You are on page 1of 1

Marxismo - Ito ay isang kaisipan na pinangalanan pagkatapos ng gawain ng pilosopong Aleman na si Karl

Marx, na pumuna sa sistemang kapitalista. Ang kaisipang ito ay ginagamit ng mga dalubhasa sa
ekonomista at pag-unlad na eksperto upang pag-aralan ang mga patakaran sa ekonomiya at mga plano
sa pag-unlad, lalo na ang epekto nito sa uring panlipunan na "api" o "pinagsamantalahan".

Ang kaisipang ito ay ayon sa pilosopong Aleman na si Karl Marx, na pumuna sa sistema ng
kapitalismo. Pinag-aaralan nito ang mga epekto sa mga manggagawa at iba pang sektor ng mga “api” o
“pinagsamantalahan” ang mga patakaran sa ekonomiya at mga plano sa pag-unalad.

Feminismo – Ang Feminismong kaisipn ay hindi nalalayo sa Marxismo. Samantalang ang pokus ng
Marxismo ay ang pang-aapi o pagsasamantala sa ilang mga klase sa lipunan, ang Feminismo naman ay
ang pang-aapi o pagsasamantala sa isang tukoy na kasarian – ang mga kababaihan.

Mga Tinig Mula sa Ibaba – Ayon kay Maceda (1996), inilalahad ng kaisipang ito na ang mga isyu ng mga
uring panlipunan ay maaari ring marinig nang malinaw mula sa mga kanta maging sa mga pahayag o
saloobin ng ting mula sa ibaba – ang mga ordinaryong Pilipino.

Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas - Sa aklat ni Tolentino (2009), ipinailiwanag ang tatlong hakbang sa


political na kritisismong pampanitikan: ang pag-aaklas bilang impetus sa pagsusuring pangkasaysayan at
panlipunan kung saan ang panitikan ang nagsisilbing koneksyon; ang pagbaklas bilang pagsira sa
naunang porrmalismo at makasentrong-sining na pampanitikang panunuri; at ang pagbagtas bilang
isasng mapagpalayang pag-unawa sa panitikang pangunahing nagtatangi ng makauring pagsusuri.

Gamit ang dulog Marxista, ang isang teksto o pelikilua ay sinusri sa pamamagitan ng pagsasaaalang-
alang at pagtiyak sa mga sumusunod:

1. Uring panlipunan (social class);


2. Paraan ng tunggalian ng mga uring panlipuan;
3. Pgtitiyak kung sino ang mga nang-api at inapi o nagsamantala o pinagsamantalahan;
4. Paraan ng paglalarawan sa mga karakter (bida o kontrabida);
5. Paraan ng pagbanogon ng karakter sa kaapihan o mapagsamantalang sitwasyon;
6. Paraan ng pananamantala ng ibang karakter; at
7. Uri ng panlipuan ang nagtagumpay sa huli

You might also like