Professional Documents
Culture Documents
Rizzalyn D. Vargas
Lingguwistika
De La Salle University-Dasmarias
Oktubre 2015
Kabanata I
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Introduksyon
Ang paggamit ng wikang Filipino ay nananatiling buhay sa puso at isip nating
mga Pilipino. Para itong isang binhi na itinanim na siyang mamumunga at yayabong na
ating aanihin sa paglipas ng panahon. Isa itong mayabong at matatag na puno na patuloy
na sumasabay sa mahina man o malakas na ihip ng hangin. Subalit ito ay unti-unting
nababago sa paglipas ng panahon. Ang ating wika ay nahahaluan na ng wikang banyaga
partikular na ang wikang Ingles. Mahalaga ang paggamit ng wika sa komunikasyon. Sabi
nga nila ang tulay patungo sa kaunlaran ay isang bansang may pagkakaisa, kasabay nito
ang matatag at buong pamayanan na may wikang nag-uugnay sa bawat isa.
Sa panahon ngayon, sa usaping pang wika sa gitna ng globalisasyon, ang hangarin
ay bigyang-diin ang pagpapalawig ng kahalagahan ng wikang Ingles bilang wika ng
globalisasyon. Isa sa kapansin-pansin ay ang paglitaw ng wikang Ingles bilang lingua
franca ng mundo at naging dahilan ng pag-usbong ng mga bilingguwal at multilingguwal
(Bernardo,2005). Dahil dito, ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay naging
bahagi ng edukasyon ng Pilipinas. Sa usaping ito pumasok ang mga debate at mga pagaaral tungkol sa kung anong wika ang gagamiting midyum sa pagtuturo. Isa sa mga
midyum na ito ay ang papapalit koda. Ito ay tumutukoy sa pagpapalit ng gamit ng isa o
marami pang wika sa klase (Lin,2008). Ito ay paggamit ng mga bilingguwal ng
pinagsamang wika sa isang lugar o pangyayari upang mabisang ipahayag ang kanilang
damdamin sa kanilang kausap o sa mga nakikinig. Maaaring ang pagpapalit ay sa salita,
pag-aaral ng ikalawang wika. Ayon sa pag-aaral, nasa kalahati ng klase (44%) ang
nagsasabing ang pagpapalit koda ay natural at katanggap-tanggap. Sinasabing mas
nakakapag-usap sila sa ganitong paraan at mas madali ang kanilang pagkatuto. Apat
naman sa limang guro ang hindi sang-ayon sa paggamit nito sa silid-aralan dahil
maaaring magtamo ng mga negatibong reaksyon at kinakailangan ang pagiging matatas
sa paggamit ng wika, Filipino man o Ingles (Metila,2009). Maraming mga nag-aaral ng
wika at mga tagapagturo ang nagsasabing ang pagpapalit koda ay nagdudulot ng
negatibong epekto sa pag-aaral ng wika, ang iba naman ay nakikita na ito ay isa sa mga
hakbang sa pagkatuto ng bagong wika (Castillo,2014).
Gayunman, kulang parin ang mga pag-aaral sa kung nakakaapekto ba ang
kasanayan ng mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng pagpapalit koda bilang
midyum sa pagtuturo. Mula sa isang pag-aaral, ang mga mag-aaral maging ang mga guro
ay madalas ginagamit ang pagpapalit koda sa loob ng klase. Sinasabing ang pagpapalit
koda ay isa sa mga kagamitan upang pagyamanin ang kaalaman lalo na sa mga
nagsisimula pa lang at ginagamit sa pagpapasaya ng klase upang makuha ang atensyon,
ngunit kailangang isantabi kapag ang antas ng kasanayan ay papataas na (Horasan,2014).
Sa kadahilanang ito, isa sa pinaka interesanteng pag-aralan ay kung nakakaapekto
ba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng
pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo.
Dahil sa paglaganap ng pagpapalit koda maging sa social media at iba pang sektor
ng lipunan at nagagamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng una at ikalawang wika,
layunin ng manananaliksik na alamin ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng
pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo. Layunin din nito na malaman kung ano ang
gayon ay maari silang magsaliksik para sa kanilang sarili tungkol sa parehas na paksa
upang makatulong sa kanilang pagtuturo.
Mga Mag-aaral. Upang mas lalo nilang maintindihan ang kahalagahan ng
paggamit ng tamang midyum sa pagtuturo para makatulong sa kanilang pagkatuto.
Magiging kapaki-pakinabang rin ito sa mga mag-aaral upang maintindihan ng kanilang
mga guro ang kanilang mga hinanaing sa paggamit ng pagpapalit koda sa pagtuturo.
Ibang mga Risertser o Mananaliksik. Ang gawaing ito ay maari nilang gawing
reperensiya kapag sila ay gumawa ng mga katulad na pag-aaral. Maari nilang baguhin
ang disenyo at magdagdag ng iba pang mga varyabol. Higit sa lahat, maari nilang
beripikahin, katigan, o dili kaya ay pasinungalingan ang magiging resulta ng pag-aaral na
ito.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Nakapokus ang pag-aaral na ito sa pag-alam ng pananaw ng piling mag-aaral
mula sa dalawang kurikulum mula sa Dasmarias National High School. Ito ay
magmumula sa 10% ng bilang ng mag-aaral sa anim na seksyon na hahatiin mula sa
dalawang kurikulum. Ang Special Science Curriculum na gumagamit ng kurikulum na
mas pinagyaman para sa mga mag-aaral na may mas mataas na kasanayan na pinagsamasama at masusing pinili gamit ang mga pagsusulit at panayam. Ang General Curriculum
naman ay para sa mga mag-aaral na gumagamit ng kasalukuyang kurikulum.
Itutuon ang pag-aaral sa pag-alam sa kung sumasang-ayon ba ang mga mag-aaral
s apaggamit ng pagpapalit koda particular na ang taglish bilang midyum sa pagtuturo sa
mga asignatura sa dalawang magkaibang kurikulum.
unang 3 pangkat sa GC sa bawat antas. Mula dito ginamit ng mananaliksik ang simple
random sampling upang makapili ng 10% sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa bawat
pangkat.
Proseso ng Pagkalap ng Datos
Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap ng datos ay Talatanungang Sarbey
tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa paggamt ng pagpapalit koda bilang midyum ng
pagtuturo.
Ang mananaliksik ang gumawa ng talatanungang sarbey para sa mga kalahok . Ito
ay batay sa mga nasaliksik na artikulo at mga kaugnay na pag-aaral na nalikom ng
mananaliksik.
Unang ginawa ng mananaliksik, ay gumawa ng talatanungang sarbey batay sa
mga pag-aaral at mga kaugnay na pananaliksik sa gagawing pag-aaral. Pinabasa ito sa
mga guro na dalubhasa sa wikang Filipino upang tiyaking tama ang mga pangungusap at
pariralang ginamit. Binago ng mananaliksik ang instrumento batay sa mga naibigay na
suhestiyon. Matapos baguhin ito, pinagamit ito sa piling mag-aaral na hindi kasama sa
nasabing pag-aaral na tinatawag na face validation. Matapos makalap ang lahat ng
kailangang impormasyon upang mapaganda ang instrumento, saka pa lamang ginawang
pinal ang mga ito na ipinamigay sa mga mag-aaral na tagasagot, pinaalam sa awtoridad
na ang mga mag-aaral ng Dasmarias National High School ang gagamitin ng
mananaliksik sa kaniyang pag-aaral.
Gamit ang bilang na 1 hanggang 5 kung saan ang 5 ang pinakamataas at 1 ang
pinakamababa, ang mga kasagutan sa mga aytem ay sinukat sa pamamagitan ng iskala sa
ibaba.
Iskor
Hangganan
5
4
3
2
1
4.21 5.00
3.41 4.20
2.61 3.40
1.81 2.60
1.00 1.80
Pagsusuri ng Datos
Upang matiyak na katanggap-tanggap ang interpretasyon ng datos, ginamit ng
mananaliksik ang sumusunod na estadistikang pamamaraan.
1. Ang Bilang at Bahagdan ng mga datos ay ginamit upang maibahagdan ang
pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng
pagtuturo. Upang makuha ang bahagdan ng kanilang pananaw, gumamit ng
istatistikal na pormula ang mananaliksik.
= X 100
N
% = Bahagdan
= Bilang ng mga kasagutan
N = Kabuuang -bilang ng mga sagot
100 = Konstant
2. Weighted Mean at Standard Deviation ay ginamit upang maiprisinta ang
pagkakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa magkaibang kurikulum at upang
malaman kung may kaugnayan ang antas ng kasanayan sa kanilang pananaw sa
paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum sa pagtuturo.
Gamit ang mga estadistikang pamamaraan na ito, nalaman ng mananaliksik ang bahagdan
ng bawat mga kasagutan. Gumamit ng graph ang mananaliksik upang mailarawan ang
mga datos.
Kabanata 2
PAHAYAG NG SULIRANIN NG PAG-AARAL
Kabanata 3
PRESENTASYON NG KINALABASAN NG PAG-AARAL
Inilahad sa kabanatang ito ang mga naging kasagutan sa mga katanungan na nasa
sa unahan ng pag-aaral.Ipinakita sa mga figyur at talahanayan kung ano ang kinalabasan
60%
50%
40%
Bahagdan
33%
30%
20%
10%
0%
7%
3%
I
Higit na Sumasang-ayon
Higit na Sumasang-ayon
Higit na Sumasang-ayon
Bahagyang Sumasang-ayon
Higit na Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Lubhang Sumasang-ayon
Lubhang Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Higit na Sumasang-ayon
1.81-2.60- Bahagyang SUmasang-ayon
1.00-1.80- Hindi Sumasang-ayon
Xw
Xw
Pagpapalit Koda. (
Xw
intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Xw
=1.93, sd=0.87).
90%
80%
67%
70%
Interpretasyon sa
Pananaw ng Magaaral
60%
50%
Bahagdan
40%
SSC
30%
20%
10%
0%
GC
27%
13%
4.21 5.00
Lubhang Sumasang-
7%
ayon
3.41 4.20
0%-0%
0%- 5.00 3.41 - 4.20 2.61 -0%
4.21
3.40 1.81 -0%
2.60 1.00
1.80
I
3.33
0.7
2
Higit na Sumasang-ayon
3.60
1.0
6
Higit na Sumasang-ayon
2.87
0.3
5
Higit na Sumasang-ayon
1.87
0.8
3
Bahagyang Sumasang-ayon
3.87
2.67
4.20
0.3
5
0.6
2
0.4
1
Higit na Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Lubhang Sumasang-ayon
4.33
2.53
2.60
3.19
0.4
9
0.5
2
0.5
1
0.2
3
Lubhang Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Xw
Xw
Pagpapalit Koda. (
Xw
intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Xw
=1.87, sd=0.83).
I
4.20
0.6
8
Higit na Sumasang-ayon
4.20
0.9
4
Higit na Sumasang-ayon
4.80
0.5
6
Higit na Sumasang-ayon
2.00
0.9
3
Bahagyang Sumasang-ayon
4.20
3.20
0.5
6
0.4
1
Higit na Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
4.93
0.2
6
Lubhang Sumasang-ayon
4.33
0.4
9
Lubhang Sumasang-ayon
3.93
3.40
3.92
0.4
6
0.9
1
0.2
4
Sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Higit na Sumasang-ayon
Xw
Xw
Pagpapalit Koda. (
Xw
intindihin ang aralin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog kung purong
Xw
=2.00, sd=0.93).
Mean
SD
3.19
0.23
Sumasang-ayon
General Curriculum
3.92
0.24
Higit na Sumasang-ayon
kasanayan na nasa GC. Makikita sa pag-aaral na ito na sadyang nakakaapekto ang antas
ng kasanayan ng mag-aaral sa kanilang pananaw sa paggamit ng midyum sa pagtuturo.
Kabanata 4
PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sanggunian:
Bernardo, A. B. I. (2005). Bilingual Code-Switching as a Resource for Learning and
Teaching: Alternative Reflections on the Language and Education Issue in the
Philippines. In D.T. dayag & J.S. Quakenbush (Eds.), Linguistics and language
education in the Philippines and beyond: A Festschrift in honor of Ma. Lourdes S.
Bautista (pp. 151-169). Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Dewaele, J.-M., Housen, A., & Wei, L. (2003). Bilingualism: Beyond basic principles.
Clevedon, UK: Multilingual Matters.
Executive Order No. 210, (2003). Retrieved from http://www.gov.ph/2003/05/17/
executive-order-no-210-s-2003/. (May 4, 2015)
Grosjean, F. (1982). Life with two languages: An Introduction to Bilingualism. p. 187.
United States of America: Harvard University Press
Horasan, S. (2014). Code-switching in EFL classrooms and the perceptions of the
students and teachers. Journal of Language and Linguistic Studies, 10(1), 31-45.
Retrieved from http://www.jlls.org/index.php/jlls/article/view/159/175. (May 4,
2015
Hordila E.M., Pana, A. M. (2010). The International Journal of Interdisciplinary of Social
Sciences. The Application of the Communication Accommodation Theory to
Apendiks 1
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Pagpapalit Koda bilang Midyum ng
Pagtuturo sa Special Science Curriculum at General Curriculum ng
Dasmarias National High School
Introduksyon
Ang talatanungang sarbey na ito ay dinisenyo upang malaman ang inyong pananaw sa
paggamit ng pagpapalit koda bilang midyum ng pagtuturo. Ang pagpapalit koda ay ang
paggamit ng mga bilingguwal ng pinagsamang wika sa isang lugar o pangyayari upang
mabisang ipahayag ang kanilang damdamin sa kanilang kausap o sa mga nakikinig.
(Grosjean,1982). Halimbawa nito ay ang Taglish o Enggalog na pinagsamang wika na
Tagalog at Ingles. Ito ay hindi isang pagsusulit at walang tama o mali sa inyong mga
kasagutan. Ang inyong mga ilalahad ay mananatiling lihim at gagamitin lamang para sa
pag-aaral na ito.
Pangalan(opsyonal) ________________________ Baitang: ________________
Kurikulum:
SSC
GC
Anong wika ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa iyong mga kamag-aral, guro at
mga empleyado ng inyong paaralan?
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Basahing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng tsek () ang ang iyong sagot na
naglalarawan ng iyong pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon.
5 Lubos na Sumasang-ayon
4 Higit na Sumasang-ayon
3 Sumasang-ayon
2 Bahagyang Sumasang-ayon
1 Hindi Sumasang-ayon
Blg
.
1
5
6
9
10
Pahayag
Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay
nakakatulong upang mas maipahayag ang
damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng
wikang Tagalog.
Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay
nakakatulong upang mas maipahayag ang
damdamin sa mga asignaturang ginagamitan ng
wikang Ingles.
Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga
asignaturang Ingles kung purong Ingles ang
ginagamit sa pagtuturo.
Mas nahihirapang intindihin ang aralin sa mga
asignaturang ginagamitan ng wikang Tagalog
kung purong Tagalog ang ginagamit sa
pagtuturo.
Mas madali ang pagkatuto ng wikang Ingles sa
paggamit ng Pagpapalit Koda.
Mas madali ang pagkatuto ng wikang Tagalog
sa paggamit ng Pagpapalit Koda.
Katanggap-tanggap ang mga guro na
gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng
mga asignaturang ginagamitan ng wikang
Tagalog.
Katanggap-tanggap ang mga guro na
gumagamit ng Pagpapalit Koda sa pagtuturo ng
mga asignaturang ginagamitan ng wikang
Ingles.
Ang paggamit ng Pagpapalit Koda ay
nakatutulong sa pagpasa sa mga pagsusulit.
Nahihirapan sa paggamit ng purong Ingles o
Tagalog sa pagsagot sa pagsusulit.