You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Balangkas sa Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan sa Maikling Kwento


FIL10 (Maikling Kwento at Nobelang Pilipino)

Pangkat 5
Soria, Ma. Vianney L.
Edora, Deserie P.
Villarubin, Judy Ann U.
Roxas, Jerick
Cortez, Rafael
Agbay, Nadine
BSED 2B FILIPINO

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Balangkas sa Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan sa Maikling Kwento

I. Pamagat
“Maria, Ang Iyong Anak” ni Wilfredo P. Virtusio

Maikling Pagpapakilala sa May Akda


Si Wilfredo Pa. Virtusio ay isinilang sa mag-asawang Dominador Virtusio at Antonina
Pasayan sa Bay, Laguna, noong 13 Mayo 1942. Limang taong gulang si Virtusio nang sila’y
manirahan sa NBP (National Bilibid Prison). Nagtapos siya ng elementarya at sekondarya
sa Muntinlupa.Si Wilfredo P. Virtusio ay isang kilalang manunulat sa Kontemporaryong
Panitikang Pilipino.
Si Wilfrido Pa. Virtuso ay kabataang manunulat na mapagpanalo sa mga timpalak-panitik,
at isa sa maipagmamalaking manunulat ng ka-bikulan sa wikang Pambansa. Bilang
kuwentista at mandudula.

Ang kanyang maikling kuwentong “Bilanggo” at dito sa akdang ito una siyang nakilala at ito
ay nagtamo ng unang gantimpala sa Palanca at nanguna sa taunang pamimili ng Pilipino
Free Press. Ang maikling kwentong ito ay hinggil sa kwento at buhay ng mga taong nasa
piitan.
Nagkamit din ng Balagtas Memorial Awards ukol sa maikling katha noong 1969, siya pa rin
ang pumangalawa sa taunang pamimili ng maikling kuwento ng Liwayway sa nabanggit na
taon.

II. Uri ng Maikling Kwento


Ang kwentong Maria, ang iyong anak na Akda ni Wilfrido Pa Virtuso ay maipapapasok sa
uri ng kwentong Pakikipagsapalaran pagkat sa kwento ay pinili ni maria, na pumasok sa
ilegal na gawain upang sa ganon maibigay ang sapat na pangangailangan ng kanyang anak
na si Jesus at ito'y kanyang mapag-aral at nang sa ganon ay makaahon sa kahirapan.
papasok din sa kwento ay kwentong sikolohiko pagkat pinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Dagdag din ang kwentong ito ay may KARAHASAN pagkat umikot din ang kwento sa
karahasan na dinanas ng kanilang pamilya sa panahon na pinili ni Jose at Jesus na
ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan.
III. Buod/Banghay
Sa maikling kwento ni Wilfredo Virtusio na "Maria, Ang Iyong Anak" ay ginamit ang
persona nina Jesus, Maria at Jose bilang mga tauhan na bumubuo sa isang pamilya noong
kasagsagan ni Marcos. Sa pagsusuri ng akda, pagkamulat ng isang ina ang tema ng "Maria,
Ang Iyong Anak" ni Virtusio. Si Maria ay isang ina na nagbebenta ng kandila sa harap ng
Quiapo upang mapag-aral ang kaniyang anak na si Jesus. Nakatira sila sa looban at nais
niyang mahango si Jesus sa lugar na ito. Mag-isang binuhay ni Maria si Jesus sapagkat ang
asawang si Jose ay biktima ng karahasan. Namatay ang kaniyang asawa noong nagkaroon
ng welga sa kanyang pinagtatrabahuhan at natagpuang lulutang-lutang ang katawan sa
isang estero, basag ang bungo, pinapatay ng Intsik na galit sa kanya dahil siya ang pinuno
ng unyon ng mga manggagawa sa kanilang pabrika. Ang rason ng pagkamatay ng ama ay
ang naghikayat kay Jesus na ipaglaban ang mga tao, na maging pantay-pantay na ang lahat
sa loob ng isang maayos na sistema. Ipinaliwanag ni Jesus ang kaniyang prinsipyo: labanan
ang pang-aapi, ipalaganap ang demokrasya sa lahat, at tapusin ang karahasan ng mga pulis
at politiko.

Napilitang makisosyo ni Maria sa tiwaling pulis para mapaaral lamang ang anak na si Jesus.
Naging kolektor si Maria ng tong ng mga pulis. Dahil sa kagustuhang mapag-aral sa
kolehiyo ang anak niyang si Jesus, ay tinanggap niya ang alok kahit labag sa kanyang
kalooban. Ang anak niyang si Jesus ay naging aktibo sa kilusan. Laman ito ng mga DG at
naging manunuri ng lipunan. Nagwelga rin sila sa Plaza Miranda para labanan ang
reaksiyonaryong simbahan. Nasaksihan ni Maria ang karahasan ng mga pulis sa kabataan.
Sa kaniyang panaginip, pinaliligiran sila ng mga baboy-ramo, lobo, at buwaya. Ito ay ang
sumisimbolo sa kanilang mga kaaway. Sa huli'y matatagpuan niya ang anak na bangkay sa
ilalim ng tulay ng Mendiola. Kahit na namatay si Jesus sa dulo ng kwento, alam niya na
natupad parin niya ang kanyang papel sa kanyang buhay, ang buhay aktibista. Naniniwala
siyang mayroong isa, dalawa, tatlo, apat, lima o sampu na babangon pa upang ipaglaban
ang nakaliyab nang apoy ng pagbabago.

IV. Paksang-Diwa
- umiikot ang buong kwento sa
“Labis na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak” at
“pagsulong ng karapatan at pagbabago kapalit man nito ay pagsasakripisyo ng buhay”.

V. Tagpuan
Quiapo

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
-Dito umikot ang buhay ng mag inang Jesus at Maria. Magmula ng siya ay naging tinder ng
kandila at hanggang sa siya ay napilitang maging taga kolekta ng tong o suhol sa mga
kapwa tindera at makipagsosyo sa ilegal na Gawain upang mapagtapos ng pag-aaral ni
Jesus.
Estero
-sa isang estero natagpuan na palutang lutang ang kanyang ama na si Jose na
pinagmalupitan at pinatay ng Intsik nag alit sa kanya dahil sya umano ang pinuno ng Unyon
ng mga manggagawa ng kanilang pinapasukang pabrika.
Ilalim ng tulay ng Mendiola
-dito natagpuan ang bangkay ni Jesus.

VI. Paglalarawang Tauhan


Maria
-kilala sa pangalan lamang na iyon ng mga tao na nakakakilala sa kanya sa bangketa o sa
mga lansangan.
Kilala sa pagsusuot at pagmamay-ari ng mga bagay na kulay itim tulad ng damit at kanyang
bag na sumasalamin sa kanyang pagkatao.
Jose
-isang ama sa kanyang anak na si Jesus at asawa kay Maria.
Siya ay isang matapang na aktibista at pinuno ng Unyon ng mga manggagawa na
pinaglalaban ang karapatan ng bawat empleyado sa pabrikang kanyang
pinagtatrabahuhan.
Jesus
-nagpakita at nagpamalas ng katapangan at sumunod siya sa adhikain ng kanyang ama
magmula ng siya’y mamulat sa natatapakan at nalalabag na karapatan ng mga tao.
Nagsimula ito ng namatay ang kanyang ama.

VII. Pananaw/Punto de Bista


Ikatlong Panauhan - tinatalakay ng tagapagsalaysay ang kwento sa paraang siya ay labas sa
mga pangyayari ng akda sapagkat ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at
damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng
nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin.

VIII. Istilo at Pagkamasining


Isinulat ito ng may katha na si Wilfredo Virtusio sa paraan na sinimulan ito sa paglalarawan
ng tauhan sa pamamagitan ng simbolismo. Ginamit ng awtor ang kulay itim na sumasagisag
sa pagkatao ni maria, ang pagdadalimhati, hindi magandang trabaho at ang malagim na
karanasan ni Maria. Kapansin-pansin din ang magkasalungat na katangian na mayroon ang
tauhan na sina Maria at ang kanyang anak na si Jesus. Bukod pa rito, gumamit ito ng
mahusay na paglalahad ng mga karanasan upang gisingin ang masidhing damdamin upang
makaugnay at maranasan ng mambabasa ang pangyayaring nagaganap sa kwento.

IX. Bisang Pandamdamin


Ang kwentong ito ay tunay na kapupulutan ng aral kung saan handa mong ipaglaban ang
iyong hangarin upang makamit ang inaasam na pangarap anuman ang mangyari. Sa
kwentong ito makikita ang masidhing damdamin ng mga tauhan batay sa mga
pangyayaring kaganapan sa sitwasyon na kanilang naranasan na siyang gumising sa
natutulog na damdamin ng mga mambabasa. Walang magulang ang makatitiis sa kanyang
anak, gaya na lamang ni Maria na handang pasukin ang anumang trabaho kahit pa ito ay
masama at labag sa batas alan-alang sa kanyang anak na si Jesus upang makapagtapos ng
pag-aaral. Tunay nga na ang kwentong ito ay naghatid ng malaking epekto sa damdamin ng
mga mambabasa sapagkat ako man ay nakaramdam ng matinding emosyon gaya ng
kalungkutan, at kahabagan mula sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni maria.
X. Bisang Pangkaasalan
Ang mga pangyayari sa kwento ay naghatid ng pagbabagong pananaw sa mambabasa
sapagkat ito ay nagpapaalala sa mga tao na mas masarap makamit ang ating pangarap o
mithiin kung ito ay mula sa mabuting paraan. Ipinapaunawa lamang ng kwentong ito na
hindi masama ang ipalaban ang karapatan upang mabago ang bulok na sistema ng
gobyerno kaya ang ginawa ng bida sa kwento na si Jesus ay nakibaka na rin katulad ng
kanyang ama upang maasam ang pagbabago na kanilang nais at magkaroon ng pantay na
pamumuhay sa bawat isa. Gayundin sa kanya ina na si Maria na nagpatuloy sa
pagtatrabaho upang mapag-aral ang kanyang anak.
XI. Bisang Pangkaisipan
Sa kwentong Maria, ang iyong anak ay mga bagay na dapat nating ipaglaban, ipaglaban ang
ating mga karapatan upang makita ng gobyerno na dito tayo pumapayag sa kanilang
ginagawa o kanilang nais gawin sa ating bayan. Sa panahon tayo nakikibaka tayo para sa

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
pagbabago na nais natin para sa bayan, gaya na lamang ng bida sa kwento nakikibaka siya
para sa pagbabago at mawala ang bulok na sistema ng gobyerno.
XII. Implikasyon sa Panlipunan
Sa kwentong ito mahahalintulad natin ang panahon natin ngayon dahil marami sa atin ang
ayaw sa panukala ng gobyerno, kaya sila a nakikibaka o nagwewelga upang makita o
madinig sila ng gobyerno at maasam ang pagbabago at dahil dito ay nagkarooon nga ng
pagbabago, at naging malaya ang lahat. Tulad nung ilegal na trabaho ni Maria ay tunay na
nangyayari sa lipunan at dahil sa hirap ng buhay, lahat ng trabaho ay papasukin masama
man itong paraan ay susuungin upang matugunan lamang ang pangangailangan at makamit
ang maginhawang buhay na inaasam.
XIII. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Sosyolohikal
- nakabantay sa maikling kwento na pinamagatang Maria Ang Iyong Anak lumutang ang
teoryang sosyolohikal sapagkat batay sa estado ng lupunan napalutang sa kwento na ang
pinagugatan ng lahat ay ang kahirapan.

Teoryang Naturalismo
- dahil ipinakita rin sa kwento ang kasalukuyang nangyayari sa paligid ang korapsyonbat
kahirapan ang tiwaling mga pulis na dapat ay nagtatangol sa mamamayan.

Teoryang Feminismo
- dahil umikot ang kwento patungkol kay Maria na isang mapagmahal na ina sa isang anak.

XIV. Kahalagang Pangkatauhan


-Iiwan ka mg lahat ng tao pero hindi ng isang una na labis ang pagmamahal sa anak sa
kabila ng kahirapan ng by bat kahit illegal na trabaho ay papasukin mabigay lang ang
pangangailangan.

Ipinapasa kay: G. Kevin Paul Tabirao

You might also like