanan. Ang

pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsasalita kung saan ginagamit ito ng tao sa araw-

araw na pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa, pagpapahayag ng damdamin,

pagkalat/pagkalap ng impormasyon at marami pang iba (Constantino, 2005).

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang

pakikipagtalastasan at komunikasyon. Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng

Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga

tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan

nalalaman natin ang kahalagahan ng mga baya-bagay katulad nalang ng wikang


pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito.

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon.

Ang antas sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 Baitang sa Mataas na

Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National High School

ay hindi ito gaanong mataas. Ang edukasyon ay may malaking ambag sa ating

lipunan kung saan ito ay makakapagpataas sa kalidad ng ating pamumuhay. Ang

kalidad ng edukasyon na tinatamasa ng mga mamayan dito ay lubos na

binibigyang diin ng masa, sa isang lipunan kung saan ang edukasyon ay

labis na pinapahalagahan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong

bumaba at lumala sa kasalukuyan nitong lagay, dating mataas ang kalidad ng

edukasyon sa Pilipinas. Ipinakikita ng hindi na pantay na proporsyon ng mga guro

at bata, kabilang na rin ang proporsyon ng mga batayang-aklat sa asignaturang

Filipino at estudyante ang patuloy na paglala ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, at

estudyante (Hernandez, 2011).

Ang kahalagahan sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga National

High School sa Komyuniti ay napakalaking ambag sapagkat mahalaga ang wikang

Filipino lalong lalo na sa pakikisalamuha sa kapwa, sa kumyuniti. Ginagamit ito sa

pangaraw-araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon ngayon ang

pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may

kinalaman dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na

nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi

paggamit ng natural naanyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa nakakaapekto

sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag usbong ng mga

makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016). Sa


araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan

sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng

mga leksyun habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng

interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral

ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa lansangan o sa

palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o samga nagtatanong

upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan.Sa

tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente silang

kakausapin,ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang

pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw.

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral, ito ay isang

mahalagang salik ng wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop

na paggamit ng Filipino, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at

makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithiin at nararamdaman ng ikasampung

baiting na mga mag-aaral.


KABANATA IV

Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon

1. Ano ang profayl sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School?

Natuklasan na mababa lamang ang kaugnayan ng kanilang lawak ng

pagpapahalaga sa sumusunod: kasarian, paboritong asignatura, at paboritong uri ng

mga babasahin. Sa kabuuan, may katamtamang kaugnayan sa pagitan ng

lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang

kanilang akademik performans.

2. Ano ang antas sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School?

Natuklasan na mas marami ang respondenteng babae kumpara sa lalaki. Ang

nangungunang paboritong asaignatura ng mga respondente ay Ingles at

pumapangalawa ang Filipino. Iilan lamang ang nagkagusto sa Kasaysayan

(History). “Filipino Pocketbooks” ang pangunahing paboritong babasahin ng

mgarespondente at iilan lamang sa kanila ang nagbabasa ng diyaryong Ingles.

Natuklasan na mababa ang antas ng kalidad sa edukasyon pagdating sa paggamit ng

Filipino sa ikasampung baiting sapagkat mas pinag-aaralan nila ang wikang ingles

kaysa sa sariling wika.


3. Ano ang kahalagahan sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang

sa Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School sa Komyuniti?

Natuklasan na napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng

mgarespondente sa asignaturang Filipino. Natuklasan sa pagaaral, ang wastong

paggamit ng wikang filipino sa pakikipagtalastasan ay importante lalong lalo na sa

mga mag-aaral sa ikasampung baitang sapagkat, ito ay ginagamit sa ating pangaraw-

araw na gawain, sa trabaho man o sa eskwelahan. Marami din ang pwedeng

mangyarikung hindi mo alam kung paano ginagamit ng wasto ang wika. Halimbawa,

sapakikipag talastasan, naiba mo ang tono ng salita na iyong ginamit, magiiba rinang

ibig sabihin ng salitang iyon. Kaya dapat alam natin kung papaano baginagamit ng

wasto ang wika. Importante rin ang tamang pagbigkas, ang tono at ang gramatika sa

paggamit ng wikang filipino sa pakikipagtalaastasan upangmas maintindihan ang nais

mong iparating na mensahe.

Ang mga natutunan ko sa paggawa ng pananaliksik ay marahil lagi natin

ginagamit ang wikang filipino, kailangan pa rin natin ito pagaralan dahil madami pa

rin ang nalilito sa wastong paggamit nito. Kadalasan kasi, ang ginagamit na ng mga

kabataan ngayon ay ang mga salitang balbal kaya’t nahihirapan ang iba kung ano ba

talaga ang tamang pagbigkas ng isang salita sapakikipagtalastasan.

Rekomedasyon

1. Ano ang profayl sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School?


Nararapat na magkarooon ng mabisang pagsasanay ang mga guro sa paggamit

ng mga makabagong teknolohiya nang sa gayon magagamit nila ito sa kanilang

epektibong pagtuturo. Upang magkaroon ng interes ang mga mag-aaral na pag-aralan

ang Filipino at upang malaman nila ang kahalagahan ng wasto at pormal na pag-gamit

ng wika lalo nasa pakikipagtalastasan. Magsisilbi rin itong sanggunian para sa kanila

kung sakaling kinakailangan nilang gumawa ng pansariling pag-aaral lalo na at kung

ito ay tungkol sa wika.

2. Ano ang antas sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang sa

Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School?

Nararapat na panatilihin ng mga guro ang pagkakaroon nang maayos na

katauhan sa loob ng klase dahil nakatutulong ito sa lawak ng kawilihan at

pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignatura.

3. Ano ang kahalagahan sa Epekto ng Kalidad sa Edukasyon ng ika-10 baitang

sa Mataas na Paaralan ng Kahusayan sa Paggamit ng Filipino sa Zumarraga

National High School sa Komyuniti?

Inirerekomenda ang pag-aaral na ito sa lipunan. Maaari itong makatulong sa

lipunan sa pamamagitan ng pag preserba ng wika bilang parte ng kultura. Na preserba

ang wika ng aming pananaliksik sa pamamagitan ng mga nakalap na datos, sa mga

nakalap na datos maaaring magkaroon ng batas tungkol sa pagpapalawig ng pag-

gamit nito sa pakikipag talastasan at magsisilbi itong gabay ng lipunan sa maayos at

mas pormal na pakikipagtalastasan sa kapwa.

You might also like