You are on page 1of 3

Student/s: Batatan, Merinel C.

Maceda, Nerielyn G.
Vargas, Rizzalyn D.
Program: MAFILIPINO
Course: GRFI 220 Kwalitatibong Pananaliksik
Requirement: Written Report
GROUNDED THEORY
1. Kahulugan at Kasaysayan:
Ayon kina Strauss at Carbin (1998), ito ay isang proseso ng mapanuring
kaalaman. (p.63)
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay kinakailangang mayroong
karanasan sa proseso at pagpapaunlad ng teorya na maaaring makatulong sa
pagpapaliwanag ng gawain o pagbibigay ng balangkas para sa susunod na
pananaliksik. (p.63)
Sa madaling salita ayon muli kina Strauss at Carbin (1998), ang grounded
theory ay isang disenyo sa kwalitatibong pananaliksik kung saan ang mga
tanong ay lumilikha ng malawakang pagpapaliwanag (teorya) ng proseso,
gawa o pakikipag-ugnayan na humuhubog sa pananaw ng malaking bilang
ng mga kalahok. (p.63)
Kasaysayan:
Ang kwalitatibong disenyong ito ay nabuo sa sosyolohiya noong 1967 ng
dalawang mananaliksik, Barney Glaser at Anselm Strauss, naramdaman nila
na ang mga teoryang ginagamit sa pananaliksik ay kadalasang hindi
umaakma at di angkop para sa mga kalahok sa pag-aaral. (p.63)
Sa kabila ng paunang pagsasama nina Glaser at Strauss na nakalikha ng mga
akda na Awareness of Dying (Glaser at Strauss 1965) at Time for Dying
(Glaser at Strauss 1968), ang dalawang manunulat ay nagkaroon ng di
pagsang-ayon sa kahulugan at pamamaraan ng grounded theory. (p.63)
Charmaz (2006), ang may panukala para sa constructivist grounded theory
na ipinakilala ang iba pang perspektiba sa pamamagitan ng pakikipag-usap
tungkol sa mga paraan.
Ambois notes

Page 1 of 3

Clarke (2005), ang nagmungkahi na ang kalagayan ng lipunan ay


kinakailangang makabuo ng isang yunit ng pagsusuri tungkol sa grounded
theory at ito ay mayroong tatlong sosyolohikal na pamamaraan na
magagamit sa pagsusuri ng mga kalagayan na ito--- kinalalagyan, lipunan at
positional cartographic maps para sa pangangalap at pagsusuri ng mga
kwalitatibong impormasyon. (p.63)
2. Uri ng Grounded Theory:
a) Ang sistematikong pamamaraan (systematic procedures) nina Strauss at
Corbin (1990, 1998)
Category
Theoretical Sampling
Open Coding
Axial Coding
Selective Coding
b) Ang pagbuong pagdulog (constructivist approach) ni Charmaz (2005, 2006)
(p.64)
3. Pamamaraan sa Pagbuo ng Pananaliksik na Grounded Theory (p.66-67)
Alamin kung ang grounded theory ay angkop sa iyong pag-aaral o
pananaliksik.
Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa iyong pag-aaral: pagtuunan ng
pansin ang pag-unawa kung paano nararanasan at natutukoy ang bawat
proseso ng isang indibidwal.
Suriin ang datos batay sa bahagdan nito.
Isaayos ang datos sa bagong paraan pagkatapos ng open coding (axial
coding).
Gumawa ng balangkas na may kaugnayan sa categories (selective coding).
Bumuo at lumikha ng conditional matrix na nagbibigay-linaw sa lipunan,
kasaysayan at kondisyon ng ekonomiya na nakaiimpluwensya sa
kasalukuyan.

Ambois notes

Page 2 of 3

4. Mga Hamon sa paggamit ng Pananaliksik na Grounded Theory (p. 67-68)


Kinakailangang isantabi ng mananaliksik ang aspektong teoretikal o
paniniwala upang ang pag-aanalisa at substantive theory ay mapag-isa.
Ang sistematikong pagdulog para sa pananaliksik ay may tiyak na hakbang sa
pag-aanalisa ng datos.
Kahirapan sa pagtukoy kapag ang kategorya ay malabo o ang teorya ay
masyadong detalyado.
Pagtanggap na ang pangunahing kahihinatnan ng pag-aaral na ito ay ang
teoryang may tiyak na nilalaman: napapanahon, karaniwang pangyayari,
estratehiya at kahulugan pati na rin ang kahihinatnan.

Ambois notes

Page 3 of 3

You might also like