You are on page 1of 3

Ang Bistida ni Jane

Isinulat ni John Rafael Cortez

Sa isang masaya at payak na lugar na bayan ng Sta Cruz naninirahan ang mag-ina
na si aling Cora at ang anak niyang si Jane. Si Jane ay isang batang masiyahin na
mahilig sa damit. Isang araw, ang mag-ina ay maagang gumising upang magtungo sa
palengke para mamili ng susuoting damit para sa darating na pasukan. Sinuot ni Jane
ang paborito niyang bistida na regalo pa sa kanya ng kanyang ina noong kanyang
kaarawan ngunit ito ay kupas na ang kulay. Nay! Kupas na po itong aking bistida, baka
po pwede niyo na akong bilhan ng bago hiling ni Jane sa kanyang ina. Maganda pa
naman anak! pagtiyagaan mo muna iyan, hayaan mo ibibili kita sa susunod. Sumakay
ng tricycle ang mag-ina upang makarating sa palengke at pagkarating nila ay makikita
ang mga samu’t saring mga paninda sa palengke na pumukaw sa atensiyon ni Jane.
Nakita ni Cora ang mukha ng kanyang anak kung gaano ito kalungkot sapagkat hindi
niya ito mabilhan ng bagong bistida. “Pasensiya na anak ngunit hindi sapat ang aking
pera para ibili ang iyong bistida, pero hayaan mo at mag-iipon ako upang maibili na kita
ng bistida sa susunod”. Sumagot naman si Jane “Hindi na po kailangan nay,
naiintindihan ko naman po”. Ngumiti si Cora at sinabing “Napakabait mo talaga anak, o
siya anak tayo’y mamili na ng iyong gagamitin sa pagpasok.
Nang dumating na ang araw ng pasukan sabik na sabik si Jane na pumasok at
makilala ang kanyang bagong guro at mga kaklase ngunit habang abalang kumakain at
nakikinig sa radyo ang mag-ina ay biglang ibinalita na may isang nakakahawang sakit
na tinatawag na Covid-19, na nagmula sa bansang Wuhan-China. At ito’y kumalat narin
sa iba pang bansa, at hanggang ito ay umabot na sa kanilang bayan. Kaya naman laking
takot ang naramdaman ng mag-ina sa pangyayaring ito. “Nay, kailangan nating
mamalengke at bumili ng mga kakailanganin natin” ani Jane bakas sa boses nito ang
takot. “Oo nga anak, sandali at maghahanda lamang ako upang makapunta na tayo sa
palengke” wika ng kanyang ina. Dali-daling naligo at nagbihis ang mag-ina at agad na
nagtungo sa palengke upang mamili ng kakailanganin nila. Habang namamalengke ang
mag-ina ay nakita ulit ni Jane ang gustong gusto niyang bistida nais niyang ipabili sa
kanyang ina, ngunit naisip niya na hindi naman nila ito kakailanganin kaya
ipinagsawalang bahala na lang niya ito. Nakita ito ng kanyang ina, kaya tiningnan niya
din kung saan ito nakatitig at nakitang ito ay ang bistidang nais ng kanyang anak.
Kinabukasan, ipinamalita ng kanilang barangay na magkakaroon ng community
quarantine sa kanilang bayan para narin sa kanilang kaligtasan. Malungkot si Jane nang
kanyang marinig ang balitang ito sapagkat hindi na siya makakalabas ng bahay at hindi
narin siya makakapunta ng palengke upang mabili ang bistidang nais niya kasama ang
kanyang ina. Napansin ni Cora ang kalungkutan ng kanyang anak kaya nilapitan niya ito
at sinabing “Anak…” tawag niya dito, Tumingin naman si Jane sa kanyang ina. “Huwag
kang mag-alala, mawawala din ang sakit na ito basta’t magtiwala lang tayo sa
Panginoon” pagpapatuloy ng ina. Ngumiti naman ang kanyang anak at sinabing “Sana
nga po nay” ang dasal ng mag-ina sa Panginoon na sana ay mawala na ang sakit na ito.
Ngunit pagkaraan ng ilang linggo ay naubos na ang mga pagkain na kanilang
pinamili. Kaya naman nagpasya si Cora na magtrabaho kahit pa na sa kalagitnaan ng
pandemya. Siya ay namasukan bilang dyanitor sa isang ospital, mahirap man ito para sa
kanya ay tiniis niya hirap para lamang matustusan ang kanilang pangangailangan
gayundin upang mabili ang nais na bistida ng kanyang anak. Kinagabihan pagod na
pagod na umuwi si Cora sa kanilang tahanan at siya ay sinalubong ng kanyang anak na
si Jane. “O inay narito kana pala, kumusta po ang trabaho nay? Wika ni Jane. Ah
maayos naman anak, ito medyo pagod lang, umuubong wika ni Cora. Okay lang po ba
kayo inay? Tanong ni Jane. Oo anak maayos ako, huwag mo akong alalahanin wika ng
ina. Nako nay! mukhang malala na yang ubo niyo, magpatingin na kaya tayo sa doktor?
ani Jane. Nako anak gastos lang yan, ipapahinga ko na lamang ito pagod lang siguro sa
trabaho tugon ni Cora.
Kinaumagahan, tiningnan ni Jane ang kanyang ina kung maayos na ang
kalagayan nito ngunit ng hipuin nito ang noo ay lubhang napakainit. Nako nay! ang init
po ninyo. Magpatingin na po kaya tayo sa doktor, wika ni Jane. Pumayag naman ang ina
na magtungo sa ospital at sa hindi inaasahang pangyayari ay nagpositibo sa covid 19 si
Cora. Dok? Gagaling pa po ba si nanay sa sakit na ito? tanong ni Jane. Yan ang hindi ko
masasagot sapagkat wala pang lunas sa sakit na ito, ipagdasal mo na lamang na sana ay
gumaling ang iyong ina, tugon ng doktor. Mataimtim na nagdasal si Jane at hinihiling sa
Panginoon na pagalingin ang kaniyang ina. Dahil wala naman silang sapat na pera para
tustusan ang gamot ng kanyang ina gayundin ang mga gastusin sa ospital ay napilitan
siyang mamalimos sa bangketa kasama ng mga batang palaboy dahil wala pa itong
kakayahan na magtrabaho. Habang nag-aanaty na may mag hulog ng barya sa kanyang
lata ay napansin ni Jane ang pitakang kulay itim na nasa daan kaya agad niya itong
kinuha at tiningnan kung mayroong laman. Nakita niya ang lilibuhing mga pera sa
pitaka kaya napaisip ito kung magtutungo siya sa palengke para bilhin ang nais niyang
bistida o kaya’y magtutungo sa mga pulis para ipagbigay alam ang nahulog na pitaka sa
daan o kaya’y kukunin ang pitakang naglalaman ng pera para matustusan ang pambili
ng gamot ng kanyang ina at gastusin sa ospital. Lumipas ang ilang saglit at minabuti
niyang ipagbigay alam sa pulis ang pitakang nahulog sa daan sapagkat naalala niya ang
sinabi ng kanyang ina na huwag itong magnanakaw lalo’t hindi mo ito pagmamay-ari.
Gayunpaman, labis na nalulungkot si Jane sapagkat maliit lamang ang kanyang perang
kinita mula sa pamamalimos.
Agad siyang nagtungo sa ospital upang kumustahin ang kalagayan ng kanyang
ina. Ngunit hindi na niya ito naabutang buhay at hindi man lang nakausap ng isang
saglit sapagkat hindi na niya nakayanan pang lumaban sa sakit. Tila nabunutan ng tinik
sa dibdib si Jane nang makita ni Jane ang kanyang ina na wala ng buhay. Labis na
nagdadalamhati si Jane sa pangyayaring ito at hindi niya matanggap na wala na ang
kanyang ina. Gulong-gulo ang kanyang isip at tila hindi na alam ang gagawin. Labis ang
pagsisisi ni Jane dahil sa kanyang kagustuhan na mabili ng kanyang ina ang bistida na
nais nito. “Sana hindi ko na lamang ipinilit ang aking gusto, sana hindi ko na lamang
pinabili kay nanay ang bistida na gustong gusto ko para hindi na siya nagtrabaho at
nagkasakit, sambit ni Jane.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating na rin ang pinakahihintay ni Jane ang
mawala na ang sakit na Covid 19. Nagtungo siya sa palengke kasama ang kanyang lola
upang bilhin ang gusto niyang bistida mula sa naipon niyang pera sa pamamalimos.
Binili niya ito sapagkat parati niyang naaalala ang kanyang ina sa tuwing nakikita nito
ang bistida na pumykaw sa kanyang pansin. Masayang umiiyak si Jane ng suotin ang
bistidang kay tagal niyang nais bilhin.

Gintong Aral
• Unawain ang sitwasyon at huwag magtanim ng galit sa ina.
• Huwag magnanakaw ng bagay na hindi sa iyo.
• Mahalin at pahalagahan mo ang iyong ina o mahal sa buhay hangga’t sila ay
naririto at buhay.
• Nasa huli ang pagsisisi

You might also like