You are on page 1of 12

Pang-apat na Grupo: March 15, 2021

Leader/Researcher: ROMAN, MARIA NADINE


Asst. Leader/Researcher: ERIA, JOHN ERIC R.
Content Creators/Researchers: ALMUETE, RETCHENE C.; ASTEJADA, JOSH DANIELLE
C.; MANSOR, NORJANNAH; CAÑETE, JOHN RODEN M.; CRUZ
Editors/Researchers: MALAYAO, RACHEL ANNE; AZUL, ADRIAN; PAPILOTA, KERVIN
RODRIGUEZ; RIVERA, MARC JOSEPH P.; SIAT, REJAY C.
 

Mga Paksa:

A. BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK


A.1. Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon kina Clarke at Clarke (2005), ang pananalikisik ay isang maingat, masistematiko, at
obhetibongimbestigasyonna isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo
ngkongklusyon, at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng tinukoy na suliranin ng ilang larangang
ngkarunungan.
Ayon naman kay John W. Best (2002), ang pananalikisik ay isang masistematiko at obhetibong pag-
aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa paglalahat,
simulain, teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksyon sa pagkilala at posibleng kontrol
samga pangyayari.
Sinabi rin ni Mouly (1964) na ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng
mapapanghawakansolusyon sa problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap,
pag-aanalisa, atinterpretasyon ng mga datos.
Binigyang-kahulugan nina Nuncio et al.(2013)ang pananaliksik bilang isang lohikal na proseso ng
paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananalikisik na nakabatay sa problema at metado ng pag-
aaraltungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa
pangangailangan ng tao at lipunan.Kung lalagumin natin ang ibinigay ma depinisyon, nagkakaisa ang
mga awtoridad sa pagsasabi naang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong pag-aanalisa na
humahantong sa paglalahat ngkongklusyon.Dahil ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga
totoong impormasyong na humahantong sa kaalaman. Isinisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit
ng kung ano nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga
pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa masmainam na pagpapaliwanag ng mga obserbasyon.
Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isangkatanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat
itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ngkaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na
ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan
Ayon kay Best (2002) ang pananalikisik ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:
1. Ito ay maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos na kinikilala sa pinagkunan.2.

2. Ito ay matiyaga, maingat, at di nagmamadaling pagsasakatuparan.3.

3. Ito ay nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan.4.

4. Ito ay nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon.


A.2. Disenyo at Lapit sa Pananaliksik
Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang
pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito
ang nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito.
Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas kung
paano isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan
mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling instrumento, at ang
mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.

A.2.1 Kuwantitatibong Pag-aaral


Ang kuwantitatib research ay nagbibigay diin sa mga sukat ng layunin at ang statistical, matematika, o
numericalanalysis ng data na nakolekta sa pamamagitan ng mga botohan, mga questionnaire, at mga
survey, o sa pamamagitan ng pagmamanipula ng mga umiiral nang statistical data gamit ang
computational techniques. Nagtutuos ang dami ng pananaliksik sa pag-iipon ng numerong datos at
pangkalahatan sa mga grupo ng mga tao oupang ipaliwanag ang isang partikular na kababalaghan
A.2.2 Kuwalitatibong Pag-aaral
Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin
ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang
disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas
malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

A.3. Ilang tala sa Panimulang Paghahabi ng Disenyo


A.3.1 Paradigma
Pangunahing Lapit sa Panlipunang Pananaliksik Mula sa pagbuo ng disenyo ng pananaliksik lilitaw ang
lapit o approach na marapat gamitin. Ang mga ito ay nakadepende sa kalikasan,katangian at layunin
ng particular na penomenong pinag-aaralan. Magtutuon lamang ang pagtalakay sa tatlong
pangunahing lapit sa pananalikisik mula sa agham na tinalakay ni Lawrence Newman(1999): 1.
Positibista (Positivist Social Science)- nalinang at malawak na nagamit ang lapit na ito mula sa likas na
agham.Sa huling yugto ng ika-18 na siglo at bungad ng ika-19 na siglo sinasabing nalinang ang lapit na
ito ng mga Europeong pilosopo tulad nina David Hume ,John Stuart Mill ,Auguste Comte at Emile
Durkheim. Para sa lapit na ito,ang panlipunang realidad ay mayroong pattern at tuntunin batay sa
Sistema ng pangkalahatang batas . Binibigyang diin dito ang pagtingin na espesyal ang agham at may
tiyak na bahagi sa lipunan na hiwalay sa personal at political.

A.3.2 Ontolohiya
Ay ang pilosopikal na pag-aaral ng katangian ng pagiging, pagkakaroon o realidad at ang
mga kaurian ng pagiging at ang mga relasyon ng mga ito.
Ang ontolohiya ay tinutuklas kung ang anong mga entity mayroon o hindi at kung paano
igrugrupo ito, iuri sa isang hirarkiya, at paghiwahiwalayin ayon sa pagkakaiba at
pagkakatulad.
A.4 Metodolohiya
Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng
imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
A.5 Mga Pangunahing Lapit sa Panlipunang Pananaliksik (Lawrence Newman (1999)
A.6 Mga Katangian ng Pananaliksik
Katangian ng Pananaliksik Ayon sa ilang manunulat na binanggit sa aklat ni Alipio M. Garcia (2005) na
isinalin ni Sagun,upang maituring na mahusay ang pananaliksik ay kailangang tinataglay nito ang
pitong pangunahing katangian:
1. Ang layunin ng pag-aaral o ang suliranin ay kinakailangang malinaw na nabigyang-kahulugan
at tiyakang naipaliwanag at kung maaari ay walang pagkakamali.
2. Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay dapat na maingat at detalyadong nailahad
upang magamit ng mga susunod na mananalliksik;
3. Ang paraan ng pananaliliksik ay kailangang maingat na plinano upang humantong sa
obhektibong resulta;
4. Kinakailangang mailahad ng mananaliksik nang buong katapatan ang kahinaan sa bahagi ng
pamamaraan na maaring makaapekto sa pananaliksik;
5. Ang pag-aanalisa ng mga datos ay kinakailangang sapat upang maipakita ang kahalagahan
nito;sa kabilang banda dapat na angkop ang ginamit na metodolohiya nito;
6. Dapat na naiuugnay ang kongklusyon sa ipinapakitang datos ng pananaliksik;
7. Mapagkakatiwalaan ang pananaliksik kung ito ay batay sa karanasan ng mananaliksik na
nagtataglay ng magandang reputasyon at may integridad.
Narito naman ang mga katangian ng pananaliksik ayon kay BEST(1981):
1. Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa pangangalap ng mga bagong datos o impormasyon o kaya
naman ay paggamit ng dati nang mga datos para sa bagong layunin. Kakambal ng salitang
pananaliksik ang pangangalap ng datos at ang mga makatwirang pagsusuri kung saan ang mga
hinuha ay nabubuo.Ang mga gawaing hindi nagsasama ng mga bagong datos o impormasyon ay
hindi matatawag na pananaliksik kundi pagsasaayos lamang ng mga dati nang alam o dati nang
nakasulat.
2. Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagbibigay-kalutasan sa isang suliranin.
3. Kadalasang nilalapatan ng maingat na pamamaraan at lagging gumagamit ng mga lohikal na
pagsusuri.
4. Nangangailangan ng kasanayan,katapangan at lakas ng loob ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tiyaga at hndi nagmamadaling mga Gawain.

A.7 Relayability-

A.8 Baliditi

A.9 Akyurasi

A.10 May Kredibilidad

A.11 Panlahat (Generalizability)


A.12 Emperikal- kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik,
maging ang mga datos na nakalap.
A.13 Sistematiko- may sinusunod na proseso para sa pagtuklas ng katotohanan, mga solusyon ng iba’t-
ibang suliranin o mga kinalaman para pananaliksik
A.14 Kontrolado- ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano ito nang mabuti
at ang baawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng isisnasagawang pag-aaral

A.15 Mga Katangian ng Mananaliksik


Napakalaking reesponsibilidad ng pananaliksik. Kaakibat ng responsibilidad na ito ang mga
gawaing dapat na maisakatuparan ng isang mananaliksik. Kaalinsabay nito,nararapat na
taglayin ng isang mananaliksik ang mga susmusunod na katangian upang mapagkatiwalaan
ang kanyang pananaliksik:
-M asipag at matiyaga an
-A litiko N agsusuri
-M A y malawak nap ag-unawa
-N aglalahad ng katotohanan m
-A y takot sa Diyos May ba
-L anseng pananaw Ma
-I ngat
-K ontrolado ang pagkilos may
-S apat na kakayahang pisikal
-I indi takot na magkamali Nakapo
- K us sa tagumpay ng pananaliksik
A.16 Mga Etika ng Mananaliksik
Sa lahat ng antas ng buhay at pamuumuhay ng tao, may mga gabay na prinsipyo at
paniniwala na siyang pangunahing batayan upang manatili sa tamang daan. Hindi magiging
tao ang tao kun’di maipaghihiwalay ang kadahilanan ng pagkilos mula sa irasyunal na
Gawain. Ang gawaing pananalikisik ay tanging ginagawa ng mga tao kaya naman marapat
lamang na ito ay gabayan ng etika na magiging instrument sa pagsulong at pag-unlad ng
sangkatauhan.
A. Katapatan. Panatilihin ang katapatan sa lahat ng ugnayang pampananaliksik. Maging
matapat sa paguulat ng mga datos at kinalabasan ng pananaliksik, metodo at
pamamaraang pampananaliksik, at maging sa paglalathala. Huwag gumawa ng mga
maling datos o magbago ng datos(falsify information). Ang mabuting
manananaliksik ay hindi mandaraya ng publiko.
B. Obhektibo. Iwasan ang pagkiling o pagkatig sa personal na interes. Huwag
paibabawin ang makasariling pananaw na siyang magiging dahilan para
maapektuhan ang gawaing pananaliksik. Hangga’t maari,tingnan ang gawaing
pananaliksik nang may pagpapahalaga sa katotohanan batay sa datos na nakalap at
hindi tinitingnan ang personal na damdamin at pananaw.
C. May Integridad . Igalang ang sariling salita. Kumilos nang may katapatan at
panatilihin ang matuwid nap ag-iisip at pagkilos. Gawin ang gawaing pananaliksik sa
tawag ng pagtulong sa kapwa at paggalugad ng katotohanan para maunawaan ang
karunungan nan ais malaman at maunawaan
D. Pagiging maingat. Iwasan ang mga pagkakamaling hindi sinasadya at pagkilos ng
pabaya. Maging maingat at mapanuri sa gawaing ginagampanamga kapn at sa
Gawain ng iyong mga kapwa mananaliksik. Panatilihin ang mga kasinupan ng mga
tala(records) ng Gawain tulad ng pangangalap ng datos , disenyong pampananaliksik
at maging ang mga liham pangkumonikasyong ipinalalabas. Ang gawaing
pananalikisk ay nakatuon sa mga datos na nakalap. Ang pagigiing masinop sa mga
ito ay magbibigay ng ibayong kredibilidad na siyang magpapataas naman sa baliditi
ng gawaing pampananaliksik.
E. Openness. Maging bukas sa pagbabahagi ng mgaa datos ,resulta,ideya,kagamitan at
pinagkukunan. Maging handa sa mga puna (kritisismo) at bagong ideya. Tandaan na
ang malalaman mula sa gawaing pananaliksik ay bahagi lamang ng mas malaking
karunungan. Ang pagiging bukas sa iba ay magbubukas din pintuan ng opotunidad
para sa lalong higit na paglago ng kaalaman at karunungan na hinahanap.
Humandang maging bukas sa mga puna at kritisismo.
F. Igalang ang Intelektuwal na kakanyahan ( intellectual property). May mga nauna ng
gumawa ng gawaing pananaliksik. Makatwiran lamang na bigyang-respeto ang mga
taong unang nakaisip ng ideya , disenyo , pamamaraan o metodo ng pananaliksik na
ginagamit. Bigyan ng kaukulang pagkilala ang mga tao na nakatulong sa ginagawang
pananaliksik na ginagamit.Bigyan ng kaukulang pagkilala ang mga tao na nakatulong
sa ginagawang pananaliksik. Banggitin ang mga reperensyang ginamit at
pinagkunan. Huwag na huwag na magplagiarize.
G. Kompidensiyalidad. Ang gawaing pananaliksik ay usapin ng pagtitiwala.Laging
proteksyunan ang mga pinagkukunan ng datos,(resources),mga liham
pangkomunikasyong ginamit, mga tala(records) na nakuha mula sa iba’t-ibang
institusyon at lalo’t higit ang impormasyong ipinagkatiwala ay kailangang manatiling
lihim para sa seguridad ng lahat. May mga impormasyong para sa publiko at
mayrong mga impormasyong dapat na manatiling lihim.
H. Sosyal na gampanin.Sa pagsasagawa ng pananaliksik, responsibilidad ang
makapagbigay ng kamalayang pansosyal na kagalingan. Iwasan na magpunla ng
impormasyong nagdudulot ng kalituhan at kaguluhan na hindi kinakailangan sa
isinasagawang pananaliksik. Gamitin ang gawaing pananaliksik para isulong ang higit
na kabutihan para sa lahat na magbubunga ng pagbabagong makabuluhan ,
gayundin upang lalong makatulong sa kapwa.
I. Huwag magdiskrimina( non-discrimination). Huwag magsagawa ng pananaliksik na
magbubunga ng diskriminasyon sa kapwa. Ituring na magkakapantay bilang tao ang
bawat tao – maputi, maitim;pandak,matangkad;bakla , tomboy; atbp. Ang
diskriminasyon ay lilikha ng ‘di mabuting ugnayan at makasisira sa makataong
ugnayan nan ais palakasin at payabungin ng gawaing pananaliksik.
J. Kagalingan. Panatilihin at pag-ibayuhin ang propesyunal na kagalingan sa
pamamagitan ng patuloy nap ag-aaral. Gumawa ng hakbangin na magsusulong sa
propesyunal na paglago para lalong maunawaan ang agham sa kabuuan nito.
Sinasabing ang pag-aaral walang katapusan.
A.17 Pagtukoy at Paglilimita ng Paksa

-Matapos makapili ng paksa, kailangan iyong ilimita upang maiwasan ang masaklaw nap ag-aaral. Sa
pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik at
maiwasan ang padompot-dampot o sabog na pagtatalakay sa paksa. maaring gamiting batayan sa
paglilimita ang mga sumusunod:
1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perspektibo
5. Lugar
6. Lugar propesyon o grupong kinabibilangan
7. Anyo o uri
8. Particular na halimbawa o kaso.

A.18 Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng Datos- kailangan may sapat nang literature hinggil sa paksang pipillin.
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang
aveylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng Panahon- tandaan na ang kursong ito ay para sa isng semestre lamang.
Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na
mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang
maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal- may mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung
titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa- ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan
ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang
pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng
mananaliksik at iba pang tao.
5. Interes ng Mananaliksik- magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng
mga datos kung ang paksya niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes.

A.19 Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa


a. Sakop ng Panahon- dapat na maisaalang-alang ng mananaliksik ang panahon upang
matukoy ng tiyak na hangganan sa paksang ilalaan sa paksang pinag-aralan
b. Sakop ng Edad- tiyakin ang paglilimita sa paksa batay sa isang particular ng pagpapangkat
ng edad.
c. Sakop sa Kasarian- Maliban sa pagbibigay halaga sa maaaring maging edad, maaari ring
bigyan konsiderasyon ang kasarian upang makatulong sa lalong paglimita ng paksa
d. Perspektibo
e. Kasarian
f. Lugar

A.20 Pagbuo ng Konseptong Papel


Matapos maisagawa ang pagbuo at pamimili ng paksa, gayundin ang paglilimita nito sa iba’t-
ibang konsiderasyon,’saka lamang masasabing handa nang bumuo ng isang pananaliksik. Sa
ganang ito, marapat lamang na pasimulan ang pagsulat sa pagbibigay-linaw ang tugon sa
mga tanong na ano,bakit at paano napili ang paksang isasagawa bilang pananaliksik.
Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang framework ng
paksang tatalakayin. Ang framework ay ang pinaka-estruktura o balangkas at pinakabuod ng
isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan , linawin, o tukuyin.
Sa pagbuo ng isang konseptong papel tatlong pangunahing bahagi ang dapat na mabigyang
halaga:
1. Ang Rasyunal. Ipinakikita sa bahaging ito ang kaligirang(background) kasaysayan o
pinagmulan ng ideya gayundin ang pangunahing dahilan kung bakit napili ang particular
na paksa. Binibigyang-tuon din nito ang kahalagahan at katuturan ng paksang napili para
sap ag-aaral.
2. Ang Layunin . Binibigyang-turing ng bahaging ito ng konseptong papel ang pangunahing
nais matamo ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral sa paksang napili. Hinahati
sa dalawang uri ang maaaring ilayon ng papel. Pangkalahatan kung ipinapahayag nito
ang kabuuang layon,gusting gawin,mangyari o matamo sa pananaliksik; Tiyak kung
nakapagpapakita ito ng mga ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
3. Pamamaraan. Binibigyang-diin nito ang metodolohiya na gagamitin ng
sarbey,talatanungan,panayam,obserbasyon at iba pa..
A.21 Pagbuo ng Tentatibong Balangkas
Tulad ng isang karpentiro, mahalagang inuunang pagtuunan ng pansin sa pagbuo ng isang
simpleng bahay ang plano kung paano ito bubuuin. Karaniwang ang plano ay nakabatay sa
balangkas kung paano sistematikong bubuuin ang isang bahay. Ganito rin sa kalagayan ng
pananaliksik. Pangunahin sa dapat na ikonsidera bago humantong sa pagsulat ng aktuwal na
papel pampananaliksik ay mahalagang balangkasin muna ang mga pangunang kaisipan ng
paksa upang mailapat nang maayos ang mga datos na makakalap.
Ayon nga kina Evasco at Navarro(2010), ang pagsulat ng balangkas ay makakatulong sa
mananaliksik sa pagpaplano ng kanyang isusulat sa pag-aaral. Tulad ng isang arkitektong
nangangailangan ng blueprint upang maitayo at maidisenyo ang isang gusali,ang balangkas
ang siyang gabay ng mananaliksik ukol sa paksang kanyang nais talakayin.
Batay pa rin sa pahayag nina Evasco at Navarro,pangunahin sa dapat na maging hakbangin
ng isang mananaliksik ay makabuo ng gabay sa pananaliksik sa pamamagitan ng isang
balangkas dahil higit itong kailangan sa maayos na pagsasagawa ng pag-aaral. May dalawang
uri ng pagbabalangkas na maaring maisagawa: ang pormal at impormal na balangkas.
Ang pormal na balangkas ay binubuo ng ulo(heading) o ang pangunahing kaisipan ng
pananaliksik sa ilalim nito ay ang tinatawag na mga kasangay na kaisipan(subheading).
Ang Pormal na balangkas ay gumagamit ng Roman na tambilang(Romal Numeral) sa mga ulo
habang malalaking letra naman para sa mga kasangay na punto. Arabikong
Tambilang(Arabic Numeral) naman ang ginagamit para sa ikalawang hanay ng mga kasangay
na kaisipan.
A.22 Pagbuo ng Tentatibong Bibliyograpiya-
sa aktuwal na pagsulat ng pananaliksik ,isa sa pinakamahalagang gawain dapat tandaan ng
mananaliksik ay ang kanyang pagtatala sa mga nagging sanggunian at/o hanguan ng
kanyang pananaliksik o ang tinatawag na bibliyograpiya. Kung ang pananaliksik ay nasa
panimulang bahagi pa pa lamang,pangangailangan naman ang pagtatala ng tentatibong
bibliyograpiya
Ang tentatibong bibliyograpiya ay paunang talaan ng mga sangguniang paunang ginamit
upang lansakang matugunan ang simulang suliraning nabuo kaugnay sa paksang sinasaliksik.
Ito ang magiging bahagi ng talasangguniang pahina ng preliminaryong papel pananaliksik.
Ito ay tatasahin batay sa nilalaman at anyo nito. Samakatuwid ibinibigay sa bahaging ito ang
kompletong impormasyong bibliyograpikal na kinabibilangan ng Kumpletong pangalan ng
awtor,Pamagat ng Aklat,Editor/Tagasalin,Edisyon,Bilang ng Tomo,Lungsod o bansa ng
publikasyon,Tagapaglimbag,Petsa ng Publikasyon,Bilang ng tiyak na tomo na ginamit at
Pahina. Pangangalap ng Datos
Pagkatapos na matiyak ng isang mananaliksik ang mga tanong nan ais sagutin,ang kasunod
na hakbang na gagawin ay ang pangongolekta o pangangalap ng mga datos. Sa ganitong
kalagayan,marapat lamang na alam ng mananaliksik ang mga pamamaraan,instrument,at
hakbang na akma sa mga baryabol na kanyang mamanipulahin.
Gumagamit ng iba’t-ibang metodo ang mga mananaliksik upang tugunan ang kanilang pag-
aaral. Ilan sa pangunahing metodo na ginagamit ang Obserbasyon,talatanungan at
pakikipanayam.
Pamamaraang Obserbasyon Ito ang pangangalap ng datos gamit ang matamang
pagmamasid sa tao,lugar o pangyayari sa isang laboratory o lugar-pananaliksik. Sa paraang
ito itinatala ng mananaliksik ang pag-uugali,kaasalan,gawi okilos ng respondente,kinikilala
rin ang proseso,sanhi o epekto kung paano o bakit nabuo ang nasabing phenomenon.
A.23 Kuwalitatibong Pag-aaral

A.24 Pangangalap ng Datos


a) Pananaliksik sa laboratoryo – tumutukoy ito sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa
larangan ng agham pangkalikasan. Ang datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng
ginagawang eksperimento.
b) Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at impormasyon –
tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula sa mga doku-mento at babasahing makikita sa
aklatan, artsibo o sinupan, Internet, pribadong koleksiyon, simbahan, munisipyo, museo, at
iba pa.
c) Pananaliksik sa larangan – tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang
paksa. Mahalagang maisaafang-alang sa ganitong lapit ang pakikipagkapuwa ng
mananaliksik sa kaniyang mga kalahok.
A.25 Pamamaraang Obserbasyon
A.26 Talatanunga
Ito ang pinakagamitin at pinakatanggap na metodo sa pangangalap ng datos.
Ayon kay Eugene Lovelace (2000) ang talatanungan ay isang “self-report technique” kung
saan ang isang kalahok ay sinasagot ang isang pangkat ng mga nakatalang tanong.
Ayon naman kay Creswell, ang talatanungan ay isang metodo ng pangangalap ng datos kung
saan ang mga kalahok sa pananaliksik ay may sinasagutang tanungang-papel at agad ding
isinasauli sa mga mananaliksik. Ang talatanungang ito ay naglalaman ng basikong
kaalamanat iba pang demograpikong impormasyon tungkol sa kalahok. Ang talatanungan ay
ginagamit sa mga sumsunod:
 Magsiyasat sa opinion at kaasalan ng isang pangkat
 Makakuha ng mga datos sa mga tao mula iba’t-ibang lugar para sa malawakang pag-
aaral
 Kapag ang mga kalahok sa pag-aaral ay hindi maaaring personal na makita o makausap
ng mananaliksik
 Kapag ang mga datos o masasagot ng kalahok na kakailanganin ay maipaliliwanag sa
pasulat na paraan. May pagkakataon na ang respondente sa pag-aaral ay nasa malayong
lugar at upang maisakatuparan ang pangangalap ng datos,ang ibang mananaliksik ay
gumagamit ng mailed questionnaire at e-mailed questionnaire..
A.26.1 Mga Pamantayan sa Mabisang Talatanungan
1.
A.26.2 Mga Uri ng mga Tanong
Ang talatanungan ay kritikal na bahagi ng pananaliksik,nakasalalay dito ang magiging resulta
ng ginagawang pananaliksik. Halimbawa, kapag hindi naintindihan ng respondente ang
panuto na inilagay, maaari itong makaapekto sa kanyang magiging kasagutan. Narito ang
limang bahagi ng talatanungan na iminungkahi ni Kinnear(1996):
1. Personal na Datos-Naglalaman ng pangalan,tirahan,datos pagkakilanlan ,numerong kontak
ng respondente at iba pa(sangayon sa pangangailangan ng inyong pananaliksik )
2. Kahilingan sa Pagsagot-Naglalahad ito ng paunang salita ng talatanungan Laman nito ang
mga datos hinggil sa isinasagawang Pag-aaral,paghingi ng tulong sa kalahok,layunin ng
Pananaliksik at pangangailangan sa pagtatapos ng isinasagawang pananaliksik.
3. Gabay sa pagsagot-Ang bahaging ito ay naglalaman ng talatanungan ,panuto,kung paano
sasagutin ng kalahok ang talatanungan,sampling plan at iba pang aspekto na ginagamit sa
pangangalap ng datos.
4. Mga Impormasyon-Ito ang bahagi ng kailangan sa talatanungan na nagbibigay ng mga
pangunahing datos sa pananaliksik
5. Klasipikasyon ng Datos-Inilalagay ito sa pagtatapos na bahagi ng talatanungan upang
maipakita ang pagiging kompidensyal ng talatanungan naglalaman ito ng edad,sahod,at
trabahong kalahok.

A.26.3 Mga Bahagi ng Talatanungan


May 2 bahagi ang nilalaman ng talatanungang ginagamit sa pag-aaral
1. Ang pansariling tala (propayl)
2. Ang ikjalawang bahagi ay may walong iba’t-ibang posibleng pananaw ng mga respondente
A.27 Pakikipanayam
 Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may
personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik. May tatlong uri ng pakikipanayam
ang structured, semi-structured at unstructured.

A.27.1 Uri ng Panayam


 Structured interview o nakabalangkas na pakikipanayam kung saan halos eksakto o
tiyak ang pagtatanong gaya ng mga talatanungan na ginamit sa sarbey. Ang kaibahan
nito ay sinasagawa ito ng pasalita at binabasa ng mananaliksik ang mga tanong sa
tagasagot.
 Semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas naman ay
mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam.
Ito’y gumagamit ng mga gabay na tanong upang maging maayos at sistimatiko ang daloy
ng panayam ngunit hindi strikto ang pagsunod dito at nagpapaubaya sa pagpapalalim at
pagpapalawak ng tanong na nagmumula sa impormasyong ibinigay ng kinapanayam.
 Unstructured interview o walang estruktura ito’y naglalayong galugarin ang
nararamdaman ng kalahok tungko sa paksa ng panayam. Maari ding maging paksa ng
panayam ang kuwentong-buhay o partikular na karanasan ng kalahok .
A.27.2 Mga Panuntunan sa Pagsasagawa ng Panayam (Castolo at Sanchez (2004)
1. Susing Katanungan- magsalita tungkol sa iyong sarili
2. Panunod na Katanungan (a)
3. Panunod na Katanungan (b)

B. MGA URI NG PANANALIKSIK


B.1 Dalawang Pangkalahatang anyo ng Pananaliksik
DALAWANG PANGKALAHATANG ANYO NG PANANALIKSIK BATAY SA GAMIT
 Basiko o Batayang Pananaliksik (Theoretical)- may kinalamang batay sa
 Teorya.Isinapraktikang Pananaliksik (Applied)- nagpapakita ito kung paanong magagamit
ang mga natuklasan o kung paanongmaituturo ang metodolohiya.
B.2 Pagtatambis at Paghahambing ni Freeman at Rossi sa Batayan at Isinapraktikang
Pananaliksik
B.2 Pagtatambis at Paghahambing ni Freeman at Rossi sa Batayan at Isinapraktikang
Pananaliksik
B.3 Deskriptib - Sarbey na Pananaliksik
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa
isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Ito rin ay ginagamit sa mga
siyentipikong layunin tulad ng marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina, at
sosyolohiya. Ang katagumpayan nito ay nakabatay sa husay ng pagpilo ng representatib ng
buong populasyon.

B.4 Pangkasaysayang Pananaliksik (Historical Research)


 Layon ng isang pangkasaysayang pananaliksik na ilarawan ang nakaraan o naganap na.
 Nangangalap ng mga datos at impormasyon ang mananaliksik na may kaugnayan sa
nakaraang kalagayan, kaganapan, sistema, mga tao, o kahit sinong institusyon.

B.4.1 Mga Aktibidad na Nararapat Isakatuparan sa Pangkasaysayang Pananaliksik


B.5 Eksperimental na Pananaliksik
Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang kadalisayan
at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at
paksa
binibigyang diin ditto ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Isinasagawa upang Makita
ang bisa ng isang bagay o kaisipang maaaring gamitin sa ating panghinaharap na buhay.
sa isang eksperimental nap ag aaral, ang mananaliksik ay nakakamanipula ahit na isang
malayang baryabol,nakontrol ang iba pang may kaugnayang baryabol at sinusuri ang epekto
sa isa o higt pang di malayang baryabol.

B.6 Case Study


Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang
partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng
pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang
tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.

B.7 Project Feasibility Study


Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong gawain.
C. MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
C.1 Mga Bahagi ng Pananaliksik
A. Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan
a) Panimula
b) Kaligirang Pangkasaysayan
c) Balangkas Teoretikal
d) Balangkas Konseptwal
e) Kahalagahan ng Pag-aaral
f) Saklaw at Limitasyon
g) Katuturan ng mga Salitang Ginamit
B. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
a) Banyagang Pag-aaral
b) Lokal na Pag-aaral
c) Banyagang Literatura
d) Lokal na Literatura
C. Kabanata III: Metodo ng Pananaliksik
a) Pamamaraang Ginamit
b) Populasyon
c) Deskripsyon ng Respondente
d) Instrumento
e) Uri ng Estadistika
D. Kabanata IV: Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos
E. Kabanata V: Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
 
Gawain: Gumawa ng obhektibong (objective assessment) pagtataya para sa mga kamag-aaral
(1-25 - Google Form / quizziz.com

Sanggian:

https://www.academia.edu/31999626/Disenyo_At_Pamamaraan_ng_Pananaliksik

https://pdfcoffee.com/modyul-4-fildis-2020docx-pdf-free.html

https://pdfcoffee.com/modyul-4-fildis-2020docx-pdf-free.html

https://www.academia.edu/36170243/Kwantitatibo_na_Pananaliksik

pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik( Filipino Alinsunod sa k-12 kurikulum ng batayang


edukasyon.
Mga awtor:
1. Roland A. Bernales
2. Maria Elma B. Cordero
3. Jose Sonny N.
4. Gerry G. Abenilla

You might also like